You are on page 1of 9

DAILY LESSON PLAN Paaralan Antas 4

Guro Asignatura EPP


Petsa/Oras Markahan IKALAWANG
MARKAHAN

ARAW
I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ang kaalaman at kakayahan sa paggamit ng productivity tools upang maipakita ang numerical at tekstual na
PANGNILALAMAN
impormasyon sa pamamagitan ng mga table at tsart.
B. PAMANTAYANG Nakagagawa ng table at tsart gamit ang productivity tools upang magpakita ng impormasyon.
PAGGANAP
C. MGA KASANAYAN SA Nakagagawa ng table at tsart gamit ang word processing.
PAGKATUTO
EPP4IE-Og-13
(Isulat ang code ng bawat
kasanayan)

II. NILALAMAN Aralin 14: Paggawa ng table at tsart gamit ang Word Processor

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 TG p.40-42
Guro
2. Mga pahina sa Kagamitan ng Mag-aaral sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 LM p.109-124
Kagamitang
Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan No Available reference
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop, metacards, mga larawan
Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Bilugan ang titik ng tamang sagot.
aralin at/o pagsisimula ng
bagong aralin 1. Ito ang proseso ng pagkuha ng isang electronic file gaya ng text, image, music, o video file mula sa web server.
a. Upload b. Click c. Download d. Double-click
2. Mahalagang software ito kung nais mag-download ng video na nasa YouTube.
a. YouTube Downloader b. Vimeo Downloader c. Your Music channel d. YouTube Channel
3. Ito ang tawag sa paggamit at pag-angkin sa akda ng iba nang hindi nagpapaalam sa orihinal na awtor o hindi kinikilala ang
tunay na may-akda.
a. Theft b. Trespassing c. Plagiarism d. Deception
4. Tumutukoy ito sa karapatan ng isang awtor sa pagpapalathala ng kaniyang mga akda.
a. Right to Suffrage b. Copyright c. Civil Rights d.. Right to Life

(Gawin sa loob ng 5 minuto). (Reflective Approach)


B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layuin ng aralin.
aralin at pagganyak
1. Naipaliliwanag ang gamit ng table at tsart.

2. Nakagagawa ng table at tsart sa pamamagitan ng word processor.

3. Natutukoy ang kahalagahan ng mga table at tsart.

B. Gamit ang mga tanong sa “Kaya Mo Na Ba?” LM p.109, hayaang sagutin ng mga mag-aaral para sa panimulang pagtatasa para
sa bagong aralin
C. Tingnan ang larawan sa ibaba.
Itanong:
1. Anong klase ng tindahan ang nasa larawan?
2. Ano-anong produkto ang maaring mabili sa ganitong klase ng tindahan?
3. Ano ang nararapat gawin ng may-ari ng tindahan upang madali niyang malaman kung anong klase ng produkto ang
mabilis at mabagal maubos?
4. Anong klase ng talaan ang maaaring gawin?
(Gawin sa loob ng 5 minuto) ( Reflective/Inquiry Approach)
C. Pag-uugnay ng mga A. 1.Babasahin ng guro ang kwento.
halimbawa sa bagong aralin
ANG NEGOSYO NINA NICOLE AT CLAUI
Nagkasundo ang magkapatid na sina Nicole at Claui na magtinda ng iba’t-ibang uri ng pagkain upang makaipon ng
pambili ng bagong damit na kanilang ireregalo sa kaarawan ng kanilang kapatid na si Cef. Nagpasiya silang magluto ng
meryenda at itinda ito sa harap ng kanilang bahay. Kumita sila ng Php355 sa unang araw ng kanilang pagtitinda, Php390 sa
ikalawang araw, Php450 sa ikatlong araw, at Php410 sa ikaapat na araw. Naging maulan ang ikalimang araw, kaya kumita
lamang sila ng Php295. Upang malaman ang halaga ng kinita sa bawat araw ng pagbebenta ng meryenda, gumamit sila ng word
processor sa paggawa ng table.
ARAW MERYENDA KINITA
1 Siomai at puto Php355
2 Bibingka at sinukmani Php390
3 Turon, Pansit habhab, chami Php450
4 Banana cue, pansit habhab at tinapay Php410
5 Sopas at tinapay Php295.
KITA: Php1, 900

Naisipan din ng magkapatid na gawan ng tsart ang ulat ng kanilang kinita sa bawat araw ng pagbebenta:
500

450

400

350

300 Siomai at Puto


Bibingka at Sinukmani
250 Turon, Pansit habhab at Chami
Banan cue, Pansit habhab at
200 tinapay
Sopas at tinapay
150

