You are on page 1of 23

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

EDUKASYONG
PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN 4
Paggawa ng Table at
Tsart, Paunlarin!

Quarter 1 Week 4 Module 4


PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO:
Nakagagawa ng mga table at tsart gamit ang word
processing at spreadsheet tool.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna


ang lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang
pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang modyul na
ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan
ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas
ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin ka pang
dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan
ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

MGA BAHAGI NG MODYUL

Inaasahan - ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
Unang Pagsubok - ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng
aralin.
Balik-tanaw - ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya
ng aralin
Gawain - dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
Tandaan - dito binubuo ang paglalahat ng aralin
Pag-alam sa mga Natutuhan - dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin
Pangwakas na Pagsusulit - dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin

1
ICT: MODYUL 4
Paggawa ng Table at Tsart

Panimula
Sa paggawa ng mga ulat, mas mainam kung gagamit tayo ng mga table at
tsart. Makatutulong ang mga ito upang mas madaling unawain at suriin ang datos
at impormasyong nais nating maipakita sa ating dokumento.

Sasanayin ka ng araling ito sa paggawa ng mga ulat gamit ang table at tsart
sa tulong ng word processing tool, at spreadsheet application. Gamit ang
spreadsheet application, maaring makagawa ng ulat sa mas mabilis na paraan sa
pamamagitan ng pag-sort at pag-filter ng mga impormasyon.

I. Layunin

1. Nakagagawa ng table at tsart gamit ang word processing.

2. Nakagagawa ng table at tsart gamit ang electronic spreadsheet tool.

3. Nakakapag-sort at filter ng impormasyon gamit ang electronic spreadsheet


tool.

2
I. Mga Gawain

Paunang Pagtataya
A. Panuto: Taglay mo na ba ang sumusunod na kasanayan? Maglagay ng
tsek (✔) sa hanay ng thumbs up icon kung OO ang sagot at ang thumbs down
icon kung HINDI.

Kasanayan

1. Natutukoy ang gamit ng table at tsart.


2. Nakagagamit ng word processing application at
spreadsheet application sa paggawa ng table.
3. Naisasaayos sa table at tsart and lipon ng mga datos at
impormasyon upang mas lalo itong maintindihan.
4. Nababago (edit) ang properties ng table at tsart upang
mas maging kaaya-aya ito sa paningin.
5. Nakagagamit ng word processing application at
spreadsheet application sa paggawa ng tsart.
6. Nakapag-sort ng ascending at descending na mga
numerikal at tekstuwal na impormasyon.
7. Nakapagpi-filter ng impormasyon.
8. Nagagamit ang sorting at filtering command sa mas
epektibong pag-uulat at pagsusuri ng datos.

Alamin Mo
ANG NEGOSYO NINA FELY AT SHIRLEY

Nagkasundo ang magkaibigang Fely at Shirley na magnegosyo upang


makaipon ng pambili ng gamit sa eskwela sa darating na pasukan. Nagpasiya
silang magluto ng meryenda at itinda ito sa kanilang lugar. Kumita sila ng ₱235
sa unang araw ng kanilang pagtitinda, ₱340 sa ikalawang araw, ₱450 sa ikatlong

3
araw, at ₱390 sa ikaapat na araw. Naging maulan ang ikalimang araw, kaya
kumita lamang sila ng ₱240.
Upang malaman ang halaga ng kinita sa bawat araw ng pagbebenta ng
meryenda, gumamit sila ng word processor sa paggawa ng table.
Pag-aralan ang table sa ibaba.

Araw Meryenda Kinita


1 Banana cue ₱235
2 Puto at kutsinta ₱340
3 Lugaw, tokwa at okoy₱450
4 Sopas ₱390
5 Biko ₱240
KITA: ₱1,655
Naisipan din ng magkaibigan na gawan ng tsart ang ulat ng kanilang
kinita sa bawat araw ng pagbebenta.

Kinita sa Pagbebenta ng Meryenda


500
Kinita sa bawat

340 450 390


235 240
araw

0
1 2 3 4 5

Araw

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Sa tingin mo ba ay nakatulong kina Fely at Shirley ang paggawa ng table


ng kanilang mga kinita sa limang araw ng kanilang pagtitinda? Sa paanong
paraan ito nakatulong?
2. Sa anong paraan naman nakatulong sa magkaibigan ang ginawa nilang
tsart?

