You are on page 1of 59

Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a

Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

Col l eg e of E du c at i on

PANANAW AT ANTAS NG INTERES NG MGA MAG-AARAL SA


ASIGNATURANG DULAANG PILIPINO NG DALUBHASAANG
ANTAS SA MGA PILING PAMPUBLIKO AT PRIBADONG
KOLEHIYO SA METRO MANILA

Tesis na Iniharap sa
Mga Guro ng Kagawaran ng Edukasyon
University of Perpetual Help System Laguna
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna

Bilang Bahagi ng Pagtupad


Sa mga pangangailangan sa
Pagtatapos ng Kursong Edukasyon Dalubhasa sa Filipino

Nina:

Marso 2017
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

Col l eg e of E du c at i on

TALAAN NG NILALAMAN

Titulong Pahina

Rekomendasyon para sa Pasalitang Pagsusuri ii

Dahon ng Pagpapatibay ii

Pagkilala iii

Paghahandog iv

Abstrak v

Talaan ng Nilalaman vii

Listahan ng Talahanayan x

Listahan ng Pigura xi

Kabanata 1 Ang Suliranin – Sanigan Nito Pahina

Panimula 1

Balangkas Teoretikal 3

Balanmgkas Operasyunal 4

Paglalahad ng Suliranin 5

Paglalahad ng Hipotesis 6

Hinuha ng Pag-aaral 6

vi i
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

Col l eg e of E du c at i on

Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral 7

Katuturan ng Pag-aaral 8

Kabanata 2 Pagsusuri sa mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral 11

Sintesis ng mga Kaugnay na Literatura 19

Mga Puwang na Nagtutulay sa Kasalukuyang Pag-aaral 20

Kabanata 3 Disenyo ng Pagsasaliksik 22

Pinagkunana ng Datos 22

Populasyon ng Pag-aaral 23

Instrumentasyon at Balidasyon 24

Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos 26

Istatistikal na Tritment ng mga Datos 26

Kabanata 4 Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos 28

Kabanata 5 Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon 41


Lagom 42

Kinalabasan 43

Konklusyon 45

Rekomendasyon 46

viii
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

Col l eg e of E du c at i on

Talasanggunian

Mga Dahong Dagdag

Apendiks A (Liham Pahintulot)

Apendiks B (Talatanungan)

Apendiks C (Pagpapatibay ng Istatistisyan at Patnugot)

Apendiks D (SPSS/ Turnitin Certification)

Apendiks E (Talaan ng Personal)

ix
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

Col l eg e of E du c at i on

LISTAHAN NG TALAHANAYAN

TALAHANAYAN DESKRIPSYON PAHINA


1 Mga Respondenteng Mag-aaral mula
sa mga Piling Pampubliko at Pribadong 24
Kolehiyo sa Metro Manila

2 Ang Demograpikong Propayl ng mga 28


Mag-aaral

3 Ang Pananaw ng mga Mag-aaral sa 30


Dulaang Pilipino Bilang Asignatura

4 Ang Antas ng Interes ng mga Mag-aaral 33


sa Dulaang Pilipino Bilang Asignatura

5 Ang Pagkakaiba sa Pananaw ng mga 35


Mag-aaral sa Asignaturang Dulaang
Pilipino kapag pinangkat ayon sa
kanilang Propayl

6 Ang Pagkakaiba sa Antas ng Interes 37


ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Dulaang
Pilipino kapag pinangkat ayon sa kanilang
Propayl

x
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

Col l eg e of E du c at i on

7 Ang Pagkakaugnay ng Pananaw at Antas ng 39


Interes ng mga Mag-aaral sa Asignaturang
Dulaang Pilipino

LISTAHAN NG PIGURA
Paradima ng Pag-aaral

xi
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

Col l eg e of E du c at i on

Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang dula ay isang akdang pampanitikan na maaaring nasa anyong patula o

tuluyan na sadyang isinulat upang itanghal sa entablado ng mga aktor. Ayon kay

Aristotle sa kaniyang Poetics, imitasyon ito ng buhay. Sa pamamagitan ng

imitasyon, ang sangkatauhan ay natututo, at ang pagkatuto ng isang bagay ang

pinakadakilang aliwan ng tao. Ayon pa sa kanya, ang dula ay may simula, gitna,

at wakas na nagbabadya ng kaisahan ng dula upang magkaroon ng sitwasyong

pinanggalingan ng direksyong tinutungo at ng kalalabasan o kahihinatnan.Nag-

ugat ang dula sa kakayahan ng taong manggaya na isinasagawa sa mga ritwal na

may kaugnayan sa pang-araw-araw na kabuhayan ng mga tao tulad ng

pangangaso, tagumpay sa digmaan, ritwal sa paghingi ng ulan at iba pa.Batay

naman kay Tiongson, ang dula ay binubuo ng tanghalan, iba’t-ibang kasuotan,

skripto, “characterization”, at “internal conflict.” Ito ang pangunahing sangkap ng

tunay na dula ayon sa banyagang kahulugan. Sa kabilang dako, ayon sa mga aklat,

ang dula ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dulaang

pilipino.
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
2
Col l eg e of E du c at i on

Sa pananaw ng mga Pilipino, ang dula ay isang anyo ng panitikang

nagtataglay ng katangian ng pananagisag sa isang kasaysayan o tunay na buhay.

Sakop nito ang mga kuwentong sinulat upang itanghal sa entablado, at mga

pagsasadrama at pananagisag (mimesis), sa isang tagpo o episodyo anuman ang

dahilan ng pagtatanghal nito at saan man ito ginaganap. (kasaysayan at pag-unlad

ng dulaang Pilipino p. Ang pinakamahalagang layunin ng panitikang ito ay

itanghal sa tanghalan upang maunawaan at matutuhan ng isang manunuri o kritiko

ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Sinasabi ring

ang dula ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang

mensahe sa manonood (kung itinatanghal) o mambabasa (kung nakalimbag o

isinaaklat) sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto na

kaugnay ng sining na ito.Sa ating bansa, ang dula ay kasing tanda ng kasaysayan

ng Pilipinas at bahagi na ito ng ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng

katauhan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga taon, nagbabago ang anyo ng mga

dulang pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga mandudula; ang aliwin ang mga

mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhay ang mga pangyayari sa

buhay ng bawat Pilipino.


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
3
Col l eg e of E du c at i on

Balangkas Konseptwal

Ang batayang teorya ng pag-aaral na ito ay ibinatay sa inilahad ni Edward Lee

Thorndike (1874-1949) (Bilbao, Dayagbil, Copuz 2014 Curriculum Development

p. 41) na kinapapalooban ng mga pamamaraan na ang mga ito ay tinatawag na

pagsasanay (Law of Exercise), ang kahandaan (Law of Readiness), at ang

kinalabasan (Law of Effect).

Sa pag-aaral na ito, ang pagsasanay (Law of Exercise) ay nagpapabatid na

ang pag-aaral ng asignaturang Dulaang Pilipino ay kailangan ng matinding

pagsasanay upang lalo pang mahasa ang kaisipan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng

isang masining na gawaing pang entablado.

Ang kahandaan (Law of Readiness) ng mga mag-aaral na

nagpapakadalubhasa sa pag-aaral ng asignaturang Dulaang Pilipino ay

kinakailangan upang lubos nilang maunawaan ang mga mahahalagang bagay na

may kinalaman sa pagsasagawa ng dula at magkaroon ng malawak na interes na

pag-aralan ang asignaturang Dulaang Pilipino.

At ang huli ay tinatawag nating, ang kinalabasan (Law of Effect), kung saan

malalaman natin kung ang pag-aaral ng asignaturang Dulaang Pilipino ay may

malaking bentahe sa pagbabago sa pananaw at antas ng interes ng mga mag-aaral.


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

Col l eg e of E du c at i on 4

Balangkas Operasyonal

Sa paradima ng pag-aaral, ang malayang baryabol ay ang asignaturang

Dulaang Pilipino na kung saan dito nakatuon ang pag-aaral na ito. At ang di-

malayang baryabol ay ang Pananaw at Antas ng interes ng mga mag-aaral sa pag-

aaral ng asignaturang Dulaang Pilipino ng Dalubhasaang Antas sa mga Piling

Pampubliko at Pribadong Kolehiyo.

Modelong Operasyonal

Ilustrasyon Blg. 1 Paradima ng Pag-aaral


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

Col l eg e of E du c at i on 5

Paglalahad ng mga Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang Pananaw at Antas ng Interes

ng mga mag-aaral sa asignaturang Dulaang Pilipino ng Dalubhasaang Antas sa

mga Piling Pampubliko at Pribadong kolehiyo sa Metro Manila.

Ang pag-aaral na ito ang siyang nagbunsod sa mga mananaliksik upang

matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral na kumukuha ng

asignaturang Dulaang Pilipino ng Dalubhasaang Antas sa mga Piling Pampubliko at

Pribadong kolehiyo sa Metro Manila?

