You are on page 1of 26

PHINMA- University of Pangasinan

College of Education and Liberal Arts


Education Department
Arellano-Bani St. Dagupan City, Philippines

Masusing Banghay Aralin sa


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V
Ika-20 ng Marso 2022

I. Layunin
Sa katapusan ng tatlumpong minutong aralin, 100% ng mga mag-aaral ay inaasahang
makamit ang 85% pagkatuto na:
1. Natatalakay ang mga kaalaman,kasanayan at mga materyales na ginagamit sa
gawaing elektrisidad
2. Natutukoy ang mga kasangkapan at kagamitang pang elektrisidad
3. Naipapakita ang kasiyahan sa pagbuo ng proyekto na nakadisenyo mula sa iba’t
ibang materyales na makikita sa pamayanan

II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Pang-elektrisidad

b. Sanggunian: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP 5), Kaalaman at


Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 (192-196) ,Manwal ng Guro p.50-53

c. Kagamitan:
Kagamitan ng Guro: Mga Larawan ng mga produktong ginagamitan ng
elektrisidad, ibat-ibangkagamitan at kasangkapang gamit sa gawaing
elektrikal, powerpoint presentation, laptop.
Kagamitan ng mga mag-aaral: Ibat-ibang kagamitan at kasangkapang
gamit sa gawaing elektrikal at Sagutang papel.

III. Kasanayan

a. Mahalagang-aral
kooperasyon, may disiplina sa sarili, may respeto sa kapwa, may pokus at
nakikinig sa klase.
b. Istratehiya

1. “Picture Reveal”

Ang Istratehiyang ito ay mag sisilbing balik-aral ng mga mag-aaral na kung


saan ay masusuri rin ang kanilang kaalaman patungkol sa nakaraang aralin.
Ang aktibidad na ito ay bago maipakita ang larawan ay kailangan munang
matukoy kung ano ito.

2. “Descending Order”

Sa pamamagitan ng istratehiyang ito, masusuri ang kaalaman ng mga mag-


aaral, mag sisilbi rin itong gabay at pagganyak sa mga mag-aaral patungkol sa
Paksang-aralin. Ang aktibidad na ito ay pag aayos ng mga numero mula sa
mataas pababa upang mabuo ang nakatagong salita na may kinalaman sa
aralin.

3. “Lampara”

Ang Istratehiyang ito ay ang paggawa ng proyektong ginagamitan ng


elektrisidad tulad ng lampshade na yari sa kawayan(barbeque sticks), kahoy at
metal. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito ay masusuri ang kaalaman ng mga
mag-aaral sa paggawa ng proyektong ito na maaaring mapagkakitaan.

c. Pangunahing Konsepto

a. Iba’t-ibang kagamitan at kasangkapang elektrikal.


b. Proyektong ginagamitan ng elektrisidad na maaaring gawing pagkakitaan.
IV. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1.1 Panalangin

Maari ba tayong tumayo mga bata


upang manalangin.

Panginoon…. Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay


ninyong panibagong pagkakataon upang kami
ay matuto. Gawaran mo kami ng isang bukas
na isip upang maipasok namin ang mga
itinuturo sa amin at maunawaan ang mga aralin
na makatutulong sa amin sa pagtatagumpay sa
buhay na ito.
Amen.

1.2 Pagbati

Magandang araw ika-limang Magandang araw rin po titser!


baitang!

1.3 Pagwawasto ng kaayusan at


kalinisan nf silid-aralan

Manatili kayong tumayo at


pakitignan ang inyong kapaligiran
kung mayroong mga kalat sa
paligid. Kung mayroon pakipulot na
lamang ito at pakilagay sa tamang
basurahan.

Malinis na ba ang inyong paligid? Opo titser!

Kung malinis na ang inyong


kapaligiran, pakiayos na lamang
ang inyong mga upuan at maari na
kayong umupo.
1.4 Pagsusuri ng Pagdalo

Mica, maaari bang malaman kung Mica: Wala po’ng lumiban sa klase ngayong
sino ang mga lumiban sa klase araw titser
ngayong araw?

