TRECE MARTIRES CITY
Paaralan NAT’L HIGH SCHOOL – Baitang Baitang 10
CONCHU ANNEX
LESSON Guro MICHELLE M. RANIS Asignatura Filipino
EXEMPLAR Ikawang
Petsa Ika-07 ng Disyembre,2022 Markahan
Markahan
Bilang ng
Oras 7:30 AM- 8:30 AM 1 Araw
Araw
Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
I. LAYUNIN
• Nakatatamo ng may kasiyahan ang pagtukoy at pagbibigay-kahulugan ng mga
salitang karaniwang nakikita sa social media.
• Matutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang nakikita sa mga
social media.
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
Pangnilalaman pampanitikan ng mga bansang kanluranin.
B. Pamantayan
sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social media)
C.Pinakamahalaga
• Nakatatamo ng may kasiyahan ang pagtukoy at pagbibigay-kahulugan ng mga
ng Kasanayan sa
salitang karaniwang nakikita sa social media.
Pagkatuto • Matutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang nakikita sa mga
(MELC) social media.
D.
Pagpapaganang
Kasanayan
II. NILALAMAN Social Media Sites O Platforms
III. KAGAMITAN
PANTURO
A. Mga
Sanggunian
1. Mga
Pahina sa Filipino 10 PIVOT 4A Learners Material pah. 29-31
Gabay ng
Guro
B. Listahan ng Laptop,tv, video clips, instructional materials
mga Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Introduction (Tatayo ang mga mag-aaral at babati)
Magandang umaga klas!
(Panimula) Magandang umaga po mam.
Bago natin simulan ang ating aralin ay
mananalangin muna tayo sa pangunguna
ni ____________________ “Sa ngalan ng Ama, Anak, Espirito Santo,
Panginoon maraming salamat po sa inyong
paggabay sa amin sa pagpunta dito sa
paaralan. Hinihiling po namin ang inyong
tulong at paggabay, nawa’y bigyan mo
kami ng talino upang maunawaaan naming
ang aming aralin, bigyan nyo din po ng
lakas ang aming guro upang maturuan kami
ng maayos. Ito po ang aming hinihiling sa
ngalan ni Jesus na aming tagapagligtas.
Amen”
Maraming salamat _________________
sa iyong napakagandang panalangin.
Bago kayo umupo ay tiyaking maayos
ang inyong mga upuan at pakipulot ang Maraming salamat po mam. (tatalima ang
mga nakikitang kalat sa sahig. mag-aaral at uupo nang tahimik)
Kalihim may lumiban ba sa araw na ito? Wala po, mam.
Mabuti naman kung ganoon. Ako ay
nagagalak na lahat kayo ay kumpleto sa
araw na ito.
Sa umagang ito inaasahan ko na kayo ay
makikilahok sa anumang gawain na
ipagagawa ko sa inyo at makikinig sa
ating talakayan ngayon hinggil sa ating
bagong aralin. Maaasahan ko ba?
Opo.
Bago tayo dumako sa ating sunod na
aralin, anong itinalakay natin kahapon?
(Tatawag ng mag-aaral)
Itinalakay po natin ang talumpati. Ito po ay
isang uri ng sanaysay na binibigkas sa harap
ng publiko.
Magaling! Batid kong lubos niyo nang
naunawaan ang ating nagdaang aralin.
B. Development Noong kasagsagan ng community
(Pagpapaunlad) quarantine kung saan nalimitahan ang
galaw ng bawat isa, ano kaya ang
nagiging platform ng bawat isa para
maipagpatuloy ang mga ganitong uri ng
pagtatanghal lalo na sa pagtatanghal ng
mga panitikan?
(Tatawag ng mag-aaral) Sa telibisyon po.
‘Yan magaling puwede sa mga
telibisyon. Ano pa?
Sa mga social media platforms po, mam.
(Tatawag ng mag-aaral)
Okay, tumpak na kasagutan! Sa mga
social media platforms. Pinakagamitin
‘yan! Ano-ano ba ang mga social media
applications na ang inyong nagamit na?
Nakatitiyak akong lahat kayo ay
nakagamit na. Magbigay ka nga?
Facebook po.
(Tatawag ng mag-aaral)
Okay, pinakasikat ‘yan! Ano pa?
YouTube po.
(Tatawag ng mag-aaral)
Ano pa?
