You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 5

Ang Kasuotan ay Pangalagaan


upang tumagal !
Ikalawang Markahan
Ikalawang Markahan –– Modyul
Modyul 1:
1: W1
W1
EPP5HE-Oc-6

PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO:


Natutukoy ang mga Pangangalaga sa kasuotan

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit
ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit
ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.

2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong


kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.

3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.

4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.

5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang


antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng
iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.

MGA BAHAGI NG MODYUL

Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya
ng aralin
Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.

2
ARALIN: PANGANGALAGA SA KASUOTAN

INAASAHAN
Tatalakayin sa modyul na ito ang mga kaalaman sa pangangalaga sa kasuotan.
Mahalagang pangalagaan at isaayos ang kasuotan. Itoy tanda ng pagkakaroon ng
disiplina at pagiging masinop sa pangangatawan.
Ang pangangalaga sa kasuotan ay hindi mahirap na gawain. Ang kailangan
lamang ay pagsasanay at pagsisikap sa mga gawaing dapat gampanan. Isa ito sa mga
tungkuling dapat pag-aralan at gampanan ng batang nasa edad mo.
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Natatalakay ang wastong paraan sa pangangalaga sa kasuotan.
2. Natutukoy ang wastong pangangalaga sa kasuotan.
3. Nabibigyang halaga ang mga wastong paraan sa pangangalaga sa kasuotan.

UNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat ang kung wasto at kung hindi wasto ang isinasaad nang
pangungusap.
____1. Ang damit na naisuot na ay inilalagay sa lagayan ng maruming damit o ropero.
___ 2. Ang uniporme ay maaaring pantulog kung walang ibang damit.
___ 3. Ang damit panloob ay dapat pinapalitan araw- araw dahil ito ay napapawisan.
___ 4. Ilagay agad sa ropero ang basang maruming damit.
___ 5. Ang wastong pangangalaga ng kasuotan ay nakatutulong sa pagkakaroon ng
tiwala sa sarili.

BALIK-TANAW

Panuto: Basahin at alamin ang wastong sagot sa bawat patlang. Hanapin sa


ibaba ang wastong sagot.
1. Ang damit na naisuot na ay dapat inilalagay sa lalagyan ng maruming damit
na tinatawag nating ___________.
2. Hubarin __________ang namantsahang damit.
3. Ang damit panloob ay dapat palitan ___________dahil ito ay napapawisan
4. Huwag ________kung saan- saang lugar upang hindi marumihan ang damit.
5. Ang wastong pangangalaga ng kasuotan ay nakatutulong para _______ito

Araw-araw Agad Ropero Tumagal umupo

3
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Ang kasuotan ay dapat ingatan mula pagsuot hanggang sa paghubad ng mga ito.
Ang bawat isa ay naglalayong mapanatili ang kagandahan at kapakinabangan ng
kasuotan sa loob ng mahabang panahon. Narito ang mga dapat gawin upang tumagal
ang kasuotan.
1. Pahanginan ang kasuotan na basa ng pawis upang maalis ang amoy. Kapag natuyo
na ilagay sa lalagyan ng maruming damit o ropero.
2. Alisin ang mantsa habang sariwa pa.
3. Tahiin ang mga punit habang maliit pa bago labhan.
4. Ihanger ang mga malinis na kasuotang panlakad.
5. Tiklupin nang maayos ang mga kasuotang pambahay at isalansan sa cabinet ayon sa
kulay at gamit.
6. Iwasang umupo sa maruming lugar. Punasan muna o lagyan ng sapin bago umupo.
7. Huwag ipunas ang kamay, pawis, sipon, o libag ang mga hinubad na damit. Gumamit
ng panyo o labakara kung kailangan.

GAWAIN 1
Magsaliksik (Creativity)
Panuto: Iclick ang link na nasa loob ng kahon at panoorin at pag-aralan.
https://www.youtube.com/watch?v=GkE4fgwGQtQ
Pangangalaga sa kasuotan By: Angelica Mingaracal

GAWAIN 2 Subukin ito. (Communication, Critical


Thinking & character building)
Panuto: Basahin ang diyalogo ng bawat isa.

Naku! Bakit may Hindi ka kasi


mantsa ang Ma! baka po Mark Magpalit ka Ihahanger ko
nag-iingat sa
may nakaupo na ng damit at po muna ang
damit mo Mark? iyong
alisin mo agad aking t-shirt at
pagupo. ako sa
patutuyuin at Opo! Aalisin
maruming ang mantsa ng
saka ko po ilagay ko na po
lugar. hindi matuyo ito. sa ropero. agad ang
mantsa.
Magpapalit
lang po ako
ng damit
pambahay.

4
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa tulong ng iyong kasama sa bahay na nakatatanda.
Isulat sa patlang ang inyong sagot.
1.Alin sa mga diyalogo ang naranasan mo rin? Bakit?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Ano ang ginagawa mo sa iyong kasuotan pagkatapos mong hubarin?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
3. Maaari bang maiwasan ang nangyari kay Mark? Paano?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

GAWAIN 3 Word Hunt. (Creativity & collaboration)

Panuto: Sa tulong ng nakatatanda hanapin ang mga salitang may kinalaman


sa pangangalaga sa kasuotan. Isulat ang mga salita sa loob ng KASUOTAN 1.
Gamit ang mga nabuong salita sa KASUOTAN 1, bumuo ng pangungusap sa
KASUOTAN 2 makapagbibigay kahulugan sa salitang nasa KASUOTAN 1.

