You are on page 1of 5

KABANATA V

MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON

Introduksiyon

Bawat tao’y biniyayaan ng Diyos ng bibig upang makapagsalita; ng tainga upang


makarinig; ng kamay upang makapagsalita; at ng mata upang makapagbasa at
makapanood. Pagsasalita, pakikinig, pagbabasa, pagsusulat at panonood – ang limang
makrong kasanayang pangkomunikasyon. Isang malaking kasiyahan para sa isang
magulang ang marinig na nakapagsasalita na ang kanilang anak. Hindi man
nakabibigkas nang tama sa umpisa, tila musika sa pandinig ng mga ito ang bawat
lumalabas sa labi ng kanilang munting anghel. Higit lalo ang kasiyahan ng magulang
kapag nakapagsasalita na nang maayos ang kanilang anak. Samantala, isang malaking
katuwaan naman para sa isang guro ang pagkakaroon ng magaaral na mahusay
magsalita sa klase, dahil magandang sukatan ito ng awtentikong pagkatuto ng mga
aralin. Siyempre, nakatutuwa ring makita ang mga anak na mahusay makinig sa
sinasabi ng mga magulang. Gayundin naman sa panig ng isang guro, isang katuwaan
ang pagkakaroon ng mag-aaral na mahusay makinig dahil nagiging tulay ito para sa
epektibong pagtuturo-pagkatuto. Maliban sa pakikinig, kailangang taglayin din ng mga
mag-aaral ang husay sa pagbabasa at pagsusulat sapagkat kabilang ito sa mga
pangunahing kasanayan na dapat malinang sa larangan ng edukasyon. Sa kabilang
banda, nagiging mahalagang batis din ng karunungan ang telebisyon, pelikula, google,
youtube at iba pa kung kaya’t itinuturing ang panonood bilang isang makrong
kasanayang pangkomunikasyon. Mga mga tiyak ding sitwasyong pangkomunikasyon
kung saan nagtitipon-tipon ang mga kalahok para sa mga tiyak na layunin. Kabilang dito
ang lektyur at seminar, simposyum at kumperensiya, round table discussion, small
group discussion, pasalitang ulat, at ang video conferencing. Masusing tatalakayin sa
kabanatang ito ang nabanggit na mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.

Pangkalahatang Layunin:

1. Magtatamo ng kasanayan sa mga tiyak na sitwasyong


pangkomunikasyon ng lipunang Pilipino.
2. Mailalapat nang kontekstuwal ang mga kasanayan sa sitwasyong
pangkomunikasyon.

Aralin 1. LEKTYUR AT SEMINAR

Nais ng mga Pilipino na magtamo ng karunungan at kasanayang kinakailangan


at napapanahon upang mas mapaunlad pa ang kahusayan sa pinag-aaralan at sa
propesyon. Dahil dito, kabi-kabila ang pagsasagawa ng mga forum, lektyur, seminar. Sa
araling ito, pag-aaralan natin ang katangian ng forum, lektyur, at seminar.
Mga Tiyak na Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang


sumusunod:

1. Nakapagdidisenyo ng isang lektyur at seminar ayon sa hakbang at


paraan ng pagsasagawa nito.

Pagtalakay sa Paksa

Ang lektyur at seminar ay may layuning masinsinang matutunan ang isang


paksa na inorganisa nang mapatibay ang propesyonalismo. Binubuo ito ng 20
hanggang 70 kalahok. Ginagamit ito upang magbigay ng mga update sa dati ng
nalalaman at magpakikilala ng mga bagong kaalaman (San Juan, D.M., 2018).

Ang sumusunod ay mga halimbawa ng pinapaksa sa lektyur at seminar:

a. Pagsasanay sa mga pagsasalin

b. Pagsasanay sa paggamit ng mga social media sa pagtuturo

Naririto ang mga hakbang sa pagsasagawa ng lektyur at seminar


(www.eventbrite.com).

