You are on page 1of 15

Southern Baptist College

Mlang, Cotabato

COLLEGE OF EDUCATION

Worksheet 1/Pre-Final- Unang Linggo

I. MISSION
The mission of SBC is the development of the total person through relevant programs in
Instruction, Research and Community Extension based on the tenets of TRUTH Service.

II. VISION
An institution committed to quality CHRISTIAN EDUCATION responsive to the needs of
the nation and the world.

Course: Filipino 1 – Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Course Description: Ang KOMFIL (Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino ay isang

praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa
Wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular,
at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa
makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang
tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas
at larangan.

Message to the Student/s:

Maligayang pagbati sa pagsalubong sa ikalawang semestre ng taon. Nawa’y sa

pagtanggap ninyo sa gawaing papel na ito ay manatili ang mga ngiti sa inyong mga labi at
hindi mapalitan ng pagkadismaya o lungkot ang inyong mga mukha. Nawa’y maging gabay at
makatulong ang gawaing papel na ito upang madagdagan ang inyong kaalaman. Pagpalain
nawa tayo ng Poong Maykapal.
Kawikaan (Proverbs) 3:5
“Sa Panginoon ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang umasa sa sariling
karunungan.”

FILIPINO 2 –INOBASYON SA WIKANG FILIPINO 1

Pangalan:

______________________________________________________________________________

Kurso at Taon: ___________________________ Seksyon: _______ Iskedyul:

_____________________

Kabanata 1
MGA TIYAK NA
SITWASYONG
PANGKOMUNIKASYON

Sitwasyong Pangkomunikasyon
Topic Title

Activating Prior Knowledge

Panuto: Manood ng video sa alinmang sitwasyong pangkomunikasyon
ng mga pilipino (Forum o Simposyum). Suriin ang nilalaman batay sa
pormat.

Pangalan:

Kurso:

Pamagat ng video:
__________________________________________________________________________________
Website kung saan ito napanood:
____________________________________________________________________
Uri ng Sitwasyong Pangkomunikasyon:
_______________________________________________________________
Paksang Tinalakay:
__________________________________________________________________________________
Paano nagsimula ang talakayan:
_____________________________________________________________________
Paano nagwakas ang talakayan:
_____________________________________________________________________

FILIPINO 2 –INOBASYON SA WIKANG FILIPINO 2

Magbigay ng rekomendasyon upang maging mabisa ang talakayan tulad ng iyong
napanood:
Rekomendasyon:
____________________________________________________________________________________

Learning Competencies
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Matukoy ang mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon ng mga Pilipino;

2. Mapahalagahan ang mga sitwasyong pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa pamamagitan ng
paglapat ng iba't ibang gawain.
3. Maipaliwanag ang mga sitwasyong pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa malikhaing
paraan;
4. Masuri ang mga halimbawa, pamamaraan at layunin ng panayam o interbyu.

Pre-Assessment
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Alin sa mga sitwasyong pangwika ang iyong nadaluhan?

_____________________________________________

2. Ilarawan kung paano ito isinasagawa batay sa iyong obserbasyon.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sa tingin mo ano ang benepisyong iyong nakuha sa pakikisangkot dito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Concept Map
Sa bahaging ito ng aralin ay malalaman natin ang kasaysayan ng ating lahi at
akdang pampanitikan.

FILIPINO 2 –INOBASYON SA WIKANG FILIPINO 3

Uri ng
Forum Symposium Pakikipanaya
m

Learning Activity Sequence or Examples and Discussions

FORUM

Ayon kay Austero et al. (2002), madalas sa isang pormal na pagpupulong ay

nagaganap ang "open-forum" o malayang talakayan. Madalas itong nahahawig sa
debate sapagkat ang paksang tinatalakay ay maaaring pagtalunan.

Ang bawat pagpupulong ng Forum ay nililikha bilang tugon sa mga partikular na

prayoridad, paksa, at interes ng mga kalahok. Kung saan maaari kang umalis at
asahan na makakita ng mga tugon sa mga mensahe na iyong naiwan.

Ito ay isang malaking pagtitipon sa ilalim ng mga pinunong maglalahad ng

mahalagang suliranin. Maaaring maglahad at magtalakay ng maraming paksa at
pagkatapos ay malayang magtatanong upang linawin ang paksang tinalakay.