ANG WORD PROCESSOR

Ang word processor o word processing application ay isang software


na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na dokumento, sa pag-eedit at pag-
save ng mga ito sa computer file system.

Sa tulong ng word processing application, maari din nating isaayos ang


mga numerikal at tekstuwal na impormasyon sa pamamagitan ng table at tsart.

4
column row
ANG TABLE

Ang table ay koleksiyon ng Araw Meryenda Kinita


magkakaugnay na tekstuwal na 1 Banana cue ₱235
nakaayos sa pamamagitan ng rows at 2 Puto at kutsinta ₱340
columns. Mas madaling nasusuri ang 3 Lugaw, tokwa at okoy ₱450
4 Sopas ₱390
datos kung ito ay nakaayos sa table. 5 Biko cell ₱240
KABUUANG KITA: ₱1,655

Ang rows ay koleksiyon ng magkakaugnay na tekstuwal na nakaayos


sa pamamagitan ng rows at columns. Mas madaling nasusuri ang datos kung ito
ay nakaayos sa table.

ANG TSART

Ang tsart ay biswal na modelo ng mga numerikal na impormasyon.


Gumagamit ito ng mga imahen at simbolo upang maging mas madali ang
pagsusuri ng mga datos.

IBA’T IBANG URI NG TSART

May iba’t ibang uri ng tsart. Ang sumusunod ay ilan sa mga


pinakamadalas gamitin.

Ulat ng Kita
5 1. Bar Chart - Binubuo ito ng mga pahalang na
3 parihaba na nagpapakita ng paghahambing ng
1 mga numerikal na datos.
0 200 400 600

Site 2 Site 1

2. Column Chart – na gumagamit ng mga patayong bar upang ipakita ang


paghahambing ng mga numerikal na datos.
Ulat ng Kita
600
400
500

480
450
400

350

420

200
300
250
300

320

0
1 2 3 4 5
5 Site 1 Site 2
Ulat ng Kita 3. Line Chart – Binubuo ito ng mga linya na
600 nagpapakita ng trend o kilos ng pagtaas at
500

480
450
400 pagbaba ng mga numerikal na datos.

300 320
250 300

200
400

350

420

0
1 2 3 4 5

Site 1 Site 2

4. Pie Chart – kamukha ito ng pizza pie.


Nagpapakita ang ganitong uri ng tsart
ng pagkakahati ng isang buo
sa iba’t ibang kategorya.

Isagawa mo
GAWAIN A. PAGGAWA NG TABLE

Panuto: Subuking gumawa ng table gamit ang word processing application.


Sundan lamang ang sumusunod na panuto:

1. Buksan ang inyong word processing application.


2. I-click ang Insert tab na makikita sa gawing itaas ng inyong screen.
I-click ang Table button.

3. Itakda ang bilang ng hanay sa pahalang o rows at hanay na pababa o


columns. Para sa gawain, gumawa ng tatlong column at anim na row.
Magkakaroon ng table sa inyong document window.

6
4. I-type ang sumusunod na datos sa cells ng table.

Araw Meryenda Kinita


1 Banana cue Php235
2 Puto at kutsinta Php340
3 Lugaw, tokwa at okoy Php450
4 Sopas Php390
5 Biko Php240

5. Tignan ang halimbawa ng output sa ilalim.

Araw Meryenda Kinita


1 Banana cue Php235
2 Puto at kutsinta Php340
3 Lugaw, tokwa at okoy Php450
4 Sopas Php390
5 Biko Php240

6. I-save ang file, bigyan ng file name na Paggawa ng Table.

GAWAIN B. PAGGAWA NG TSART

Panuto: Subukin naman nating gumawa ng tasrt gamit ang word


processing application. Sundan ang sumusunod na hakbang.

1. Buksan ang MS Word application na isang halimbawa word


processor.
2. I-click ang Insert tab at i-click ang Insert Chart button.

3. Magbubukas ang
Insert Chart dialog box.
7
4. Piliin ang default chart (Clustered Column) at i-click ang OK.
5. Magkakaroon ng default chart
sa Word document
at magbubukas
ang isang data sheet.