Mabuti naman kung ganon!


Maraming salamat Mica maaari ka
nang umupo.

2. Balik-aral

Natutuwa ako dahil walang lumiban


saating klase ngayong araw!
Ngayon naman bago tayo mag
simula sa ating aralin ay mag
babalik aral muna tayo, handa na ba
kayo mga bata? Opo titser!

Sa nakaraang aralin natukoy niyo


ang mga kasangkapang ginagamit
sa proyekto tama ba? Opo titser!

Magaling!

Sa likod ko ay may ihinanda akong


aktibiti na pinamagatang Picture
Reveal na kung saan bago
maipakita ang larawan ay kailangan
niyo munang matukoy kung ano ito,
Maliwanag ba mga bata?

Magaling!

Mica, maaari mo bang basahin ang


nakasulat at tukuyin kung ano ito?
Kadalasang ginagamit kasangkapan Mica: Kadalasang ginagamit kasangkapan
panukat sa paggawa ng mga panukat sa paggawa ng mga gawaing pang
gawaing pang industriya. industriya. Ang sagot po ay Metro.

Mahusay! Ang sagot ay Metro,


Palakpakan natin si Mica!

Ang susunod naman ay si Bernard,


Bernard maaari mo bang basahin
ang nakasulat at tukuyin kung ano
ito?

Gamit Pmbunot ng pako at ang Bernard: Gamit Pmbunot ng pako at ang kabila
kabila naman ay pamukpok. naman ay pamukpok. Ang sagot po ay
Martilyo

Magaling! Ito ay Martilyo o


Martilyo de Cabra, palakpakan
naman natin si Bernard!

Ngayon naman ang susunod ay si


Andrea, Andrea maaari mo bang
basahin ang nakasulat at tukuyin
kung ano ito?

Ginagamit na pamutol ng paayon sa Andrea: Ginagamit na pamutol ng paayon sa


hilatsa ng kahoy. hilatsa ng kahoy. Ang sagot po ay Lagare.
Tama! Ito ay lagare o lagareng pang
kahoy.

Mahusay mga bata! palakpakan


niyo ang inyong mga sarili!
natutuwa ako dahil mayroon
kayong natututunan saating klase.

3. Pagganyak

Ngayon naman bago tayo mag


simula sa ating aralin ay
magkakaroon muna tayo ng
aktibidad, sabay-sabay natin itong
sagutin!

handa na ba kayo mga bata? Opo titser!

Magaling!

Panuto: Ayusin ang mga numero mula


sa mataas pababa ( Descending Order)
upang mabuo ang nakatagong salita.

Maaari niyo ba’ng tukuyin kung anong


numero ang pinaka mataas sa mga
kolum na ito?

Magaling! 45 po titser!

Ngayon naman ano ang susunod na


mataas na numero sa 45 sa mga kolum
na ito?

Magaling! 39 po titser!

Ano naman ang susunod na mataasa na


numero sa 39 sa mga kolum na ito?

Tama! 27 po titser!

Ano naman ang susunod na mataasa na


numero sa 27 sa mga kolum na ito?

Tama! 23 po titser!
Ano naman ang susunod na mataasa na
numero sa 27 sa mga kolum na ito?

Tama! 20 po titser!

Ano naman ang pinaka mababang


numero sa mga kolum na ito? 15 po titser!

Magaling mga bata!


Nakikita niyo ba ang nabuo nating
salita? Ano ito? Ito po ay SWITCH titser!

Magaling! Ang nabuo nating salita ay


SWITCH.

39 20 27 45 23 15
W C I S T H

Maaari niyo ba’ng tukuyin kung anong


numero ang pinaka mataas sa mga
kolum na ito? 70 po titser!

Tama!

Ano naman ang susunod na mataas na


numero sa 70? 30 po titser!

Magaling!

Ano naman ang susunod na mataas na


numero sa 30? 10 po titser!

Tama!

Ano naman ang pinaka mababang


numero sa mga kolum na ito? 5 po titser!

Magaling mga bata!

Ano naman ang nabuo nating salita


dito? Ito po ay FUSE titser!

Magaling mga bata!


