You are on page 1of 18

 Isa sa pinakamabisang paraan ng pagbabahagi ng kaalaman at

kasanayan sa ibang tao ay ang pagsasagawa ng ‘workshop’.

Dito ay nabibigyan ng pagkakataon ang isang tao na isagawa

ang mga nais niyang matutuhan ngunit kailangan ng maayos

na pagplano at pagtanggap ng mga responsibilidad para ito ay

maisakatuparan.
o Ayon kay Mariame Kaba, ang susi sa isang
mabisang gawain ay ang pagsasagawa ng anim
na hakbang:

I. Pagpili
II. Pagplano
III. Pagpapatupad
IV. Set-up
V. Daloy ng Programa
VI. Pagtataya
Pagpili

• Sa bahaging ito, dapat isaisip kung ano ang tiyak na layunin

ang nais makamit o ang pinaka adhikain ng isasagawang


workshop. Kailangang isaalang-alang kung ano ang nais na
makuha o matutuhan ng mga taong dumalo rito.
• Tandaan na ang layuinin ng isasagawang workshop ay may

malaking epekto sa kabuoan ng gawain.


Pagpaplano

• Matapos maitala ang layuning gagawin, maaari nang buoin ang


talaan ng mga gagawin, Maraming aspekto ang kailangan gawin
bilang bahagi ng pagpaplano katulad na lamang ng mga sumusunod:

 Petsa,oras at haba ng gagawing workshop

 Lugar kung saan ito isasagawa

 Mga kagamitang kinakailangan

 Inaasahasng bilang ng mga dadalo

 Paglalatag ng mga kakailanganing badyet

 Transportasyon
Pagpapatupad
• Tumutukoy ang hakbang na ito sa pagsasagawa ng mga

nakaplanong gawain para sa gawaing workshop. Bago


magsimula ang workshop, mainam na magisip

Set up
• Tumutukoy sa lahat ng mga maaring kailanganin bago

dumating ang mga dadalo.

• Halimbawa ay ang lamesa,upuan at pagkain


Daloy ng programa
 Nakalahad dito ang magiging takbo ng kabuoang programa
kasama ang mga iskrip ng mga isasagawang aktibidad. Dito
ay nakalahad ang sistematiko ang bawat gagawin at oras na
gugugulin.

Pagtataya
• Matapos ang ginawang workshop, mainam na magkaroon
ng pagkakataon ang bawat isa na balikan ang mga naging
pagkukulang sa ginawang workshop upang malaman kung
ano ang naging problema at kung paano ito maiiwasan sa
susunod na magsasagawa ng parehong gawain.
 Ayon kay Dr. Cathey Key sa kaniyang “The keynote Guide
to Planning a Successful Conference”, ang mga
sumusunod ay ang mga dapat isaalang alang para maging
matagumpay ang gagawing komprensiya o sympnosium.

o Bumuo ng layuning kayang makamit sa


gagawing komprehensiya
-Maaaring magsagawa ng sarbey upang malaman
ang kanilang inaasahan sa gagawin.
o Magtalaga ng mga taong mangunguna sa
mga gawain at lumikha ng mga komite
- Mas madaling maisasakatuparan ang mga gawain
kung naibabahagi ito ng maayos.

o Paglalatag ng kinakailangang badyet


- Kinakailangan na may sapat na badyet upang
mapaghandaan ang inaasahang gastos.
o Gumawa ng plano ng mga dapat gawin na
nakasaad kung sino at kailan dapat tapusin
- Makatutulong ang pagpaplano upang hindi malihis
ang mga inaasahang makamit.

o Bumuo ng daloy ng programa


- Kinakailangan ay maayos ang pagkakasunod sunod
ang bawat gawain ng programa at maiugnay ito sa bawat
isa
o Siguraduhing ang lahat ay tumutulong at
sumusuporta sa takdang gawain
- Magkaroon ng bukas na komunikasyon sa bawat
miyembro upang masiguro na ang lahat ay kumikilos batay sa
inatas sa kanilang gawain.

o Magsagawa ng pulong matapos ang


komperensiya at likumin ang kanilang
komento
- Kailangan gawin ito upang makita ang kalakasan at
kahinaan ng isinigawang komperensiya.
o Maghatid ng pasasalamat sa lahat ng mga
naging bahagi ng isinasagawang gawain
- Ipaabot ang pasasalamat sa lahat ng nagbabahagi
ng isinagawang komperensiya.
 Isinasagawa ng bawat pangkat o samahan ang talakayan
sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kani-kaniyang ideya
at opinyon upang humantong sa napagkasunduang
desisyon o plano.

 Ang small group discussion at roundtable discussion ay


talakayan nga nag bawat kasapi,kabilang ang tagapamuno
ay may pantay na karapatan sa pagbabahagi ng ideya at
opinyon,pagbibigay at pagtanggap ng positibo at
negatibong komento.
 Walang dominante sa ganitong uri ng talakyan, bawat
kasapi ay may pantay na karapatan ng pagbabahagi ng
ideya at may parehong responsibilidad na makinig at
unawain ang ideya ng ibang mga kasapi.
 Kung ang pangkat ay binubuo ng 8-20 (o mas marami pa),
nararapat na may tumayong tagapamuno upang
magsilbing tagapamagitan sa ideya at opinyon ng bawat
isa.
 Tinatawag na roundtable ang gaintong uri ng talakayan
dahil mainam na gamitin sa ganitong talakayan ang bilog
na mesa sapagkat nagpapakita ito ng pagkakapantay
pantay ng katayuan ng mga kasapi
 Tungkulin ng nagsisilbing tagapamuno

 Ang tagapamuno ang nagsisilbing tagapangasiwa ng

kaayusan at tagapagmagitan ng ideya na ibinabahagi ng


bawat miyembro.

 Isa sa responsibilad nito ay panatilihing kalmado ang

bawat miyembro.

 Tinitiyak din nito na ang lahat ay nakikiisa at

nakapagbibigay ng kanilang opinyon


o Tungkulin ng mga kalahok sa talakayan

 Kailangang nakikiisa sa pagbabahagi ng sariling opinyon o

ideya

 Handang subukin ang ideya ng iba upang magkaroon ng

mapagkakasunduang desisyon ang pangkat

 Nakikinig sa ideya ng ibang kasama

You might also like