1. Tukuyin ang layunin ng lektyur at seminar gayundin ang bilang ng mga kalahok.

2. Magplano para sa badyet tulad ng badyet sa bulwagan, pagkain, imbitasyon,


tagapagsalita at iba pa para makapagdesisyon ng wastong halaga ng pagpapatala.

3. Pumili ng petsa ng pagdadaos ng lektyur at seminar, pagpapadala ng imbitasyon sa


kalahok at tagapagsalita, at pagpapatala. Pag-usapan din ang programa.

4. Pumili ng lugar na panggaganapan ng lektyur at seminar.

5. Tumukoy ng angkop na magiging tagapagsalita sa paksa.

Aralin 2. Simposyum at KumperensIya

Nakadalo ka na ba sa simposyum at kumperensiya? Maraming inoorganisang


simposyum at kumperensiya ang mga institusyon, oranisasyon at iba pa. Sa araling ito,
ating pag-aaralan ang katuturan ng simposyum at kumperensiya bilang mga tiyak na
gawaing pangkomunikasyon.

Mga Tiyak na Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang


sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang pagkakatulad at pagkakaiba ng simposyum at
kumperensiya, at

2. Nakapagsuri ng isang simposyum at kumperensiya. Pagtalakay sa Paksa May


pagkakatulad at pagkakaiba ang simposyum at kumperensiya. Ang kanilang
pagkakatulad ay kapuwa ito pagpupulong subalit nagkakaiba sila sa bilang ng kalahok
at paksang tinatalakay. Maliit na bersyon ng kumperensiya ang simposyum kaya mas
kaunti ang bilang ng mga kalahok at karaniwang mga eksperto sa paksa ang
nagpupulong-pulong. Ang paksang tinatalakay rito ay isang partikular na isyu o usapin.
Ang kumperensiya ay mas marami ang mga kalahok na nilalahukan ng mga eksperto at
mga kalahok. Sa loob ng kumperensiya, nagaganap ang iba’t ibang pagpupulong.

Aralin 3. ROUND TABLE AT SMALL GROUP DISCUSSION

Mahalagang maipahayag ng bawat kasapi ang kaniyang ideya at saloobin dahil


makapagbibigay ito ng bagong kaalaman, mungkahi at iba pa na makapagpapahusay
sa ideya ng pangkat. Sa araling ito, pag-aaralan natin ang round table discussion at
small group discussion bilang mga tiyak na gawaing pangkomunikasyon.

Mga Tiyak na Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang


sumusunod:

1. Nagapagsasagawa ng roundtable at small group discussion para sa


pagpapatupad ng isang proyekto. Pagtalakay sa Paksa Isinasagawa ang roundtable at
small group discussion upang makapagbahagi ng kaalaman sa hangaring malutas ang
isyu o suliranin. Ginagamit din ito upang makapagmungkahi ng solusyon sa
pagsasagawa ng mga pagpaplano ng proyekto, pagdedesisyon at iba pa (San Juan, D.,
et al, 2018).

Aralin 4. Pagsagawa ng Pulong/Miting/AsembleYa

Upang maging matiwasay ang pagpapatupad ng isang proyekto halimbawa,


kailangang mapagkasunduan muna ito ng isang pangkat. Nakatutulong ito upang
maging bukal sa kalooban ng bawat kasapi ang kanilang suporta. Sa araling ito, pag-
aaralan natin ang pagsasagawa ng pulong/miting/asembleya upang mabigyan tayo ng
gabay sa pagsasagawa nito.

Mga Tiyak na Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng


mga mag-aaral ang sumusunod:

1. Nakasusuri ng isang iskrip ng pulong/miting/asembleya. Pagtalakay sa


Paksa Isang pagtitipon ang pulong/miting/asembleya na binubuo ng
mga taong kasapi sa isang pangkat. Karaniwan itong ginagawa sa mga
paaralan, opisina at iba pa upang pag-usapan ang mga punto na dapat
gawin. Ito ay isang sitematikong isinasagawa.

May apat na elemento ng isang organisadong pulong/miting /asembleya.

