You are on page 1of 9

4. Barnis (Varnish) Ang barnis ay malinaw (transparent) na panapos na galing sa gums, linseed oil, at resins.

Ito ay matigas at makintab kapag natuyo sa kahoy. Higit na gaganda ang proyektong kahoy kung

ito ay makakatam, makakaskas, at maliliha nang mabuti bago ito barnisan ng dalawang ulit. Ang barnis ay malawakang ginagamit sa industriya ng muwebles at upholstery.

5. Enamel Ang enamel ay isang uri ng barnis ngunit may kulay. Ang mga pinulbos na kulay (pigments) ay pinaghaluhalo sa barnis. Ito ay mabibili sa ibat ibang kulay gaya ng berde, dilaw,

pula, at asul. Ang enamel ay ginagamit sa pagbabarnis ng kahoy na di gaanong nalalantad sa element ng kalikasan, sapagkat madali itong kumupas. Dalawang Uri ng Enamel

a. Gloss enamel nagbibigay ng kintab at magandang kulay sa kahoy b. Non-gloss enamel- walang kintab ngunit magandang kulay lamang

6. Lacquer Ang lacquer ay isa ring uri ng barnis na gawa mula sa tinunaw na cotton tinters at gum sa kemikal. Tulad ng enamel ang lacquer ay may ibat ibang ring kulay.

Piliin sa loob ng panklong ang nararapat gamitin sa mga sumusunod na kasanayan. Salungguhitan ang sagot. 1. Pagsusukat ng kahoy (medida metro, pisi, gauge)

2. Pagpuputol ng kahoy (gunting, katam, lagari, gunting pangyero) 3. Pagpapakinis ng kahoy (lagari, paet, sinsil, katam)

4. Pagpupukpok ng kahoy (pako, martilyo, bareta, pala) 5. Karaniwang panapos ng kahoy (lacquer, pintura, mantsa, fillers)

You might also like