Instagram po.
(Tatawag ng mag-aaral)
Natutuwa ako dahil may mga kaalaman
na kayo sa paggamit at pagtukoy ng mga
social media platforms. Malaking tulong
ito dahil may kinalaman ‘yan sa ating
panibagong aralin.
Dahil kailangan muna nating mag log-in
sa social media platform na aking
inihanda.
Ano ba ang mga kailangan natin kapag
tayo ay naglolog-in?
(Tatawag ng mag-aaral) Username po at password mam.
Okay, tumpak na kasagutan! Kailangan
natin ng username at password para tayo
ay makapasok.
Kaya lamang ay kailangan muna nating
alamin ang mga ito. Para atin itong
malaman, kailangan nating gawin ang
gawaing ito. Ito ay tinawag kong “Teh!
Ano yarn?”
Makikita natin sa ibaba ang username at
password. Para mabuksan ang bawat
kahon na ito kailangan niyo munang
tumukoy ng social media platform na
makikita sa screen at sa likod nito may
katumbas na mga letra.
Maliwanag ba ang gagawin?
Opo, mam.
A I I A
I A I A
(Iba’t ibang kasagutan ng mga mag-aaral)
P A N I T I K A N
I
S O C I A L M E D I A
Okay! Napakahusay!
C. Engagement Ngayon naman ay magkakaroon muna
(Pagpapalihan) tayo ng pangkatang gawain. Bibigyan ko
kayo ng sampung minuto at pagkatapos ng
sampung minuto kayo ay magkakaroon ng
presentasyon.
Unang pangkat- Bumuo ng vlog gamit
ang mga salitang: selfie, lodi, charot,
omsim, Yolo, pa-fall. Sa huli, bigyan ang
mga salitang ito ng kahulugan. Sikaping
maging makatotohan ang vlog.
Ikalawang pangkat- Bumuo ng isang
maikling awitin gamit ang mga salitang
sumusunod na salita: subscribe, share,
link, memes, hashtag, follow, up. Sa huli,
bigyan ang mga salitang ito ng
kahulugan. Itanghal ito sa pamamagitan
ng pagpifliptop.
Ikatlong pangkat- Magsagawa ng spoken
word poetry at gamitin ang mga salitang:
chariz, eme, ngl, pabebe, petmalu. Sa
huli, bigyan ang mga salitang ito ng
kahulugan.
Ika-apat na pangkat- Magsagawa ng
isang maiksing dula at gamitin ang mga
salitang: tweet, comment, retweet, like,
link. Sa huli, bigyan ang mga salitang ito
ng kahulugan.
Narito ang rubriks ng inyong pangkatang
gawain.
Mga Wow na Wow Edi wow
Batayan wow
(3) (1)
(5)
Nilalaman Naibigay Kulang Hindi
ang ang naibigay
kahulugan naibigay ang
ng mga na kahulugan
salita at kahulugan ng mga
nagawa ng mga salita at
nang may salita. hindi
lubhang Nagawa nagawa
kawastuha nang may nang may
n ang kawastuha kawastuha
nakaatas n ang n ang
na gawain. nakaatas nakaatas
na gawain. na gawain.
Presentasy Naipresent Naipresent Hindi
on a nang a nang naipresent
may may a nang
lubhang kahusayan may
kahusayan at kahusayan
ang kalinawan at
nakaatas ang sagot kalinawan
na gawain. sa ang sagot
nakaatas sa
na gawain. nakaatas
na gawain.
Kooperasy Ang lahat Iilang Dalawang
on ng miyembro miyembro
miyembro lamang lamang
ay ang ang
aktibong aktibong aktibong
nakiisa. nakiisa. nakiisa.
(Pagkatapos ng sampung minuto ay
magkakaroon ng presentasyon ang bawat
pangkat)
Tapos na ang sampung minuto. Ang bawat
isa ay bumalik na sa kanya-kanyang
pwesto at ayusin ang hanay ng inyong mga
upuan gayundin ay umupo nang maayos at
panatilihin ang katahimikan lalo na kung
mayroon ng nagppresent sa harap.
Nauunawaan ba? Opo mam.
Mabuti kung ganoon. Mag-umpisa tayo sa (Presentasyon ng unang pangkat)
presentasyon ng unang pangkat.
Okay, magaling! Bigyan natin sila ng Isang lamok (palapak)
lamok clap.
