You are on page 1of 3

Banghay – Aralin sa ESP – 4

Petsa: Ika-26 ng Pebrero, 2019


Oras: 2:30-3:00 ng hapon
Laang Minuto: 30 Minuto

I-Layunin:
Napangangalagaan ang mga halaman sa ating kapaligiran bilang pagpapakita ng
pagpapahalaga sa likha ng Diyos na may buhay

II-Paksang-Aralin:
A. Paksa: “Halamanan sa Kapaligiran, Presensiya ng Pagmamahal ng Maykapal”
B. Sanggunian: Kagamitan ng Mag-aaral (ESP), pahina, 309-311
Patnubay ng Guro (ESP), pahina 192-194
C. Kagamitan: powerpoint presentation, kartolina, lapis, krayola
D. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Likha ng Diyos, Pag-asa

III-Mga Proseso sa Pagkatuto:

A. Balik-Aral:
Paano ninyo pahalagahan o kalingain ang mga ligaw na hayop at endangered animals?
B. Pagganyak:
1. Magpakita ng larawan sa klase.
2. Sabihin ito: “Alam ba ninyo na sa panahon natin ngayon ang pagkakaroon ng
luntiang kapaligiran ay tila imahinasyon na lamang. Naniniwala ba kayo sa pahayag na
ito? Ang pagsasaluntian ng kapaligiran ay pagtatanim ng mga halaman o punongkahoy
upang madagdagan o mapalitan ang mga nabuwal na puno’t halaman. Naipakikita ang
pagmamahal sa Poong Maykapal kung pinahahalagahan at pinangangalagaan ang mga
ito. Alamin kung paano natin ito gagawin.”

C. Paglalahad:
1. Pangkatin ang klase sa lima. Hayaang pumili ang bawat pangkat ng lider at
taga-ulat.
2. Papipiliin ang bawat pangkat ng iguguhit na larawan.
a. Pagtatanim ng halaman o gulay sa paso
b. Pagdidilig ng mga halamang bagong tanim
c. Paggawa ng mga kampanyang humihikayat sa pagtatanim
d. Mga batang sama-samang nililinis ang paligid ng mga tanim
e. Pagtatanim ng mga punong-kahoy bilang kapalit sa mga pinutol na puno
3. Sabihin ang panuntunan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain.
4. Pagkatapos ng laang oras sa bawat pangkat, hayaang ipakita at iulat sa harap
ng klase ang kanilang ginawa.
D. Pagtatalakay:
Talakayin ang mga dapat gawin upang mapangalagaan ang mga halaman sa
ating kapaligiran.
E. Paglalahat:
Himukin ang klase na ibuod at ibigay ang kanilang nalalaman tungkol sa
pangangalaga sa mga halaman at kung paano ang mga ito pahahalagahan.
F. Paglalapat
Isulat sa loob ng puso ang nararamdaman mo sa sumusunod na sitwasyon.

1. Sa mga malulusog at namumungang gulayan sa


aming bakuran, ang aking nararamdaman ay . . .

2. Sa mga natutuyo at namamatay na mga halaman,


ang aking nararamdaman ay . . .

3. Sa pagkawala ng mga puno sa kabundukan na


naging dahilan ng kawalan ng tirahan ng mga
hayop, ang aking nararamdaman ay . . .
G. Pormatibong Pagtataya:

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek (√) ang patlang
kung ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pangangalaga sa ating mga
halaman sa kapaligiran at (x) kung hindi.

_______ 1. Pagtatanim ng mga gulay sa likod–bahay.

_______ 2. Paglalagay ng kawayang bakod sa mga bagong tanim na puno at


halaman.
_______ 3. Pagsasawalang-bahala sa mga hayop na kumakain ng bagong tanim na
halaman.
_______ 4. Pagdidilig ng mga bagong tanim na halaman.

_______ 5. Pagpipitas ng mga bulaklak at paglalaro sa mga ito.

H. Pagpapahusay sa Gawain:
Gawin ang Gawain 1 sa inyong batayang aklat na nasa pahina 311.
Itala ang maaari mong gawin upang makatulong ka sa pagpapalago at pagbibigay
ng pagpapahalaga sa mga halaman. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Inihanda ni:

ANALYN GRACE O. TIO


Process Observer: Teacher – I

LINA T. VILLAMOR
School Principal - I

You might also like