You are on page 1of 6

Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 4

W6 Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Mga Programa ng Pamahalaan tungkol sa pangkapayapaan at pang-


ekonomiya.
II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa pangkapayapaan at
COMPETENCIES (MELCs) pang-ekonomiya.
III. CONTENT/CORE CONTENT Naiisa-isa ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa pangkapayapaan at
pang-ekonomiya.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction Sa araling ito ay iyong matututunan ang mga programa ng pamahalaan
Panimula tungkol sa pangkapayapaan at pang-ekonomiya.
Kaya bilang mag-aaral inaasahang:
1. Nakapagbibigay ng mga programang pangkapayapaan at pang-
ekonomiya
2. Naiisa-isa ang mga paraan na pagtataguyod ng ekonomiya ng
bansa
3. Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa
pangkapayapaan at pang-ekonomiya
4. Napahahalagahan ang mga programang pangkapayapaan at
pang-ekonomiya ng pamahalaan
Maaari mong mapanood ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa
kapayapaan at ekonomiya sa YouTube link na ito
https://m.youtube.com/watch?v=h_qNEp41cUA
Sanggunian:
Chargonies Kulot. (2021 January 23). Araling Panlipunan 4 Q3 W6 Mga
Programa ng Pamahalaan Partikular sa Pangkapayapaan at Pang-
ekonomiya. YouTube. https://m.youtube.com/watch?v=h_qNEp41cUA

Kung wala ka naming akses sa internet maaari mong basahin ang tekstong
kalakip ng LeaP na ibinigay ng guro. Maaari mo rin mabasa ito sa Araling
Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Ikaapat na Baitang pahina 284-290
Unang Edisyon 2015.
Mga Programang Pangkapayapaan
Ang kapayapaan ay nararanasan sa isang komunidad kung ang mga
kasapi nito ay nagkakaunawaan at nagkakaisa ng mithiin. Mayroong mga
ahensiya ang pamahalaan na nagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng
mga mamamayan.
Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines (AFP)
ay ang pangunahing lakas tagapagtanggol ng bansa. Tungkulin nitong
ipagtanggol ang bansa laban sa dayuhang mananakop, mga taong nais
mang-agaw ng kapangyarihan ng bansa, at sila ang tumutulong sa mga
mamamayan sa oras ng sakuna. Binubuo ito ng Hukbong Katihan (Army),
Hukbong Himapapawid (Air Force), Hukbong Dagat (Navy), at Tanod
Baybayin (Coast Guard). Ang tungkulin ng Kagawaran ng Tanggulan ng Bansa
o Department of National Defense (DND) ay ipagtanggol ang bansa laban sa
panlabas at panloob na banta sa teritoryal na integridad at soberanya,
upang makalikha ng isang ligtas at matatag na kapaligiran na kaaya-aya sa
pambansang kaunlaran. Pinangangasiwaan ng mga Lokal na Pamahalaan o
Local Government Unit (LGU) ang lokal na pamahalaan sa 81 na lalawigan,
144 na lungsod, at 42, 028 na mga barangay sa buong bansa. Ang mga
opisyal ng LGU ay responsable sa pagbibigay ng direkta at pangunahing
serbisyo sa mga tao at tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa pamayanan.
Tumutulong ang mga lokal na pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
sa kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga
ordinansa. Ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas o Philippine National Police
(PNP) ay ang lakas ng hanay ng kapulisan ng bansa. Sila ang kaakibat ng mga
lokal na pamahalaan sa pagsugpo sa mga krimen at sa paghuli sa mga taong
lumalabag sa batas. Katulong rin sila sa pagpapatupad ng batas trapiko.
Nagpapatupad din ang pamahalaan ng mga programang
pangkapayapaan para sa kaligtasan at upang maiangat ang kalagayan
pang-ekonomiya ng mga kasapi ng komunidad. Isa na rito ang Payapa at
Masaganang Pamayanan (PAMANA). Ang PAMANA ay isang programa sa
kapayapaan at pag-unlad sa mga lugar na apektado ng kaguluhan at mga
lugar na sakop ng umiiral na mga kasunduang kapayapaan. Layunin ng
programang ito na mapaunlad ang kabuhayan at makapagtrabaho sa mga
lugar na may kaguluhan; palakasin ang kakayahan ng lokal na pamunuan
upang maisulong nito ang mga plano at programa sa kapayapaan; at
paghikayat sa mga mamamayan na makiisa sa pagsulong ng kapayapaan
at kaunlaran ng kanilang komunidad. Ang mga pamayanan na nakakaranas
ng armadong tunggalian ay madalas sa mga pinakamahirap sa bansa. Bilang
tugon, ang gobyerno ay walang tigil sa paghahanap ng kapayapaan sa
pamamagitan ng mga peace building initiatives kagaya ng usapang
pangkapayapaan (peace talks) at kasunduan sa kapayapaan (peace
agreements) sa mga rebelde at iba pang grupo na sumasalungat sa
pamahalaan.
Mga Sanggunian:
Adriano, MC, Caampued, M, et. al. (2015). Araling Panlipunan – Ikaapat na
Baitang Kagamitang ng Mag-aaral. (Unang Edisyon), 284-297.
Adriano, MC, Caampued, M, et. al. (2015). Araling Panlipunan – Ikaapat na
Baitang Patnubay ng Guro. (Unang Edisyon), 125-134, 141.
Department of National Defense. (n.d.). The Department.
https://www.dnd.gov.ph/PageContents/Title/The%20Department?type=Page
Official Gazette. (2012 August 22). Local Government Units.
https://www.officialgazette.gov.ph/section/briefing-room/local-government-
units/
Philippine National Police. (n.d.). About Us.
https://www.pnp.gov.ph/index.php/about-us
National Economic and Development Authority. (2017). Chapter 17: Attaining
Just and Lasting Peace. Philippine Development Plan 2017-2022. 259-267.
http://pdp.neda.gov.ph/wp-content/uploads/2017/01/17-04-24-2017.pdf
National Economic and Development Authority. (2017). Chapter 18: Ensuring
Security, Public Order, and Safety Philippine Development Plan 2017-2022. 271-
279. http://pdp.neda.gov.ph/wp-content/uploads/2017/01/18-06-06-2017.pdf

