You are on page 1of 9

Department of Education

NATIONAL CAPITAL REGION

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Industrial Arts

Grade 4

PAMANTAYAN NG PAGKATUTO:
Nakikilala ang mga kagamitan sa pagsusukat
EPP4ia-0b-1

1
PAANO GAMITIN ANG SLeM
Bago simulan ang SLeM, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong
gagawing pag-aaral gamit ang SLeM na ito. Basahin ang mga
simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit
nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng
SLeM.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa
inyong kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito
dahil madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa SLeM.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga
kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging
batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag na
pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong
natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang SLeM.

MGA PAMAMARAAN NG PAGSUSUKAT

Inaasahan

Tatalakayin sa aralin na ito ang mga kagamitan sa pagsusukat.


Upang maging matagumpay sa pagsusukat, kailangan gumamit ng
mga kasangkapan panukat. Ang mga kagamitang panukat ay may iba’t
ibang gamit. May panukat na ginagamit sa pagsukat ng kapal, lapad, at
haba ng isang mesa o bagay. May ginagamit sa mga guhit at linya.
Mayroon ding ginagamit na panukat sa kapantayan ng isang tabla. May
gamit panukat sa arko o digri ng isang guhit.
2
Sa araling ito,
1. Nakikilala ang mga kagamitan sa pagsusukat.
2. Nauuri ang kagamitang panukat ayon sa wastong gamit nito.
3. Napahahalagahan ang gamit ng mga naturang kagamitan.

Unang Pagsubok

A. Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ito ay nagsasaad ng


tamang kaisipan at kung mali, isulat ang MALI at salungguhitan ang
salitang nagpamali sa pangungusap.

__________1. Ang Meter stick ay karaniwang ginagamit ng mga


mananahi sa pagsusukat sa paggawa ng pattern at
kapag nagpuputol ng tela.
__________2. Ang 30X60 Triangle ay ginagamit sa linyang pahilis,
patayo at pahiga.
___________3. Zigzag rule ang kasangkapang panukat na madalas
ginagamit sa pananahi ng pantalon, damit, palda at
barong.
___________4. Ang T-square ay ginagamit sa paarko, pakurba, at
mahabang linya sa mga gawaing pagguhit.
___________5. Ang Protraktor ay ginagamit sa pagkuha ng mga digri
kapag ikaw ay gumagawa ng mga anggulo mula sa
igunuguhit na mga linya.

3
Balik-Tanaw

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.


1. Si Jose ay karpintero sa Quezon. Bibili siya ng kahoy upang
magamit sa bahay. May dalawang (2) gradasyon sa magkabilang
tabi, ang isa ay nasa pulgada at ang isa ay nasa milimetro. Ano kaya
ang angkop na kasangkapang panukat ang nababagay gamitin?
A. Push-Pule Rule C. 30° x 60° Triangle
B. Protraktor D. T-Square
2. May kanya – kanyang gawain na ibinigay si nanay sa magkakapatid
upang kanilang sukatin ang nasa loob ng kwarto. Mesa ang
susukatin ni kuya, kabinet naman kay ate at kay nanay ay ang
kurtina. Anong angkop na kasangkapan ang gagamitin ni nanay
para makatahi ng kurtina sa tamang sukat?
A. Meter Stick C. Tape Measure
B. T-Square D. Zigzag Rule
3. Arkitekto ang tatay ni Juan. Isa itong dalubhasa sa pagguhit ng mga
disenyo ng gusali. Ito ang kadalasang ginagamit ng isang arkitekto
sa pagguhit. Ano ang tawag dito?
A. Tape Measure C. Protraktor
B. 30° x 60° Triangle D. Push-Pull Rule

4. Bibili ang kahoy si Mang Pedro sa Lumber shop ng kapitbahay.


Gagawa siya ng mahabang mesa para gamitin sa fiesta. May anim
(6) na piye ang kadalasang nabibili sa lumber. Paano nakasisiguro
si Mang Pedro na tama ang haba ng kahoy?. Anong kasangkapan
ang dapat niyang gamitin sa pagkuha ng tamang sukat?
A. T-square C. Zigzag Rule
B. Iskwalang Asero D. Tape Measure

5. Maglalaro ng basketball sina Lito at Tirso. Naatasan silang gumawa


ng pabilog na guhit sa basketball court na gagamitin sa palaro.
Kailangan nila ng pintura, brush at kasangkapang panukat. Ano ang
tawag sa kasangkapang ito?
A. Push-Pull Rule C. T-square
B. Tape Measure D. 30° x 60° Triangle

4
Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang pagsusukat ay isang paraan upang malaman ang angkop na


sukat ng isang bagay. Sa pagsusukat ay gumagamit tayo ng iba’t ibang
kagamitan. Ang bawat kagamitan sa pagsusukat ay may angkop na
bagay kung saan ito gagamitin.
Basahin mo at isaisip ang gamit ng mga kasangkapang panukat na
nakasulat sa ibaba. Ang bawat kasangkapang panukat ay may kaniya-
kaniyang bagay na dapat paggamitan sa pagsusukat. Narito ang mga
kasangkapang panukat na maaari mong gamitin sa mga proyektong
gagawin sa mga susunod na araw.
Mga Kagamitan sa Pagsusukat
Iskuwalang Asero- Ito ay
ginagamit sa pagsusukat sa
malalaki at malalapad na gilid ng
isang bagay. Halimbawa,gilid ng
kahoy,lapad ng tela, lapad ng
mesa at ibapa.
Zigzag Rule- Ito ay
kasangkapang yari sa kahoy na
ang haba ay umaabot ng anim
na piye at panukat ng
mahahabang bagay. Halimbawa,
pagsusukat ng haba at lapad ng
bintana, pintuan at iba pa.