1.1 Kasarian

1.2 Edad

1.3 Uri ng Kolehiyo

2. Ano ang pananaw ng mga mga-aaral sa Dulaang Pilipino bilang asignatura?

3. Ano ang antas ng interes ng mga mga-aaral sa Dulaang Pilipino bilang

asignatura?

4. May makabuluhan bang pagkakaiba sa pananaw ng mga mag-aaral sa

asignaturang Dulaang Pilipino kapag pinangkat sila ayon sa kanilang propayl?

5. May makabuluhan bang pagkakaiba sa antas ng interes ng mga mag-aaral sa

asignaturang Dulaang Pilipino kapag pinangkat sila ayon sa kanilang propayl?


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

6
Col l eg e of E du c at i on

6. May makabuluhan bang pagkakaugnay ang pananaw ng mga mag-aaral at antas

ng interes nila sa asignaturang Dulaang Pilipino?

Paglalahad ng mga Hipotesis

Ang mga sumusunod na pahayag ay hipotesis sa isinagawang pag- aaral:

1. Mayroong makabuluhang pagkakaiba ang pananaw ng mga mag-aaral sa

asignaturang Dulaang Pilipino kapag pinangkat sila ayon sa kanilang propayl.

2. Mayroong makabuluhang pagkakaiba ang antas ng interes ng mga mag-aaral sa

asignaturang Dulaang Pilipino kapag pinangkat sila ayon sa kanilang propayl.

3. Mayroong makabuluhang kaugnayan ang pananaw at antas ng interes ng mga

mag-aaral sa asignaturang Dulaang Pilipino.

Hinuha ng Pag-aaral

Ang pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay batay sa mga sumusunod na

hinuha:

1. Ang Dulaang Pilipino ay isang mabisang paraan upang malinang ang malikhaing

kaisipan ng mga mag-aaral tungo sa positibong pagpapaunlad sa sarili.


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

7
Col l eg e of E du c at i on

2. Ang Dulaang Pilipino ay makapagbibigay ng kawilihan sa mga mag-aaral na

ilahad ang kanilang kakayahan sa paglikha at pagganap sa Dula.

3. Ang pag-aaral ng Dulaang Pilipino ay makatutulong sa pag-unlad ng

kakayahan sa pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumaklaw sa Pananaw at Antas ng Interes ng mga

mag-aaral sa pag-aaral ng asignaturang Dulaang Pilipino. Kasabay ng

pananaliksik na ito ang makapangalap o makakuha ng sapat na datos na

kakailanganin upang matugunan ang mga suliraning inilahad ng mga mananaliksik.

Ang magiging bahagi ng pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral na nasa

ikatlong antas na kumukuha ng kursong Edukasyon na nagpapadalubhasa sa

Filipino. Ito ay may kabuuang bilang na magmumula sa Dalubhasaang Antas sa

mga Piling Pampubliko at Pribadong Kolehiyo sa Metro Manila. Sa

pangkalahatan, ang pananaliksik na ito ay naglalayong mabatid ang mga Pananaw

at Antas ng Interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng asignaturang Dulaang

Pilipino.
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

8
Col l eg e of E du c at i on

Kahalagahan ng mga Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito titiyakin ng mga mananaliksik ang kahalagahan nito sa

mga mag-aaral, mga guro at iba pang mananaliksik na magsasagawa ng kaugnay

na pag-aaral.

Sa mga mag-aaral, makatutulong ang pananaliksik na ito upang magkaroon

sila ng karagdagang kaalaman ukol sa pag-aaral ng asignaturang Dulaang Pilipino

at lubos na mahubog ang kanilang kawilihan sa pag-aaral ng dula kapag ito’y

isinasagawa at kung bakit nila ito isinasagawa. Gayundin sila’y magaganyak na

makilahok at magkakaroon ng malayang pagpapahayag ng damdamin, opinyon at

saloobin. At higit sa lahat, mahuhubog ang kaalaman ng mag-aaral sa tulong ng

pag-aaral ng dulaang Pilipino, bilang bahagi ng kurikulum.

Sa mga guro, malaki ang maiaambag ng pag aaral na ito sa mga guro upang

magkaroon sila ng karagdagang kaalaman at kahusayan sa paraan ng kanilang

pagtuturo. Higit na magiging kasiya-siya ang kanilang pagtuturo kapag ito’y

nilapatan nila ng makasining at malikhaing pamamaraan.

Sa mga susunod na mananaliksik, sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ay

magkakaroon sila ng mas malawak pang kaisipan tungkol sa pananaw at antas ng

interes ng mga mag-aaral sa asignaturang dulaang Pilipino. At ang kalalabasan ng


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

9
Col l eg e of E du c at i on

pag-aaral na ito ay maaaring gamiting batayan ng mga susunod pang

magsasagawa ng kanilang pag-aaral.

Sa Mga Aktor, malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito sa mga gumaganap

ng isang dula sapagkat dito magkakaroon sila ng kabatiran upang ganap na mahasa

ang kanilang kakayahang umarte at lalong maging mahusay sa larangan ng sining

pang-entablado.

Sa mga manunulat, makatutulong ang pag-aaral na ito upang lalo pa silang

maging aktibo sa paggawa o pagsulat ng mga dulang itatanghal.

Katuturan ng mga Talakay

Ang mga sumusunod na terminolohiya ay binigyang kahulugan sa

pamamaraang ayon sa gamit nito sa mga pahayag na kanilang kinabibilangan,

samantalang ang iba naman ay binigyang kahulugan ayon sa taglay nitong

teknikal na gamit pangtermino.

Dulaang Pilipino. Ay nakasentro sa pag-aaral ng dula bilang paglalarawan

ng sining, isip, buhay at damdamin ng iba’t ibang uri ng tao sa lipunan. Kalakip

sa pag-aaral nito ang pagpapahalaga at pag-unawa sa lahat ng aspekto ng paglikha

hanggang sa pagtatanghal ng dula.


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

10
Col l eg e of E du c at i on

Pananaw. Isang persepsyon o paniniwala sa isang bagay o sitwasyon na

maaring tama o mali. Nakabatay ito sa kung ano ang iyong saloobin o pang- unawa.

Antas ng Interes. Ito ay tumutukoy o sumusukat sa kung gaano kataas ang

kawilihan ng isang tao sa mga bagay na nais niyang makamtan.

Interes. Ito ay kawilihan sa mga bagay na gustong matutunan o makamit ng

isang tao sa mga bagay na nais niyang gawin.


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

Col l eg e of E du c at i on

Kabanata 2
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nagsasaad ng mga kaugnay na literatura at kaugnay

pag-aaral na may kaugnayan sa pananaliksik na ito.

Kaugnay na Literatura

Ayon kina Sauco at Salazar (2007) “…ang mga tunay na dulang

nagtataglay ng pinakadakilang pangarap ng isang bansa, naglalarawan ng mga

katutubong kaugalian, naglalahad ng makatotohanang buhay at nagpapakilala

ng pagsisikap ng mga tao ng isang bayan upang mamuhay nang matiwasay at

marangal ay hindi matatagpuan sa mga unang dula-dulaan.”

Sinasabing ang dula ay may malaking naiambag sa kultura ng Pilipinas, sa

pag-aaral ng asignaturang Dulaang Pilipino masasabing ang naging hanapbuhay

ng mga Pilipino noon ay ang paggawa ng dula upang makalimutan ang

masalimuot na karanasan sa mga kamay ng mga mananakop. Maaaring ang

asignaturang ito ay nararapat na pag-aralan upang mas makintil sa ating isipan

kung paano ang pangyayaring ito sa nakaraan ay nakapagpabago sa buhay ng tao

at ng kalagayan ng lipunan.
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

12
Col l eg e of E du c at i on

Ayon naman kay Severino Reyes (2009) “Ang dula natin … na umunlad sa

pamamagitan ng sariling pagsisikap … ang … tanghalan kung minsan ay sa

isang malapad at looban; kung minsan ay sa isang damuhan, o kaya’y sa tabing

ilog o dagat pangkat ang… pagtatanghal ay ibinabatay sa kani-kaniyang

pagkakataon.”

Sinasabing sa pamamagitan ng asignaturang Dulaang Pilipino na ang dula

ang siyang naging dahilang ng pag –unlad at pag-angat ng hanapbuhay ng mga

Pilipino noon, Naging daan ang dulaang ito upang lalong maagsumikap ang mga

Pilipino noon na maiangat ang antas ng kanilang buhay at magsumikap na hindi

manatiling api sa kamay ng mga dayuhan at mananakop.

Batay kay Arthur P. Casanova (1983), “ang espesyal na proyektong Ang

Gamit ng Dulang Pansilid-aralan sa Pagtuturo ng Filipino sa mga Mag-aaral na

Maranao bilang isang kailangananin sa pagtatapos ng kursong Graduate

Certificate with Specialization in Filipino Linguistics sa Philippine Normal

College. Naging layunin ng pag-aaral na ito ang maghanda ng mga dulang

pansilid-aralan na magiging lunsaran sa pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral

na Maranao”
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

13
Col l eg e of E du c at i on

Isa rin sa nakikitang pananaw ng mga mananaliksik kung bakit nararapat na

pag aralan ang asignaturang Dulaang Pilipino ay upang magamit bilang

estratehiya sa pagtuturo ng Filipino sa mga mag-aaral.