P U N I T Z K V K R H
B U O O N E S A A B A
B D N C X P W B S A N
K A S U O T A N U N G
T U W I T R N A O S E
R R V X R S M G T A R
K A S I L I S A A R T
R U P E R O A D A G A

KASUOTAN 1
KASUOTAN 2
1. _____________ 1. ____________
2. _____________ 2. ____________
3.______________ 3.____________
4. ______________ 4. ____________
5. ______________ 5. ______________

5
TANDAAN
Ang kaalaman sa wastong pangangalaga ng kasuotan at pagkukusang gawain
ay tanda ng pagkakaroon ng disiplina at pagiging masinop. Ang maagap na
pangangalaga at pagkukumpuni ng mga kasuotan ay kailangan upang makatipid sa
pera, oras at lakas.
Maraming paraan ang isinasagawa para mapangalagaan ang kasuotan. Ang
bawat paraan ay naglalayong mapanatili ang kagandahan at kapakinabangan ng damit
sa loob ng mahabang panahon. Isa rin itong paran sa pagtulong sa magulang. Kailangang
isipan ninuman na ang wastong pangangalaga ng sariling kasuotan, kagamitan ay dapat
isapuso at mahalin upang mapakinabangan ng matagal.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUNAN


1.Marumi ang kamay at bibig ni Mariell dahil katatapos lang niyang kumain. Ano ang
dapat niyang gawin?
______________________________________________________________________
_______________________________________________________________
2.Galing sa trabaho si Mark, pagdating sa bahay agad niyang hinubad ang pawisang
damit. Kung ikaw si Mark Ano ang dapat mong gawin dito?
______________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Dahil sa covid-19 ikaw ay nasa bahay lang, tumutulong ka sa iyong nanay .Maraming
tuyong damit na galing sa sampayan. Ano ang dapat mong gawin sa mga damit?
______________________________________________________________________
________________________________________________________________

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
A. Panuto: Basahin at sagutan ng wastong sagot. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ito sa patlang bago ang bilang.
________1. Marumi ang kamay ni Mark dahil katatapos lang nyang kumain.
Ano dapat niyang gawin?
A. Ipahid ang kamay sa damit sapagkat hindi naman ito mahahalata
B. Ipahid sa panyo ang mga kamay.
C. Maghugas ng kamay at saka ipahid sa panyo.
D. Wala sa nabanggit
________2. Ano ang dapat gawin bago magsuot ng malinis na damit?
A. Magpatuyo ng pawis C. maligo o maglinis ng katawan
B. Magpabango D. maghilamos ng mukha

6
________3. Namantsahan ang damit ni Mariell mula sa katas ng prutas na kanyang
Kinain. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Hubarin agad at ilagay sa ropero C. Hubarin agad at labhan
B. Hubarin agad at isampay D. Hubarin agad at itago
________4. Ang damit na hinubad ay dapat ilagay sa_________.
A. Kama C. silya
B. ropero D. kahon
________5. Ang may sira o punit na damit ay kailangang sulsihan o tahiin _________
bago labhan
A. agad C. matapos
B. habang D. wala sa nabanggit

PAGNINILAY

Panuto: Isulat ang iyong pagninilay tungkol sa mga pangangalaga sa iyong kasuotan.
Maaari kang sumagot ayon sa iyong naiisip at nararamdaman sa malikhaing
pamamaraan. (Creativity & Critical thinking)

Ang aking natutunan sa


modyul na ito ay...

Mahalaga ang wastong


pangangalaga sa kasuotan dahil…

Ang ugaling dapat kong taglayin sa


pangangalaga sa kasuotan...

Ang wastong kaalaman sa


pangangalaga sa kasuotan ay
magagamit ko sa...

7
SANGGUNIAN

 Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan Isinulat nina: Evelyn D. Deliarte, Ana Ventura at
Randy Emen
 Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran (Batayang Aklat) Isinulat nina: Gloria A. Peralta, Ruth Arsenue
etal
 Edukasyong Pangtahanan at Pangkabuhayan and Technology and Livelihood Education Grade 5
by: Olivarez, Reyes, Aragon
 Bitmoji,
 https://www.pinterest.ph/pin/714453928374397457/
 https://www.pinterest.ph/pin/532058143482040,
 https://www.pinterest.ph/pin/58786055
 https://www.pinterest.ph/pin/532058143482040
 https://www.pinterest.ph/pin/58786055
 https://www.pinterest.ph/pin/791155859528890040/https://www.pinterest.ph/pin/791155859528890040/
 https://cartoon-story-maker.informer.com/1.1/
 https://www.youtube.com/watch?v=GkE4fgwGQtQ
Pangangalaga sa kasuotan By: Angelica Mingaracal

Acknowledgements

MANAGEMENT AND DEVELOPMENT TEAM


Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V 
Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Supervisor: Carmelina D.M. Tan
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID LRMDS Librarian II: Lady Hannah C. Gillo
CID LRMDS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor: Fe B. Bele
Writer: Nelabell M.Ticzon, MT-II

8
9
1. 1. Ropero 1. C
2. 2. Agad 2. C
3. 3. Araw-araw 3. C
4. 4. Umupo 4. B
5. 5. Tumagal 5. A
P U N I T Z K V K R H
B U O O N E S A A B A
B D N C X P W B S A N
K A S U O T A N U N G
T U W I T R N A O S E
R R V X R S M G T A R
K A S I L I S A A R T
R U P E R O A D N G A
SUSI NG KASAGUTAN

You might also like