You are on page 1of 12

Mga Kagamitan Sa

Pagsusukat
Eskwalang Asero
Ito ay ginagamit sa
pagsusukat sa malalaki at
malalapad na gilid ng
isang bagay. Halimbawa,
gilid ng kahoy, lapad ng
tela, lapad ng lamesa, at
iba pa.
Zigzag Rule
Ito ay kasangkapang yari sa
kahoy na ang haba ay umaabot
ng anim na piye at panukat ng
mahahabang bagay.
Halimbawa, pagsusukat ng
haba at lapad ng
bintana,pintuan at iba pa.
Meter Stick
Ito ay karaniwang
ginagamit ng mga
mananahi, sa pagsususkat
para sa paggawa ng
pattern at kapag
nagpuputol ng tela
Push-Pull Rule
Ang kasangkapang ito ay yari
sa metal at awtomatiko na may
haba na dalawampu’t limang
(25) pulgada hanggang isang
daang daang talampakan na
may gradasyon sa magkabilang
tabi, ang isa ay nasa pulgada at
ang isa ay nasa metro
Protraktor
Ang kasangkapang ito ay
ginagamit sa pagkuha ng
mga digri kapag ikaw ay
gumagawa ng mga anggulo
sa iginuguhit na linya.
Ruler
Ito ay ginagamit sa
pagsususkat sa paggawa
ng mga linya sa drowing at
iba pang maliliit na
Gawain na
nangangailangan ng sukat.
T-Square
Ito ay ginagamit sa pagsusukat
ng mahahabang linya kapag
nagd drowing. Ginagamit din
ito na gabay sa pagguhit ng
mga linya sa mga drowing na
gagawin
Tape Measure
Ang kasangkapang ito ay
ginagamit sa pagsusukat ng
mga mananahi. Ito ay
ginagamit nila sa pagsususkat
ng mga bahagi ng katawan
kapag tayo ay nagpapatahi ng
damit, pantalon, paldo, barong,
gown at iba pa.
Gawain:
Si Nena ay nagpatahi ng magarbong damit para
sa kanyang kaarawan. Pumunta siya sa isang
mamahi at nagpasukat. Anong panukat kaya ang
ginamit ng mananahi?

Naatasang gumuhit ng isang parisukat si Roger


na may sukat na 5 pulgada ang bawat sulok. Ano
ang kanyang dapat gamitin?
Gawain:
Kinailangan ni Mang Landon a gumawa ng
mataas na pader sa kanilang bakuran.
Kinakailangan niyang sukatin ang taas nito na
dapat ay maging kasing taas ng kanilang
bubongan. Ano ang Dapat niyang gamitin
nakagamitan?
Gawain:
Gumagawa ng lamesa si Mang Iko na isang
karpintero. Kailangan niyang sukatin ang gilid
ng lamesa na kaniyang ginagawa. Siya ay
kailangang gumamit ng?

Sinusukat ni Onang ang digri ng isang tatsulok,


anong kagamitan ang kanyang gagamitin?

You might also like