You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao


ST. BENEDICT COLLEGE OF MAGUINDANAO INC.

MASUSING BANGHAY SA PAGTUTURO


SA
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV

I. Layunin: Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag aaral ay inaasahang;

a. Naibibigay at napangangalanan ang mga kagamitan sa pagsusukat.


b. Naiuuri ang kagamitang panukat ayon sa wastong gamit nito.
c. Napahahalagahan ang gamit ng mga naturang kagamitan.

II. Paksang aralin:


a. Paksa: Mga Kagamitan sa Pagsusukat
b. Sanggunian: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV page (452-454)
c. Materyales: Mga materyal na panturo, mga larawan, mga tunay na bagay na
panukat
d. Pagpapahalaga: Kooperasyon, partisipasyon, pagkatuto at pag-uuri ng mga
kagamitan para sa pagsusukat

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng mag aaral

A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Tumayo ang lahat at manalangin. - (Tatayo ang mga bata at mananalangin)

Magandang umaga mga bata! - Magandang umaga Ginang Flores!

- Salamat po Ma’am.

Mag-si upo na kayong lahat.

Pagtatala ng lumiban sa klase

Sa unang grupo, sino ang lumiban? Sa


pangalawang grupo? Sa pangatlong grupo? - Wala po Ma’am.

Ngayon bago tayo tumungo sa ating aralin.


anu-ano ang dapat nating isa alang-alang sa
pakikinig?
1. Kapag may nag sasalita sa harap,
making.
2. Umupo ng maayos.
3. Iwasan makipag usap sa katabi pag
nagsasalita ang guro sa harap.
4. Kung gusting sumagot, itaas lamang
ang kanang kamay.

B. Magpapakanta ng EPP song para


sa mga bata

EPP SONG
Halina’t tayo ay maglakbay Tumuklas ng (Ang mga bata ay kumakanta)
makabagong kaalaman sa EPP lalawak ang
kaalaman Entrepreneurship at ICT mapag-
aaralan Kabilang dyan ang Industrial Arts
Home Economics at Agrikultura pa

Sama- samang alamin EPP ay tuklasin (Ang mga bata ay kumakanta)


Pakinggan upang ito’y maunawaan
sa edukasyong Pantahanan at Pang
kabuhayan Kabataan tiyak na may
kinabukasan

C. Balik Aral
Ang tinalakay natin noong nakaraang araw ay
patungkol sa “Mga Kautusan/Batas
Tungkol sa Pangangalaga ng Pagpaparami
ng Hayop”.

Binibigyan sila ng maayos na tirahan at


Paano natin inaalagaan ang ating mga hayop malinis na tubig.
sa bahay?

Magaling!
- Wala na po Ma’am.
May tanong pa ba kayo?
At kung wala, tayo ay dadako na sa
panibagong leksyon.

B. Paglinang na Gawain

a. Gawain
Mga bata magkakaroon tayo ng gawain at
subukin natin ang inyong kaalaman tungkol
sa ating susunod na tatalakayin.

Maliwanag ba! - Opo Maam!


Ang guro ay mag papakita ng larawan.

1. Iskuwalang

(Ang mga bata ay sasagot)


2. Zigzag rule

3. Meter stick

4. Pull-push
rule

5. Protraktor

6. Ruler at triangle

7. T Square

Tape measure

1. Paglalahad
Ngayon base sa aktibidad na ating ginawa,
may idea na ba kayo sa leksyon na ating
tatalakayin ngayong araw?

Ngayon ay ating tatalakayin ang mga tungkol


sa mga kagamitan sa pagsusukat.

Handa na ba kayo sa panibagong kaalaman,


mga bata?

PAGSUSUKAT
- Isang paraan upang malaman ang
angkop na sukat ng isang bagay.

MGA KASANGKAPANG PANUKAT

Iskuwalang asero – Ito ay ginagamit sa


pagsusukat sa malalaki at malalapad na gilid
ng isang bagay.
Halimbawa;
Gilid ng kahoy, lapad ng tela, lapad ng mesa,
at iba pa.

Zigzag rule- Ito ay kasangkapang yari sa


kahoy na ang haba ay umaabot ng anim na
piye at panukat ng mahahabang bagay.

Halimbawa;
Pagsusukat ng haba at lapad ng bintana,
pintuan at iba pa.

Meter stick- Ito ay karaniwang ginagamit ng


mga mananahi, sa pagsusukat para sa
paggawa ng pattern at kapag nagpuputol ng
linya.

