You are on page 1of 4

PANUKALANG PROYEKTO

Ito’y isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang
pag-uukulan na siyang tatanggap at magpapatibay nito. Isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaing
naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
MGA BAHAGI NG PANUKALANG PROYEKTO
PANIMULA, ilalahad ang rasyonal o ang mga suliranin, layunin, o motibasyon.
KATAWAN, ilalagay ang detalye ng mga kailangang gawain at ang iminumungkahing badget para sa mga
ito.
KONKLUSYON, ilalahad ang mga benepisyong maaaring idulot ng proyekto.
ESPESIPIKONG LAMAN NG PANUKALANG PROYEKTO
 PAMAGAT – Tiyaking malinaw ang pamagat. Halimbawa, “Panukala para sa TULAAN 2015 sa Pagdiriwang
ng Buwan ng Wika.”
 PROPONENT NG PROYEKTO - Tumutukoy ito sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto.
Isinusulat dito ang address, e-mail, cell phone o telepono, at lagda ng tao o organinsasyon.
 KATEGORYA NG PROYEKTO - Ang proyekto ba ay seminar o kumperensiya, palihan, pananaliksik,
patimpalak, konsiyerto o outreach program?
 PETSA - Kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang maisakatuparan
ang proyekto?
 RASYONAL - Ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano ang
mga kahalagahan nito.
 DESKRIPSYON NG PROYEKTO - Isusulat dito ang mga panlahat at tiyak na layunin o kung ano ang nais
matamo ng panukalang proyekto. Nakadetalye rito ang mga pinaplanong paraan upang maisagawa ang
proyekto at ang inaasahang haba ng panahon upang makompleto ito.
 BADYET - Itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto ng proyekto.
 PAKINABANG - Ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang maaapektuhan nito sa ahensiya o
indibidwal na tumutulong upang maisagawa ang proyekto.
PAGSULAT NG PANIMULA NG PANUKALANG PROYEKTO
 Ang unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng
komunidad o organisasyong pag-uukulan ng project proposal.
 Upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago.
 Magiging tiyak, napapanahon, at akma kung matutumbok ang tunay na pangangailangan ng pag-
uukulan nito. Sa madaling salita ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.

PAGSULAT NG KATAWAN NG PANUKALANG PROYEKTO


Makikita rito ang mga bagay na gustong makamit o ang pinaka-adhikain ng panukala. Kailangang maging tiyak
ang layunin ng proyekto. Isulat ito batay sa mga inaasahang resulta ng panukalang proyekto at hindi batay sa kung
paano makakamit ang mga resultang ito.
BADYET
 Talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.
 Mahalagang pag-aralan nang mabuti upang makatipid sa mga gugugulin.
 Pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay tapat na paglalatag ng kakailanganing
badyet para rito.
 Gawing simple at malinaw ang badget upang madali itong maunawaan ng ahensiya o sangay ng
pamahalaan o institusyon na mag-aapruba at magsasagawa nito.
 Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling sumahin ang mga ito.
 Isama sa iyong budyet maging ang huling sentimo. Ang mga ahensiya, sangay ng pamahalaan, o maaaring
kompanya na magtataguyod ng nasabing proyekto ay kadalasang nagsasagawa rin ng pag-aaral para sa
itataguyod nilang proposal.
 Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga bura o erasure
sapagkat ito ay nangangahulugan ng intergridad at karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo.
KONKLUSYON (Paglalahad ng benepisyo ng proyekto at mga makikinabang nito.)
 Nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa kanila.
 Maaaring makinabang nito ay mismong lahat ng mamamayan ng isang pamayanan, mga empleyado, o
kaya naman ay miyembro ng isang samahan.
 Maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin.
 Isama na rito ang katapusan at konklusyon ng panukala.
 Maaari ring mailahad dito ang mga dahilan kung bakit dapat aprubahan ang ipinasang panukalang proyekto.
PAGSULAT NG ADYENDA
 layunin o gabay ng isang pagpaplano na dapat ay matupad ngunit ang planong ito ay pinananatiling sikreto.
 maaaring sinasabi lamang sa bawat miyembro ng grupo o pwede rin namang gumawa ng balangkas.
 talaan ng mga paksang tatalakayin (ayon sa pagkakasunod -sunod) sa isang pormal na pagpupulong.
 mahalagang bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong.
 nakasaad din dito ang mga aksiyon o rekomendasyong inaasahang pag-usapan sa pulong.
