You are on page 1of 9

HANDOUT 12

SIMPOSYUM (SYMPOSIUM)
Ang simposyum ay isang pormal na pagtitipon sa akademikong tagpuan na
kung saan ang mga partisipant ay mga paham o eksperto sa kani-kanilang
larangan. Tinatalakay ng mga eksperto ang kanilang mga opinyon o pananaw
sa partikular na paksa ng pagtalakay. Karaniwan na nagkakaroon ng
pagtatalakayan matapos na ang tagapagsalita ay makapagbahagi ng kanyang
saloobin sa pamamagitan ng kanyang talumpati. Ang kakanyahan ng gawaing
ito ay maipakikita sa serye ng pagtalakay sa isang paksa na karaniwang
ibinibigay ng eksperto o paham sa loob lamang ng iisang araw.

KONPERENSYA
Ang konperensya ay tumutukoy sa isang pormal na pagpupulong na kung saan
ang mga kasali ay binibigyang pagkakataon na makapagbibigay ng kani-
kanilang pagtalakay sa iba't ibang paksa. Ang konperensya ay maaaring
ganapin sa iba't ibang larangan at hindi naman kailangan na palaging
nakasentro ito sa larangan ng akademya. Maaaring magkaroon ng
konperensya ang mga doktor, abogado, mga mamamahayag at iba pa. Ang
konperesya ay mayroong higit na malawak na delegado kung ihahambing sa
simposyum. Ang pagpaplano sa pagkakaroon ng konperensya ay isang
gawaing hindi madaling isakatuparan kung isasaalang-alang ang lawak ng
sakop ng pagtalakay sa mga usaping nakapaloob dito, bagamat maaaring
pagbatayan ang mga sumusunod na mungkahing hakbang sa pagbuo nito:

1. Pagpapasya sa tema;
2. Magpasya sa mga maaaring makasama sa pangkat;
3. Ihanda ang plano para sa budget at mga paggugulan nito;
4. Paghahanap ng isponsor na makatutulong para sa mga gastusin ng gawain;
5. Pagpapasya para sa araw at lugar na pagdarausan ng gawain; Pagpapasya
para sa mangangasiwa ng pagkain;
6. Pagpili ng mga tagapagsalita;
7. Pagpapatala
8. Promosyon
Bawat konperesya ay nangangailangan ng isang tema na maging batayan ng
mga tagapagsalita sa kanilang gagawing pagtalakay. Dapat taglayin ng tema
ang mga sumusunod na katangian:
1.Kaakit-akit;
2. Nakauugnay ng lahat;
3. Nakapupukaw ng damdamin;
4. Nakapanghihikayat para sa isang talakayan.

Bukod sa kahalagahan ng tema para sa mga partisipant, ginagamit din ang


tema sa konseptwalisasyon ng promosyon ng konperensya, disenyo ng mga
poster, brochure, logo at iba pang mga bagay na may kaugnayan dito. Ang
pagbuo ng isang konperensya ay hindi kakayaning isakatuparan ng isang
indibidwal lamang. Kailangan niya ng makakatulong mula sa pagbuo ng
konsepto, logistics at aktwal na implementasyonng plano. Kailangan niya ng
mga taong may puso na maisasakatuparan ang mga espisipikong gawain na
nakalaan para sa kanya.
Maaaring gumawa ng istruktura upang siyang mamahala sa mahahalagang
aspeto ng konperensya:

a. Komite para sa pagpaplano- ito ang siyang mamamahala sa pagbuo ng


konsepto ng konperesya; pagtukoy sa tema; sa mga tagapag-salita; daloy ng
programa; lugar at oras ng gawain.
b. Komite para sa administrasyon- nakaatang ang budget para sa gawain;
rehistrasyon; pagbebenta ng tiket; pagtanggap ng mga katanungang may
kaugnayan sa gawaing ito.
c. Komite para sa promosyon ng gawain- nakasalalay ang pagpapakilala sa
publiko ng napakahalagang gawain na ito. Maaaring isaalang-alang ang
paggamit ng lahat ng plataporma ng social media katulad ng facebook, twitter
at iba pa. Maaari ring pag-ibayuhin ang paggamit ng website para rito.
d. Komite para sa mga mamamahala sa isponsor- dahil sa bigat ng gawaing
ito sa larangan ng gastusin, mahalaga na magtalaga ng isang pangkat na
mamamahala sa paghahanap ng isponsor na makatutulong upang may
mapagkunan ng mga gagastusin sa mga pangangailangan ng konperensyag
e. Komite para sa dokumentasyon- mahalaga ito upang masigurado na ang
lahat ng papel o mahahalagang dokumento at kaugnay na bagay ay nasa ayos
at maaaring balikan kung sakali man na may mga isyu na lumabas matapos
ang implementasyon ng plano.
f. Komite para sa ebalwasyon- nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ng
mga namamahala ng konperesya ang pagkakaroon ng ebalwasyon sa
isinagawang gawain upang ito ay maging pamantayan ng higit na
pagpapaunlad para sa mga susunod pang gawain na may kaugnayan dito.
g. Komite para sa seguridad- dahil sa inaasahang dami ng tao na maaaring
dumalo sa konperensya, mahalagang na isaalang-alang ng komite ang
seguridad ng bawat isa, partisipant man o tagapamahala. Maaaring magtalaga
ng dagdag na security kung kinakailangan. Makatulong din kung may
karampatang medical personnel o kaya ay may kagamitang pang-medical kung
sakali man na may mga pangyayari na hindi inaasahan

HANDOUT 13
PABILOG NA TALAKAYAN (ROUND TABLE DISCISSION)
Ang bilog na hapag ay naglalarawan ng pangkakapantay-pantay ng ga
partisipant sa gawaing ito. Bawat isa sa kanila ay may kani-kanilang karapatan
na mapakinggan at maging bahagi ng pagtalakay bagamat mayroong isang
pangunahing tagapagsakita (key-note speakers). Malakimg bahagi ng gawaing
ito ng talakayan o diskusyon.

KUMUNIKASYON SA ISANG MALIIT NA PANGKAT (SMALL-GROUP


COMMUNICTION)
Ayon kay Tubbs (2012) sa aklat ni Tubbs (2013), ang komunikasyong ito ay
kinasasangkutan ng tatlo o higit pang kasapi ng pangkat na ang layunin ay
impluwensyahan ang iba gamit ang berbal at di-berbal na komunikasyon.
Sinasabi na ang antas ng komunikasyon ng mga kasangkot dito ay higit na
mababa kumpara sa interpersonal na komunikasyon. Ang komunikasyon sa
maliit na pangkat ay karaniwang makikita sa simbahan, palengke, umpukan.
Ang pangkatang gawain (group dynamics) sa loob mg klase na halimbawa ng
isang maliit na pangkat (small group communication) ay nakatuon sa paraan
kung paano nila mapauunlad ang gawain ng pangkat.

HANDOUT 3
KONDUKTA NG PULONG/MITING/ASEMBLIYA
Taunang Pangkalahatang Pagpupulong (Annual General
Meeting).Ito ay pagpupulong ngashareholder
ng isamg korporasyon kung saan ang bawat isa
ay binibigyan ng pagkakataon na alamin samga Board, Directors o Board of
Trustees kung ano ang progreso ng organisasyon. Sa pagkakataong ding ito
karaniwang ginaganap ang eleksyon para sa mga bagong Board of Directors.
Ang Conclave ay karaniwang inuugnay sa eleksyon ng bagong Santa
Papa, subalit hindi ito nangangahulugan na ito ay para lamang sa okasyong ito.
Maaaring ding gamitin ang conclave sa mga sikretong pag-uusap o closed door
meetings na kinasasangkutan ng mga indibidwal na makapangyarihan at
maipluwensya.

Ang Galas ay tumutukoy sa glamarosong okasyon na kinabibilangan ng


malaking hapunang piging (dinner party) na may kasamang kasiyahan at
paggawad ng parangal. Ang kasuotan ng mga kalahok ay pormal at magarbo.

Ang Bangkete (Banquets) ay katulad din ng gala sa antas ng pananamit


ng mga kalahok at lugar na pagdarausan nito. Ito ay piging na karaniwang
inihahanda ng malalaking kumpanya para iangat ang moralidad ng kanilang
mga mangagawa.