6. Palitan ang mga default na datos sa data sheet at i-type ang mga
sumusunod na ulat ng kinita.

Meryenda Kinita
Banana cue Php235
Puto at kutsinta Php340
Lugaw, tokwa at okoy Php450
Sopas Php390
Biko Php240

7. Kung tapos nang mai-type ang datos ay maari nang isara ang data
sheet.

8. Sa word processor
Kinita sa Pagbebenta ng Meryenda
ay makikita mo ang tsart
600
na naglalaman ng ulat
Kinita sa bawat

ng kinita. 400
araw

200 450 390


235 340 240
0
1 2 3 4 5

A…

9. I-save ang Word document na ito sa inyong folder at bigyan ng


filename na: Paggawa ng Tsart
8
Subukin mo
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Koleksiyon ito ng magkakaugnay na numerikal at tekstuwal na


datos na nakaayos sa pamamagitan ng rows at columns.
A. Tsart C. Dokumento
B. Table D. Spreadsheet

2. Ito ay biswal na modelo ng mga numerikal na impormasyon sa


gumagamit ng mga imahe at simbolo upang mas maging madali
ang pagsusuri ng mga datos.
A. Table C. Tsart
B. Dokumento D. Spreadsheet

3. Ito ay isang software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal


na dokumento, pag-eedit at pag iimbak ng mga electronic file sa
computer file system.

A. Desktop publishing apllication


B. Word processing application
C. Electronic spreadsheet application
D. Graphic designing application

4. Ano ang magagawa kung i-click ang icon na ito sa Insert tab?

A. Tsart C. Columns
B. Rows D. Table
5. Ano ang magagawa kung i-click ang icon na ito sa Insert
tab?

A. Tsart C. Columns
B. Rows D. Table

9
IKALAWANG ARAW
Paggawa ng Table at Tsart Gamit ang Spreadsheet Tools

Layunin:

1. Nakagagamit ng spreadsheet application upang makagawa ng table at


tsart.
2. Naisasaayos ang mga tsart sa pamamgitan ng design, layout, at format
properties ng mga ito.

Alamin Mo
Electronic Spreadsheet Tool

Ang impormasyong numerikal (dami o bilang, presyo o halaga, timbang


at populasyon) at tekstuwal na impormasyon (pangalan, produkto at aytem) ay
maaring magbigay ng mahalagang kaalaman sa atin kung ang mga ito ay
isasaayos at maipapakita gamit ang table at tsart.

Ang spreadsheet application ay isa pang software na maaring gamitin


upang makagawa ng mga table at mga tsart. Kadalasan itong may isang workbook
na naglalaman ng mga worksheets. Bawat worksheet ay naglalaman ng rows at
columns. Ipinapasok ang datos sa loob ng cells. Ang mga cells ay ang mga kahon
kung saan nagtatagpo ang bawat column at row.

10
Ang cell name o cell reference ay ang pangalan ng bawat cell sa spreadsheet.
Ang bawat row ay gumagamit ng titik o letra bilang label habang ang bawat
column ay gumagamit ng numero.

Isagawa mo
GAWAIN A. PAGGAWA NG TABLE SA SPREADSHEET

Panuto: Itakda ang bilang ng hanay sa pahalang o rows at hanay na pababa o


columns. Para sa gawain, gumawa ng tatlong column at anim na row.
Magkakaroon ng table sa inyong document window.
1. Buksan ang inyong electronic spreadsheet tool.
2. I-type ang sumusunod na datos sa nakatalagang cell. Tandaang
pagkatapos i-type ang datos sa bawat cell, pindutin ang Enter key.