Dalawang lamok (dalawang palakpak)
Maraming lamok (maraming palakpak)
Dumako naman tayo sa presentasyon ng
ikalawang pangkat. (Presentasyon ng ikalawang pangkat)
Mahusay! Bigyan natin ang ikalawang
pangkat ng magaling clap. 1.. 2… ang galing!
1.. 2… ang galing!
1.. 2… ang galing! Galing!
Sunod naman ay ang presentansyon ng
ikatlong pangkat.
(Presentasyon ng ikatlong pangkat)
Mahusay! Bigyan natin ang ikatlong
pangkat ng Aling Dionisia clap. 1.. 2.. 3.. (palakpak)
1.. 2.. 3.. (padyak)
Berigud! Berigud!
Ngayon naman tunghayan natin ang
presentasyon ng ika-huling pangkat.
(Presentasyon ng ikatlong pangkat)
Magagaling! Bigyan naman natin sila ng
Bongga clap.
1.. 2.. 3.. (palakpak)
1.. 2.. 3.. (padyak)
Bongga! Bonggang! Bongga!
Ang bawat isa ay nagpakita ng kahusayan.
Ang mga tinukoy niyong larawan o logo
kanina ay ilang mga halimbawa ng social
media platforms. Bahagi na ng ating
buhay ang social media bilang libangan at
kadluan ng impormasyon sa tulong ng
internet. Naglipana ngayon ang iba’t ibang
social networking sites o platforms na
kalimitan nating ginagamit. Dahil dito,
patuloy ang pag-usbong at pag-unlad ng
iba’t ibang akdang pampanitikan sa
mundo.
Hindi kapani-paniwala ang bilis ng
paglaganap ng impluwensya ng social
media sa buhay ng bawat-isa. Pinagtitibay
lamang nito ang ang isang aspeto ng
kultura natin, ang pagpapahalaga natin sa
sa pakikipag-ugnayan.
Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga
naging popular na paraan ng pakikipag-
talastasan sa mga online forums at
pagtambay sa iba’t ibang social
networking sites.
Ngayon ay laman tayo ng blogs, twitter,
facebook at iba pang social networking
sites dahil sa popular anyo ng panitikan sa
social media.
Una na riyan ang social networking. Dito
ay maaaring makipag-ugnayan sa mga
taong miyembro rin ng nasabing social
network. Ang mga site ng social media ay
magandang paraan para tulungan kang
manatiling kaugnay ng iyong mga
kaibigan at minamahal mo. Pinapadali
nito ang pagbabahagi ng pangyayari sa
iyong buhay sa pamamagitan ng teksto,
video at mga litrato.
Makapagbubukas ng profile at maaaring
makipag-ugnayan sa iba gamit ang mga
paraang tulad ng pagpo-post ng status,
larawan, artikulo, video clip, pagpapadala
ng pm o private message, dokumento at
iba pa.
May naiisip ba kayo kung ano ang
tinutukoy o halimbawa nito?
(Tatawag ng mag-aaral)
Facebook po, mam.
Ang pinakapopular na halimbawa nito ay
ang Facebook. Mahusay! Ang mga site
gaya ng facebook ay hahayaan kang
makita ang buhay ng mga kaibigan at
pinapayagan kang ipaalam ka sa kanila
kung ano naman ang nangyayari sayo. Sa
ngayon, ito ang pinakamalaking website
sa buong mundo. Sa panahon ngayon,
wala na yatang walang Facebook account.
Ang twitter at Instagram ay mga
halimbawa rin ng social networking.
Ikalawa naman ay ang media sharing. Sa
media sharing ay maaaring mag-upload at
mag-share ng iba’t ibang anyo ng media
tulad ng video.
Sige nga may naiisip ba kayong
halimbawa nito?
(Tatawag ng mag-aaral) YouTube po.
Mahusay!
Isa ang YouTube sa halimbawa ng media
sharing. Dito ay maaari kang magbahagi
ng video gayundin sa facebook at pati na
rin ang pinakabagong social media
application ngayon ang TikTok. Kung
saan maaari tayong magbahagi ng mga
video ng tayo ay sumasayaw o kaya
naman ay kumakanta.
Sunod, ikatlo ang microblogging. Dito
nakapagpost ng maiikling update na
maaring i-push sa lahat ng miyembro ng
microblogging site upang mabasa nila.