30 70 5 10
U F E S

Ngayon naman ano ang pinaka mataas


na numero sa mga kolum na ito? 100 po titser!
Tama!

Ano naman ang susunod na mataas na


numero sa 100 sa mga kolum na ito? 85 po titser!
Magaling!

Ano naman ang susunod na mataas na


numero sa 85 sa mga kolum na ito? 50 po titser!
Magaling mga bata!

Ano naman ang pinaka mababang


numero sa mga kolum na ito? 30 po titser!
Magaling mga bata!

Ano naman ang nabuo nating salita


dito? Ito po ay WIRE titser!
100 30 50 85
W E R I

Magaling mga bata! Natutuwa ako


dahil nakikita kong lahat kayo ay
kooperatibo sa ating aktibidad!

B. Panlinang na gawain

1. Paglalahad

Ang mga salitang nabuo nyo


kanina ay may kinalaman sa ating
aralin ngayong araw.

Ano nga ulit ang mga ito?


Sabay-sabay nating basahin ulit! Mga mag-aaral: SWITCH, FUSE, WIRE

Magaling mga bata!


Ngayon naman, kapag narinig niyo ang
salitang “elektrisidad” ano ang unang
bagay na pumapasok sa iyong isipan? Mga mag-aaral: Nagpapagana po sa appliances
titser!

Tama!

Maaari ba kayong magbigay ng ilang


halimbawa ng mga produktong
ginagamitan ng elektrisidad? Mga mag-aaral: Ako po titser!

Mica, maaari ka bang magbigay ng


produktong ginagamitan ng
elektrisidad? Mica: Tv, washing machine, rice cooker at
ilaw po titser!

Mahusay Mica!

Lahat ng nabanggit ni Mica ay tama,


ilan lamang iyan sa mga halimbawa ng
produktong ginagamitan ng
elektrisidad.

2. Pagtatalakay

Ngayong araw ay matututunan niyo ang


iba’t-ibang kagamitan at kasangkapang
elektrikal, at pag-aaralang mabuti ang
bawat gamit at kahalagahan nito.

Ang elektrisidad ay isa sa mahalagang


yaman na kailangan ng isang pamilya
at ng bawat mamamayan sa buong
komunidad.Mahalaga ang elektrisidad
sa maraming gawain, hindi lamang sa
tahanan kundi pati narin sa paaralan at
lugar na pinaghahanapbuhayan.
Napakalaki ang halagang mawawala sa
negosyo lalo na sa mga pabrika o
pagawaan pag nawala ang elektrisidad.
Gayundin sa mga opisina o silid-aralan.
Hinda gagana ang mga gamit tulad ng
kompyuter at iba pa. Kaya naman
napaka halaga ang matuto ng mga
kaalaman at kasanayan ukol dito.
Ngayon naman ay dadako na tayo sa
ating aralin.

Handa na ba kuyo mga bata? Opo titser!

Mabuti naman ! nais kong makinig


kayo ng mabuti dahil may gagawin
tayong aktibidad mamaya, maliwanag
ba mga bata? Opo titser!

Kung ganon’ ating talakayin ang


Kasangkapan at Kagamitang pang
elektrikal.

Phillips Screwdriver – Ito ay


ginagamit upang higpitn o luwagan ang
turnilyong hugis krus ang dulo.

Standard/Flat Screwdriver – Ito ay


ginagamit upang higpitan o luwagan
ang turnilyong manipis ang dulo o may
guhit na pahalang.
Claw hammer – Ito ay ginagamit na
pamukpok ng staple wire, clamps at iba
pa.

Combination Pliers – Ito ay ginagamit


na panghawak o pamputol ng kawad o
alambre at maliliit na pako.

Long Nose Pliers – Ito ay ginagamit na


panghawak o pamputol ng maninipis na
kawad ng kuryente, maaari itong
gamitin sa maliit na loobang bahagi ng
gawain dahil maliit ang dulo nito.

