You are on page 1of 7

ANTAS SA GAMPANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG

GRAMATIKANG FILIPINO

PRECELYN NASAYRE
SALLY MAE SICAN

ISANG ANDERGRADWEYT TESIS NA INIHARAP SA KAGURUAN SA


KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO NG SOUTHERN
CHRISTIAN COLLEGE, MIDSAYAP, COTABATO BILANG
TUGON SA ISA SA MGA KAHINGIAN
PARA SA DIGRING

BATSILYER SA SEKONDARYANG EDUKASYON


(FILIPINO)

DISYEMBRE 2022

i
PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng taong tumulong

upang maging maayos at matagumpay na naisagawa ang pag-aaral na ito.

Sa aming mga magulang, lolo at lola, sa Tito at Tita, sa kapatid na walang tigil

na sumusuporta at nagbigay ng tulong pinansyal upang matustusan ang

pangangailangan sa mga gastusin upang mabuo ang pananaliksik. Sa aming mga

kaibigan na palaging sumusuporta at nagbibigay lakas ng loob upang maging matatag.

Kay G. Romuel T. Daingan, MALT bilang tagapayo sa pananaliksik na

nagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon, sa mabuting pag-gabay mula simula

hanggang matapos ang asignatura.

Kay Gng. Wrechelle P. Suñas, MALT bilang punong tagasuri na nagbigay

puna at suhestisyon para sa ikabubuti ng pag-aaral na ito, walang sawang suporta,

tulong upang mapabilis na maging maayos ang daloy ng pananaliksik

Kay Gng. Darlene C. Uballas, MAEM at G. Geffrey Bedoya, bilang mga

kasapi ng tagasuri na nagbigay ng suporta, tulong, at nagbigay-puna sa mahahalagang

impormasyon upang mapaunlad ang papel na ito. Higit sa lahat, nagpapasalamat ang

mga mananaliksik sa Poong Maykapal na siyang tanging nagbigay ng lakas, talino,

biyaya upang maisagawa ang pananaliksik at sa pagdinig sa mga panalangin. Ang

lahat ng papuri ay sa Diyos.

ii
TALAAN NG NILALAMAN

PRELIMINARYONG PAHINA Pahina

Pamagating Pahina I
Talaan ng Nilalaman Ii
Talaan ng Apendiks Iii
Talahanayan Iv
Abstrak V

KABANATA 1 SULIRANIN AT SANDIGAN NG PAG-AARAL 1

Panimula 1
Paglalahad ng Suliranin 2
Hypotesis 3
Kahalagahan ng Pag-aaral 3
Saklaw at Limitasyon 4

KABANATA 2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT 5


PAG-AARAL

Gampanin ng Guro sa Pagtuturo 5


Klasipikasyon ng Gampanin ng Guro 6
Mga Gurong Pragmatiko 6
Mga Gurong Idealistiko 6
Mga Gurong Sentimental 8
Mga Gurong Personal 8
Pagtuturo ng Gramatika 9
Mga Kaugnay na Pag-aaral 13
Gampanin ng Guro sa Pagtuturo 13
Pagtuturo Gramatika 14
Batayang Teoretikal 16
Katuturan ng Katawagang Gamit 17
KABANATA 3 METODOLOHIYA 19

Disenyo ng Pananaliksik 19
Lugar ng Pananaliksik 19
Mga Kalahok 19
Instrumento ng Pananaliksik 20
Paraan ng Pangongolekta ng mga Datos 20
Pagsusuri ng mga Datos 21

iii
KABANATA 4 RESULTA AT DISKUSYON 23
Gampaning Pragmatiko 24
Gampaning Idealistiko 29
Gampaning Sentimental 34
Gampaning Personal 39
48
KABANATA 5 PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT
REKOMENDASYON
Paglalagom 48
Konklusyon 49
Rekomendasyon 50

TALASANGGUNIAN 51
APENDISES 54

iv
TALAAN NG APENDIKS

Apendiks Pamagat Pahina

A Talatanungan at Gabay na Tanong 62

B Liham Pahintulot 65

C Kahingiang Pinansyal 66

D Iskedyul ng Gawain 67

E Personal na Datos 68

v
TALAAN NG TALAHANAYAN

Teybol Pamagat Pahina

1.1 Gampaning Pragmatiko (SCC at LNHS) 24

29
1.2 Gampaning Sentimental (SCC at LNHS)

1.3 Gampaning Idealistiko (SCC at LNHS) 34

1.4 Gampaning Pragmatiko (SCC at LNHS) 39

vi
ABSTRAK

NASAYRE, PRECELYN P., SICAN, SALLY MAE ANTAS SA


A., 2022.
GAMPANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG GRAMATIKANG
FILIPINO. Andergradweyt Tesis, Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro, Southern
Christian College,Midsayap, Cotabato.

Tagapayo: Romuel T. Daingan, MALT

Layunin ng mga mananaliksik na matukoy ang antas sa gampanin ng guro sa


pagtuturo ng gramatikang Filipino na antas ng gampanin ng mga guro ng Southern
Christian College sa pagtuturo ng gramatikang Filipino sa mga mag-aaral bilang:
Gurong Pragmatiko, Gurong Idealistiko, Gurong Sentimental, at Gurong Personal.

Ang semi-structured survey questionnaire o talatanungan na siyang


pangunahing instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito na isang adaptasyon mula sa
pag-aaral nina Asuncion at De Guzman (2015). Ito ay dumaan sa rebisyon tulad ng
paggawa ng mga tanong na may kinalaman sa kanilang klasipikasyon na nagsilbing
gabay upang malaman ng mga mananaliksik kung saan nabibilang ang guro sa
klasipikasyon na mga gampanin nina Asuncion at De Guzman (2015). Ang mga
kalahok ay binubuo ng labin-dalawa (12) na mga guro sa Southern Christian College
at Libungan National High School.

Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang nangingibabaw sa klasipikasyon sa


Southern Christian College at Libungan National High School ay ang gampaning
personal. Makikita rin sa resultang nakalap sa Southern Christian College at Libungan
National High School ang pinakamababang gampanin batay sa klasipikasyon ay
gampaning idealistiko. Pinapakita sa resulta ng pananaliksik na ang mga guro sa
dalawang paaralan ay mga gurong personal sa pagtuturo ng Gramatikang Filipino.

vii

You might also like