MGA HALIMBAWA NG ADYENDA:
 Pagpaplano ng isang kompanya na mapaunlad ang kanilang negosyo.
 Pagpaplano ng isang eskwelahan kung paano dadami ang estudyante.  
 Pagpaplano ng isang grupo ng estudyante kung paano tatapusin ang kanilang pananaliksik.  
 Pagpaplano ng isang pamilya kung paano uunlad ang kanilang buhay.  
 Pagpaplano ng isang grupo ng kabataan kung paano ang mangyayari sa gaganaping pagkikita.
IBA-IBA ANG MGA DAHILAN UPANG MAGSAGAWA AT MAGTIPON PARA SA ISANG PAGPUPULONG.
 magplano (planning)
 magbigay impormasyon (information dissemination)
 kumonsulta (ask for advice)
 maglutas ng problema (solving problems)
 magtasa (evaluate)
MGA BAHAGI NG ADYENDA
I. Introduksyon
II. Pagtala ng Bilang ng dumalo
III. Pagpresenta at pagtalakay sa adyenda
IV. Karagdagang impormasyon
V. Pangwakas na salita
LAYUNIN NG ADYENDA:
Bigyan ng ideya ang mga kalahok sa mga paksang tatalakayin at sa mga usaping nangangailangan ng
atensiyon.
MAHALAGANG IDEYA!
Ang agenda ay parang mapa. Nagsisilbi itong gabay na nagbibigay ng malinaw na direksiyon kung paano
mararating nang mabilis ang patutunguhan.
TANDAAN!
Karaniwan na ang nagpapatawag ng pulong ang responsable sa pagsulat ng adgenda.
KAHALAGAHAN NG PAGHAHANDA:
Masisigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at ang lahat ng kalahok ay patungo sa isang
direksiyon.
EPEKTO NG HINDI PAGHAHANDA NG ADGENDA:
 nawawala sa pokus ang mga kalahok, na nagdudulot sa tila walang katapusang pagpupulong (na madalas
ay wala naman talagang nangyayari)
 tumatagal ang pagpupulong at nasasayang lamang ang panahon ng mga kalahok 
 umuunti ang bilang ng dumadalo sa pagpupulong
LAYUNIN NG PAGSULAT NG ADYENDA:
 Bigyan ng ideya ng mga paksang tatalakayin at sa mga usaping nangangailangan ng atensiyon
 Bigyan ng ideya ng mga paksang tatalakayin at sa mga usaping nangangailangan ng atensiyon
 Nakasaad din ang mga inaasahang pag-uusapan sa pulong
 Mabigyan ng pokus ang pagpupulong
 Karaniwan ang mga gumagawan nito ay ang responsible sa pagsulat ng adgenda tulad ng presidente ng
isang kompanya, CEO, director, tagapamahala, pinuno at iba pa. Madalas silang nakikipagtulungan sa
kanilang mga kalihim.
KAHALAGAHAN SA PAGSULAT NG ADYENDA:
 Upang masigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at ang lahat ng kalahok patungo sa isang
direksyon.
 Mas mapapabilis ang pagpupulong kung alam ng lahat ang lugar ng pagdadarausan, ang oras ng
pagsisimula at pagtatapos, ang mga kailangang talakayin at maaaring kalabasan ng pulong.
 Upang magkaroon ng espesipikong pag-uusapan o tatalakayin sa pagpupulong.
 Upang maipokus lamang ang mga kalahok sa iisang usapin lamang.
 Upang ang mga kalahok ng pagpupulong ay makasunod sa kung ano ang nais pag-usapan.
MGA NILALAMAN NG AGENDAS
1. SAAN AT KAILAN IDARAOS ANG PAGPUPULONG? ANONG ORAS ITO MAGSISIMULA AT MATATAPOS?
 Upang makarating sila sa itinakdang oras at lugar.
 Upang makapagsimula na ang pulong sa lalong madaling panahon.
 Bawat minuto ay mahalaga para sa mga kalahok, kaya kailangang malaman nila ang detalyeng ito.
