You are on page 1of 14

4

Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan
Ika-apat na Markahan- Modyul 2
Ang Dalawang Sistemang Panukat
(Industrial Arts)

AIRs - LM
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Ika-apat na Markahan - Modyul No:2 Ang Dalawang Sistemang Panukat
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi© 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Rodolfo R. Cardinez Jr., T-III


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


AssistantSchools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D,EPS in Charge of LRMS

Melba N. Paz,Ph.D, EPS in Charge of EPP

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Ang wastong pagsusukat ay napakahalaga sa ating


pamumuhay araw-araw. Sa iyong murang edad, mahalagang
malaman mo ang tamang paraan ng pagsusukat. Maraming mga
gawain natin na tayo ay nagsusukat, sa bahay man o sa paaralan.
Naranasan mo na bang gamitin ang ruler sa pagsukat? Kung Oo,
marahil nagtataka ka kung ano ano ang mga nakasulat dito.
Sa modyul na ito ay mapapag-aralan mo kung paano gamitin
ang dalawang sistemang panukat na kalimitang ginagamit sa
gawaing pang-industriya.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay


inaasahang;
• Nakikilala ang dalawang sistema ng pagsusukat.
• Nagagamit ang dalawang sistemang panukat (English at
Metric) EPP4IE-IVb-2

Panimulang Pagtatasa

I. Tama o Mali: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali
naman naman kung ito ay hindi wasto.

_______ 1. Ang dalawang sistemang panukat ay ang sistemang


Metrik at sistemang Ingles.
_______ 2. Ang piye, pulgada at metro ay kabilang sa yunit ng
sistemang Ingles.
_______ 3. Ang sistemang Ingles ay may katumbas na sukat sa
sistemang Metrik.
_______ 4. Sa pagsusukat, mahalagang maging sakto o tama ang
sukat sa paggawa ng mga gawaing pang-industriya upang
maganda ang kalabasan ng iyong proyekto o anumang gagawin.
_______ 5. Kung bibili ka ng kawad ng kuryente para sa gagawing
extenson cord, hindi mahalagang sukatin haba ng kawad na
bibilhin.
II. Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang letra
ng tamang sagot. Isulat ito sa puwang bago ang bilang.
1
______6. Ang dalawang sistemang ginagamit sa pagsusukat sa
gawaing pang-industriya ay_____________________.
1. Bisaya 2. Ingles 3. Filipino 4. Metrik

A. 1 at 2 B. 1 at 3 C. 2 at 3 D. 2 at 4

______7. Kung ang metro ay yunit sa pagsusukat sa Metric, ano


naman ang piye?
A. Cebuano B. Espanol C. Filipino D. Ingles

______8. Ikaw ay guguhit ng linyang may limang sentimetro,


dudugtungan ito ng 50 millimetro, ano ang sukat ng linya na
iyong iguguhit?
A. 5 cm B. 10 cm. C. 15 cm. D. 20 cm.

______9. Ang mga sumusunod ay mga yunit sa pagsusukat, alin


ang hindi nabibilang sa pangkat?
A. kilometro B. piye C. pulgada D. yarda

______10. Ilang sentimetro ang katumbas ng 1 metro?


A1 B. 10 C. 100 D. 1000

2
Simulan

Panuto: Isulat ang mga yunit ng panukat sa loob ng Venn Diagram


kung saan nabibilang ang mga ito.

metro millimetro
piye pulgada
yarda sentimetro

Sistemang Metrik Sistemang Ingles

Dalawang
Sistemang
Panukat

3
Lakbayin

Ang Dalawang Sistemang Panukat


Ang dalawang sistemang panukat ay ang Sistemang Ingles at
Sistemang Metrik. Ang mga pamamaraang panukat na ito ay
mahalaga upang may batayan sa pagkuha ng sukat at ang yunit
na gagamitin lalo na kapag ito ay may kaukulang bayad.
Kung ikaw ay magpapatahi ng uniporme, ano kayang uri ng
pagsusukat ang gagamitin para maging tama ang lapat ng
uniporme sa katawan mo?
Sa pagbili naman ng kahoy sa hardware, anong uri naman kaya
ng pagsusukat ang ginagamit ng tindera upang malaman ang
babayaran ng mamimili?
Katulad din naman sa pagbili ng kawad ng kuryente, kung ikaw
ay gagawa ng extension cord, paano ito sinusukat upang maging
batayan kung magkano ang babayaran ng isang mamimili?
Ilan sa karaniwang ginagamit sa pagsusukat sa mga gawaing
industriya ay ang ruler, meter stick, tape meaure at iba pa.

Pansinin ang nasa larawan.

Sa unang larawan, ano ang sukat ng asul na pangkulay?


Ang inches o pulgada ay isa sa mga yunit ng sistemang Ingles.

Gaano kahaba naman ang lapis sa ikalawang larawan?


Ang centimeter o sentimetro ay halimbawa ng yunit sa sistemang
Metrik.

4
Pag-aralan ang mga sumusunod:

Sistemang Ingles

12 pulgada = 1 piye o talampakan


3 piye = 1 yarda

Sistemang Metrik

10 millimetro (mm) = 1 sentimetro (sm)


10 sentimetro (sm) = 1 desimetro (dm)
10 desimetro (dm) = 1 metro (m)
100 sentimetro (sm) = 1 metro (m)
1000 metro (m) = 1 kilometro (km)

Galugarin

Gawain 1. Gumuhit ng tuwid na linya sa loob ng kahon gamit ang


ruler na may sumusunod na sukat.

1. 2 ½ sentimetro

2. 2 ½ pulgada

3. 15 millimetro

4. ½ piye

5
5. 5 pulgada

Gawain 2. Sukatin ang haba o lapad o taas ng mga sumusunod


na larawan gamit ang ruler ayon sa nakasaad na yunit ng
pagsusukat.

