You are on page 1of 1

BANGHAY ARALIN SA EsP 4

DLP No.: 14 Asignatura: EsP Baitang: 4 Markahan: 3 Oras: 30 minuto


Mga Kasanayan Naipagmamalaki/napahahalagahan ang nasuring kultura ng iba’t ibang pangkat Code:
etniko tulad ng kuwentong-bayan, katutubong sayaw, awit, laro at iba pa EsP4PPP-IIIc-d-20
Susi ng Iba-iba ang kultura ng bawat rehiyon at bawat pangkat etniko. Makikita ito sa mga katutubong kasuotan,
Pag-unawa na kuwentong bayan, sayaw, awit, laro, at iba pa. Ito ay nagpasalin-salin na mula pa sa mga ninuno. Hindi ito
Lilinangin dapat mawala dahil sa nagbabagong panahon. Ito ay kaluluwa ng ating lahi na hindi dapat mapahiwalay
at makalimutan dahil ito ang nagpapatunay ng ating pagiging makabansa.

1. Mga Layunin
Kaalaman Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagpapanatili ng nakagisnang kultura
Kasanayan Nakabubuo ng tsart tungkol sa kultura ng pangkat etnikong kinabibilangan
Kaasalan Nakakasulat ng saloobin ukol pagpapahalaga at pagpapanatili ng mga kinagisnang kultura
Kahalagahan Nasasabi ang mga gawain para mapanatili ang kinagisnang kultura
2. Nilalaman Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang Malaman (Aralin 4, Isagawa Natin)
3. Mga Kagamitan ng Mag-aaral
Kagamitang
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
Panimulang A. Pagtsek ng Takdang-aralin
Gawain B. Pag-usapan muli ang kuwentong binasa kahapon na ang pamagat ay “Maipagmamalaking T’boli si
(4 minuto) Tatay!”

Mga Gawain/ Ipakuha ang Kagamitan ng Mag-aaral at pabuksan ito sa pahina 211-212. Ipagawa ang Gawain 1 at
Estratehiya ipasulat ang sagot sa kanilang kuwaderno.
(5 minuto) Panuto: Sumulat ng saloobin ukol sa pagpapahalaga at pagpapanatili ng mga kinagisnang kultura.

Pagsusuri Tumawag ng ilang mag-aaral upang basahin sa harap ng klase ang kanilang mga sagot.
(3 minuto)
Pagtatalakay Sabihin: Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng isang pangkat o komunidad na
(5 minuto) masasalamin sa kanilang gawi (folkways), pamantayan ng tamang pagkilos o pakikipag-ugnayan (norms),
mga pagpapahalaga (values) at kaugalian (attitudes). Kabilang din dito ang mga materyal na aspekto ng
kultura tulad ng mga kagamitan, imbensyon, pananamit, libangan, sining at panitikan. Ito ang nagsisilbing
batayan ng pagkakakilanlan (identity) at kamalayan (consciousness) ng isang kasapi ng pangkat.

Paglalapat Itanong: Paano mo maipagmamalaki at pahahalagahan ang ating mga kultura?


(3 minuto)
5. Pagtataya (6 minuto)
Pasulit Ipasagot ang Gawain 2 sa Kagamitan ng Mag-aaral,pahina 212.
Panuto: Mula sa napakinggang sanaysay, buuin ang tsart ng mga alam mong maipagmamalaking kultura
ng pangkat etnikong kinabibilangan mo.

6. Takdang Aralin (2 minuto)


Pagpalinang/ Panuto: Sumulat ng mga kakaibang kultura ng sarili nating pangkat na dapat nating ipagmalaki sa ibang
Pagpapa-unlad pangkat etniko.
sa kasalukuyang
aralin
7. Paglalagom/ Sabihin:
Panapos na Iba-iba ang kultura ng bawat rehiyon at bawat pangkat etniko. Makikita ito sa mga katutubong kasuotan,
Gawain kuwentong bayan, sayaw, awit, laro, at iba pa. Ito ay nagpasalin-salin na mula pa sa mga ninuno. Hindi ito
(2 minuto) dapat mawala dahil sa nagbabagong panahon. Ito ay kaluluwa ng ating lahi na hindi dapat mapahiwalay
at makalimutan dahil ito ang nagpapatunay ng ating pagiging makabansa.

Inihanda ni:
Pangalan: Menche M. Oporto Paaralan: Sta.Rosa Integrated School
Posisyon/ Designasyon: Teacher 1 Sangay: Danao City
Contact Number: 09223567254 Email address: menche.oporto@deped.gov.ph

You might also like