Ayon naman sa Aghimuing Panulatan (2008), isang makabagong aklat na

inilunsad ng Araneta University Foundation na pinamatnugutan ni Juan Si

Deborde, ang dula-dulaan ay: “isang maikling dula na ang tunggalian ay may

kinalaman sa ilang di kahalagahang suliranin at nagwawakas ng kasiya-siya

para sa mga pangunahing tauhan ng dula o nagtatapos sa pagkakasundo ng mga

nagtutunggaliang lakas. Kadalasang layunin nito ay magpatawa sagitan ng kawili-

wili at nakatatawang pangyayari at bukambibig.”

Masasabing ang kawilihan ng mga manonood sa dulaan ang siyang

makapagbibigay interes upang mas lalong tangkilikin ang dula. Ang patuloy na

pag ikot ng kwento na nakapukaw sa interes ng mga manonood ang siyang

magbibigay daan upang mas lalong yumabong at magpatuloy ang dula.

Ayon kay McCaslin (1996) “ang dula ay nakapagbibigay ng oportunidad sa

mga mag-aaral upang mailahad ang kanilang imahinasyon tungo sa pagbuo nito.

Ang mga mag-aaral ay maaaring makaranas ng iba’t ibang karakter na maaring

gampanan sa dula”
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
14
Col l eg e of E du c at i on

Ayon sa European Journal of Social and Behavioural Siences, “Ang Dula ay

isang elemento ng Sining Pandulaan sa Edukasyon na angkop para sa lahat ng

mga mag-aaral anuman ang kanilang edad.”

Ayon pa rin sa European Journal of Social and Behavioural Siences, “Ang

dula ay sumasakop sa isang malawak na pamamaraan na may kaugnayan sa galaw

ng katawan, paghasa ng tinig at pagpapalawak ng kaisipan na maaaring magamit

sa klase ng may kapaki-pakinabang, ilan sa mga naging pag-aaral ay kinumpirma

na ang dulaan ay may malaking bentahe sa kasalukuyang kinakaharap sa

edukasyon.”

Ayon kay Imhoof (1970) “Ang dula ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral

upang ng kaalaman tungkol sa kanilang sariling kultura”. Ayon pa sa kaniya,

nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-unawa ng mga konteksto ng

kayariang pambalarila. Ganoon din, nakararanas sila ng dinamikong paggamit ng

wika upang makahikayat, makakontrol, makapagbibigay ng kasiyahan at

impormasyon.Dagdag pa niya, ang pagbabasa at paglikha ng mga dula ay

nagpapaunlad ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasagawa ng mga

proyektong pangkalinangan at kaalinsabay nito ay ang mabilis na pagkatuto ng


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
15
Col l eg e of E du c at i on

wika”. (Mula sa aklat ni Arthur Casanova na pinamagatang (KLASRUM

DRAMA 2011., p. 2) “Mga Anyo ng Dulaan Para sa Paaralan”)

Batay kay Adam Blatner “Ang dula ay isang metodolohiya na maaaring

magamit ng mga mag-aaral upang lubos nilang maunawaan ang iba’t ibang aspeto

ng literature at iba pang asignatura. Higit pa ditto, mas magkakaroon sila ng

interes at pakikibahagi hindi lang sa mga bagay bagay kundi maging sa kung

paanong ang kaalaman ay maiuugnay sa suliranin, tungo sa mas malikhaing

solusyon

Kaugnay na Pag-aaral

Ang dula bilang bahagi ng panitikan ay nararapat na pag-aralan sapagkat ito

ay maaaring magamit bilang estratehiya sa pagtuturo, kung saan nabibigyan ng

pagkakataon ang mga mag-aaral na magsagawa ng isang aktibidad na nakatuon

dito. Ang mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang dulaang pilipino ay

nabibigyan ng sapat na kaalaman upang magamit ito bilang mabisang estratehiya

sa pag-aaral ng panitikan.

May pagkakaugnay ang pag-aaral ni Modesto P. Acojido sa kasalukuyang

pag-aaral sapagkat ang mga mag-aaral ay may sapat nang kaalaman at kasanayan

ukol sa dula, makabubuo na sila ng mga sitwasyon na maisasakilos kaugnay ng


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
16
Col l eg e of E du c at i on

kani-kanilang sariling karanasan. Magiging magaan para sa kanila ang pag-

papahayag ng damdamin at kaisipan tungkol sa inilalahad na sitwasyon.

Ayon kayNaty Crame-Rogers (2006) may apat na pangunahing tungkulin

ang drama at teatro sa edukasyon: (1) Nililinang ng dula ang kakayahan sapagkatuto

sa komunikasyon. Dito, ang mga komunikasyon ng pasalita bilang pananalita

(speech), at ang di-pasalitang komunikasyon (non-verbal communication) bilang

pag-arte, ay parehong kailangan upang malinang ng mag- aaral ang ekspresibo at

kaaya-ayang personalidad; (2) Binibigyang-diin ng dula ang pagiging tao o ng

sangkatauhan at paghinog o kahandaan ng kaisipan. Ang pag-aaral ng dula ay

nakatutulong sa pag-susuri ng kalikasan ng pagkatao, ng

kanyang kalakasan at kahinaan, ng kanyang mga pangarap at mga kabiguan, ng

kanyang mga ideya tungkol sa buhay at sansinukob. Sa pamamagitan ng dula bilang

panitikan at bilang karanasan, nakakikita siya sa pamamagitan ng mga mata ng

kanyang pag-iisip; nalilinang ang uri ng intelektwal at emosyonal na matyuriti na

makatutulong sa pagharap niya sa mga problema at mga hamon habang lumalaki.

Kung gayon, ang dula ay nagpapalawak ng kapasidad na umunawa ng kalikasan

ng kasangkatauhan; (3) Ang dula ay may matinding kahalagahang sosyolohikal.

Ang mga gawaing pandula at panteatro ay umiinog sa lipunan ng sangkatauhan sa

isang miniature. Iniluwal nito ang mga suliranin sa pang-araw-araw na kabuhayan

at gayundin, naglalaan ito ng di mabilang na


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
17
Col l eg e of E du c at i on

paghamon sa panlipunan at pisikal na pagsaalang-alang. Bunga nito, lahat ng mga

karanasang ukol sa laboratoryong produksyon ay nagdudulot sa mga mag-aaral ng

mga kasanayang kailangan ng isang mahusay na pinuno. Kung gayon, ang pagiging

pinuno ay tinuturing na pinakamahalagang pagpapahalagang bunga ng

paggamit ng dula bilang isang proseso ng pagkatuto. (4) Ang dula ay nagdudulot

ng paggagap at pagkaunawa sa kanyang sarili at ng kanayang pagiging iba o

kakanyahan. Ang pag-unlad ng sarili bilang isang aktor ay nakasalalay sa higit na

kamalayan ng ibat ibang pandama.

Ayon kay Cecile Guidote (2006) Pag-ugnayin at hikayating magsama sama

ang mga pangkat pampaaralan at mga dulaang-bayan at sumanib sa mga

pribadong tagapagtaguyod, institusyon, sangay ng pamahalaan at mga

propesyunal na organisasyon na nagmamalasakit sa sining upang makasiguro na

ang sining ng dulaan sa ating pamayanan ay umunlad at magkaroon ng mahalagang

papel sa kaunlarang pangkalinangan at karanasang pangedukasyon ng mga

mamamayan, ganoon din sa pagpapalaganap ng pandaigdig na katiwasayan

at pagkakaunawaang pang-internasyunal.

Batay kina Joyce Weil and Calhoun (2009) “The role-playing process

provides a live sample of human behavior that serves as a vehicle for student to

(1) explore their feelings (2) gain insights into their attitudes, values, and
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
18
Col l eg e of E du c at i on

perceptions; (3) develop their problem-solving skills and attitudes; and (4)

explore subject matter in varied ways”.

Ang dula ay isang proseso na nakapagbibigay halimbawa sa pag-uugali ng

mga mag-aaral na maibahagi ang kanilang saloobin, pananaw at kahusayan sa

pag-aaral ng dula.

Malugod na iminumungkahi nina Seaton, Dell Angelo, Spencer and

Youngblood (2007) na ang pagganp sa dulaan ay tulong sa pagpapaunlad ng

kabatirang pansarili, pagpapatibay sa panuntunang pansarili at sa tuluyang

pagpapanatili ng mga ito.

Batay naman sa Pag-aaral na ginaa ni Merilainen (2012) inilarawan niya

dito ang nailahad na pag-unlad sa kontekstong pangkaisipan at pakikipagkapwa sa

bahagi ng mga nagsipagganap sa dulaan.