Cell A1: DONNA’S PIZZA HOUSE Cell B4: 700


Cell A2: Pizza Flavor Cell C4: 200
Cell B2: Kinita sa Site 1 Cell A5: Pepperoni
Cell C2: Kinita sa Site 2 Cell B5: 800
Cell A3: Hawaiian Cell C5: 200
Cell B3: 700 Cell A6: Seafood
Cell C3: 200 Cell B6: 900
Cell A4: Ham and Cheese Cell C6: 150

3. Ayusin (adjust) ang lapad ng bawat column sa pamamagitan ng


pagtatapat sa pointer ng mouse sa linyang naghihiwalay sa dalawang

11
column (border) at hilahin ito. Pagkatapos mai-type ang datos at ma-
adjust ang lapad ng columns ay magkakaroon ka ng output na
katulad nito

4. I-click ang File tab at piliin ang Save as i-save ang workbook sa
inyong folder at bigyan ito ng file name na Spreadsheet Table.
GAWAIN B. PAG-FORMAT NG TABLE SA SPREADSHEET
Upang magmukhang mas kaaya-aya ang table sa spreadsheet, maaring
i-format ang properties ng table. Sundan ang sumusunod na hakbang upang
mapaganda ang table:

A. Pag-Center ng mga Teksto at Pag-Merge ng mga Cells


1. Buksan ang inyong file sa nakaraang gawain – Spreadsheet Table.
2. Gamit ang mouse, i-select ang Cell A1 to Cell C1.
3. Sa Home tab ng ribbon ng spreadsheet, makikita ang Merge &
Center button. I-click ito.

4. Pansinin na ang Cell A1 hanggang Cell C1 ay naging isa na lamang


at ang teksto ay napunta sa gitna.

12
B. Paglalagay ng Border sa Table

1. I-select ang lahat ng cells ng table.


2. Mag-right click sa loob ng selection
3. I-click ang Format Cells. Tignan ang
larawan sa kanan.
4. Magbubukas ang Format Cells dialog box.

5. I-click ang Border tab. Magbubukas


ang Border dialog box katulad ng sumusunod na larawan

6. Itakda ang line style at kulay ng border.

7. Siguraduhing nai-click
ang Outline at Inside sa ilalim
ng Presents upang mailapat
ang formatting.
8. I-click ang OK. Magkakaroon ka ng table na tulad nito.
9. I-save ang file.

C. Pagpapalit ng Kulay ng Cells

1. Gamit ang mouse, i-select ang mga cells na nais i-format.


2. I-click ang down arrow ng Fill Color icon na makikita sa Home tab
ng ribbon
3. Pumili ng kulay nan ais gamitin para sa cells.

D. Pagpapalit ng Fonts at Kulay ng Fonts

1. Gamit ang mouse, i-select ang


cells na naglalaman ng mga
tekstong nais mong baguhin ang
font at kulay.

13
2. I-click ang down arrow ng
Font dropdown list. Tignan ang
larawan sa kanan.
3. Pumili ng font na nais gamitin
at i-click ito
4. Tignan ang halimbawa ng output sa ibaba.

Maari ding baguhin ang iba pang Font Properties tulad


ng Font Size, Font Style, Border at Fill Color. Ang
options na ito ay makikita sa Home tab at Font Group.

5. I-save ang file.

GAWAIN C. PAGGAWA NG TSART SA SPREADSHEET

Panuto: Subukin naman nating gumawa ng tsart gamit ang electronic


spreadsheet.

Sundan ang sumusunod na pamamaraan:


1. Buksan ang file na Spreadsheet Table. Gagawa tayo ng column chart
mula sa mga datos na napasok na natin.
2. Gamit ang mouse, i-select ang Cell A2 hanggang Cell C7
3. Pagkatapos mai-highlight ang cells, i-click ang Insert tab upang
magbukas ang mga options.
4. I-click ang Column option na nasa Charts group.
5. Piliin ang 3-D Clustered Column na nasa 3-D Column group.

14
6. Magkakaroon ng tsart sa iyong spreadsheet.
7. I-save as ang file sa inyong folder. Gamit ang bagong file name na
Spreadsheet Chart.

Paglagay ng Chart Title

Mapapansin na wala pang pamagat ang ating tsart. Sundan ang


sumusunod na pamamaraan upang lagyan ito ng pamagat.

1. I-click ang tsart na napili.


2. Magbubukas ang Chart Tools tab
at ang ribbon ng options
3. I-click ang Layout sub-tab na nasa
ilalim ng Chart Tools tab.