Mga Programang Pang-ekonomiya


Ang ekonomiya ay sitwasyong pangkabuhayan ng isang bansa. Ang
pamahalaan ay mayroong mga patakarang pangekonomiya na nagsisilbing
gabay sa pagtataguyod ng mga programang pangkaunlaran ng bansa.
Ang agrikultura ay isa sa mahahalagang industriya sa bansa. Binubuo ito
ng panggugubat (forestry), pag-aani (crop production), pagsasaka ng hayop
(livestock farming), at pangingisda (fisheries). Kaya naman bilang
pagpapaunlad ng sektor na ito, binibigyan ng suporta ang mga magsasaka
gaya ng pagtuturo at pagsasanay hinggil sa makabagong mga paraan sa
pagsasaka. Naging malaki ang tulong ng Comprehensive Agrarian Reform
(CARP) sa mga magsasaka. Ang layunin ng CARP ay mabigyan ang mga
magsasaka ng sarili nilang lupang sasakahin at sisinupin. May dalawang
mahalagang tugon ang pamahalaan para sa pangangalaga ng kagubatan.
Ang una ay ang reforestation o ang muling pagtatanim sa mga lugar na
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
pinuputulan ng puno. At ang ikalawa ay ang pagbabawal ng mga trosong
panluwas.
Upang mapaunlad ang sektor ng pangingisda nagkakaloob ang
pamahalaan ng mga programa tulad ng mga pagsasanay para sa wastong
pangangalaga at pagpapalaki ng mga fingerling, at pagpapautang ng
puhunan kaugnay ng mga negosyo. Ang kabundukan ng Pilipinas ay sagana
sa iba’t ibang uri ng mineral. Ngunit ang paglinang dito ay hindi ganap. upang
mapaunlad ito, binigyan ng pamahalaan ng permiso ang ilang korporasyong
pag-aari ng dayuhan na mamuhunan sa paglinang ng mga mineral sa bansa.
Upang maging ganap ang partisipasyon ng mamamayan sa pagtugon sa
pambansang ekonomiya, hinihikayat ng pamahalaan ang pagtatayo ng
mga korporasyon, kooperatiba, samahan, at mga negosyong pag-aari ng
pribadong mamamayan.
Ang pagkakaroon ng monopolyo ay iniiwasan ng pamahalaan dahil
naghahatid ito ng hindi makatarungang kompetisyon. Ang monopolyo ay
isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan ang pagkontrol at
pagtustos ng iisang kompanya ng isang uri ng produkto. Ang lingkurang-
bayan ay mga pampublikong pasilidad na bukas sa sinumang mamamayan
ng bansa na may kaalaman at kakayahang magpatakbo ng negosyo. Ang
ganitong patakaran sa pangangalakal ay nakasaad sa Saligang Batas ng
Pilipinas bilang proteksiyon sa mga Pilipinong mangangalakal.