MGA PAMAMARAAN PARA MAKILAHOK SA FORUM

1. Maghanda para sa talakayan

2. Magbigay ng opinyon sa paraang may pagsasaalang-alang
3. Magkaroon ng positibong kontribusyon
4. Maging magalang
5. Magbigay ng mahalaga at sapat na impormasyon
6. Magtala

Bilang lider ng ganitong pag-uusap, ano ang kailangan gawin?

1. Maghanda nang mabuti

2. Ihanda ang pasilidad
3. Dumating ng maaga
4. Kailangang maisaayos ang atmosperang "business-like".
5. Gabayan ang diskusyon
6. Hikayatin ang partisipasyon ng mga dumalo
7. Kailangang nakapokus sa agenda
8. Kailangang matutong magbigay ng konklusyon
9. Batiin ang mga nagsipagdalo
10.Humingi ng mga bagay na insidenting hindi inaasahan

SYMPOSIUM
Isang kumperensya o pulong upang talakayin ang isang partikular na paksa. Ito ay
isang pormal na pagtitipon kung saan ang mga kalahok ay eksperto sa kanilang mga
larangan. Ang mga dalubhasa ay nagpapakita o naghahatid ng kanilang mga opinyon
o pananaw sa isang piling paksa ng talakayan.

FILIPINO 2 –INOBASYON SA WIKANG FILIPINO 4

Mga dapat Tandaan:

1. Paghahanda sa Bulwagan
2. Pagpapaalam sa madla sa mga detalye ng simposyum
3. Pagbuo ng programa para sa simposyum
4. Pakikipag-usap sa Caterer
5. Kagamitan
6. Pagbuo ng liham, poster, patalastas at iba pa.

Ang panayam ay isang pakikipagpulong ng kinatawan ng pahayagan sa isang taong

nais niyang kunan ng mga impormasyon maiuulat o maipalilimbag.

Ito ay isang pagtatanong upang makakuha ng impormasyon tulad ng opinyon,

kaisipan o tanging kaalaman ukol sa isang paksang nakakatawag ng kawilihan sa
madla na karaniwa'y nagmumula sa tanyag na tao o kilalang otoridad.

Layunin:

1. Kumuha ng impormasyon, reaksyon at/o kuro-kurong kailangan sa

paghahanda ng isang bagay na ilalathala sa pahayagan.
2. Layuning pagtatampok.
3. Layuning pantalambuhay.

URI NG PAKIKIPANAYAM AYON SA ANYO

Formal - may ginagawang pakikipagtipan sa kakapanamin sa isang takdang araw,

takdang oras at takdang lugar. Isang harapang pag-uusap ng reporter at ng
kinakapanayam.

Di-formal - isang pakikipanyama na walang ginagawang pakikipagtipan sa isang

taong kakapanayamin. Tinatawag din itong ambush interview. Ito ay biglang
pagtatanong sa taong kagagaling sa isang mahalagang pangyayari na
nangangailangan ng panandaliang kabatiran.

URI NG PAKIKIPANAYAM AYON SA LAYUNIN

Nagbibigay ng Kabatiran (informative)

Isinasagawa upang makakuha ng impormasyon mula sa isang taong may kinalaman

sa bagong ideya, sa isang taong nakasaksi sa isang pangyayari o sa isang taong
maaring mapagkunan ng balita.

Opinyon (opinion interview)

Isinasagawa upang makakuha ng komentaryo o opinion mula sa taong bntog o

kilalang otoridad.

Lathalain (feature interview)

Pakikipanayam sa isang sikat na tao o sa isang taong may makulay na karanasan

upang makakuha ng kaalaman sa kanyang katauhan na magiging kawili-wili sa
madla.

Pangkat (group interview)

Natatanong na reporter (inquiring reporter type) - Iisa ang tanong na sinasagot ng mga
kinakapanayam at sa pasumalang (random) na pagtawag.

FILIPINO 2 –INOBASYON SA WIKANG FILIPINO 5

Simposyum (symposium) - nagtatanong ang mga reporter ng mga magkaugnay na
tanong sa bawat kapanayam na inaakalang dalubhasa sa napiling larangang
pinaghanguan ng katanungan. Ang bawat kapanayam ay dalubhasa sa kani-kanilang
linya.