4. I-click ang Chart Title button at piliin ang Above Chart upang
magkaroon ng textbook kung saan ita-type ang pamagat ng tsart.
5. Palitan ang nakalagay na default text sa pamamagitan ng pag
highlight nito at pagpindotng Delete sa keyboard.
6. I-type ang bago nitong pamagat: Kinita sa Donna’s Pizza House

7. I-save ang file.

15
PAGTATAYA
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa pamamagitan ng paglalagay
ng titik (A-unang hakbang hanggang E-panlimang hakbang).

1. Pagkatapos i-highlight ang mga cell na naglalaman ng datos,i-click


ang Insert tab.
2. Gamit ang mouse, piliin ang cells na naglalaman ng datos na
gagamitin para sa tsart.
3. Pagkabukas ng mga options sa ribbon ng Insert tab, piliin ang klase
ng tsart na nais gamitin sa Charts group.
4. Pagkalitaw ng tsart sa spreadsheet, i-save ang file sa inyong folder.

5. Buksan ang file na nasa spreadsheet table.

IKATLONG ARAW
Pag-Sort at Pag-Filter ng Impormasyon

Layunin:

1. Naipaliliwanag ang proseso ng pag-sort at pag-filter ng impormasyon.


2. Nagagamit ang spreadsheet sa pag-sort at pag-filter ng impormasyon.

Alamin Mo
ANG SORTING AT FILTERING COMMAND

Ang Sort ay isang command sa electronic spreadsheet na ginagamit upang


maisaayos ang mga listahan ng numerikal at tekstuwal na datos. May dalawang
uri ng sorting command.

Sort ascending – isinasaayos nito ang listahan ng mga


tekstuwal na impormasyon sa alpabetikong pagkakasunod
mula sa A hanggang Z; ang numerikal na impormasyon
naman ay naisasaayos mula sa pinakamababa hanggang sa
pinakamataas na bilang.

16
Sort descending – isinasaayos nito ang tekstuwal na
impormasyon sa baliktad na alpabetikong pagkakasunod mula
sa Z hanggang A; ang numerikal na impormasyon naman ay
naisasaayos mula sa pinakamataas hanggang sa
pinakamababang bilang

Ang Filter ay isang command sa electronic spreadsheet na ginagamit


upang mabilis na masuri at masala ang mga impormasyon na kailangan. Kaiba sa
sorting, ang filtering ay hindi lamang nag-aayos ng pagkakasunud-sunod ng mga
impormasyon, itinatago rin nito ang impormasyon na hindi pasok sa pamantayang
naitakda.
Ang Filter button na makikita sa Data tab at grupo ng Sort and
Filter.

Isagawa mo
GAWAIN A. PAG-SORT NG MGA TEKSTUWAL NA IMPORMASYON
1. Buksan ang inyong electronic spreadsheet tool at i-type ang mga
datos sa ibaba.

2. Gamit ang mouse, piliin ang cell range ng mga datos sa hanay ng
Code No.,Tinapay at Halaga (Cell B2-Cell C12).

3. I-click ang Data tab, piliin ang Sort button

17
4. Magbubukas ang Sort dialog box.
5. Sa column, i-click ang drop-down arrow ng Sort by na box. Piliin
ang Tinapay.

6. Sa Order, i-click ang drop-down arrow at piliin ang A-Z.

7. I-click ang OK. Pansinin na sa


listahan ng mga pangalan
ng Tinapay, ang Cheese Bread
ang naging pinakauna sa listahan.

8. I-save ang file sa inyong folder


na may file name na Bakery.

GAWAIN B. PAG-SORT NG MGA NUMERIKAL NA IMPORMASYON

1. Gamit ang parehas na file:


Bakery.xlsx. subukin naman
nating mag-sort ng numerikal
na impormasyon sa ating listahan.
2. Gamit ang mouse, piliin ang cell
range ng mga Tinapay at Halaga
(Cell B2-Cell C12).

3. I-click ang Data tab, piliin ang Sort button.


4. Magbubukas ang Sort dialog box.
5. Sa column ay i-click ang ang drop-down arrow ng Sort box. Piliin
ang Halaga.

18
6. Sa Order, piliin ang smallest to largest (ascending) kung nais na ang
mga presyo ng tinapay ay nakaayos mula sa pinakamababa
hanggang pinakamataas. Piliin naman ang largest to smallest
(descending) kung nais na ang mga halaga ay nakaayos mula sa
pinakamataas hanggang pinakamababa.
7. I-click ang OK.