Hacksaw- Ito ay ginagamit na pamutol


ng malalaking kawad ng kuryente,
bakal, tubo, at iba pang uri ng metal at
tubong plastic na ginagamit sa gawaing
elektrisidad.
Pipe Cutter- Ito ay ginagamit na
pamutol ng tubong bakal at plastik.

Side cutting pliers- Ito ay ginagamit


na pamutol ng maliliit at katamtamang
laki ng kawad.

Hand Drill- Ito ay ginagamit na


pambutas ng kahoy.
Portable electric drill- Ito ay
ginagamit para makagawa ng maliit na
butas sa mga metal o sementadong
dingding.

Electricians knife- Ito ay ginagamit


pang balat ng malalaking kawad.

Pipe Bender- Ito ay ginagamit pang


baluktot ng mga tubong bakal.
Wire Puller- Ito ay ginagamit na
panghila ng kawad sa loob ng conduit
pipe o mga tubong bakal o plastik
upang mailabas ng mabilis at hindi
sumabit ang kawad sa loob.

Wire stripper- Ito ay ginagamit na


pambalat ng kawad na may sukat na 10
o 2.6 mm hanggang 16 o 1.3 mm.

Tester- Ito ay ginagamit na panubok


kung ang isang bagay ay may
dumadaloy na kuryente o wala.
Materyales sa gawaing elektrisidad

Lamp holder- Ito ay pinagkakabitan


ng bombilya, dito nakukuha ng
bombilya ang suplay ng kuryente,
tinatawag din itong lamp socket o
receptacle.

Switch- Ito nagsisilbing pambukas at


pangsara ng circuit.

Plug- Ito ang isinasaksak sa outlet


upang dumaloy ang kuryente papunta
sa kasangkapang pinagagana nito.
Outlet- Ito ang pinagkukunan ng
kuryente para sa mga dikuryenteng
kasangkapan, dito isinasaksak ang Plug
at kadalasang naka kabit sa dingding.

Fuse- Ito ang ginagamit na taga


pangalaga ng circuit, kusang napuputol
ang daloy ng kuryente kapag nagkaroon
ng short circuit.

Circuit Breaker- Ito ang makabagong


materyales na ginagamit na taga
pangalaga ng circuit, kusang pinuputol
nito ang daloy ng kuryente tuwing
nagkakaroon ng overload o short
circuit.
Octagonal box- Dito pinagkakabit-
kabit ang mga kawad papunta sa outlet,
at switch.

Utility Box- Ito ay hugis parihaba na


yari sa bakal o PVC Plastik kadalasan
itong nakabaon sa dingding na
kinakabita ng outlet o switch.

Flat Cord- Ito ay ginagamit sa


paggawa ng extension cord at extension
light.
Conduit Pipe- Dito pinadadaan ang
mga kawad upang maprotektahan sa
pagkasira.

Clamp- Ito ang ginagamit upang


masigurong maayos ang pag kabit ng
mga tubong bakal, plastik at flexible
hose.

Electrical tape- Ito ay pambalot ng


mga dugtungan at nabalatang kawad.
Laging tandaan, sa paggamit ng mga
kagamitan dapat laging sundin ang
wastong paggamit ng mga ito at ingatan
upang magamit pa ng matagal.

Bakit kaya kailangan nating sundin ang


wastong paggamit ng mga kagamitan? Mga mag-aaral: Upang maiwasan po ang
sakuna titser!

Mahusay mga bata!

Naiintindihan niyo ba ang ating aralin? Opo titser!

May mga katanungan ba kayo


patungkol sa ating aralin? Wala na po titser!

Mabuti naman at naiintindihan niyo ang


ating aralin ngayong araw!

C. Pang wakas na gawain

1. Pagsasanay

At dahil sinabi niyong naintindihan


ninyo ang ating tinalakay, aking
susubukin ang inyong kaalaman sa
pamamagitan ng maikling pagsasanay.
Maglabas ng isang buong papel at
sagutan ang gawaing nasa pisara. Hindi
na kailangang kopyahin, isulat lamang
ang tamang sagot sa inyong papel.

Naintindihan ba mga bata? Opo titser!