2. ANO-ANO ANG MGA LAYUNING INAASAHANG MATAMO SA PULONG?
 Dito sinasagot “bakit kayo magkakaroon ng pagpupulong?”
 Kailangang malinaw ang layunin upang mapaghandaan ng bawat kalahok ang mga mangyayari sa
pagpupulong.
3. ANO-ANONG MGA PAKSA O USAPIN ANG TATALAKAYIN?
 Maaring maikli lamang o detalyado, depende sa pangangailangan.
 Minsan ipapaliwanag na ito ay kaugnay na email, ngunit lahat ng pag-uusapan ay kailangan sa agenda.
4. SINO-SINO ANG MGA LALAHOK SA PAGPUPULONG?
 Tanging ang mga taong talagang kailangang umupo ang dapat na nasa listahan
 Huwag aksayahin ang mga panahon ang mga inaanyayahang lumahok na hindi naman kailangan
MGA PAKSANG MADALAS TINATALAKAY SA PAGPUPULONG
 Pag-apruba sa katitikan ng pagpupulong
 Mga kailangang linawin sa nakaraang pagpupulong
 Regular report 
 Puntong tatalakayin 
 Iba pang bagay na nais pag-usapan 
 Petsa ng mga susunod na pagpupulong
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ISANG EPEKTIBONG ADGENDA 
1. Lumikha ng agenda ng iyong pulong 3 araw nang maaga.
2. Magsimula sa simpleng mga detalye.
 Anong oras dapat ito magsimula? (Tinutukoy ang oras ng pagtatapos matapos itakda ang mga paksa ng
adgenda)
 Sino ang mga dapat na dumalo?
 Ang lugar o impormasyon ng dial-in para sa pag-access sa pulong
3. Layunin ng pagpupulong. 
 Bago magsimula ang pagsulat ng adgenda, ano ang layunin sa pulong na ito?
 Kung tinanong kung bakit ka nagpapatawag ng pulong, ang layunin ay dapat sagutin nang hindi hihigit sa 2
pangungusap.
 Pagkatapos maitatag ang layunin, unahin ang listahan ng mga paksa mula sa pinakamahalaga pababa sa
pinakakakaunti (upang matiyak na makamit kung ano ang mas mahalaga).
4. Panatilihin ang adgenda sa mas mababa sa limang (5) mga paksa.
 Walang gustong magtagal ng 2 oras mahigit sa isang pagpupulong. Ang mahabang agenda ay tila
nakakatakot at kadalasang hindi nababasa.
 5. Oras bawat paksa.
 Hayaan ang nilalaman na magdikta kung gaano katagal ang bawat paksa ay dapat tumagal. Huwag
mahulog sa bitag ng paghihigit sa oras ng pag-iiskedyul ng bawat paksa.
6. Isama ang iba pang may kinalaman sa impormasyon para sa pulong.
7. Paano kung ang isang tao ay nagpapadala ng isang imbitasyon na walang adgenda?
 Lumabas sa isang patakaran ng kompanya upang makitungo sa mga pulong na mas kaunting adgenda.
PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG
 Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong.
 Isinusulat dito ang tinatalakay sa pagpupulong ng bahagi ng adyenda.
 Nakasulat din kung sino-sino ang dumalo, anong oras nag simula at nag wakas ang pagpupulong gayundin
ang lugar na pinagganapan nito.
 Ito ang nag sisilbing tala ng isang malaking organisasyon upang maging batayan at sanggunian ng mga
bagay na tinatalakay.
 Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o
pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
 Sa wikang Ingles, tinatawag itong “minutes of meeting”. Hindi kasi kilala sa mga Pilipino ang tawag na
“katitikan ng pulong” dahil nasanay tayong gamitin ang wikang dala ng dayuhan sa mga ganitong mga
bagay-bagay.
 ibinabatay sa agendang unang inihanda ng Tagapangulo ng lupon 
 maaaring gawin ng kalihim, typist, o reporter sa korte 
 maaaring maikli at tuwiran o detalyado
KATANGIAN NG KATITIKAN NG PULONG
 Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga puntong napag-usapan at
makatotohanan. Ibig sabihin, hindi pwedeng gawa-gawa o hinokus-pokus na mga pahayag. 
 Ito ay dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon. 
 Dapat ibinabatay sa agendang unang inihanda ng tagapangulo o pinuno ng lupon.