8. Kung ang piniling Order


option ay largest to smallest
ang listahan ay magiging
katulad ng nasa larawan
sa kanan. Pansinin na ang mga
tinapay na may pinakamataas
na presyo ang pinakauna sa
listahan at sinusundan ng
pangalawa sa pinakamataas
at pababa.
9. I-save ang file sa inyong folder.

GAWAIN C. PAGGAWA NG TSART SA SPREADSHEET


1. Kung hindi pa nakabukas ang file, buksan uli ang Bakery.xlsx. file
gamit ang inyong electronic spreadsheet application.
2. Gamit ang mouse, piliin ang cell headings na naglalaman ng Code,
Tinapay, at Halaga (CellA2-CellC2)
3. I-click ang Data tab. Magbubukas ang options sa ilalim ng Data tab.

4. I-click ang Filter button at magkakaroon ng drop-down menus sa


gilid ng cell headings.

19
5. I-click ang drop-down arrow sa gilid ng Halaga. Magbubukas ang
menu options para sa pag-filter.

6. Pillin ang Number Filters at magbubukas ang options para rito,


i-click ang Between.

7. Magbubukas ang Custom Auto Filter. I-type ang 2 sa text field “is
greater than or equal to” at i-type naman ang 5 sa text field ng “is
less than or equal to.” Ibig sabihin lamang nito na nais nating ipakita
ang mga tinapay na may halagang nasa pagitan ng 2 at 5.
8. I-click ang Ok button. Tignan ang naging resulta sa ibaba.

Ipinapakita ang listahan ng


mga tinapay na may halagang
P2.00 hanggang P5.00.

9. Maari din nating i-sort


ang resulta ng pag-filter na ito.
I-click lamang ang drop-down
arrow sa gilid ng cell ng Halaga.
10. Piliin ang Sort Smallest to Largest,
upang mai-ayos ang listahan
mula pinakamababa hanggang
pinakamataas.
20
11. Tingnan ang halimbawa ng output sa ibaba. I-save ang file.

Ngayon ay mayroon ka nang listahan ng tinapay na may halagang P2.00


hanggang P5.00 at nakaayos mula sa pinakamababang presyo pataas.

PAGTATAYA
Tama o Mali: Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali.

1. Ang Filter ay isang command sa electronic spreadsheet na


ginagamit upang mabilis na masuri at masala ang mga kailangan
impormasyon.

2. Ang sorting ay pagpili ng pamantayan sa gagawing pagsala ng


impormasyon.

3. I-click ang File tab upang ma-access ang Sort at Filter command.

4. Ang sort ascending sa tekstuwal na impormasyon ay pagkakasunod-


sunod ng mga impormasyon mula A hanggang Z.

5. Kailangan munang piliin ang cells na naglalaman ng mga


impormasyon kung nais mag-sort.

21
Susi sa Pagwawasto

Pagtataya
Pagtataya 1 Pagtataya 2 Pagtataya 3
1. B 1. C 1. Tama
2. C 2. B 2. Mali
3. B 3. D 3. Mali
4. A 4. E 4. Tama
5. D 5. A 5. Tama

SANGGUNIAN
Esteban, C.P. The Amazing World of Computers 4.Quezon City: Phoenix
Publishing House, 2010.

Garcia, N.B., Salac, J. S., Jardolin, F. E., Orlanda, J., &Tayag, M.I. Word
Processing and Presentation Making. Valenzuela City: BookChoice Publishing,
2004.

Navarro, Lilibeth A. Spreadsheets and Databases. Philippines: Jemma Inc. 2007.

Acknowledgements

Writer: Ruth V. Mercolita, MT-I


Editor: Ariel D. Tosio, EPS
Reviewer: Aquilina F. Tiama, PSDS
Management Team: Maria Magdalena M. Lim-Schools Division
Superintendent - Manila
Aida H. Rondilla - Chief Education Supervisor
Lucky S. Carpio-EPS
Lady Hannah C Gillo - Librarian II-LRMS

22

You might also like