Paglulunsad ng ga produkto (Product Launching) may mga industriya


na isinasagawa ng malawakang paglulunsad ng kani-kanilang mga produkto
upang makakuha ng mataas na antas pagkilala ng kanilang mga produkto.
Karaniwan sijang nagbibigay ng mga halimbawa o simple ng mga produkto na
kanilang ipinakikilala.

Pabilog naTalakayan (Round table discussion) Ang bilog na hapag ay


naglalarawan ng pangkakapantay-pantay ng ga partisipant sa gawaing ito.
Bawat isa sa kanila ay may kani-kanilang karapatan na mapakinggan at maging
bahagi ng pagtalakay bagamat mayroong isang pangunahing tagapagsakita
(key-note speakers). Malakimg bahagi ng gawaing ito ng talakayan o
diskusyon.

Konggreso, ito ay karaniwang ginagawa taun-taon sa bawat disiplina,


binibigyan ng pagpapahalagang mga tagumpay at mga nakamtan ng isang
larangan. Karaniwan itong dinadaluhan ng mga pinuno sa larangan at
nagtatampok sa mga serye ng pagtalakay.

Break out session, ito ay bahagi ng isang malaking konperensya na


dinisenyo o inayos upang gumawa ng mas maliit na pangkat na laan lamang
para sa mga indibidwal na nais makibahagi sa mga espisipikong pagtalakay sa
sesyon na ito.
Press Conference, inoorganisa o binubuo ng isang taong laman ng mga
balita upang linawin ang usapin hinggil sa kanya, magbigay ng tiyak na
impormasyon at bigyan ng pagkakataon ang media na makapagbibigay ng mga
kaugnay na katanungan sa usapin hinggil sa kanya.

Panayam o interview, ito ay pormal na pakikipag-usap ng isang tao sa


iba pang tao upang makakuha ng mga kinakailangang impormasyon para sa
espisipikong layunin katulad ng pangangalap ng balita at paghahanap ng
posibleng empleyado sa isang kumpanya.

Mainam na gumamit ng interview protocol o talaan ng mga tanong na


maaaring ipukol sa isang indibidwal upang makakuha ng kinakailangang
impormasyon.

Ang katanungan ay maaaring ikategorya sa: ang pangunahing


katanungan ay mga panimulang katanungan tungkol sa pangunahing paksa
ng panayam, samantalang ang pangalawang katanungan ay may kasunod
na katanungan nakabatay sa mga naunang tanong.
Ang katanungan ay maaari ring bukas (open) o sarado (closed).
Malawak ang sakop ng bukas na katanungan sa punto na higit nitong binibigyan
ng kalayaan ng bawat isa na tumugon sa tiyak na impormasyon, opinyon at
nararamdaman. Ang tanong ay sarado kung dapat tumugon ay walang opsyon
liban sa oo o hindi na mga kasagutan. Bukod sa mga kategoryang nabanggit,
ang katanungan ay maaari ring walang pinapanigan (neutral) o nagtuturo
(leading) na mga katanungan.
Bukod sa mga kategoryang nabanggit, ang katanungan ay maaari
ring walang pinapanigan (neutral)o nagtuturo (leading) ng mga katanungan
ay hindi nagdidikta ng karagutan sa mga tinatanong samantalang ang nagtuturo
o leading ng mga katanungan ay may mga katanungan na sinasabi sa mga
kapapanayamin kung ano ang nararapat nilang kasagutan sa tanong.

