You are on page 1of 6

Isang Mala-Masusing Banghay Aralin sa EPP IV

(Industrial Arts)

I. LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahan na:

a. Matukoy ang iba’t ibang uri ng kagamitan sa pagsusukat

b. Maibibigay ang tamang gamit sa naturang kagamitan sa pagsusukat

c. Nagagamit ang dalawang uri ng sistema ng kagamitan sa pagsusukat

II. PAKSANG ARALIN: Mga Kagamitan sa Pagsusukat

III. MGA KAGAMITAN: Powerpoint Presentaion, Mga gamit sa pagsusukat, Mga Larawan

MGA SANGGUNIAN: MELCS Pahina 402, EPP4IA-0a-1, Panimulang Panalangan sa Klase -


Hiraya (https://youtu.be/saymwePh4Cw?si=_iHLG_qYA45ZW6b6)

IV. MGA GAWAIN

A. Paghahanda

 Dasal/Pagdarasal

Para sa ating panalangin, hinihiling ko na ang lahat ay tumungo at damhin


ang pesensya ng panginoon.

Panginoon, salamat po sa panibagong araw na ito upang kame ay matuto.


Buksan nyo po ang aming isipan upang lubos na maintindihan ang aming aralin.
Bigyan nto rin po ang aming mga guro, mga magulang, at kamag-aral ng lakas
ng katawan at isipan, na mas higit namin kailangan sa araw-araw sa panahong
ito. Ang lahat po ng ito ay aming dinadalingan sa iyo, aming Diyos Ama, Amen.

 Pagbati
Magandang Umaga sa inyong lahat, handa na ba kayo sa ating aralin ngayon
araw?

 Pagtatala ng mga dumalo sa klase

Bago ang lahat, atin munang alamin kung mayroon bang lumaban sa
klase natin ngayon hapon.

 Pamamahala ng Silid-aralan

Ngayon naman bago tayo mag umpisa, maaari bang ayusin muna ang
mga upuan at pulutin ang mga kalat na inyong mga nakikita at ainyong
mga bag at itapon mamaya pag tapos ng klase.

B. Pagganyak

Para sa ating bagong aralin, meron akong inihanang “Jumbled words”. Ang
kailangan nyo lamang gawin ay hulaan kung ano ang tinutukoy nito batay na rin
sa clue o litratong inyong makikita.

C. Paglalahad ng aralin

Mag papakita pa ng iba’t ibang uri ng panukat sa mga bata.


Meron tayo ditong iba’t ibang kagamitan.

 Alin sa mga ito ang madalas ninyong makita?


 Alin sa mga ito ang alam ninyong gamitin? Paano ito ginagamit?

D. Pagtuturo ng Aralin
Ang ating tatalakayin ngayon ay tungkol sa Mga Kagamitan sa Pagsusukat. Dito ay
aalamin natin kung ano ano nga ba ang gamit ng mga panukat na ipinakita ko sa inyo.
May dalawang uri ng sistema ng pagsusukat, ito ay ang sistemang ingles at sistemang
metrik. Ang bawat sistema ay may iba’t ibang yunit na ginagamit. Bawat yunit ng
sistemang ingles ay may katumbas na sukat sa sistemang metrik.

a. Sistemang Ingles - Ang sistemang ingles ay ang lumang pamamaraan ng


pag sukat. Sa sistemang ingles ay gumagamit ng Piye o Talampakan,
Pulgada at yarda.

b. Sistemang Metrik - Ang sistemang metrik naman ang ang kasalukayang


ginagamit sa pagsusukat. Sa sistemang metrik naman ay millemetro,
sentimeto, desimetro, metro, at kilometro naman ang tawag sa yunit ng
sukat nito.

Ngayon naman ay alamin natin kung ano ano nga ba ang mga kagamitan sapagsusukat.

 Iskwalang asero
Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa malalaki at
malalapad na gilid ng isang bagay. Halimbawa, gilid ng
kahoy, lapad ng tela, lapad ng mesa, at iba pa.

 Zigzag Rule

Ito ay kasangkapan yari sa kahoy na ang haba ay umaabot


ng anim na piye at panukat ng mahahabang
bagay.Halimbawa, pagsusukat ng haba at lapad ng
bintana, pintuan at iba pa.

 Meter Stick
Ito ay karaniwang ginagamit ng mga mananahi, sa
pagsusukat para sa paggawa ng pattern at kapag
nagpuputol ng tela.

 Pull – Push Rule


Ang kasangkapang ito ay yari sa metal at awtomatiko na
may haba na dalawampu’t limang (25) pulgada
hanggang isang daang (100) talampakan. Ang kasangkapag ito ay may gradasyon sa
magkabilang tabi, ang isa ay nasa pulgada at ang isa ay nasa metro

 Protraktor

Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagkuha ng


mga digri kapag ikaw ay gumagawa ng mga anggulo sa
iginuguhit na mga linya.