Ayon naman kay Karwowski at Sosynski (2008) ang tunguhin ng pagganap

sa dulaan ay ang tagumpay ng pagsasanay ng mga mag-aaral sa pagiging malikhain

at kaalinsabay nito ang paniniwalang pag-unlad sa kakayahang pagganap sa

makabuluhang pagbuo ng kawastuhan batay sa mainam na kristisismo.


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
19
Col l eg e of E du c at i on

Napagtanto naman nina Svinichi at Mckeachie (2011) ang mabuting bunga

ng pagganap sa dulaan ay ang pagiging kawili-wiling bahagi ng mga mag-aaral

kaysa maging bahagi lamang sila bilang mga mamumuna, nang sagayon ay

makabuo sila ng mainam na pagpapasya sa paglutas ng suliranin at pagtalima sa

kung ano ang kahihinatnan ng kanilang mga kapasyahan.

Naniniwala sina Dell’Olio at Donk (2007) na ang pagganp sa dulaan ay

makatutulong sa mga mag-aaral upang magkaroon ng pananagutan sa paghinang

nang may kalayaan, dahil dulot ng mga ito ay ang makapagpalawak ng iba’t ibang

paraan ng pagganap at tumugon sa ano mang kahingian ng kalagayan.

Batay sa pahayag nina Hall, Quinn at Gollnick (2008) na ang mga karanasan

ay nakakamit mula sa pagganap sa dulaan ay mas mainam na paghalili sa mga una’t

bagong karanasan na maaaring hindi ganap na maibabahagi at ganap na

maipapaliwanag ng guro, bahagi ng kursong edukasyon ang mga karanasang higit

na makapagbibigay kabatiran at kalakasan.

Ayon kay Schick (2008) ang pagganap sa dulaan ay kahalintulad ng

pagpaparaya nang ganap sa pagsisikap at kawilihan sa mga gampanin nang sagayon

ay makamit ang mga kasanayang naituro, kapag nalaman nila na ang pagganap sa

dulaan ay isang bagay na makabuluhan sa kanilang sarili.


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
20
Col l eg e of E du c at i on
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
21
Col l eg e of E du c at i on

Puwang na Nagtutulay sa Kasalukuyang Pag-aaral.

Ang asignaturang Dulaang Pilipino ay isang bahagi ng kurikulum sa

Dalubhasaang Antas ng Edukasyon na kumukuha ng Medyor sa Filipino. Ang

nasabing asignatura ay may tatlong yunit kung kaya’t ito ay nararapat na pag-

aralan at upang mapunan ang sapat na bilang ng yunit na kinakailangan. Naisin

man o hindi, ang asignaturang ito ay kailangan na pag-aralan at bigyang pansin.

Balakid ito para sa pananaw at antas ng interes ng mga mag-aaral dahil may

mangilan-ngilang mga mag-aaral na hindi interesado sa asignaturang kanilang

pinag-aaralan. Gayunpaman, ang asignaturang dulaang pilipino ay makatutulong

sa mga mag-aaral ng Edukasyon upang magamit ang dulaan bilang estratehiya

nila sa pagtuturo ng panitikan sa mga susunod pa na henerasyon.

May mga pag-aaral na kahalintulad sa pag-aaral na ito ngunit ang mga ito ay

nagsilbi lamang gabay, kahalagahan sa pagtukoy ng dulaang pilipino. Ang

kasalukuyang pag-aaral na ito ang nagsisilbing tulay sa pagtukoy sa kahalagahan

ng asignaturang dulaang Pilipino.


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
22
Col l eg e of E du c at i on
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

Col l eg e of E du c at i on

Kabanata 3

PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Sa kabanatang ito ay nagsasaad ng pamamaraan ng pag-aaral, mga

respondente, paraan ng pagpili, pangangalap ng datos, deskripsyon o

paglalarawan ng instrumento, at ng istatistikal na teknik na ginamit para sa

interpretasyon ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya para sa

pag-aaral na ito sa kadahilanang ang tunguhin ng pag-aaral ay mabatid ang pananaw

at antas ng interes ng mga mag-aaral hinggil sa pag-aaral ng Dulaang Pilipino

bilang asignatura.

Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Descriptive Survey Research Design,

na gumamit ng talatanungan (survey questionnaire) upang makalikom ng mga

datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito, sapagkat

mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.

Pagkukunan ng Datos

Ang pangunahing pagkukunan ng mga datos sa pag-aaral na ito ay ang mga

mag-aaral sa ikatlong antas na kumukuha ng kursong Edukasyon medyor sa

Filipino at kasalukuyang nag-aaral ng asignaturang Dulaang Pilipino mula sa mga


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
23

Col l eg e of E du c at i on

Piling Pampubliko at Pribadong Kolehiyo sa Metro Manila. Sa kabilang banda,

ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga sanggunian katulad ng mga nailathala

at mga hindi pa nailahthalang mga tesis o pamanahong papel, jornal, artikulo sa

internet at iba pang mga kagamitan o sanggunian na siyang sumusuporta at

nagsisilbing pangalawang pinagkunan ng datos ng mga mananaliksik.

Populasyon ng Pag-aaral

Ang mga respondente ng pag-aaral ay isangdaan’t labingisa (111) na mag-

aaral mula sa kabuuang bilang ng populasyon na isangdaan’t limampu’t tatlo

(153) na nasa ikatlong antas na kumukuha ng asignaturang Dulaang Pilipino mula

sa National College Teachers para sa Pribadong Kolehiyo at Pamantasan ng

Lungsod ng Muntinlupa para sa Pampublikong Kolehiyo.

Ginamit ang Slovin’s Formula upang malaman ang kabuuang bilang ng

respondente na kakailanganin at gumamit ng Purposive ramdom sampling ang

mga mananaliksik para sa pangangalap ng datos na kung saan ang tutugon ay ang

mga mag-aaral na nasa ikatlong antas sa kolehiyo.


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
24
Col l eg e of E du c at i on

Talahanayan 1
Mga Respondenteng Mag-aaral mula sa mga Piling Pampubliko at Pribadong
Kolehiyo sa Metro Manila

Instrumentasyon at Balidasyon

Bumuo ng talatanungan ang mga mananaliksik batay sa hinihinging tugon at

paglilinaw ng mga suliraning inilahad sa unang kabanata. Ang unang bahagi ng

talatanungan ay tumutukoy sa Pananaw ng mga mag-aaral sa Asignaturang Dulaang

Pilipino.Samantalang ang ikalawang bahagi naman ay ang Antas ng Interes ng mga

Mag-aaral sa Asignaturang Dulaang Pilipino. Kung saan naghanda ang mga

mananaliksik ng sampung katanungan sa unang bahagi at sampung katanungan din

sa ikalawang bahagi ng talatanungan na tutugunan ng mga mag- aaral mula sa mga

Piling Pampubliko at Pribadong Kolehiyo sa Metro Manila.

Ang mga instrumentong ginamit sa pag-aral ay dumaan sa masusing

pagsisiyasat ng mga mananaliksik at ng lupon ng tagapayo upang masinop at

matugunan ang pangangailangang iangkop sa pag-unawa ng mga kalahok.


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
25

Col l eg e of E du c at i on

Bago ang aktwal na pagsasagawa ng mga mag-aaral, idinaan ang mga

instrumento sa pagsubok sa ilang piling mga respondente upang matiyak at

malaman na ito ay maunawaan ng karamihan at sa mga pagkakataong may

makitang kakulangan, kamalian, at hindi kaangkupan ay masusing pinag-aralan

ng mananaliksik ang ginawang pagbabago at pagrerebisa.

Pagtatasa at Pagbibigay ng Puntos

Pananaw ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Dulaang Pilipino

Panukatang Bilang Ranggo Interpretasyon

3.26-4.00 4 Lubos na Sumasang-ayon


2.51-3.25 3 Sumasang-ayon
1.76-2.50 2 Hindi Sumasang-ayon
1.00-1.75 1 Lubos na Hindi
Sumasang-ayon

Antas ng Intreres ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Dulaang Pilipino

Panukatang Bilang Ranggo Interpretasyon

3.26-4.00 4 Lubos na Interesado


2.51-3.25 3 Interesado
1.76-2.50 2 Hindi Interesado
1.00-1.75 1 Lubos na Hindi
Interesado
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
26
Col l eg e of E du c at i on

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Upang magkaroon ng katiyakan sa pangangalap ng datos ang mga

mananaliksik ay nararapat na gumawa ng liham upang humingi ng pahintulot sa

kinauukulan na makapamahagi ng mga talatanungan sa mga respondente mula sa

Piling Pampubliko at Pribadong Kolehiyo sa Metro Manila na

nagpapakadalubhasa sa Filipino. Ipapamahagi ang mga talatanungan kapag

nalagdaan at napatibay na ang liham.

Bago isagawa ang pagpapasagot sa talatanungan, magbibigay ng paliwanag

ang mga mananaliksik sa mga respondente upang matiyak na nauunawaan ng mga

ito ang paksa ng pag-aaral. Personal na ipapamahagi at lilikumin ng mga

mananaliksik ang mga talatanungan. At kung matapos malikom ang mga datos ay

itatala ito at tutuusin para sa istatistikal na analisis.