Mga Sanggunian:
Adriano, MC, Caampued, M, et. al. (2015). Araling Panlipunan – Ikaapat na
Baitang Kagamitang ng Mag-aaral. (Unang Edisyon), 284-297.
Adriano, MC, Caampued, M, et. al. (2015). Araling Panlipunan – Ikaapat na
Baitang Patnubay ng Guro. (Unang Edisyon), 125-134, 141.
Statista. (2020 December 10). Agriculture Industry in the Philippines – Statistics
& Facts. https://www.statista.com/topics/5744/agriculture-industry-in-the-
philippines/
Wikipedia, ang malayang ensiklopedya. (2020 February 5). Monopolyo.
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Monopolyo

Mga Tanong:
1. Ano ano ang mga programa ng pamahalaan na tumutugon sa
pangkapayapaan at pang-ekonomiya?
2. Matutukoy mo ba ang mga ahensiyang may kaugnayan sa mga
programang ito?
3. Magbigay ng mga halimbawa sa bawat programa ng pamahalaan
para sa pang-ekonomiya.
4. Ano ang kahalagahan ng programang pangkapayapaan at pang-
ekonomiya ng pamahalaan?
B. Development Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Pagpapaunlad Panuto: Magbigay ng halimbawa ng mga programang pangkapayapaan na
ipinatutupad ng sumusunod na mga ahensiya at programa. Kopyahin ang
tsart at isulat ang sagot sa malinis na papel.
Ahensiya/Programa Programang Pangkapayapaan
1. Lokal na Pamahalaan
2. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
3. Pambansang Pulisya ng Pilipinas
4. Payapa at Masaganang
Pamayanan
5. Kagawaran ng Tanggulang
Pambansa
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Panuto: Suriing mabuti ang mga pangungausap. Isulat ang titik T kung tama
at M naman kung mali.
1. Upang mabawasan ang kahirapan ang ating pamahalaan ay
nagkaloob ng maraming trabaho.
2. Ang pagpapataas ng antas ng agrikultura ay nagbibigay ng
maraming hanapbuhay.
3. Ang moderno at makabagong teknolohiya at imprastraktura ay
isang paraan upang mapabilis ang pag-unlad ng bansa.
4. Nagbibigay ng suporta ang pamahalaan sa mga magsasaka
5. Ang pagpuputol ng mga puno sa kagubatan nang walang
pahintulot ng pamahalaan

C. Engagement Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Pakikipagpalihan Panuto: Isulat ang mga salitang tinutukoy sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon.
CARP Reforestation Monopolyo
Pagpapaunlad ng Lingkurang Bayan
Paghikayat ng mga Pribadong Negosyo
Pagbabawal ng trosong panluwas