HANDOUT 14
Programa sa Radyo at Telebisyon
PROGRAMA SA RADYORADYO- Ang radyo bilang isa sa mga midyum ng
komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan ng mundo sa
mas malawak na sakop nito. Mauunawan ang gampanin ng radyo bilang gabay
sa kamalayang panlipunan.- naghahatid ng musika naghahatid ng mga
talakayan/pulso ng bayan naghahatid ng napapanahong balita nagbibigay ng
opinyonkaugnay ng isang paksa.
MGA URI NG PROGRAMA SA RADYO
•Programang naghahatid ng musika
•programang nagpapakilala ng iba't ibang produkto
•programang nalalayong makinig at magpayo hinggil sa isyu ng pag-ibig
•Komentaryong panradyo o kwentuhang media
•Programang naghahatid ng napapanahong balita
•programang nagbibigay ng pagkakataon para sa iba't ibang uri ng panawagan
•programmang nagparinig ng mga dulang panradyo
•programang nagbibigay ng pagkakataon na marinig ang pulso ng bayan

MGA URI NG PALABAS O PROGRAMA SA TELEBISYON


Dokyumentaryo
Mga palabas na naghahatid ng mga proyekto na sumasalamin sa katotohanan
ng buhay at tumatalakay sa kultura ng isang lipunan.

Drama
Ito ay binubuo ng iba't- ibang tauhan, na nagsasadula ng isang kwento. Ang
mga ganitong uri ng palabas ang kinahihiligan ng karamihan na panuorin.

Variety show
Ang mga karaniwang pinapalabas dito ay mga Music Videos, pagtatanghal ng
isang tao o grupo. At iba pang may kinalaman sa musika at pagsayaw.Makikita
dito ang sari-saring pagtatanghal. Pagtatanghal na may kinalaman sa musika,
komedya, Talk show, at iba pa. Hindi mawawala dito ang isang Host.

Realidad na TELEBISYON
Ay isang uri ng palabas sa telebisyon kung saan ang sinusubaybayan ay ang
"totoong buhay" ng mga tao at hindi mga kathang isip na tauhan.

BALITA
Ito ay tumutukoy sa mga kasalukuyang nagaganap sa loob o labas man ng
ating bansa. Ito ay naghahatid ng impormasyon sa mga kasalukuyang
pangyayari sa ating mundo gamit ang telebisyon.

HANDOUT 15
Video Conferencing System
Video Conferencing System -Nagagamit ito ng mga indibidwal o grupo sa iba’t
ibang lugar na nagpapadala ng mga dokumento at gumagamit ng multimedia,
tunog, video, at mga dokumento na nangangailangan ng mabilis na kasagutan
o tugon. Nagagawa rin nitong makita mo ang kinakausap mo, makita ang
eksprwesyon at mga paggalaw ng mga tao sa loob ng silid.
Mga industriyang gumagamit ng video conferencing: - Pampinansyal -
edukasyon - Pang-enerhiya - at marami pang iba - Pangkomukasyon -
industriya sa pangangalaga ng kalusugan
Paggamit ng Video Conferencing System - Ito ay ginagamitan ng
internet upang magkaroon ng “high definition teleconferencing”. Ang video
conferencing system ay ginagamit sa maraming lugar mula sa pamahalaan,
mga estasyon ng pulis, mga opisina ng mga sundalo, mmga institusyong pang-
edukasyon, at maging sa negosyo.

Ito’y isang bahagi lamang ng paggamit ng social media. Binanggit ni


Rouse (2015) na ang Video conference ay isang live at koneksyong biswal sa
pagitan ng isang tao o higit pa mula sa magkaiba at magkalayong lugar na ang
layunin ay makipag-ugnayan at makipagtalakayan. Naisasagawa ito sa
pamamagitan ng paggamit ng Full Motion Video kasabay ng paglalahad ng mga
teksto, larawan at video, upang talakayin o pag-usapan ang piling paksang
napagkasunduan.

HANDOUT 16
Komunikasyon sa Social Media
Ang Social Media ay tumutukoy sa isang paraan ng iteraksyon na nagaganap
sa mga indibidwal na kung saan ang mga impormasyon ay naliliklikha,
naibabahagi at natatalakay, sa pamamagitan ng pamaraang virtual
at sistemang networking o network. Ayon kay Bhamare (2018) ang social
media ay isang uri ng online communication ang layunin ay magkaroon ng
interaksyon, kolaborasyon, at pagbabahagi ng mga kaalaman gamit ang iba’t-
ibang tsanel o website.