 Dapat ibinabatay sa agendang unang inihanda ng tagapangulo o pinuno ng lupon 
 Maaaring gawin ito ng kalihim (secretary), typist, o reporter sa korte
 Dapat ding maikli at tuwiran ito. Dapat walang paligoy-ligoy, walang dagdag-bawas sa dokumento, at hindi
madrama na parang ginawa ng nobela.
 Dapat ito ay detalyado, nirepaso, at hindi kakikitaan ng katha o pagka-bias sa pagsulat
NAKATALA SA KATITIKAN ANG MGA SUMUSUNOD:
 paksa
 petsa
 oras
 pook na pagdarausan ng pulong
 mga taong dumalo at di dumalo
 oras ng pagsisimula
 oras ng pagtatapos (sa bandang huli)
GABAY SA PAGSULAT NG KATITIKAN
1. BAGO ANG PULONG
 Ihanda ang sarili bilang tagatala
 Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat
 Mangalap na rin ng mga impormasyon tungkol sa mga layunin ng pulong, sino na ang mga dumating at iba
pa.
 Maaaring gumamit ng lapis o bolpen, at papel, laptop, o tape recorder. 
2. HABANG NAGPUPULONG
 Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapin at sa pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon.
 Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi pagkatapos

MAHALAGANG IDEYA!
 Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitin sa pagsulat ng katitikan ng pulong. Kailangang pairalin ang
talas ng pandinig, bilis ng pagsulat, at linaw ng pag-iisip. 
TANDAAN:
 Hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa pulong. Isinusulat ito upang ibigay ang balangkas ng
mga nangyari sa pulong, hindi ang irekord ang bawat sasabihin ng kalahok.
3. PAGKATAPOS NG PULONG
 Repasuhin ang isinulat.
 Kung may mga bagay na hindi naiintindihan, lapitan at tanungin agad pagkatapos ng pulong ang
namamahala rito o ang iba pang dumalo.
 Kapag tapos nang isulat ang katitikan, ipabasa ito sa mga namuno sa pulong para sa mga hindi wastong
impormasyon.
 Mas mainam na may numero ang bawat linya at pahina ng katitikan upang madali itong matukoy sa
pagrerepaso o pagsusuri sa susunod na pulong.
 Repasuhin muli ang isinulat at tingnan kung wasto ang baybay ng salita, bantas, at iba pa.
 Ibigay ito sa mga dumalo sa pulong sa oras na matapos ang pinal na kopya. Magtabi ng kopya sakaling
may humiling na repasuhin ito sa hinaharap.
MAHALAHANG IDEYA!
Katulad ng iba pang uri ng dokumento sa pagtatrabaho, nakasalalay sa pagpaplano o paghahanda ang
kahusayan ng isinulat mong katitikan ng pulong.
KAHALAGAHAN NG KATITIKAN:
 naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong
 nagsisilbing gabay upang matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-uusapan o nangyari sa pulong
 maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa paglipas ng panahon
 ito’y magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong
 ito’y batayan ng kagalingan ng indibidwal
ANG PICTORIAL ESSAY
Isang sulatin kung saan higit na nakararami ang larawan kaysa sa salita o panulat. May pagkakataong
nakaugnay ito sa isang lakbay-sanaysay lalo na’t karamihan ng lakbay-sanaysay ay may kasamang larawan.
MGA DAPAT TANDAAN:
 Isang sulatin kung saan higit na nakararami ang larawan kaysa sa salita o panulat. May pagkakataong
nakaugnay ito sa isang lakbay-sanaysay lalo na’t karamihan ng lakbay-sanaysay ay may kasamang
larawan.
 Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga larawan kaya’t hindi ito
kinakailangang napakahaba o napakaikli. Kailangang makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa interes
ng magbabasa o titingin ang mga katitikang isusulat dito.
 May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring maglagay ng mga larawang
may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin. Kailangang maipakita sa kabuoan ang layunin ng
pagsulat o paggawa ng pictorial essay.
 Isipin ang mga manonood o titingin ng iyong photo essay kung ito ba ay mga bata, kabataan, propesyonal, o
masa upang maibatay sa kanilang kaisipan at interes ang mga larawang ilalagay gayundin ang mga salitang
gagamitin sa pagsulat ng mga caption.

You might also like