1. Batas na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang


mga magsasaka na magkaroon ng sariling lupang
Sakahan.
2. Muling pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong
Kagubatan.
3. Iisang kompanya lamang ang may kontrol sa
pagtustos ng isang uri ng produkto.
4. Mga pasilidad sa transportasyon at komunikasyon
gaya ng telepono at barko.
5. Pangkat ng tao na binigyan ng pamahalaan ng
permiso na magkaroon at mamahala ng Negosyo.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


Panuto: Magbigay ng tatlong (3) programang pangkapayapaan na
ipanatutupad sa inyong komunidad o barangay. Ano ang epeko nito sa
nasasakupan? Ipaliwanag. Isulat ang sagot sa malinis na papel.
Programang Epekto Paliwanag
Pangkapayapaan

D. Assimilation Nalaman ko na ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa


Paglalapat pangkapayapaan at pag-ekonomiya, kaya naman bilang mag-aaral ako ay
makikiisa sa mga programang ito upang makatulong sa pag-unlad ng ating
bansa.
V. ASSESSMENT Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
(Learning Activity Sheets for Panuto: Lagyan ng markang tsek (  ) kung nakatutulong sa pagpapanatili ng
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on Weeks
kapayapaan at ekis (  ) naman kung hindi. Isulat sa malinis na papel ang
3 and 6) sagot.
1. Pagpapatupad ng mga polisiya hinggil sa kapayapaan
2. Pakikipagsabwatan sa mga magnanakaw
3. Pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga kababaihan sa
pamamagitan ng pananahi at pagtitinda
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
4. Kaguluhan sa pagitan ng mga hukbong-pandagat at
banyagang mangingisda sa loob at labas ng dagat ng Pilipinas
5. Paglalagay ng mga ilaw-trapiko sa malalaking kalye.

VI. REFLECTION Matapos mong mapagdaanan ang maraming pagsubok sa iyong kaalaman,
gawin ito upang maging ganap ang pagkatuto sa aralin.
Ang paksa ng aralin ay tungkol sa

Ang kahalagahan ng araling ito ay

Prepared by: Josephine V. Garcia Checked by: Jean Danga

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay
sa iyong pagpili.

- Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa paggawa nito. Higit na nakatulong ang
gawain upang matutunan ko ang aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong
ang gawain upang matutunan ko ang aralin.
- Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang
hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko
ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa LP Gawain sa LP Gawain sa LP


Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5
Bilang 2 Bilang 4

Susi sa Pagwawasto

B. Development (Pagpapaunlad)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Ahensiya/Programa Programang Pangkapayapaan
1. Lokal na Pamahalaan pagpapatupad ng mga ordinansang pangkapayapaan
2. Sandatahang Lakas ng Pilipinas ipagtanggol ang bansa laban sa dayuhang mananakop, mga
taong nais mang-agaw ng kapangyarihan ng bansa
3. Pambansang Pulisiya ng Pilipinas pagsugpo sa mga krimen at sa paghuli sa mga taong
lumalabag sa batas
4. Payapa at Masaganang mapaunlad ang kabuhayan at makapagtrabaho sa mga lugar
Pamayanan (PAMANA) na may kaguluhanl; palakasin ang kakayahan ng lokal na
pamunuaan upang maisulong nito ang mga plano at
programa sa kapayapaan; at paghikayat sa mga
mamamayan na makiisa sa pagsulong ng kapayapaan at
kaunlaran ng kanilang komunidad
5. Kagawaran ng Tanggulang ipagtanggol ang bansa laban sa panlabas at panloob na
Pambansa banta sa teritoryal na integridad at soberanya
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
1. T
2. T
3. T
4. T
5. M

C. Engagement (Pakikipaglihan)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
1. CARP
2. Reforestation
3. Monopolyo
4. Pagpapaunlad ng lingkurang bayan
5. Paghihikayat ng mga pribadong negosyo

Assessment
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5

1. 
2. 
3. 
4. 
5. 

You might also like