Kung ganon ay magsimula na dahil


mayroon lamang kayong limang
minuto para
tapusin ito at basahing mabuti ang
panuto.
Tukuyin ang mga kagamitang
inilalarawan sa mga sumusunod na
pahayag. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon. Titik lamang ang isulat.

a.Combination Pliers b. Switch


d. Male Plug
c. Screw Driver
e. Electrical Tape
_e__ 1. Ginagamit pambalot sa mga
wires na nabalatan upang maiwasan
ang makoryente

_a__2. Ginagamit na panghawak at


pamutol ng wires

__d_ 3. Isinasaksak sa convenience


outlet

__c_ 4. ginagamit upang higpitan at


luwagan ang tornilyo

__b_5. Nagsisilbing bukasan o patayan


ng ilaw o kuryente

2. Paglalapat

Ngayong alam niyo na kung ano ang


halimbawa ng iba’t ibang kagamitang
pang elektrisidad ay tatalakayin naman
natin ang proyektong ginagamitan ng
elektrisidad tulad ng lampshade na yari
sa kawayan o barbeque sticks.

Alam niyo ba kung ano ang


Lampshape? Mga mag-aaral: Ito po ay isang klase ng pailaw
titser!

Tama mga bata!


Ang Lampshape ay tumatakip sa
bombilya sa isang lampara upang i-
diffuse ang ilaw na binubuga nito. Ang
mga lampshade ay maaaring gawin
mula sa iba't ibang uri ng mga
materyales tulad ng papel, salamin, tela,
kahoy o bato. Karaniwang conical o
cylindrical ang hugis ng mga ito, ang
mga lampshade ay makikita sa sahig,
desk, tabletop, o mga suspendidong
lamp.

Alam niyo ba na ang Lampshade ay


maaari niyo rin pagkakitaan? Mga mag-aaral: Talaga po titser?

Oo naman!, basta’t mayroon kayong


sapat na kaalaman sa paggawa nito.

Kaya naman tutulungan ko kayo sa


paggawa nito!

Pero bago ang lahat ay ihanda muna


natin ang mga kakailanganin nating
materyales para sa proyekto, upang
malaman rin natin kung magkano ang
puhunan at magkano natin ito
maibebenta.

Handa na ba kayo? Opo titser!

Magaling!

Narito ang listahan ng mga materyales


na ating gagamitin para sa ating
Lampshade at kung magkano ito.

Barbeque sticks ------------------- 23.00


Stick Glue ------------------------- 5.00
Extension with Lamp Holder --- 83.00
Bulb -------------------------------- 65.00

Sa tingin niyo? Paano natin malalaman


ang puhunan natin sa ating proyekto? Mga mag-aaral: Kailangan po natin alamin ang
kabuuang presyo ng mga materyales.
Tama! Maaari niyo bang kwentahin
ang kabuuang presyo ng mga
materyales?

Mayroon tayong tatlong pakete ng


Barbeque Sticks, Sampung pirasong
Stick Glue, Isang Lamp Holder, at
isang Bombilya.
Magkano lahat ito? Mga mag-aaral: 267.00 pesos po titser!

Barbeque Sticks 23x3= 69.00


Stick Glue 5x10= 50.00
Extension with Lamp Holder 83x1 = 83.00
Bulb 65x1 = 65.00
Total= 267.00

Tama! Dalawangdaan at animnaput


pitong piso ang kabuuang presyo ng
ating mga materyales.

Sa isang Lampara ay maaari natin itong


maibenta ng 350 peso o higit pa
depende sa kalidad ng inyong
magagawa.

Ngayon naman kung 350 natin ito


maibebenta magkano naman ang ating
kita? Maaari mo bang sabihin saakin
Zoe? Zoe: 83 pesos po titser!

Tama! Paano kaya ito nakuha ni Zoe?


Maaari mo bang sabihin saakin Ali? Ali: Ibinawas po ang kabuuang
benta sa puhunan.
Tama! Ibawas sa kabuuang benta ang
ating puhunan kaya mayroon tayong 83
peso na kita kung ito ay maibebenta
natin.