1.

______ sentimetro

_____ pulgada o inches

2.
_____ millimetro

_____ pulgada o inches

3.

_____ sentimetro

6
Palalimin

Gawain 1: Kumuha ng mga bagay na binanggit sa mga


sumusunod na bilang at sukatin ang haba, lapad at taas nito.
Isulat ang sagot sa puwang.

1. short coupon bond


haba: _____ pulgada
lapad: _____ pulgada

2. kahon ng posporo
haba: _____ millimetro
lapad: _____ millimetro
taas: _____ millimetro

3. maliit na lata ng sardinas


taas: _____ sentimetro

4. plastic straw
haba: _____ pulgada

5. bote ng 1 liter coke softdrinks


taas: _____ sentimetro

7
Gawain 2: Gamit ang makapal na karton o recycled plywood,
gumawa ng parihabang alkansya na may sukat ayon sa
sumusunod:
haba: 12 pulgada
lapad: 7 sentimetro
taas: 5 sentimetro

Lagyan ng butas sa itaas na bahagi na akma lamang ang laki


para sa barya o papel na pera. Lagyan din ng disenyo ang
ginawang alkansya ayon sa inyong nais.

Rubrik para sa Gawain

5 Puntos Nakagawa ng isang alkansya na may tamang


sukat, malinis ang pagkagawa at may
magandang disenyo.
4 Puntos Nakagawa ng isang alkansya na may isang
maling sukat, malinis ang pagkagawa at may
magandang disenyo.
3 Puntos Nakagawa ng isang alkansya na may 2 maling
sukat, malinis ang pagkagawa at may disenyo.
2 Puntos Nakagawa ng isang alkansya na hindi akma
lahat ang sukat, malinis ang pagkagawa at may
disenyo.
1 Puntos Walang katibayan na ginawa ang performance
task.

8
Sukatin

I. Tama o Mali: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at


Mali naman naman kung ito ay hindi wasto.

_______ 1. Ang sistemang Ingles ay may katumbas na sukat sa


sistemang Metrik.

_______ 2. Ang piye, pulgada at metro ay kabilang sa yunit ng


sistemang Ingles.

_______ 3. Ang dalawang sistemang panukat ay ang sistemang


Metrik at sistemang Ingles.

_______ 4. Kung bibili ka ng kawad ng kuryente para sa gagawing


extenson cord, hindi mahalagang sukatin haba ng kawad na
bibilhin.

_______ 5. Sa pagsusukat, mahalagang maging sakto o tama ang


sukat sa paggawa ng mga gawaing pang-industriya upang
maganda ang kalabasan ng iyong proyekto o anumang gagawin.

II. Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang letra


ng tamang sagot. Isulat ito sa puwang bago ang bilang.

______6. Kung ang metro ay yunit sa pagsusukat sa Metric, ano


naman ang piye?

A. Cebuano B. Filipino C. Ingles D. Metrik


______7. Ang dalawang sistemang ginagamit sa pagsusukat sa
gawaing pang-industriya ay_____________________.

1. Bisaya 2. Ingles 3. Filipino 4. Metric


A. 1 at 2 B. 1 at 3 C. 2 at 3 D. 2 at 4

9
______8. Ang mga sumusunod ay mga yunit sa pagsusukat, alin
ang hindi nabibilang sa pangkat?

A. kilometro B. piye C. pulgada D. yarda


______9. Ilang sentimetro ang katumbas ng 1 metro?

A1 B. 10 C. 100 D. 1000
______10. Ikaw ay guguhit ng linyang may limang sentimetro,
dudugtungan ito ng 50 millimetro, ano ang sukat ng linya na
iyong iguguhit?

A. 5 sm B. 10 sm. C. 15 sm. D. 20 sm.

10
11
Sukatin Palalimin
I. Gawain 2
1. Tama 1. Short bond paper
2. Mali haba: 11 pulgada
3. Tama lapad: 8 ½ pulgada
4. Mali 2. Kahon ng posporo
5. Tama haba: 50 millimetro
II. lapad: 35 millimetro
6. C taas: 15 millimetro
7. D 3. Lata ng sardinas
8. A taas: 8 ½ -9 ½ sentimetro
9. C 4. Plastic straw
10. B haba: 10 pulgada
5. Bote ng 1 liter Coke softdrinks
taas: 33 sentimetro
Galugarin
Gawain 2
1. 3 sentimetro
1 pulgada
2. 20 millimetro
2 ½ pulgada
3. 5 sentimetro
Simulan Panimulang Pagtatasa
Sistemang Metrik I. II.
1. metro .Tama 6. D
2. millimetro
.Mali 7. D
3. sentimetro
Sistemang Ingles .Tama 8. B
1. piye .Tama 9. A
2. yarda .Mali 10. C
3. pulgada
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Books

• Doblon, Teresita B., et. al., EdukasyongPantahanan at


Pangkabuhayan 4 Kagamitanng Mag-aaral (p. 456-458), (DepEd-
BLR) Meralco Avenue Pasig City Philippines 1600
• Doblon, Teresita B., et. al., EdukasyongPantahanan at
Pangkabuhayan 4 Patnubay ng Guro (p. 212-214), (DepEd-BLR)
Meralco Avenue Pasig City Philippines 1600

Online Source

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fi.pini
mg.com%2F474x%2F5c%2F90%2F84%2F5c9084ce818a95ec368
894fcb89b5a3b.jpg&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.c
om%2Fpin%2F563935184587090124%2F&tbnid=FvRIeO2uNjyE
HM&vet=1&docid=MCViuVo7NIo9LM&w=474&h=237&hl=en&so
urce=sh%2Fx%2Fim

12

You might also like