Istatistikal na Tritment ng mga Datos

Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng ilang mga pamamaraan

upang masuri ang mga datos na ibabatay sa pormulang istatistikal kagaya ng mga

nakatala sa bawat bilang.

1. Ginamit ang pormulang frequency Distribution upang masagot ang unang

katanungan na tumutukoy sa propayl ng mga mag-aaral batay sa kasarian, edad at

Uri ng Kolehiyo.
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
27
Col l eg e of E du c at i on

2. Gumamit naman ng pormulang Kabuuang Promedyang Bilang (Average

Weighted Mean) upang masagot ang ikalawang katanungan na tumutukoy sa

Pananaw ng mga mag-aaral sa Dulaang Pilipino bilang asignatura, gayundin sa

ikatlong katanungan na tumutukoy sa Antas ng Interes ng mga Mag-aaral sa

Dulaang Pilipino bilang asignatura.

3. Sa ikaapat na katanungan na tumutukoy sa makabuluhang pagkakaiba sa

Pananaw ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Dulaang Pilipino kapag pinangkat

ayon sa kanilang propayl, ginamit ang pormulang Kruskal Wallis Test at Mann-

Whitney Test. At sa ikalimang katanungan na patungkol naman sa pagkakaiba sa

Antas ng Interes ng mga mag-aaral sa Asignaturang Dulaang Pilipino kapag

pinangkat ayon sa kanilang propayl, Kruskal Wallis Test at Mann-Whitney Test

din ang ginamit. At para naman sa ikaanim na katanungan ukol sa Pagkakaugnay

ng Pananaw at Antas ng Interes ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Dulaang

Pilipino, ginamit ang pormulang Pearson-product moment correlation.


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

Col l eg e of E du c at i on

Kabanata 4

PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS

Sa kabanatang ito, nakalahad ang lahat ng mga nakalap at sinuring

datos.Ipinakita din at binigyang kahulugan ang mga ito base sa mga pagkasunod-

sunod ng mga layunin sa pag-aral ng mga mananaliksik.

Talahanayan 2
Ang Demograpikong Propayl ng mga Mag-aaral

Sa talahanayan bilang 2 ipinapakita ang Demograpikong Propayl ng mga

mag-aaral batay sa Kasarian, Edad, at Uri ng kolehiyo. Sa kabuuang bilang ng

mga mag-aaral na isangdaan’t labingisa (111) kung saan tatlumpu’t tatlo (33) ang

tala ng ng mga lalaki na may dalawampu’t siyam at pitumpu’t tatlo (29.73%)


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
29
Col l eg e of E du c at i on

bahagdan at pitumpu’t walo (78) ang tala ng mga babae na may pitumpu at

dalawampu’t pito (70.27%) bahagdan.

Ang edad ng mga mag-aaral na labing-anim hanggang labingpito (16-17) na

may bilang na walo (8) at may bahagdan na pito at dalawamput isa (7.21%). Labing

walo hanggang labing siyam (18-19) na may bilang pitumpu’t pito (77) at may

bahagdan na animnapu’t siyam at apatnapu (69.40%). Dalawampu hanggang

dalawampu’t isa (20-21) na may bilang na labingapat (14) at may bahagdan na

labingdalawa at animnapu’t isa (12.61%) at ang huli ay dalawampu’t dalawa (22)

pataas na may bilang na labingdalawa (12) at may bahagdan na sampu at

walongpu’t isa (10.81%).

Para sa Uri ng Kolehiyo ang mga mag-aaral mula sa Pribado ay may bilang

na limangpu’t siyam (59) at may bahagdan na limampu’t tatlo at labing isa

(53.15%) at bilang mula sa Pampubliko ay limampu’t dalawa (52) at may bahagdan

na apatnapu’t anim at walumpu’t lima (46.85%).


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
30
Col l eg e of E du c at i on

Talahanayan 3
Ang Pananaw ng mga mag-aaral sa Dulaang Pilipino bilang Asignatura

Ang asignaturang Dulaang Pilipino Promedyang Verbal Rank


ay… Bilang (Weighted Interpretation
Mean)
1. Ginagamit na estratehiya na 3.48 positibo ang 6
nakatutulong sa kagalingang pang- pananaw
wika ng mag-aaral.
2. Naglalagay sa mga mag-aaral sa 3.60 Positibo ang 2
lubos na makatotohanan, pananaw
makabuluhan at kawili-wiling Gawain
at kalagayan.
3. Nakapagpapaunlad sa malikhaing 3.66 Positibo ang 1
pag-isip at pananaw, hindi lamang ng pananaw
mga mag-aaral kundi pati na rin ng
guro.
4. Nakatutulong sa mga mag-aaral 3.45 Positibo ang 8
upang gamitin ang mga kalagayang pananaw
pangwika sa pakikipag-ugnayan sa
pamamagitan ng paggamit ng buong
katawan.
45. Nakapaglilinang ng kakayahan sa 3.46 Positibo ang 7
pag-unawa ng mga konsteksto ng pananaw
kayariang pambalarila.
6. Nailalarawan ang damdamin ng 3.57 Positibo ang 4
mga mag-aaral sa partikular na bahagi pananaw
ng kasaysayan ng bayan.
7. Mabisang instrumento ng 3.39 Positibo ang 10
kasiyahan at kalungkutan ng pananaw
pagbabago ng kaisipan at kaugalian
ng mag-aaral.
8. Mabisang instrumento ng kasiyahan 3.50 Positibo ang 5
at kalungkutan ng pagbabago ng pananaw
kaisipan at kaugalian ng mag-aaral.
9. Mabisang aktibiti upang mahasa 3.59 Positibo ang 3
ang imahinasyon sa isang sitwasyon pananaw
ng mga mag-aaral.
10. May malaking impluwensya sa 3.41 Positibo ang 9
pagkatao ng isang indibidwal sa pananaw
lipunan.
Average 3.51 Positibo ang
pananaw
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
31
Col l eg e of E du c at i on

Sa talahanayan bilang 3 ay nagpapakita nang Pananaw ng mga mag-aaral sa

Dulaang Pilipino bilang Asignatura. Ang pananaw ng mga mag-aaral sa

asignaturang Dulaang Pilipino para sa katanungan bilang 3 na nagsasabing

“Nakapagpapaunlad sa malikhaing pag-isip at pananaw, hindi lamang ng mga mag-

aaral kundi pati na rin ng guro” ang nakakuha ng pinaka mataas na ranggo at may

interpretasyon na positibo ang pananaw na may kabuuang Promedyang Bilang

(Weighted Mean) na tatlo at animnapu (3.60). Samantala, ang katanungan bilang 7

na “Nagsasabing Mabisang instrumento ng kasiyahan at kalungkutan ng pagbabago

ng kaisipan at kaugalian ng mag-aaral” ang nakakuha ng pinaka mababang ranggo

at may interpretasyon na positibo ang pananaw na may kabuuang Promedyang

Bilang (Weighted Mean) na tatlo at tatlumpu’t siyam (3.39).

Ang Kabuuang Promedyang Bilang (Average Weighted Mean) ng

talahanayan 3 ay tatlo at limampu’t isa (3.51). Nangangahulugan na ang mga

mag-aaral ay positibo ang pananaw pagdating sa Pananaw hinggil sa

Asignaturang Dulaang Pilipino.

Ayon kay Imhoof (1970) “Ang dula ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral

upang gamitin ang wika sa pakikipagtalastasan, nagkakaroon ang mga mag-aaral

ng kaalaman tungkol sa kanilang sariling kultura”. Ayon pa sa kaniya, nalilinang

ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-unawa ng mga konteksto ng kayariang

pambalarila. Ganoon din, nakararanas sila ng dinamikong paggamit ng wika


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
32
Col l eg e of E du c at i on

upang makahikayat, makakontrol, makapagbibigay ng kasiyahan at impormasyon.