Social Media
Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao
na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito
rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon
na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na
nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng
gumagamit.Bukod dito, ang social media ay may interactive platform na kung
saan ang isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha,
tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay
daan sa isang matibay at malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa
pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at mga indibidwal.
Kahalagahan ng Social Media
Ang pangunahing benepisyo ng social media ay ang kakayahan nito na
magbigay ng pagkakataon sa gumagamit na makipag-ugnayan sa maraming
tao malapit man o malayo sa iyo.Nangangahulugan ito na maaari kang
mailantad sa isang mas malayo, mas malawak na hanay ng mga
opinyon. Bilang karagdagan, magagawa mong ibahagi ang iyong opinyon sa
mas maraming mga tao kahit saan mang bahagi ng mundo. Dito ay maaari mo
ring limitahan ang mga tao na mayroong parehong opinyon at paniniwala sa iyo
at limitahan ang mga taong gusto mong makatransaksyon.
Ang social media ay isang mainam na paraan na makatutulong sa iyo na
makahanap ng mga customer. Maaari rin itong makatulong sa iyo na
kumonekta sa iba pang mga negosyo at negosyante. Maaari kang gumawa ng
isang profile sa LinkedIn para mas lumawak ang iyong koneksyon at
magkaroon ka ng pagkakataon na makabuo ng malawak na koneksyon na
magbubukas ng maraming oportunidad para sa iyo at ito rin ay nagpapahintulot
sa iyo na kumonekta sa mga negosyo at mga propesyonal doon. Mahalagang
isaalang-alang na ang paggawa ng mga koneksyon ngayon ay magbibigay
daan sa iyo na makinabang sa mga hindi inaasahang paraan, kaya tanggapin
ang mga kahilingan mula sa mga kagalang-galang na mga propesyonal sa mga
social media.

Epekto ng Social Media


Maraming sites sa internet ang kadalasan na naaccess ng mga
kabataan. Kabilang dito ang facebook,twitter,instagram, tumblr,
at mga laro tulad ng Dota,Clash of clans at kung ano ano pa. Sa isang klik
lamang ay maaari ka nang mapabilang sa isa o sa lahat ng mga to. Maraming
kabataan na ginagawa abg mga social networking sites na ito bilang libangan.
Pero ano nga ba anf mga epekto ng mga ito sa kabataan sa panahon ngayon?
Unang bagay dito ay ang pagiging tamad ng mga kabataan sa pag aaral dahil
sa mga sites na mayroon ay nahahti ang kanilang atensyon. Mas marami pa
silang ginugugol na oras sa pag accss o paglalaro kaysa sa pag aaral. Mas
nagiging interesado sila sa mga bagay na makikita sa sites kesa pagtyagaan
ang mga aralin sa paaralan. Dahil din s mga social networking sites na ito ay
nagiging aktibo ang mga estudyante sa latest na bagay at sa kung anong
uso.Nagiging ugali nila ang makiuso sa mga sikat na nagpapabago sa kanilang
mga ugali. Dahil din sa mga social networking sites marami kabataan ang
nalalayo sa tamang landas.Marami sa kanila ang nalululong sa mga larong
kinasisira ng kanilang pag aaral. May pagkakataon pa na hindi sumisipot ang
ibang mag-aaral makapaglaro lamang ng mga Dota o clash of clans o di kaya’y
magfacebook lamang. Marami din kabataan ang naiimpluwensiyahan ng mga
laro at napapanuod nila. May nga naappektuhan ng mga madadahas na
pamumuhay. May ibang kaso pa nga na nakakapatay ang mga kabataan ng
kapwa nila dahil lamang sa inis o galit sa mga
laro. Nagiging sanhi ito upang maging brutal sila at malulong sa madaming ga
wa. Ngunit sa kabila nito ay nasa tao padin ang limitasyon ng bawa bagay.
Kahit ano pa mang ibigay ng buhay na ito ay dapat marunong tayong
magkontrol sa mga ito. Dahil walang ibang magiging responsibilidad sa ating
sarili kundi tayo. Dapat may sapat na gabay ang mga magulang sa kabilang
mga anak.
Halimbawa ng mga Social Media:
1. Facebook
2. Twitter
3. Instagram
4. Tumblr
5. Pintrest

You might also like