1. Pagpaplano. Nagkakaroon dito ng pagtutukoy ng pag-uusapan, petsa at oras.

2. Paghahanda. Bahagi nito ang pagpapaalam sa mga kasapi ng oraganisasyon ng


isasagawang pulong/miting/asembleya.

3. Pagpoproseso. Pagsagawa ito ng pagpupulong. Magsimula sa takdang panahon at


magtapos sa takdang panahon.

4. Pagtatala. Ang mga mapag-usapan ay itatala ng kalihim upang may rekord sa napag-
usapan ng pangkat.

Aralin 5. Pasalitang Pag-uulat sa Maliit at Malaking Pangkat

Nais nating marinig o malaman ang kaalaman ng bawat isa tungkol sa isang
partikular na paksa. Sa loob ng silid-aralan, ginagamit din itong pasalitang pag-uulat sa
maliit na pangkat o sa buong klase. Alam mo ba kung paano ito gawin nang mabisa?
Sa araling ito, aalamin natin ang katangian ng ulat at mga paraan ng pagsasagawa nito.

Mga Tiyak na Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang


sumusunod:

1. Nakasusuri ng ulat batay sa mga katangian nito, at

2. Nakagagawa ng isang ulat batay sa mga katangian nito. Pagtalakay sa Paksa


Isang pagpapahayag na pasalita man o pasulat ang pag-uulat na naglalahad ng mga
natipong kaalaman sa isinagawang pangangalap ng datos mula sa iba’t ibang mga
batis ng impormasyon. Sa pagbuo ng isang ulat, nagbigay si Bernales, R. (2018) ng
mga katangian nito.

a. Organisado. Naisaayos nang may wastong pagkakasunod-sunod ang mga


datos. Maaaring gumamit ng mga grapikong pantulong kung kinakailangan.

b. Obhektibo. Walang kinikilingan ang pagpili ng datos.

c. Makatotohanan. Ito ay kayang suportahan ng mga ebidensiya at mula sa


pinagkakatiwalaang batis. Nakasulat din ang mga pinagkunan ng datos.

d. May gamit. Kapaki-pakibanabang ang mga impormasyon sapagkat ito ay


bago, may pagdaragdag sa dati ng impormasyon at hindi pag-uulit lamang ng mga alam
ng impormasyon.
Aralin 6. VIDEO CONFERENCING

Ang pagpasok ng modernong teknolohiya ay nagbigay ng panibagong tiyak na


sitwasyong pangkomunikasyon tulad ng video conferencing. Isa ito sa mga kapaki-
pakinabang na komunikasyon sapagkat globalisado na ang mundo. Wika nga ng iba,
tayo ay nasa digital world na. Kaya, kakambal na ng ating buhay ang paggamit ng
modernong teknolohiya. Sa araling ito, pag-aaralan natin ang video conferencing.

Mga Tiyak na Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang


sumusunod:

1. Nakalalahok sa isang video conferencing.

Pagtalakay sa Paksa

Ang video conferencing ay ginagamit ng mga indibidwal o grupo sa iba’t ibang


lugar na nagpapadala ng mga dokumento at gumagamit ng multimedia, tunog, video at
mga dokumento na nangangailangan ng mabilis na kasagutan o tugon. May application
nito sa internet na ginagamit tulad ng facebook chat room, google meet at zoom. Ito ay
makikita sa laptop, kompyuter at smartphones. Nangangailangan ito ng camera,
earphone o head phone. Kadalasan itong ginagamit sa mga industriyang
pampinansiyal, pangenerhiya, edukasyon, pangkomunikasyon at kalusugan. Bunsod ng
paglaganap ng pandemya sa buong mundo, lumawak pa ang saklaw ng video
conferencing. Ito ay dahil sa pagbabawal ng harapang pagsasagawa ng klase sa lahat
ng akademikong institusyon. Kaya naman, nauso ang paggamit ng google meet, zoom,
screen cast matic at iba pang internet application upang maitawid pa rin ang proseso ng
pagtuturopagkatuto sa lahat ng antas ng edukasyon.

You might also like