Pandiyaryo (Press interview) - pakikipanayam ng maraming reporters sa isang taong

kilala gaya ng pangulo ng bansa o ng isang tanyag na dayuhan at iba pang may
kinalaman sa pambansang aktibidad
MUNGKAHING HAKBANGIN SA PAKIKIPANAYAM
1. Ihanda at balangkasing mabuti ang mga tanong batay sa layunin.
2. Magsuot ng angkop na damit.
3. Magdala ng notbuk at panulat.
4. Magpakilala agad nang buong pamitagan at sabihin kung ano ang pakay.
(Huwag magpanggap.)
5. Maging masigla at magkaroon ng tiwala sa sarili.
6. Magtanong nang magtanong hanggang may maaaring itanong.
7. Upang hindi kabagot-bagot ang pakikipanayam, ibaling ang pag-uusap sa mga
personal na hilig ng kinakapanayam.
8. Mainam na buo na sa isipan ang halos lahat ng mga itatanong.
9. Huwag makipagtalo sa iyong kinakapanayam.
10.Kumuha ng sapat na tala sa sinasabi ng kinakapanayam. (Kung tila maselan,
gawin ito pagkatapos ng usapan. Kung gagamit ng recorder, humingi muna ng
pahintulot. Huwag magpumilit kapag hindi pumayag at mas lalong huwag
gawin ng patago.)
11.Magbigay ng pahiwatig na sana’y pahintulutan pang makabalik at muling
makaabala sa hinaharap.
12.Huwag na huwag kalimutan ang magpasalamat bago umalis.
13.Gawing tiyak ang mga katanungan at hindi yaong pangkalahatan.

Learning Exercises
Panuto: Sagutin ang tanong nang hindi bababa sa tatlong pangungusap.

1. Sa anong paraan nagiging bahagi ng pang-araw-araw na interaksyon ang

panayam? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________________

_________________________________

2. Paano nakatutulong ang panayam sa pagpapaunlad ng kasanayan sa

pakikinig? Ipaliwanag.

FILIPINO 2 –INOBASYON SA WIKANG FILIPINO 6

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_________________________________

Biblical Integration

Maging alisto sa pakikinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad magagalit.

Santiago 1:19

Mga Aklat:
Zapico, Marvin M. et. al. (2018). Kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino. Jimczyville
Publications: Malabon City.
Peñ a, Jessica Marie I. at Nucasa, William P. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. St.
Andrew Publishing House: Bulacan.

FILIPINO 2 –INOBASYON SA WIKANG FILIPINO 7

Southern Baptist College
Mlang, Cotabato

COLLEGE OF EDUCATION

Worksheet 1/Pre-Final- Ikalawang Linggo

I. MISSION
The mission of SBC is the development of the total person through relevant programs in
Instruction, Research and Community Extension based on the tenets of TRUTH Service.

II. VISION
An institution committed to quality CHRISTIAN EDUCATION responsive to the needs of
the nation and the world.

Course: Filipino 1- Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Course Description: Ang KOMFIL (Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino ay isang

praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa
Wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular,
at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa
makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang
tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas
at larangan.

Message to the Student/s:

FILIPINO 2 –INOBASYON SA WIKANG FILIPINO 8

Pagbati sa mahal naming mga mag-aaral at inyong natapos ang unang paksa. Nawa’y
manatili ang tiwala ninyo sa inyong mga sarili sa pagsagot sa bawat gawain. Gawin sana
ninyong gabay ang mga paksang tatalakayin upang maging matagumpay kayo sa inyong
buhay at sa haharapin ninyong kinabukasan. Ang pag-aaral ay hindi susi upang ang tao ay
yumaman, ngunit dahil sa matututunan, ang pag-iisip natin ay magagabayan. Pagpalain tayo
ng Poong Maykapal.
Kawikaan 2: 6
Siya ang nagkaloob ng karunungan, sa bibig niya ang kaalaman at unawa’y bumubukal .

Topic Title

MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON (2)

Activating Prior Knowledge

Panuto: Halimbawa ikaw ang tagapangasiwa ng isang pulong, paano mo malulutas anf
mga sumusunod na suliranin sakaling maranasan mo ang mga ito? Sampung (10) puntos
bawat tanong.

 Ano ang kahalagahan ng FGD bilang mag-aaral? Ipaliwanag.

__________________________________________________________________________________________________________________

 Nakatulong ba ang telebisyon at radyo sa pagpapaunlad ng wikang Filipino? Magbigay ng
halimbawa.
__________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________

Learning Competencies
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng mga tiyak na sitwasyong

pangkomunikasyon;
2. Naiisa-isa ang mga gabay sa pasalitang pag-uulat;
3. Maipaliwanag ang mga sitwasyong pangkomunikasyon ng mga Pilipino.