Dagdag pa niya, ang pagbabasa at paglikha ng mga dula ay nagpapaunlad ng

kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasagawa ng mga proyektong pangkalinangan

at kaalinsabay nito ay ang mabilis ng pagkatuto ng wika.” (Mula sa aklat ni

Arthur Casanova na pinamagatang (KLASRUM DRAMA 2011, p. 2) “Mga Anyo

ng Dulaan Para sa Paaralan”)


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
33

Col l eg e of E du c at i on

Talahanayan 4
Ang Antas ng Interes ng mga Mag-aaral sa Dulaang Pilipino bilang Asignatura

Bilang mag-aaral, ako ay Promedyang Verbal Rank


interesado… Bilang Interpretation
(Weighted
Mean)
1. Sa paglahok sa mga patimpalak 3.37 Mataas ang 9
na may kinalaman sa asignaturang kawilihan
dulaan.
2. Sa pagsulat ng mga malikhaing 3.33 Mataas ang 10
skrip na gagamitin sa dulang kawilihan
itatanghal.
3. Sa pagdederehe ng dulaan sa 3.39 Mataas ang 8
klase. kawilihan
4. Mapaunlad ang kabatiran sa 3.54 Mataas ang 6.5
kahalagahan ng magandang tinig, kawilihan
diksyon, at ekspresyon sa
pagtatanghal ng dula na siyang
patnubay sa paglinang ng kasanayan
sa pagsasalita.
5. Malinang ang katatasan sa wika 3.58 Mataas ang 4
na nag-uudyok ng interaksyon sa kawilihan
silid-aralan at nakadaragdad ng
positibong motibasyon.
6. Gumanap ng isang karakter o 3.55 Mataas ang 5
tauhan sa mga dulaang pangklase. kawilihan
7. Sumailalim sa pagsasanay upang 3.59 Mataas ang 2.5
mapaunlad ang kakayahang kawilihan
komunikatibo sa pag-arte.
8. Sa pagsasanay ng punto at himig 3.62 Mataas ang 1
ng pagsasalita ng mga mag-aaral. kawilihan

9. Maipakita ang angking 3.54 Mataas ang 6.5


kagalingan sa pag-arte sa harap ng kawilihan
mga manonood.
10. Sa panonood ng iba’t ibang uri 3.59 Mataas ang 2.5
ng dulaang Pilipino. kawilihan
Average 3.51 Mataas ang
kawilihan
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
34

Col l eg e of E du c at i on

Sa talahanayan bilang 4 ay nagpapakita nang Antas ng Interes ng mga mag-

aaral sa Dulaang Pilipino bilang Asignatura. Ang antas ng interes ng mga mag-

aaral sa asignaturang Dulaang Pilipino para sa katanungan bilang 8 na “Sa

pagsasanay ng punto at himig ng pagsasalita ng mga mag-aaral” ang nakakuha ng

pinaka mataas na ranggo at may interpretasyon na mataas ang kawilihan na may

kabuuang Promedyang Bilang (Weighted Mean) na tatlo at animnapu’t dalawa

(3.62). Samantala, ang katanungan bilang 2 na “Sa pagsulat ng mga malikhaing

skrip na gagamitin sa dulang itatanghal” ang nakakuha ng pinaka mababang ranggo

at may interpretasyon na mataas ang kawilihan na may kabuuang Promedyang

Bilang (Weighted Mean) na tatlo at tatlumpu’t tatlo (3.33).

Ang Kabuuang Promedyang Bilang (Average Weighted Mean) ng

talahanayan 4 ay tatlo at limampu’t isa (3.51). Nangangahulugan na ang mga

mag-aaral ay mataas ang kawilihan pagdating sa Antas ng Interes hinggil sa

Asignaturang Dulaang Pilipino.

Batay kay Adam Blatner “Ang dula ay isang metodolohiya na maaaring

magamit ng mga mag-aaral upang lubos nilang maunawaan ang iba’t ibang aspeto

ng literature at iba pang asignatura. Higit pa dito, mas magkakaroon sila ng

interes at pakikibahagi hindi lang sa mga bagay bagay kundi maging sa kung

paanong ang kaalaman ay maiuugnay sa suliranin, tungo sa mas malikhaing

solusyon.
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
35
Col l eg e of E du c at i on

Talahanayan 5
Ang pagkakaiba sa Pananaw ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Dulaang Pilipino
kapag pinangkat ayon sa kanilang Propayl

Propayl Mean Test statistics Interpretasyon


Kasarian (Mann-Whitney
Lalaki 3.56 test) Walang
Babae 3.49 U=1173.50 Makabuluhang
z= -0.734 Pagkakaiba
p= 0.461
Edad
16 – 17 3.48 (kruskal-Wallis Walang
18 – 19 3.50 test) Makabuluhang
20 – 21 3.65 X2 = 3.610 Pagkakaiba
22 – pataas 3.41 p= 0.307

Uri ng Kolehiyo (t-test)


Pribado 3.49 t= 0.764 Walang
Pampubliko 3.54 p=0.447 Makabuluhang
Pagkakaiba
Significance
level @ 0.05

Ang talahanayan bilang 5 ay nagpapakita ng pagkakaiba sa Pananaw ng mga

mag-aaral sa asignaturang Dulaang Pilipino kapag pinangkat ayon sa kanilang

propayl. Makikita sa talahanayan na ginamit ang Mann-Whitney test para sa

kasarian ng mga mag-aaral at ito ay nakakakuha ng p= 0.461 na

nangangahulugang Walang Makabuluhang Pagkakaiba sa Pananaw ng mga mag-

aaral hinggil sa Asignaturang Dulaang Pilipino. Sumunod ay ang propayl ng edad

ng mga mag-aaral na nakakuha ng p= 0.307 na nangangahulugang Walang

Makabuluhang Pagkakaiba sa Pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
36

Col l eg e of E du c at i on

Asignaturang Dulaang Pilipino. At ang huling propayl ay ang Uri ng Kolehiyo ng

mga mag-aaral na ginamitan ng T-Test at ito ay nakakuha ng p=0.447 na

nangangahulugang Walang Makabuluhang Pagkakaiba sa Pananaw ng mga Mag-

aaral hinggil sa Asignaturang Dulaang Pilipino.

Ayon sa European Journal of Social and Behavioural Siences, “Ang Dula ay

isang elemento ng Sining Pandulaan sa Edukasyon na angkop para sa lahat ng

mga mag-aaral anuman ang kanilang edad.” Kahalintulad sa literaturang ito ang

pag-aaral ng dula ay walang pinipiling propayl. Ang dula ay isang sining na maaring

magamit sa edukasyon para sa kahandaan ng mga mag-aaral tungo sa

pagpapaunlad ng sarili at ang higit na kawilihan ng mga ito ang siyang

magbubunsod upang mas lalong yumabong ang interes nila hinggil sa pag-aaral

ng dula.
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
37

Col l eg e of E du c at i on

Talahanayan 6
Ang pagkakaiba sa Antas ng Interes ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Dulaang
Pilipino kapag pinangkat ayon sa kanilang Propayl

Propayl Mean Test statistics Interpretasyon


Kasarian (Mann-Whitney
Lalaki 3.56 test) Walang
Babae 3.49 U=1196.00 Makabuluhang
z= 0.590 Pagkakaiba
p= 0.555
Edad
16 – 17 3.48 (kruskal-Wallis Walang
18 – 19 3.50 test) Makabuluhang
20 – 21 3.65 X2 = 4.906 Pagkakaiba
22 - pataas 3.41 p= 0.179

Uri ng Kolehiyo (t-test) Walang


Pribado 3.49 t= 1.041 Makabuluhang
Pampubliko 3.54 p=0.300 Pagkakaiba

Significance
level @ 0.05

Ang talahanayan bilang 6 ay nagpapakita ng pagkakaiba sa Antas ng Interes

ng mga mag-aaral sa asignaturang Dulaang Pilipino kapag pinangkat ayon sa

kanilang propayl. Makikita sa talahanayan na ginamit ang Mann-Whitney test

para sa kasarian ng mga mag-aaral at ito ay nakakakuha ng p= 0.555 na

nangangahulugang Walang Makabuluhang Pagkakaiba sa Antas ng Interes ng

mga mag-aaral sa Asignaturang Dulaang Pilipino. Sumunod ay ang propayl ng

edad ng mga mag-aaral na nakakuha ng p= 0.179 na nangangahulugang Walang

Makabuluhang Pagkakaiba sa Antas ng Interes ng mga mag-aaral hinggil sa


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
38

Col l eg e of E du c at i on

Asignaturang Dulaang Pilipino. At ang huling propayl ay ang uri ng kolehiyo ng

mga mag-aaral na ginamitan ng T-Test at ito ay nakakuha ng p=0.300 na

nangangahulugang Walang Makabuluhang Pagkakaiba sa Antas ng Interes ng

mga mag-aaral hinggil sa Asignaturang Dulaang Pilipino. Nagpapatunay ito na

ang asignaturang dulaang Filipino ay may angking kakayahan upang hubigin ang

artistikong kakayahan ng mga mag-aaral bilang isang kasanayang kinawiwilihan

nilang gampanan.

Ayon sa European Journal of Social and Behavioural Siences, “Ang Dula ay

isang elemento ng Sining Pandulaan sa Edukasyon na angkop para sa lahat ng

mga mag-aaral anuman ang kanilang edad.” Kahalintulad sa literaturang ito ang

pag-aaral ng dula ay walang pinipiling propayl. Ang dula ay isang sining na maaring

magamit sa edukasyon para sa kahandaan ng mga mag-aaral tungo sa

pagpapaunlad ng sarili at ang higit na kawilihan ng mga ito ang siyang

magbubunsod upang mas lalong yumabong ang interes nila hinggil sa pag-aaral

ng dula.
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
39
Col l eg e of E du c at i on

Talahanayan 7
Ang pagkakaugnay ng Pananaw at Antas ng Interes ng mga Mag-aaral sa
Asignaturang Dulaang Pilipino

Pearson r p-value Interpretasyon


Pananaw at
Antas ng interes 0.675 0.000 May Makabuluhang
ng mga Mag- pagkakaugnay
aaral sa
Asignaturang
Dulaang
Pilipino
Significance
level @ 0.05

Sa talahanayan bilang 7 ipinapakita ang pagkakaugnay ng Pananaw at

Antas ng Interes ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Dulaang Pilipino. Makikita sa

test statistics Pearson- Product Moment Correlation ang resultang r=0.675 at p=0.000

na nangangahulugang Mayroong Makabuluhang Pagkakaugnay ang Pananaw at

Antas ng Interes ng mga mag-aaral hinggil sa Asignaturang Dulaang Pilipino. Ito ay

nangangahulugan na ang asignaturang dulaang Filipino ay nagsisilbing tulay upang

marating ang mithiing magtamo ng kasanayang kinawiwilihan ng mga mag-aaral.