100

50

0
1 2 3 4 5

D. Pagtatalakay ng bagong Mga Mungkahing Gawain:


konsepto at paglalahad ng
A. Sagutin ang mga tanong:
bagong kasanayan #1
1. Sa tingin mo ba ay nakatulong kina Nicole at Claui ang paggawang table ng kanilang mga kinita sa limang araw ng
kanilang pagtitinda? Sa paanong paraan ito nakatulong?
2. Sa anong paraan naman nakakatulong sa magkaibigan ang ginawa nilang tsart?
B. Iugnay ang sagot ng mga mag-aaral sa paksang tatalakayin.
(Reflective Approach)
C.1. Pangkating ang klase sa apat, bigyan ng tiglilimang metacards ang bawat pangkat. Sa loob ng
tatlong minuto, itala ang ibat-ibang kaalaman tungkol sa nakuhang paksa. Ipaskil ang mga sagot sa pisara o sa dingding. Iulat ng
lider ng pangkat ang sagot.
Pangkat A: “ ANG WORD PROCESSOR”
Pangkat B: “ ANG TABLE”
Pangkat C: “ANG TSART”
Pangkat D: “ IBAT-IBANG URI NG TSART”
2. Talakayain ang sagot ng mga mag-aaral gamit ang tala o datos na nasa p.111 ng LM.
3. Magpakita ang guro ng halimbawa ng table at tsart.
(Reflective/Inquiry Approach)
E. Pagtatalakay ng bagong Mungkahing Gawain:
konsepto at paglalahad ng
Ipagawa ang sumusunod na gawain. Gabayan ang mga magaaral sa pagggawa ng table at tsart gamit ang word processing
bagong kasanayan #2
application.
Gawain A: Paggawa ng Table
Gawain B: Pagpormat ng Table
Gawain C: Paggawa ng Tsart
Gawain D: Pagbabago ng mga Properties ng Tsart

F. Paglinang sa Ipagawa : “Pagplano ng mga Gastusin para sa Negosyo”


Kabihasahan(Tungo sa
1. Mag-isip ng negosyong nais mong itayo sa hinaharap.
Formative Assessment) 2. Gumawa ng plano ng mga gastusin.
3. Gawan ito ng table at pie chart. Ipormat ang table at tsart upang mas maging maganda ang output.
(Constructivist Approach)
G. Paglalapat ng aralin sa pang- Gawan ng table at tsart.
araw-araw na buhay

Ang mga Iskor ni Dino


Masinop na itinatala ni Dino ang mga nakuhang puntos sa mga pagsusulit mula noong unang markahan (tingnan sa ibaba ang
datos na itinala ni Dino). Tulungan si Dino na gumawa ng table at line chart upang malaman kung nagkaroon siya ng pag-
unlad.Ipormat ang table at tsart upang mas maging maganda ang output.
Asignatura Unang Markahan Ikalawang Markahan
Filipino 34 40
English 28 44
Math 40 41
Science 34 45
EPP 39 50
AP 32 35
MSEP 34 45
ESP 40 43
H. Paglalahat ng Aralin Paano nakatutulong ang paggamit ng table at tsart?

Ang paggamit ng table at tsart ay nakatutulong upang maging mas madali ang pagsusuri ng mga numerikal at tekstuwal na
impormasyon. Ang word processing application ay isang productivity tool na may kakayahang makagawa ng table at tsart sa isang
dokumento.
I. Pagtataya ng Aralin Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Koleksiyon ito ng magkakaugnay na numerikal at tekstuwal na datos na nakaayos sa pamamagitan ng rows at columns.
a. Table b. Dokumento c. Tsart d. Spreadsheet
2. Ito ay biswal na modelo ng mga numerikal na impormasyon na gumagamit ng mga imahe at simbolo upang mas maging
madali ang pagsusuri ng mga datos.
a. Table b. Dokumento c. Tsart d. Spreadsheet
3. Ito ay isang software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na dokumento, pag-eedit, at pag-iimbak ng mga
electronic file sa computer file system.
a. Desktop publishing application b. Electronic spreadsheet application
c. Word processing application d. Graphic designing application
4. Ano ang magagawa kung i-click ang icon na ito sa Insert tab?
a. Table b. Columns c. Rows d. Tsart
5. Ano ang magagawa kung i-click ang icon na ito sa Insert tab?
a. Table b. Columns c. Rows d. Tsart

J. Karagdagang Gawain para “Ang Badyet “


sa takdang aralin at
remediation  Ano-ano ang pinagkakagastusan mo o ng iyong pamilya?
 Gumawa ng isang linggong badyet tungkol dito.
 Gawan ng table at pie chart ang nabuong badyet. Ipormat din ang table at tsart upang mas maging maganda ang output.

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation
C. Nakatulong baa ng remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunnan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like