You are on page 1of 3

School: Dayap ES – Annex Grade Level: Four

LESSON Teacher: Liezel A. Germo Learning Area: FILIPINO


EXEMPLA Teaching Date: May 23, 2023 Quarter: Ika-apat
R Markahan
Teaching Time: 9:50AM – 10:40 AM No. of Days: 1

I.
A. Pamantayang
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa
Pagganap
C.Pinakamahalagang 1.1 Natatalakay ang mga kaalaman at kasanayan sa pagsusukat EPP4IA-
Kasanayan sa Pagkatuto 0a-1 1.1.1 nakikilala ang mga kagamitan sa pagsusukat
(MELC)
E. Pagpapayamang Naipapamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa
Kasanayan pagsususkat sa pagbuo ng mga kapakipakinabang na gawaing
pangindustriya at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng isang pamayanan.
II. NILALAMAN KAGAMITAN SA PAGSUSUKAT

III. KAGAMITAN PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay
ng Guros
b. Mga Pahina sa EPP4IA-0a-1
Kagamitang
Pangmagaaral
c. Mga Pahina sa
TeksbuK

d. Karagdagang None
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga https://www.youtube.com/watch?v=_e5d-t1ph1c
Kagamitang Panturo para sa
mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV.PAMAMARAAN
A. Panimula A. Pagbabalik-aral:
Ibigay ang tamang katawagan mga kagamitan sa paghahalaman.

B. Pagganyak:

Ang pagsusukat ay isang paraan upang malaman ang tamang sukat


ng isang bagay. Mahalaga na matutunan natin ang tiyak na laki, haba at
kapal ng isang disenyo o proyekto lalo na sa paggawa ng mga bagay na
nais natin. Halimbawa na ang pagbuo ng plano ng bahay, gusali,
pamilihan, pagguhit ng larawan, paggawa ng mga muwebles tulad ng
mesa, upuan, kabinet, paggawa ng bintana, pinto at marami pang iba.

May iba’t ibang kasangkapang panukat ayon sa kapal, lapad, at haba ng


isang bagay. Mayroon ding ginagamit sa mga guhit at linya, mga gamit
panukat sa arko o digri ng isang guhit.

B. Pagpapaunlad
Halina’t basahin natin ang isang maikling kwento ni Kai-kai, ang batang
karpintero!
“Tay! Tay! hali kayo rito, napakaganda ng nagawang drowing ni
Papay Jef, siguro po ay maganda din ang magiging itsura nito pag ito’y
nagawa na gamit ang kahoy” , buong pagmamalaking balitani Kai-kai.
“Tama ka Kai-kai, lalo na kung ito’y may tamang sukat gamit ang mga
kagamitan sa pagsususkat”, manghang banggit ng tatay habang tinitignan
ang drowing ni Papay Jef. “Wow Tay!, ito po ba yung mga ginagamit ninyo
sa pagsukat sa paggawa ng lamesa nung nakaraang linggo?”, patanong ni
Kai-kai, “Oo anak” sagot ng kaniyang tatay. “Gusto mo bang malaman
kung anu-ano ito?” sambit ng kanyang tatay habang may kinukuhang tsart
sa likod ng pintuan. “Narito ang ilang kagamitan sa pagsusukat at ang
gamit nito”.

“Napakadami po palang kagamitan sa pagsususkat tay, gusto ko pong


makilala at magamit ang bawat isa”, tuwang-tuwang sabi ni Kai-kai.

C. Pakikipagpalihan Mga Kagamitan sa Pagsusukat at Gamit Nito


Protraktor-Ito ay ginagamit sa pagkuha ng digri
kapag ikaw ay gumagawa ng mga anggulo sa
iginuguhit na mga linya.
Ruler at Triangle-Ang ruler at triangle naman ay ginagamit sa pagsusukat
ng mga linya sa pagdodrowing at iba pang maliliit na gawain na
nangangailangan ng sukat.
Zigzag Rule-kasangkapang yari sa kahoy na ang haba ay umaabot ng
anim na piye, at panukat ng mahabang bagay.
Halimbawa, pagsusukat ng haba at lapad ng bintana,
pintuan at iba pa
Pull-Push Rule- Ito ay yari sa metal at awtomatiko
na may haba na dalawampu’t limang (25) pulgada
hanggang isang daang (100) talampakan. Ang
kasangkapang ito ay may iskala sa magkabilang tabi.
Ang isa ay nasa pulgada at ang isa ay nasa metro.
Iskuwalang Asero-Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa
malalaki at malalapad na gilid ng isang bagay.
Halimbawa, gilid ng kahoy, lapad ng tela, lapad ng
mesa, at iba pa.
Tape Measure-Ito ay isang kasangkapan sa
pagsusukat na ligtas at madaling gamitin kahit ng mga
bata, magaan at maaaring dalhin kahit saan. Maaari
itong gamitin sa mga pakurbang bahagi dahil ito ay
nababaluktot. Maaari nitong sukatin ang laki at ang
distansya sa pagitan ng dalawang bagay.
T-Square-Ito ay ginagamit sa pagsusukat ng mahabang
linya kapagnagdodrowing. Ginagamit din ito na gabay
sa pagguhit ng mga linya sa mga drowingna gagawin.
Meter Stick-Ito ay kasangkapang ginagamit sa
pagsukat ng mga bagay na mas malaki kaysa
sa piraso ng papel.
D. Paglalapat Tukuyin ang mga sumusunod na kagamitan na maaring gamiting panukat
ni Kai-kai ayon tsart na ipinakita ng kanyang tatay sa kwento. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.
___________1. tuwid na guhit o linya sa papel
___________ 2. pabilog na hugis ng isang bagay
___________ 3. taas ng pinto
___________4. kapantay ng ibabaw na bahagi ng mesa
___________5. laki at distansiya sa pagitan ng dalawang bagay
Bilugan ang tamang sagot ng mga sumusunod na katanungan.
1. Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagkuha ng mga digri kapag
gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na mga linya.
a. Pull-push rule b. Ruler at triangle
c. Protraktor d. Zigzag rule
2. Ito ay kasangkapang yari sa kahoy na ang haba ay umaabot sa 6 na
piye at panukat ng mahahabang bagay tulad ng haba at lapad ng bintana.
a. Meter stick b. zigzag rule
c. Pull-push rule d. T-square
3. Aling kagamitan ang ginagamit na panukat ng tela?
a. medida b. triangle
c. T-square d. Ruler
4. Ginagamit sa pagsusukat sa paggawa ng mga linya sa drowing at iba
pang maliliit na gawain na nangangailangan ng sukat.
a. T-square b. Triangle
c. Medida d. protraktor
5. Ginagamit din ito na gabay sa pagguhit ng mga linya sa mga drowing
ngagawin.
a. iskwala b. meter stick
c. T-square d. Zigzag rule

V. PAGNINILAY Magsulat ka sa iyong kwaderno ng iyong nararamdaman o realisasyon


gamit ang mga sumusunod na prompt:

Nauunawaan ko na __________________________________
__________________________________________________
Nabatid ko na ______________________________________
__________________________________________________
VI. MGA PUNA

Inihanda ni:

LIEZEL A. GERMO
Teacher III

Iwinasto ni:

WELNER L. GOZO
Principal III

You might also like