 Ruler at Triangle

Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa paggawa ng mga linya


sad Drowing at iba pang maliliit na gawain na
nangangailangan ng sukat.

 T- Square

Ito ay ginagamit sa pagsukat ng mahahabang linya kapag


nagdodrowing. Ginagamit din ito na gabay sa pagguhit ng
mga linya sa mga drowing na gagawin.

 Tape Measure
Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagsusukat ng
mga mananahi. Ito ay ginagamit nila sa pagsusukat ng
mga bahagi ng katawan kapag tayo nagpapatahi ng
damit, pantalon, palda, barong, gown, at iba.

Mga gabay na tanong:

 Ano ang dalawang uri ng sistema ng pagsusukat?

 Magbigay ng kagamitan sa pagsusukat

E. Pangkatang Gawain

Ang klase ay mahahati sa tatlong grupo. Ang bawat grupo ay may naka-atas na
gawain na dapat matapos sa loob ng limang minuto.
Pangkat 1 - Sukatin ang lapad at haba ng pinto sa silid-aralan gamit ang pull
push rule ayon sa Sistemang English, at ibigay ang katumbas na sukat ng mga
ito sa Sistemang Metrik.
Pangkat 2 - Gamit ang meter stick, ibigay ang hinihinging katumbas na sukat sa
sistemang ingles.
Sistemang Metrik: 25 cm, 50 cm, 63 cm, 76 cm, 88 cm.
Pangkat 3 - Gamit ang meter stick, ibigay ang hinihinging katumbas na sukat sa
sistemang metrik.
Sistemang Ingles: 10 inches, 20 inches, 25 inches, 30 inches, 35 inches.
Pangkat 4 - Gamit ang Tape Measure, sukatin ang bewang ng bawat isang
miyembro ng inyong grupo at Ilista ang pangalan ng bawat isa at ang sukat ng
kanilang bewang.

F. Pagbubuod

Mahuhusay mga bata! Ngayon naman dahil matagumpay ninyong natapos ang
pangkatang gawain, ibig sabihin lamang nito ay may natutunan kayo sa ating
tinalakay ngayong araw.

At dahil may natutunan kayo, Sino ang makakapagbigay ng dalawang uri ng


sistema ng pagsusukat at kung ano ang pinagkaiba nito?

Ano naman ang iba’t ibang kagamitan sa pagsusukat?

Sa pagsusukat ay gumagamit tayo ng iba’t ibang kagamitan. Ang bawat kagamitan sa


pagsususkat ay may mga angkop na bagay kung saan ito gagamitin. Sa sistema naman
pagsusukat, lagi nyong tatandaan na ang sukat ng sistemang ingles ay katumbas rin ng
sukat sa sistemang metrik, tanging pinagkaiba lamang ay ang yunit na ginamit.

G. Pagpapahalaga

Ngayon mga bata, bakit sa tingin ninyo ay mahalagang makilala at malaman ang mga
kagamitan sa pagsusukat?

H. Pagtataya

Panuto: Piliin sa kahon na ipapakita ng guro ang tamang sagot.


1. Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa paggawa ng mga linya sad Drowing at iba pang
maliliit na gawain na nangangailangan ng sukat.
2. Ito ay ginagamit nila sa pagsusukat ng mga bahagi ng katawan kapag tayo nagpapatahi
ng damit, pantalon, palda, barong, gown, at iba.
3. Kasangkapan ginagamit sa pagkuha ng digri kapag ikaw ay gumagawa ng anggulo sa
pagguhit ng mga linya.
4. Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa malalaki at malalapad na gilid ng isang bagy.
5. Ginagamit ng mananahi sa pagsusukat para sa paggawa ng pattern at kapag
nagpuputol ng tela.
6. Ang kasangkapan na ito ay yari sa metal at awtomatiko na may haba na dalawampu't
limang (25) pulgada hanggang isang daang (100) talampakan.
7. Kasangkapan yari sa kahoy na ang haba ay umaabot ng anim na piye at panukat ng
mahalagang bagay.
8. Ginagamit sa pagsukat ng mahahabang linya kapag nagdodrowing.
9. Ito ang lumang pamamaraan ng pagsusukat. Dito ay gumagamit ng piye o talampakan,
pulagada at yarda.
10. Ito ang kasalukuyang ginagamit sa pagsusukat. Ang mga yunit nito ay milimetro, metro,
disimetro, kilometro at iba pa.

V. TAKDANG ARALIN

1. Magtala ng mga bagay na makikita sa inyong tahanan na ginagamitan ng sistemang


metrik at ingles. Isulat sa kartolina at iulat sa harap ng klase.
2. Ano- ano ang mga yunit ng pagsusukat sa bawat Sistema? Isulat sa kuwaderno ang
sagot.

Inihanda nina:

KLARINETH DELIM
Pangalan ng mag-aaral
Ipinasa kay:

ELLAINE BONGCO
NIKOLO JIAN VELICARIA
Pangalan ng mag-aaral
Propesor

You might also like