Mahusay mga bata! Palakpakan niyo


ang inyong sarli!
Ngayong alam na natin ang puhunan,
presyo at kikitain sa pagbebenta, narito
na ang panuto ng inyong pangkatang
gawain.

Hahatiin ko kayo sa apat na pangkat


bawat pangkat ay gagawa ng Sarili
niyong disenyo ng Lampshade.

Tandaan! Mas maganda ang kalidad ng


lampshade ay mas mahal niyo rin itong
maibebenta!

( Hinati ng guro sa apat na pangkat ang


mga mag-aaral)

Bago kayo magsimula ay ibibigay ko


muna ang batayan sa pagbibigay ng
puntos para sa inyong gawain.

Kategorya Puntos
1. Kooperasyon----------------------- 10
2. Karakter---------------------------- 10
3. Kalidad ng proyekto -------------- 30
Kabuuan: 50

Mayroon ba kayong katanung bago


magsimula ang gawain? Mga mag-aaral: Wala na po titser!

Kung wala na simulan na ang inyong


gawain.

Mahusay mga bata! Nakita kong


napaka gaganda ng inyong mga disenyo
sa inyong proyekto sigurado akong
maititinda niyo ito.

Nasiyahan ba kayo habang kayo ay


gumagawa ng inyong proyekto? Mga mag-aaral: Opo titser!

Mabuti naman kung ganon. Bago tayo


dumako sa susunod na bahagi ng ating
klase,mayroon ba kayong katanungan
tungkol sa ating aralin? Mga mag-aaral: Wala na po titser!
3. Paglalahat

Dahil wala na kayong katanungan ako


naman ang magtatanong patungkol sa
ating tinalakay.

Handa na ba kayo? Opo titser!

Maaari mo bang sabihin saakin kung


ano ang kahalagahan ng elektrisidad
Bernard? Bernard: Napakalaki po ang halagang
mawawala sa negosyo lalo na sa mga pabrika o
pagawaan pag nawala ang elektrisidad.
Gayundin sa mga opisina o silid-aralan. Hindi
gagana ang mga gamit tulad ng kompyuter at
iba pa.

Tama!

Maaari ka bang magbigay ng


halimbawa ng mga materyales na pang
elektrisidad Andrea? Andrea: Switch at Male plug po titser!

Mahusay!

Bukod dito ano pa? Maaari ka rin ba


magbigay Mica? Mica: Electrical tape at Screwdriver po titser!

Magaling!

Tama ang inyong mga sagot natutuwa


ako dahil may natutunan kayo sa ating
aralin!

May mga katanungan pa ba kayo? Mga mag-aaral: wala na po titser!

Dahil wala na kayong katanungan


mayroon na lamang akong huling
aktibidad para sa inyo. Maaari niyo
bang ilabas ang inyong sagutang papel,
at sagutan ang nasa pisara? Mga-magaaral: Opo titser!

Magaling!
kayo ay magsimula na, sagot na lamang
ang inyong isulat, mayroon kayong
limang minuto para sagutan ito.

Kung tapos na kayo ay kopyahin niyo


lamang ang inyong Takdang aralin at
diyan na natatapos ang ating klase,
magkitakita tayo ulit sa susunod na
ating aralin!

Muli magandang araw sa ating lahat at


salamat sa inyong pakikikooperatibo at
sa pakikinig, PAALAM mga bata! Mga mag-aaral: Magandang araw at Paalam
din po Bb. Igne.

V. Pagtataya

Gamit ang Information Chart. Isulat ang mga halimbawa ng mga kagamitan at
kasangkapan ayon sa kanilang gamit.

Kagamitan Halimbawa

Panghigpit

Panghawak

Pamutol

Materyales Pang

elektrikal

VI. Takdang Aralin

Gumuhit ng limang kagamitan at kasangkapang elektrikal at ibigay ang angkop na gamit nito.
Ilagay sa iyong kuwaderno.
Inihanda ni: Jenny Bee C. Igne

UP-FA1-BEED3-2

Inihanda para kina: Dr. Janeta V. Nalupa

Bb. Irene Joyce T. Loresco

Bb. Charmee P. Velasco

Bb. Jade Catherine Lopez

You might also like