Ayon pa rin sa European Journal of Social and Behavioural Siences, “Ang

dula ay sumasakop sa isang malawak na pamamaraan na may kaugnayan sa galaw

ng katawan, paghasa ng tinig at pagpapalawak ng kaisipan na maaaring magamit

sa klase ng may kapaki-pakinabang, ilan sa mga naging pag-aaral ay kinumpirma


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
40

Col l eg e of E du c at i on

na ang dulaan ay may malaking bentahe sa kasalukuyang kinakaharap sa

edukasyon.” Nakasaad sa dyornal na ito na ang pananaw at antas ng interes ng

mga mag-aaral ay may kaugnayan lalo’t higit sa pamamaraan ng paglikha ng

dula, ang bawat paggalaw ng katawan ay naaayon sa interes ng mga mag-aaral na

magsagawa ng dula. Ang malaking bentahe ng dula sa kasalukuyang kinakaharap

sa edukasyon ay tumutugon naman sa pananaw ng mga mag-aaral.


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

Col l eg e of E du c at i on

Kabanata 5
PAGBUBUOD NG NATUKLASAN, KONKLUSYON AT

REKOMENDASYON

Inilahad sa kabanatang ito ang mga natuklasan batay sa nabuong paksa ng pag-aaral,

gayundin ang mga sapantaha o konklusyon at rekomendasyon na binase sa paksang

natuklasan.

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Pananaw at Antas ng Interes ng mga Mag-aaral

sa Asignaturang Dulaang Pilipino ng Dalubhasaang Antas sa mga Piling

Pampubliko at Pribadong Kolehiyo sa Metro Manila. Ang pag-aaral na ito ay

tiyak na sasagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral na kumukuha ng

asignaturang dulaang pilipino ng Dalubhasaang Antas sa mga piling Pampubliko

at Pribadong kolehiyo?

1.1 Kasarian

1.2 Edad

1.3 Uri ng Kolehiyo

2. Ano ang pananaw ng mga mga-aaral sa dulaang Pilipino bilang asignatura?

3. Ano ang antas ng interes ng mga mga-aaral sa dulaang pilipino bilang asignatura?

4. May makabuluhan bang pagkakaiba sa pananaw ng mga mag-aaral sa

asignaturang dulaang Pilipino kapag pinangkat sila ayon sa kanilang propayl?


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
42

Col l eg e of E du c at i on

5. May makabuluhan bang pagkakaiba sa antas ng interes ng mga mag-aaral sa

asignaturang dulaang pilipino kapag pinangkat sila ayon sa kanilang propayl?

6. May makabuluhan bang pagkakaugnay ang pananaw ng mga mag-aaral at antas

ng interes nila sa asignaturang dulaang pilipino?

Ang respondente ng pag-aaral na ito ay isangdaan’t labingisa (111) mag-aaral sa

ikatlong antas na kumukuha ng kursong Edukasyon medyor sa Filipino at

kasalukuyang nag-aaral ng asignaturang Dulaang Pilipino mula sa mga Piling

Pampubliko at Pribadong Kolehiyo sa Metro Manila.

Gumamit ng pamaraang Deskriptib ang pag-aaral na ito na nangangahulugang

pangangalap ng impormasyon sa mga mag-aaral ukol sa pag-aaral ng

Asignaturang Dulaang Pilipino.

Sa pamamagitan ng pamamaraang ito, ang mga mananaliksik ay matutukoy ang

Pananaw at Antas ng Interes ng mga mag-aaral sa asignaturang Dulaang Pilipino.

Nagsagawa ng sarbey ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng mga inihandang

talatanungan. Ang unang bahagi ng talatanungan ay tumutukoy sa Pananaw ng

mga Mag-aaral sa Asignaturang Dulaang Pilipino na binubuo ng sampung (10)

katanungan. Samantalang ang ikalawang bahagi naman ay patungkol sa Antas ng

Interes ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Dulaang Pilipino na binubuo din ng

sampung (10) katanungan. Ito ay tinugunan ng mga mag-aaral sa ikatlong antas


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
43

Col l eg e of E du c at i on

na kumukuha ng Kursong Edukasyon, medyor sa Filipino mula sa Pampubliko at

Pribadong Kolehiyo sa Metro Manila.

Pagbubuod ng mga natuklasan

Inilahad sa ibaba ang buod ng mga natuklasan batay sa pag-aaral na isinagawa.

1. Ang Demograpikong Propayl ng mga Mag-aaral

Nakalalamang ang bilang ng mga babaeng mag-aaral na may pitumpu’t walong (78)

bilang, samantalang ang mga lalaking mag-aaral ay may tatlumpu’t tatlong (33)

bilang. Sa kabilang banda, ang labinganim hanggang labingpito (16-17) taong

gulang ang nakakuha ng pinakamababang bilang na walo (8) sumunod ay ang

labingwalo hanggang labingsiyam (18-19) taong gulang na nakakuha ng

pinakamataas na bilang na pitumpu’t pito (77), sinundan naman ito ng

dalawampu hanggang dalawampu’t isa (20-21) taong gulang na may bilang na

labingapat (14) at ang huli ay dalawampu’t dalawa (22) pataas taong gulang na

may bilang na labingdalawa (12). Sa Propayl ng Uri ng Kolehiyo, ang

pinakamataas na bilang ng mga respondente ay natamo sa Pribado na may bilang

na limampu’t siyam (59) samantalang ang Pampubliko ay may bilang na limampu’t

dalawa (52).

2. Ang Pananaw ng mga Mag-aaral sa Dulaang Pilipino bilang Asignatura

Natuklasan na sa Pananaw ng mga Mag-aaral sa Dulaang Pilipino bilang Asignatura,

ang Kabuuang Promedyang Bilang (Average Weighted Mean) ay tatlo at


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
44

Col l eg e of E du c at i on

limampu’t isa (3.51) na nangangahulugang “Lubos na Sumasang-ayon” ang mga

mag-aaral sa pag-aaral ng Asignaturang Dulaang Pilipino.

3. Ang Antas ng Interes ng mga Mag-aaral sa Dulaang Pilipino bilang

Asignatura

Natuklasan na sa Antas ng Interes ng mga Mag-aaral sa Dulaang Pilipino bilang

Asignatura, ang Kabuuang Promedyang Bilang (Average Weighted Mean) ay

tatlo at limampu’t isa (3.51) na nangangahulugang “Lubos na Interesado” ang

mga mag-aaral na ito ay mapag-aralan.

4. Ang Pagkakaiba sa Pananaw ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Dulaang

Pilipino kapag pinangkat ayon sa kanilang Propayl

Napag-alaman ng mga mananaliksik na Walang Makabuluhang Pagkakaiba ang

Pananaw ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Dulaang Pilipino kapag pinangkat

ayon sa kanilang Kasarian, Edad, at Uri ng Kolehiyo.

5. Ang Pagkakaiba sa Antas ng Interes ng mga Mag-aaral sa Asignaturang

Dulaang Pilipino kapag pinangkat ayon sa kanilang Propayl

Natuklasan ng mga mananaliksik na Walang Makabuluhang Pagkakaiba ang Antas

ng Interes ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Dulaang Pilipino kapag pinangkat

ayon sa kanilang Kasarian, Edad, at Uri ng Kolehiyo.

6. Ang Pagkakaugnay ng Pananaw at Antas ng Interes ng mga Mag-aaral sa

Asignaturang Dulaang Pilipino


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
45

Col l eg e of E du c at i on

Natuklasan sa pag-aaral ng mga mananaliksik na Mayroong Makabuluhang

Pagkakaugnay ang Pananaw at Antas ng Interes ng mga Mag-aaral sa pag-aaral

ng Asignaturang Dulaang Pilipino.

Konklusyon ng Pag-aaral

Sa tulong ng mga natuklasan sa ginawang pag-aaral, ang mga sumusunod na

konklusyon ay nabuo.

1. Pinatutunayan sa pag-aaral na ito batay sa propayl ng mga respondente, ay mas

marami ang tumugon sa kababaihan kaysa sa kalalakihan at mas marami ang

tumugon na nasa edad labingwalo hanggang labingsiyam (18-19) taong gulang, at

higit na mataas ang bilang ng tumugon mula sa Pribadong Kolehiyo sa Metro

Manila.