FILIPINO 2 –INOBASYON SA WIKANG FILIPINO 9

Pre-Assessment
Panuto: Mula sa mga nabasang akda o napanood na teleserye/palabas, gumawa ng isang pasulat na
ulat gamit ang balangkas sa ibaba:

Pamagat: ______________________________

May-akda: _____________________________

Mga tauhan:

Buod:

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________.

Concept Map
Sa bahaging ito ng aralin nabibigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral na
makita ang daloy o proseso ng paksang pag-aaralan.

Elemento ng Organisasyong Pulong

Ang Pasalitang Pag-uulat

Focus Group Discussion at Programang

Pangradyo at Pantelebisyon

Learning Activity Sequence or Examples and Discussions

FILIPINO 2 –INOBASYON SA WIKANG FILIPINO 10

Ang pulong o miting ay isang pagtitipon na may layuning makapagpahayag ng isang
anunsyo, panukala o mga gawain. Maaari ring nagsasagawa ng pagpupulong kapag
gustong hingin ang payo ng nakararami para sa isang desisyon.
Elemento ng Isang Organisadong Pulong
1. Pagpaplano (Planning)
1. Pagpaplano para sa organisasyon
2. Pagbibigay impormasyon, agenda o mga bagay na dapat ipaalam sa mga
kasapi
3. Paglutas ng problema o solusyon
4. Pagtatasa o ebalwasyon sa mga nakaraang pulong
2. Paghahanda (Arranging)
 Tagapangulo o Pangulo (Presiding officer)
 Kalihim (Secretary)
 Mga kasapi (Members)
3. Pagpoproseso (Processing)
 Quorum - bilang ng mga kasapi na kasama sa pulong na dapat dumalo
para maging opisyal ang pulong.
 Consensus - isang proseso ng pagdedesisyon na kinukuha ang
nagkakaisang desisyon ng lahat ng mga kasapi sa pulong.
 Simpleng Mayorya - proseso ng pagdedesisyon na kinakailangan ang 50%
+ 1 ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga dumalo sa isang opisyal
na pulong.
 2/3 Majority - kinakailangan ng 2/3 o 66% ng pagsang-ayon o hindi
pagsang-ayon ng mga dumalo
4. Pagtatala (Recording) - tinatawag na katitikan ng pulong o minutes of the
meeting.
Mga Dapat Iwasan sa Pulong
1. Malabong layunin sa pulong
2. Bara-bara sa pulong
3. Pagtalakay sa napakaraming bagay
4. Pag-atake sa indibidwal
5. Pag-iwas sa problema
6. Kawalan ng pagtitiwala sa isa't isa
7. Masamang kapaligiran ng pulong
8. Hindi tamang oras ng pagpupulong

Ang pasalitang pag-uulat ay pagpapahayag ng isang paksa sa harap ng maraming

tao o panauhin.
Narito ang ilan sa kahulugan, gabay at hakbang sa pasalitang pag-uulat.
May mga ilang pagkakataon na nagsasagawa tayo ng ulat sa harap ng klase kapag
naiatas sa atin ang isang paksa. Bukod sa klase, may ilan din na nagbibigay tayo ng
pasalitang pag-uulat sa ginagawang proyekto o maging sa librong nabasa.
Gabay sa Pasalitang Pag-uulat
1. Paggamit ng simple ngunit naaayong mga salita.
2. Pagkontrol sa emosyon.
3. Pagiging epektibong tagapakinig.
4. Pagtiyak sa pang-unawa ng tagapakinig.
Hakbang sa Pasalitang Pag-uulat
1. Pagpaplano
 Tiyaking ang paksang iuulat ay tiyak, limitado at hindi malawak

FILIPINO 2 –INOBASYON SA WIKANG FILIPINO 11

 Maghanda sa mga posibleng tanong ukol sa paksa
 Batay sa mga naihandang mga posibleng tanong. Isulat ang nga sagot sa
pamamagitan ng pagsasaliksik. Magiging gabay ito upang mas makita ang
kahalagahan at sakop ng paksang iuulat.
2. Pagsasanay ng Presentasyon
 Gamit ang inihandang balangkas, muling balikan ang paksa at detalye ng
iuulat
 Tiyaking wasto ang mga nakalagay na detalye sa paksang iuulat
 Tiyaking wasto ang gramatika
 Bumuo ng kagamitang biswal sa pag-uulat gaya ng powerpoint
presentation. Tiyaking makikita o mababasa ito ng mga tao kahit nasa likod
na bahagi ng lugar ng pagdadausan ng ulat.
3. Pagpapahayag ng Ulat
 Huwag basahin ang ginawang balangkas o mga tala
 Sundin ang gabay sa mabisang pagsasalita
 Panatilihin ang ugnayan sa iyo ng tagapakinig
 Maghanda sa mga posibleng katanungan ng mga tagapakinig

