You are on page 1of 3

Pagbabalik-aral

Kung

Handa na ba kayo? May inihanda akong isang bidyu tungkol sa napapanahong isyu. Suriin
mabuti ang bidyu at sagutin ang mga tanong na ibinigay ko pagkatapos.

Batay sa ating tinalakay ano kaya sa tingin niyo ang ating tatalakayin? Pero bago tayo dumako sa
ating paksa ay may inihanda akong talasitaan. Ibigay ninyo ang mga salitang kaugnay sa
konsepto ng simposyum. Piliin lamang sa kahon ang mga kaugnay na konsepto ng simposyum at
Isulat ito sa pisara.
Sa isang simposyum kailangan ba ng pagtitipon, talakayan, may tagapagsalita, panayam,
pagsama-sama. Ngayong alam na ninyo ang konsepto na may kaugnayan sa simposyum.
Batay sa ating ginawang aktibidades kanina ano ba ang simposyum?

ANO BA ANG SIMPOSYUM- Maraming Salamat! Mahihiwatigang ang pagsasalong ito ay


sinasabayan ng mga talakayan at pagkapalitan ng mga opinyon kaugnay ng mga kasalukuyang
pangyayari.

Simposyum- Tama! Ang isang Simposyum ay isang pagtitipon, pagpupulong, o panayam kung


saan ang mga kalahok ay tumatalakay sa isang partikular na paksa. Ngayong alam niyo na ang
kahulugan. Dumako na tayo sa Pagpaplano ng Simposyum. Basahin at pagkatapos ay bigyang
saloobin.
1. Sa pagsasagawa ng simposyum mahalagang pagplanohan ang petsa, oras, at lugar na
pagdarausan ng simposyum. Kailangang may tagapangasiwa o mamahala sa iba’t ibang
gawain ng simposyum.
2. Kinakailangan na malaman kung saan magmumula ang pondo at pagkakagastusan ng
mga kailangan sa isang simposyum upang maging handa sa programang gagawin
3. Kailangang pumili ng angkop paksa at maging tagapagsalita sa gaganapin na simposyum.
4. Mas mabuti na magreserba ng mas maaga upang kung hindi pwede sa ibang lugar o mga
kagamitang pinag-usapan ay may pagkakataon pang maghanap ng pangpalit sa mga ito.
Napakahalagang maireserba ang lugar, mga mesa at silya, ang sound system, ang LCD
projector, at mga gamit para sa dokumentasyon.
5. Ang komite na nakatalaga para sa programa ay dapat na bumabalangkas sa programa
kapag nabuo na ang pagkasunod sunod na mga pangyayari sa programa ay ipapaalam na
nila sa mga taong may parte o bahagi tulad ng mga emcee, tagapanguna ng panalangin,
intermission, at lalong lalo na ang mga tagapagsalita upang malaman ang oras ng
pagsasalita para sa kanilang bawat isa na ibabahagi.
6. Ang komiteng nakatalaga para sa bahaging ito ay kailangang bumuo ng liham paanyaya,
imbitasyon, mga patalastas, o poster na ipapaskil para makita ng mga interesado na
kalahok at iba pang publisidad na paraan sa pagpapaalam ng publiko. Ito rin ay upang
matiyak ang bilang ng dadalo sa magaganap na simposyum.

Dumako naman tayo sa Daloy ng Simposyum


Basahin at magbigay ng iyong saloobin o sariling pananaw

1. Sa tingin mo bakit kailangan ng rehistro ng mga kalahok sa isang simposyum?


Magaling! Ang rehistrasyon ay mahalaga sapagkat dito malalaman ang bilang ng interasadong
mga kalahok.
2.Magaling! Mahalaga ang pagpapakilala sa emcee at host ng seremonya upang makapagsimula
sila at malaman ang kanilang impormasyon.
3.Mahusay! Mahalagang mailahad ang paksa na tatalakayin sa simposyum upang malaman ang
tatalakayin ng isang simposyum.
4.Tama! Napakahalaga ng panalangin sa pagbungad ng isang programa upang makapaghingi ng
gabay sa ating Tagapaglikha.
5.Tama! ang pambungad ay isang mahalagang bahagi ng anumang pahayag. Kapag napukaw mo
ang interes ng iyong tagapakinig, magugustuhan nilang makinig pa nang higit sa kung ano ang
susunod na sasabihin. Kapag hindi naman napukaw ang kanilang interes ay maaaring mag-isip
sila ng ibang bagay.
6.Tama! Mahalaga ang pagbabahagi ng saloobin ng mga kalahok tungkol sa tinalakay upang
maging masigabo ang isang diskusyon at mabigyang linaw ang kanilang katanungan tungkol sa
paksa.
7.Tama! Napakahalaga ng parte ng isang tagaapagsalita sa isang programa o simposyum. Sila
ang nagbibigay impormasyon tungkol sa paksa. Sila ang nagbibigay ng kaalaman na kailangan
ng isang tagapakinig tungkol sa paksa
8.Magaling! Napakahalaga ng intermisyon para magbigay aliw sa mga kalahok at pagbibigay
meryenda sa mga dumalo.

Dumako naman tayo sa mga hakbang sa paggasagawa ng simposyum. Basahin at bigyang


pananaw pagkatapos. Maging ang mga mag-aaral na tulad niyo ay maaaring mag-organisa ng
isang simposyum.
1.Mahalaga sa pagsasagawa ng simposyum ang pag-alam ng tatalakayin at pagdedesisyon kung
sino ang target na manonood. Maaaring mag-aaral, guro, manggagawa, mga kabataan, at iba pa.
2.Mahalaga na maging handa sa lugar na gaganapan ng simposyum. Tulad ng sinabi ko kanina
ay mahalagang maereserba ang lugar upang kung hindi pwede sa isang lugar ay may
mahahanapan pang iba. Mahalaga rin na sanayin at bigyan ng angkop na oras ang tagapagsalita
o facilitator bago gawin ang programa. Kailangan din na handa ang mga pagkain at inumin.
Ngayon, Paano ba natin gawin ang pag-iimbita ng mga kalahok sa simposyum?
Tama! Maaari tayong gumamit ng social media site upang e post ang gaganapin na symposyum.

3.Marami pang mga paraan upang makapag-imbita ng mga kalahok gaya ng flyers. Maaari ding
e-post sa mga social media site o personal na imbitahan ang mga mag-aaral tungkol dito.
4.Bago mag umpisa mahalaga na makapagtala ng attendance sa mga dumalo lalong lalo na ang
feedback forms sa simposyum.
5.Sa huli ay humingi ng feedback, at sarbey sa tagapakinig sa isinagawang simposyum.
NAUNAWAAN BA ANG LAHAT?
Bago tayo dumako sa ating pagtataya ay merong akong mga katanungan at ako ay magtatawag
ng pangalan at inyo itong sasagutin.
APLIKASYON
1.Bilang isang mag-aaral sa baitang 10, paano mo bigyan ng panahon ang pakikilahok sa
simposyum?
2.Ano ang iyong mapapala sa pagdalo ng simposyum?
3.Paano mo magagamit ang iyong kaalaman sa simposyum sa iyong kapwa?
PAGLALAHAT
1. Bilang paglalagom, ano ang layunin ng simposyum?
2. Sa iyong pananaw, bakit mahalaga ang simposyum?

You might also like