2. Nangangahulugan na sa pag-aaral na ito na may Positibong Pananaw ang mga

mag-aaral hinggil sa Asignaturang Dulaang Pilipino.

3. Para naman sa Antas ng Interes, lumabas sa pag-aaral na may mataas na

kawilihan ang mga mag-aaral hinggil sa Asignaturang Dulaang Pilipino.

4. Napag-alaman ng mga mananaliksik na Walang Makabuluhang Pagkakaiba ang

Pananaw ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Dulaang Pilipino kapag pinangkat

ayon sa kanilang Propayl.


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
46
Col l eg e of E du c at i on

5. Napatunayan ng mga mananaliksik na Walang Makabuluhang Pagkakaiba ang

Antas ng Interes ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Dulaang Pilipino kapag

pinangkat ayon sa kanilang Propayl.

6. Napag-alaman sa pag-aaral ng mga mananaliksik na Mayroong Makabuluhang

kaugnayan ang Pananaw at Antas ng Interes ng mga Mag-aaral sa pag-aaral ng

Asignaturang Dulaang Pilipino.

Rekomendasyon

Batay sa konklusyon na naitala, ang mga sumusunod na rekomendasyon ay

iminumungkahi ng mga mananaliksik:

1. Sa mga susunod na pag-aaral kaugnay ng pananaliksik na ito ay magkaroon

pa ng sapat na bilang ng manunugon mula sa iba pang Dalubhasaang Antas sa

mga Pampubliko at Pribadong Kolehiyo hindi lamang sa Metro Manila upang

mas higit na magkaroon ng baliditi at relayabiliti ang naunang pag-aaral na ito.

2. Ipagpatuloy ang pag-aaral ng dulaang Pilipino bilang asignatura batay sa

positibong pananaw at mataas na kawilihan ng mga mag-aaral hinggil sa pag-

aaral ng dulaan.

Sa mga guro, maaari itong gamitin bilang estratehiya at bilang bahagi ng mga gawaing

pagsasanay na makatutulong sa mga mag- aaral na malinang ang


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024
47
Col l eg e of E du c at i on

katatasan sa wika na nag- uudyok ng interaskyon sa silid- aralan at

nakadagragdag ng positibong motibasyon.

Sa mga mag-aaral, ito ay gawing batayan sa pagpapaunlad ng kanilang malikhaing

pag-isip at pananaw at patuloy na pag-ibayuhin ang paglahok sa mga aktibidad na

may kinalaman sa dulaan na makatutulong upang mapaunlad ang kabatiran sa

kahalagahan ng magandang tinig, diksyon, at ekspresyon sa pagtatanghal ng dula

na siyang patnubay sa paglinang ng kasanayan sa pagsasalita.

Sa mga aktor, dumalo sa mga workshop o pagsasanay upang mas lalong mahasa ang

kakayahan sa pag-arte.

Sa mga manunulat, ipagpatuloy ang pagsulat ng malikhaing skrip upang

makapagbigay kawilihan sa mga manunuod.

Sa mga direktor, patuloy na suportahan at bigyang kaganapan ang iba’t ibang akda

ng mga manunulat tungo sa ikauunlad ng dulaan.

Sa mga manonood, patuloy na tangkilikin ang dulaang Pilipino bilang

pagpapahalaga sa ating panitikan at mas makilala ang kulturang kinagisnan.

3. At dahil sa mga resultang nakalap sa aming pananaliksik lumabas na

mayroong malaking kaugnayan ang pananaw at antas ng interes ng mga mag-


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

48
Col l eg e of E du c at i on

aaral sa Asignaturang Dulaang Pilipino kung kaya’t aming inirerekomenda na

patuloy

itong maging bahagi ng kurikulum sa Filipino upang mapanatili ang positibong

pananaw at mataas na kawilihan ng mga mag-aaral sa dulaan bilang asignatura.


Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

Col l eg e of E du c at i on

TALASANGGUNIAN

Acojido, Modesto- 2011 “KLASRUM DRAMA Mga Anyo ng Dulaan Para sa


Paaralan2011,” p.4 Anvil Publishing. Inc.

Adante, Elma R. – 2000- “Mga piling dula: bakas ng sosyo-pulitikal na


dimension NLP-General Book” (Thesis 899.211209 So68p 1999)

Bilbao, Dayagabil F., & Corpuz B. (2014). “Foundations of Curriculum”.


Curriculum Development.p.41 LoriMar Publishing Inc.

Blatner, Adam Retrieved from http:/www.futureacademy.org.uk/files/menu_item

Casanova, Arthur, -2006 “Kasaysayan at Pag-unlad ng Dulaang Pilipino” p.42


Anvil Publishing. Inc.

Casanova, Arthur, -2011 “KLASRUM DRAMA Mga Anyo ng Dulaan Para sa


Paaralan,”p.2-3 Anvil Publishing. Inc.

CecileGuidote- 2006 “KLASRUM DRAMA Mga Anyo ng Dulaan Para sa


Paaralan 2011,”p.4 Anvil Publishing. Inc.

David A. Sohn and Richard H. – 1977 “Types:9 Modern Short Plays” (New
York: BantanBooks, Inc) p. 9.

Dell ‘Olio et. Al – 2007 “The Effects of Using Academic Role-Playing in a


Teacher

Education Service-Learning Course” Retrieved January 2014 from


https://www.researchgate.net/publication/283328824_The_Effects_of_Usi

European Journal of Social and Behavioural Siences, 2015 Retrieved from


http://jml2012.indexcopernicus.com/European+Journal+of+Social+and+B

Genoveva Edroza Matute- 2006 “Pilipino sa Bagong Panahon” (Metro Manila,


Philippine:National Book Store, Inc.,), p. 24

Hall et. Al - 2008 “The Effects of Using Academic Role-Playing in a Teacher


EducationService-Learning Course” Retrieved January 2014 from
https://www/researchgate.net/publication/283328824_The_Effects_of
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

Col l eg e of E du c at i on

Imhoof- 1970 “KLASRUM DRAMA Mga Anyo ng Dulaan Para sa


Paaralan,”p.2, Anvil Publishing. Inc.

Joyce Weil – 2009 “The Effects of Using Academic Role-Playing in a Teacher


EducationService-Learning Course” Retrieved January 2014 from
https://www.researchgate.net/publication/283328824_The_Effects_of_Usi

Juan Si Deborde, Aghimuing Panulatan (Malabon: AIA, 1978), “KLASRUM


DRAMA Mga Anyo ng Dulaan Para sa Paaralan 2011,” p. 3 Anvil
Publishing.

Julian C. Balmaceda- 1947 “Sining at Agham ng mga Dulang Iisahing Yugto”


(Libraria J. Martinez) p.16.

Karwowski et. Al - 2008 “The Effects of Using Academic Role-Playing in a


Teacher Education Service-Learning Course” Retrieved January 2014 from
https://www.researchgate.net/publication/283328824_The_Effects_of_Usi

McCaslin, Nelie – 1996 “Creative Drama in the Classroom and Beyond”


London, Longman Publishers. Retrieved from TESL Journal, Vol.XVI No.1,
January 2010 http://iteslj.org/Articles/Boudreault-Drama.html

Merilainen et. Al – 2012 “The Effects of Using Academic Role-Playing in a


Teacher Education Service-Learning Course” Retrieved January 2014
from https://www.researchgate.net/publication/283328824_The_Effects_of

Naty Crame-Rogers- 2006 “KLASRUM DRAMA Mga Anyo ng Dulaan Para sa


Paaralan 2011,” p.8 Anvil Publishing. Inc.

Sauco et. Al- 2007 “KLASRUM DRAMA Mga Anyo ng Dulaan Para sa
Paaralan 2011,”p.4 Anvil Publishing. Inc.

Schick- 2008 “The Effects of Using Academic Role-Playing in a Teacher


Education Service-Learning Course” Retrieved January 2014 from
https://www.researchgate.net/publication/283328824_The_Effects_of_Usi

Seaton et. Al – 2007 “The Effects of Using Academic Role-Playing in a Teacher


EducationService-Learning Course” Retrieved January 2014 from
https://www.researchgate.net/publication/283328824_The_Effects_of_Usi
Uni v er s i t y of Per pe tu a l H e lp S y s te m L a g u n a
Brgy. Sto. Niño, City of Biñan, Laguna -4024

Col l eg e of E du c at i on

Severino, Reyes – 2009 “KLASRUM DRAMA Mga Anyo ng Dulaan Para sa


Paaralan 2011,” p. Anvil Publishing. Inc.

Svinichi et. Al -2011 “The Effects of Using Academic Role-Playing in a Teacher


EducationService-Learning Course” Retrieved January 2014 from
https://www.researchgate.net/publication/283328824_The_Effects_of_Usi

Tiongson, Nicanor G. -1990 “Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, Manila-


Dulaan” NLP-Multimeda (PL 792.013 D886 1990)

You might also like