You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa EPP IV

I. Layunin
a) Naibibigay ang mga kagamitan sa pagsusukat.
b) Naiuuri ang kagamitang panukat ayon sa wastong gamit nito.
c) Napapahalagahan ang gamit sa mga naturang kagamitan.
II. Nilalaman
Paksa: Mga Kagamitan sa Pagsusukat
Sanggunian: Aralin 1 K to 12 – EPP 4

PAGLALAHAD ( ENGAGE)
Magpapakita ng litrato iba’t-ibang uri ng panukat katulad ng ruler, square,
protactor, eskwela at iba pa. At magtatanong kung “Paano at saan ito
ginagamit?”.

PAGGANYAK (EXPLORE)
Pamamaraan (Procedure)
 Gamitin ang mga panukat.
 Subukang sumukat ng mga ilang bagay o materyal at alamin
kung saan naayon ang bawat panukat.
 Habang ginagawa ang pagsusukat ano ang inyong napansin?
Ano ang pinagkaiba ng mga panukat sa isa’t-isa?

PAGTATALAKAY (EXPLAIN )

Ang pagsukat ay isang paraan upang malaman ang tamang sukat ng


isang bagay. May dalawang uri ng Sistema ng pagsusukat: ito ay ang
Sistemang Ingles at ang Sistemang Metrik. Ang Sistemang Ingles ay ang
lumang pamamaraan sa pagsusukat samantalang ang Sistemang Metrikay
madalas ginagamit sa kasalukuyan. Upang maging matagumpay sa
pagsusukat, kailangang gumamit ng mga kasangkapan sa pagsusukat.

Mga Kasangkapang Panukat:

1.ESWALANG ASERO- Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa malalaki at


malalapad na gilid ng isang bagay. Halimbawa, gilid ng kahoy, lapad ng tela,
lapad ng mesa, at iba pa.

2. ZIGZAG RULE-Ito ay kasangkapang yari sa kahoy na ang haba ay


umaabot ng anim na piye at panukat ng mahahabang bagay. Halimbawa,
pagsusukat ng haba at lapad ng bintana, pintuan at iba pa.
3.METER STICK- Ito ay karaniwang ginaga -mit ng mga mananahi, sa pagsu-
sukat para sa paggawa ng pattern at kapag nagpuputol ng tela.

4. PULL- PUSH RULE-Ang kasangkapang ito ay yari sa metal at awtomatiko


na may haba na dalawamput limang (25) pulgada hanggang isang daang
(100) talampakan. Ang kasangkapang ito ay may gradasyon sa magkabilang
tabi, ang isa ay nasa pulgada at ang isa ay nasa metro.

5.PROTACTOR- Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagkuha ng mga


digri kapag ikaw ay gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na mga linya.

6. RULER AT TRIANGLE-Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa paggawa ng


mga linya sa drowing at iba pang maliliit na gawain na nangangailangan ng
sukat.

7. T- SQUARE-Ito ay ginagamit sa pagsukat ng mahahabang linya kapag


nagdodro -wing. Ginagamit din ito na gabay sa pagguhit ng mga linya sa mga
drowing na gagawin.

8. TAPE MEASURE- Ang kasangkapang ito ay ginaga- mit sa pagsusukat ng


mga mananahi. Ito ay ginagamit nila sa pagsusukat ng mga bahagi ng
katawan kapag tayo nagpapa- tahi ng damit, pantalon, palda, barong, gown,
atbp.

Sa pagsusukat ay gumagamit tayo ng ibat ibang kagamitan. Ang bawat


kagamitan sa pagsusukat ay may mga angkop na bagay kung saan ito
gagamitin.

GAWAING PAGPAPAYAMAN (ELABORATE)

Bumuo ng pangkat ayon sa ayos ng “ classroom seating arrangement”. Bago


magsimula ang gawain paalala na ang pamantayan sa paggawa ng gawain
ay aking gagamitin ang SMART bilang pamantayan sa pagbibigay ng puntos
at marka.

Layunin:
a) Naiisa –isa ang paggamit ng bawat kagamitan sa pagsusukat.
b) Naiipapamalas ang kahalagahan ng bawat kagamitan sa pagsusukat.

Panuto:
1. Sa bawat larawan ng mga kagamitan sa panukat ipaliwanag kung
ano-ano ang gamit ng bawat panukat.
2. Magtala ng mga bagay na makikita sa loob ng ating silid aralan at
isulat kung anong uri ng panukat ang dapat na gamitin sa pagkuha
ng sukat nito.
3. Pagkatapos magtala ay iulat ang inyong nagawa at ipaliwanag ang
kahalagahan ng bawat kagamitan sa pagsusukat.

PAGLALAPAT (EVALUATE )
Panuto: Punan ng tamang sago tang mga patlang.
1. Ito ay kasangkapang yari sa kahoy na ang haba ay umaabot ng anim na piye
at panukat ng mahahabang bagay.
2. Ang kasangkapang ito ay ginaga- mit sa pagsusukat ng mga mananahi.
3. Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa paggawa ng mga linya sa drowing at iba
pang maliliit na gawain na nangangailangan ng sukat.
4. Ang kasangkapang ito ay yari sa metal at awtomatiko na may haba na
dalawamput limang (25) pulgada hanggang isang daang (100) talampakan.
5. Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa malalaki at malalapad na gilid ng isang
bagay. Halimbawa, gilid ng kahoy, lapad ng tela, lapad ng mesa, at iba pa.
6. Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagkuha ng mga digri kapag ikaw ay
gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na mga linya.
7. Ito ay karaniwang ginaga -mit ng mga mananahi, sa pagsu- sukat para sa
paggawa ng pattern at kapag nagpuputol ng tela.
8. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng mahahabang linya kapag nagdodro -wing.
Ginagamit din ito na gabay sa pagguhit ng mga linya sa mga drowing na
gagawin.

Sagot:
1. Zigzag Rule
2. Tape Measure
3. Ruler at Triangle
4. Pull- Push Rule
5. Iskwalang Asero
6. Protractor
7. Meter Stick
8. T- Square

You might also like