Ano naman kaya ang tinutukoy nito?
(Tatawag ng mag-aaral) Twitter po.
Magaling! Pinakapopular na
microblogging site ay ang twitter. Ang
twitter ay hawig sa Facebook at
gumaganap gaya nito. Ngunit mas simple
at idinisenyo ito para sa mas mabilis na
pagkomento at pagpaskil ng mga larawan.
Higit na sa mga followers ito kaysa sa mga
kaibigan. Alam na alam na natin na ang
tweet ay limitado lamang sa dalawang
daan at walongpung letra kaya mapipilitan
kang magsulat ng maikli ngunit maari ka
ring magkabit ng larawan sa iyong tweet.
Kasunod ay ang blog. Ito ay
maihahalintulad sa isang pansariling
journal o talaarawang ibinabahagi sa
buong mundo. Nagsasaad ito ng sariling
pananaw at personal na karanasan ng may-
akda. Walang makapagdidikta sa kung
ano ang nilalaman ng blog maliban sa
manunulat.
Ang pagbblog ay maihahalintulad natin sa
isang diary. Kung saan isinusulat natin ang
ating mga impormasyon na napapatungkol
sa mga karanasan at kaalaman na ating
natutuhan sa pang araw-araw nating
buhay. Magkaiba ang vlog sa blog. Dahil
ang vlog ay sa pamamagitan ng pagkuha
ng video na talamak ngayon sa atin.
Marami na ang yumaman dahil dito. Ang
kaibahan naman ng blog ay
nakapagtransporma ito sa sulatin sa web o
internet gamit ang computer at ito ay
nababasa ng lahat kung sino man ang may
nais.
Halimbawa nito ay blogger at ang
wordpress.
Ang ikalima naman ay ang blog comments
at online forums. sa mga online forums,
maaring makibahagi ang mga miyembro
sa pagpopost ng komento o mensahe. Sa
blog comments, ay ganoon din maliban sa
mga komento ay karaniwang nakasentro
sa paksang tinalakay sa blog. Isang
mahalagang bahagi ng blog ay ang
pagiging interaktibo nito iyon ay ang
kakayahang mag-iwan ng mga
komentaryo mula sa taong nagbasa ng
isang partikular na blog.
Ang ikahuli naman ay ang social news.
Dito maaaring makapag post ng mga
balita, artikulo, o links sa mga artikulo na
hindi naka-copy at paste.
Malinaw na ba sa inyo ang mga popular na
anyo ng panitikan sa social media? Opo mam.
May kalituhan o paglilinaw? Wala po.
D. Assimilation Ngayon, kung wala ng katanungan ay
(Paglalapat) kumuha ng kalahating bahagi ng papel.
Panuto: Basahin at unawain ang mga
tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Maaaring makipag-ugnayan sa mga
taong miyembro rin ng nasabing social
network.
a. Social Networking a. Social Networking
b. Blog
c. Microblogging
d. Media Sharing
2. Dito makakapagpost ng maikling
update. d. Microblogging
a. Blog
b. Social News
c. Blog comments at online forum
d. Microblogging
3. Maihahalintulad sa isang pansariling
journal o talaarawang ibinabahagi sa
buong mundo. b. Blog
a. Social Networking
b. Blog
c. Microblogging
d. Media Sharing
4. Puwedeng mag-upload at mag-share ng
iba’t ibang anyo ng media tulad ng video. c. Media Sharing
a. Blog comments at online forum
b. Social News
c. Media Sharing
d. Social Networking
5. Maaaring makapagpost ng mga balita, b. Social News
artikulo, o links sa mga artikulong hindi
naka-copy at paste.
a. Blog
b. Social News
c. Blog comments at online forum
d. Microblogging
6. Maaaring makibahagi ang mga
miyembro sa pagpopost ng komento at
mensahe.
a. Blog comments at online forum a. Blog comments at online forum
b. Microblogging
c. Blog
d. Media Sharing
Isulat sa inyong kwaderno,journal o portfolio ang inyong reyalisasyon,naunawaan sa
V. PAGNINILAY
aralin gayon din ang inyong pangako simula ngayong araw na ito
Naunawaan ko na______________________________________________________
Nabatid ko na_________________________________________________________
Ipinangangako ko na___________________________________________________
INIHANDA NI:
MICHELLE M. RANIS
Student Teacher