(Ang mga bata ay nakikinig)


Pull-push rule- Ang kasangkapan ito ay yari
sa metal at awtomatiko na may haba na -Opo maam!
dalawampu’t limang 25 pulgada hanggang
isang daang 100 talampakan. Ang
kasangkapan ito ay may gradasyon sa
magkabilang tabi, ang isa ay nasa pulgada at
ang isa ay nasa metro.

(Ang mga bata ay nakikinig)

Protraktor- Ang kasangkapang ito ay


ginagamit sa pagkuha ng mga digri kapag
ikaw ay gumagawa ng anggulo sa iginuguhit
na mga linya.
(Ang mga bata ay nakikinig)

Ruler at triangle- Ito ay ginagamit sa


pagsusukat sa paggawa ng mga linya sa
drowing at iba pang maliliit na gawain na (Ang mga bata ay nakikinig)
nangangailangan ng sukat.

T Square- Ito ay ginagamit sa pagsukat ng


mahahabang linya kapag nagdodrowing.
Ginagamit din ito na gabay sa pagguhit ng
mga linya sa mga drowing ng gagawin. (Ang mga bata ay nakikinig)

Tape measure- Ang kasangkapang ito ay


ginagamit sa pagsusukat ng mga mananahi.
Ito ay ginagamit nila sa pagsusukat ng mga (Ang mga bata ay nakikinig)
bahagi ng katawan kapag tayo nagpapatahi
ng damit, pantalon, palda, barong, gown, at
iba pa.

Maliwanag ba mga bata!


- Opo Maam!

Magaling!

May katanongan bam ga bata?

D. Paglalapat

Magkakaroon tayo ng laro.

Ang bawat hanay ang siyang magkakagrupo.

Ngayon, magpapakita ako ng mga gamit at


kayo naman ang magsasabi kung anong
panukat ang gagamitin sa bagay na aking
ipapakita.

Maliwanag ba mga bata?


-Opo Maam!
Kung sino ang may pinaka mataas na puntos
ay siyang bibigyan ko ng primyo.

Kaya pag butihin mga bata.


Maliwanag ba mga bata? -Opo maam!
(Magbibigay ng larawan ang guro sa bawat
pangkat)

Handa naba ang bawat pangkat? -Opo maam!

-Opo maam!

Nag enjoy ba ang lahat mga bata?

Bigyan natin ng fireworks clap ang ating mga


sarili.

E. Paglalahat

Ngayon mga bata, banggitin nga isa isa kung


ano ano ang mga kasakapang panukat.

Itaas lamang ang kanang kamay kung


gustong sumagot.
- Iskuwalang Asero

- Zigzag Rule

- Meter Stick

- Pull-push Rule

- Protraktor

- Rule at Triangle

- T- Square

- Tape Measure

At para sa ating pang huling aktibidad tayo


ay magkakaroon ngmaiksing pagsusulit.
IV. Pagtataya
Panuto: Pangalanan ang mga larawan sa ibaba at piliin ang tamang sagot sa kahon.

RULER AT TRIANGLE ZIGZAG RULE METER STICK

PULL-PUSH RULE ISKUWALANG ASERO

PROTAKTOR T-SQUARE TAPE MEASURE

____________1.

______________ 2

______________3.

______________4.

______________5.

______________6.

______________7.

______________8.
V. Takdang Aralin

Panuto: Basahin at unawain. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagkuha ng mga digri kapag ikaw ay


gumagawa ng mga linya.

a. meter stick b. protractor c. tape measure d. pull- push ruler

2. Ito ay kasangkapang yari sa kahoy na ang haba ay umaabot sa 6 na piye at


panukat ng mahahabang bagay tulad ng haba at lapad ng bintana.

a. meter stick b. zigzag rule c. pull-push rule d. T- square


3. Ginagamit sa pagsusukat sa paggawa ng mga linya sa drowing at iba pang maliliit
na gawain na nangangailangan ng sukat.

a. T-square b. triangle c. tape measure d. protractor

4. Aling kagamitan ang ginagamit na panukat sa tela?

a. tape measure b. triangle c. T-square d. protractor

5. Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa malalaki at malalapad na gilid ng isang bagay.


a. tape measure b. iskuwalang asero c. zigzag rule d. meter stick

Prepared by:

SHIELA MAE D. FLORES


Pre-service Teacher

You might also like