Focus Group Discussion at Programang Pangradyo at Pantelebisyon

Ang Foucus Group Discussion ay talakayan na binubuo ng hanggang limang kasapi.

Ito ay gawaing may kooperasyon na nangangahulugang tulong-tulong sa pagbuo ng
mga ideya.

Ayon pa sa aklat nina Alcantara-Malabuyoc, et al. (2013) may mga dapat tandaan sa
pagsasagawa ng FGD.
1. Balikan ang mga tanong na dapat sagutin sa pag-aaral, alin dito ang maaaring
masagot gamit ang FGD?
2. Itala ang mga tanong na itatanong sa FGD. Kailangang hindi ito nasasagot ng
simpleng "Oo" o "Hindi".

3. Iplano kung kinakailangan ng maliit na grupo (6 na kalahok), katamtamang

dami ng grupo (7-10) o malaking grupo (11-15) ang iimbetahin para sa FGD.
4. Gumawa ng mga pamantayan sa pagpili ng mga kalahok. Kailangang alam nila
ang paksang tatalakayin mo at may pare-pareho ang kanilang interes o
background tungkol sa paksa.
5. Gumamit ng cassette recorder o cam recorder upang mairecord ang talakayan.
6. Tatayong tagapagdaloy ang mananaliksik sa mangyayaring talakayan. Kumuha
ng katuwang na siyang magrerecord ng talakayan.
7. Tumatagal ng isa hanggang dalawang oras ang FGD kung sasabihan ang mga
kalahok tungkol dito.
8. Kunin ang pagsang-ayon ng mga kalahok bago sila isali sa FGD.
9. Ipaliwanang ang layunin ng FGD at ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga
kalahok.
10.Kung tapos na ang FGD, magpasalamat sa mga kalahok.
11.Ihanda ang transkripsyon ng FGD. Hangga't maaari, isulat o i-type sa
kompyuter ang talakayan. Lagyan ng ellipsis (...) ang mga salita o pahayag na
hindi maintindihan at balikang muli at pakinggan.

FILIPINO 2 –INOBASYON SA WIKANG FILIPINO 12

Ang Radyo ang pinagmumulan at pinagkukunan ng balita, aliw, impormasyon, payo
at serbisyong publiko ng mga tao. Mas mabilis din ang dating ng balita at pagbabalita
kumpara sa telebisyon dahil madaling maipadala ang impormasyon at makakonekta
sa himpilan ng radyo. (Morales at Nuncio, Nuncio 2016).

Ang telebisyon ay midyum o kagamitan na nagpapalabas ng mga programa. Naging

bahagi na ito ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

Kabilang sa mga programa sa telebisyon ay:

1. Balita
2. Dokumentaryo
3. Serbisyo-publiko
4. Teleserye, telenovela, pelikula at komediserye
5. Variety show
6. Reality show o game show

Learning Exercises
Panuto: Ipaliwanag sa sariling pangungusap ang mga sumusunod na Gabay
sa Pasalitang Pag-uulat.

1. Paggamit ng simple ngunit naaayon at akmang mga salita:

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________.
2. Pagkontrol sa emosyon:

3. Pagiging epektibong tagapakinig:

FILIPINO 2 –INOBASYON SA WIKANG FILIPINO 13

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________.
4. Pagtiyak sa pag-unawa ng tagapakinig:

Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinakda ng Diyos;
at sila’y paparusahan. - Roma 13:2

References
Mga Aklat:

Zapico, Marvin M. et. al. (2018). Kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino. Jimczyville

Publications: Malabon City.
Peñ a, Jessica Marie I. at Nucasa, William P. (2018). Kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino. St.
Andrew Publishing House: Bulacan.

FILIPINO 2 –INOBASYON SA WIKANG FILIPINO 14

FILIPINO 2 –INOBASYON SA WIKANG FILIPINO 15

You might also like