Meter Stick- Ito ay karaniwang


ginagamit ng mga mananahi sa
pagsusukat para sa paggawa ng
pattern at kapag nagpuputol ng
tela.

5
Push-Pull Rule- Ang
kasangkapang ito ay yari sa
metal at awtomatiko na may
haba sa dalawampu’t limang (25)
pulgada hanggang isang
daan(100) talampakan. Ang
kasangkapang ito ay gradasyon
sa magkabilang tabi, ang isa ay
nasa pulgada at ang isa ay nasa
metro.
Protraktor - Ang kasangkapang
ito ay ginagamit sa pagkuha ng
mga digri kapag ikaw ay
gumagawa ng anggulo sa
iginuguhit na mga linya.

30X60 Triangle- Ito ay ginagamit


sa pagguhit ng mga linyang
patayo,pahiga at pahilis.

T-square- Ito ay ginagamit sa


pagsusukat ng mahahabang
linya kapag nagdodrowing.
Ginagamit din ito na gabay sa
pagguhit ng mga linya sa mga
drowing na gagawin.

Tape Measure- Ang


kasangkapang ito ay ginagamit
sa pagsusukat ng mga
mananahi. Ito ay ginagamit nila
sa pagsusukat ng mga bahagi
ng katawan kapag tayo
nagpapatahi ng damit, pantalon,
palda, barong,gown at iba pa.
6
Gawain

A. Ano ang tamang kasangkapang panukat sa mga sumusunod na


bagay? Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.
1. Tuwid na guhit o linya sa papel
2. Pabilog na hugis ng isang bagay
3. Taas ng pinto
4. Kapantay ng ibabaw na bahagi ng mesa
5. Kapal ng table

B. Sukatin ang baywang gamit ang Tape measure.

Tandaan

Sa pagsusukat ay gumagamit tayo ng iba’t ibang


kagamitan. Ang bawat kagamitan sa pagsusukat ay may angkop na
bagay kung saan ito gagamitin.

Pag-alam sa mga Natutuhan

A. Magtala ng mga bagay na makikita sa inyong tahanan at lugar na


ginagamitan ng sistemang metric at Ingles. Isulat sa papel o kwaderno at
pumili ng kasangkapan na iyong gagamitin sa pagsusukat. Halimbawa:
Tape measure, Meter stick, Push-pull rule, Zigzag rule at iba pa.

B. Gumuhit ng iba’t ibang kasangkapan sa pagsusukat at gumawa ng


portfolio para dito.

7
Pangwakas na Pagsusulit

A. Panuto: Isulat sa inyong kwaderno ang pangalan ng bawat


kasangkapan na nakapaloob sa kahon. Pumili sa ibaba ng
angkop na kasagutan.

1 2 3 4 5

Protraktor Iskuwalang Asero T-square T-square

30X60 Triangle Zigzag Rule Push-Pull Rule

Sanggunian

Roson, Shiela Mae R., Torres, Roberto B. and Emen, Randy R.


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 – Industrial Arts,
Pasig City: Vibal Group, 2015

Guinea, Susana V. and Sotoya, Ma. Gilmina G.


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 4,
Quezon City: Adriana Publishing Co., 2015

8
Inihanda ni:

MANUNULAT: FELICISIMO V. SOLEDAD


Posisyon: Dalubguro I
Paaralan Paaralang Pedro Guevara
Sangay ng mga Paaralang Panlunsod: Lungsod ng Maynila

TAGAGUHIT: ANGELIQUE G. TINGSON


Posisyon: Guro III
Paaralan: Paaralan ng Acacia
Sangay ng mga Paaralang Panlunsod: Lungsod ng Malabon

TAGASURI NG WIKA: MELANY A. MAGNAIT


Posisyon: Guro I
Paaralan: Paaralang Sekondarya ng
San Joaquin_ Kalawan
Sangay ng mga Paaralang Panlunsod: Lungsod ng Pasig

Susi ng Kasagutan
1. Zigzag rule
2. 30X60 Triangle
3. Tape Measure
4. Protraktor
5. T-square

Susi ng Kasagutan:
Unang Pagsubok Balik Tanaw Pangwakas na Pagsusulit

1. Tama 1. A 1. Zigzag rule


2. Tama 2. C 2. 30x60 Triangle
3. Mali 3. A 3. Tape Measure
4. Mali 4. C 4. Protraktor
5. Tama 5. A 5. T-square

You might also like