You are on page 1of 6

Department of Education

Caraga Administrative Region


Division of Butuan City
LIBERTAD NATIONAL HIGH SCHOOL
Libertad, Butuan City

NARRATIVE REPORT

Name: Jessa Mae B. Batcotoy Grade &Section: XII-FAITH


Teacher: Mrs. Rea Jane B. Cabarrubias Date: January 8,2023

I.Title: Agenda

II. Introduction

Ang agenda ay talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal na


pulong. Sumusulat ng agenda upang bigyan ng impormasyon ang mga
taong kasangkot sa mga temang pag-uusapan at sa mga usaping
nangangailangan ng pansin at pagtugon. Binibigyang-halaga rin dito
ang rekomendasyon na lulutas sa isang isyu. Pagkatapos, ang
napagkasunduang rekomendasyon ay dapat magkaroon ng
resolusyon.Ito ay talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal na pulong.

Ang agenda ay parang mapa. Nagsisilbi itong gabay na nagbibigay ng


malinaw na direksiyon kung paano mararating nang mabilis ang
patutunguhan. Ito ay ang talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang
pagpupulong. Ang agenda ng pagpupulong ay mahalagang bahagi ng
pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong dahil nililinaw nito ang layunin,
detalye ng mga paksang tatalakayin, mga mangunguna sa pagtalakay, at ang
haba ng bawat isa. Kinakailangang maibigay ang agenda sa mga taong
kasangkot sa pulong bago pa dumating ang takdang panahon ng
pagpupulong. Kinakailangang mapag-aralan ng mga kasangkot ang
nakatala sa agenda upang magkaroon sila ng panahon na siyasatin ang
nilalaman nito at makapagbigay pa ng mga mungkahi o ideya.
Layunin ng agenda ang makapag makapagbigay at
makapagbahagi ng idea sa mga kalahok patungkol sa paksang
tatalakayin at sa mga usaping na ngangailangan ng antensyon sa
anumang pagpupulong.

Mahalagang kasangkot sa paggawa ng agenda ang


kalihim, habang ang kalimitang nagpapatawag naman ng pulong ay ang
mga opisyal tulad ng pangulo ng pamantasan o mga administrador,
CEO, direktor, pinuno ng samahan, at iba pang mga may pananagutan
sa paggawa ng agenda. Sa madaling salita, ang kalihim at mga
administrador ang siyang mga kasangkot sa pagsulat ng agenda.

III. Content Topic

Kahalagahan ng Pagsulat ng Agenda:

 Upang masisigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at


ang lahat ng kalahok patungo sa isang direksyon.
 Mas mapapabilis ang pagpupulong kung alam ng lahat ang
lugar na pagdadarausan, ang oras ng pagsisimula at pagtatapos. ang
mga kailangan talakayin, at maaaring kalabasan ng pulong.

 Upang magkaroon ng espesipikong paguusapan a tatalakayin


sa pagpupulong.

 Upang maipokus lamang ang mga kalahok sa iisang usapin


lamang.

> Upang ang mga kalahok ng pagpupulong ay makasunod sa kung ano ang
nais na paguusapan.

Layunin ng Pagsulat ng Agenda:


 Bigyan ng ideya ng mga paksang tatalakayin at sa mga usaping
nangangailangan ng atensiyon.
 Nakasaad din ang mga inaasahang pagusapan sa pulong.
 Mabigyan ng pokus ang pagpupulong.
Mga hakbang sa Pagsulat ng isang Epektibong Agenda:
1.) Lumikha ng adyenda ng iyong pulong 3 araw nang maaga.

2.) Magsimula sa simpleng mga detalye.

 Anong oras dapat itong magsimula? (tinutukoy ang oras


ngpagtatapos matapos itakda ang mga paksa ng adyenda).

 Sino ang dapat dumalo? (higit pa sa ito sa pangalawang araw).

 Ang lugar o impormasyon ng dial-in para sa pag-access sa pagpupulong

3. ) Layunin ng pagpupulong.

 Bago mo simulan ang pagsusulat ng adyenda ano ang layunin


ng pulong na ito?

 Kung tinanong kung bakit ka nagpapatawag ng pulang. ang layunin ay


dapat sagutin ito sa hindi hihigit sa 2 pangungusap.

 Pagkatapos maitatag ang layuning iyon, unahin ang listahan ng mga
paksa mula sa pinakamahalaga pababa sa pinakakakunti (upang matiyak
na makamit kung ano ang mas mahalaga).

4. ) Panatilihin ang adyenda sa mas mababa sa limang (5) mga


paksa.

 Walang gustong magtagal ng 2 oras sa isang pulong. Ang mahabang


adyenda ay tila nakakatakot at kadalasang hindi nababasa.

5. ) Oras bawat paksa

 Hayaan ang nilalaman na magdikta kung gaano katagal ang bawat paksa
aydapat tumagal. Huwag mahulog sa bitag ng paghihigit sa oras ng pag-
iiskedyulng bawat paksa

6.) Isama ang iba pang may kinalaman na impormasyon para sa


pulong.

7.) Paano kung ang isang tao ay nagpapadala ng isang imbitasyon


na walang
adyenda?
 Lumabas sa isang patakaran ng kumpanya upang makitungo sa mga
pulong namas kaunting adyenda
Narito ang mga halimbawa ng Balangkas ng Karaniwang Agenda:

 Panalangin
 Muling pagbasa ng nakaraang katitikan ng pulong (review) at
pagrerebisa
 Pagwawasto sa ilang kamalian kung mayroon at pagbibigay-linaw sa isyu
kung mayroon pa
 Pagsang-ayon sa nakaraang katitikan ng pulong
 Regular na report
 Mga pangunahing puntong pag-uusapan
 Iba pang bagay na nais pag-usapan
 Muling pagtatakda sa araw ng pagpupulong (petsa)
 Tiyakin na ang mga taong kasangkot lamang na nasa listahan ang dapat
dumalo sa pulong

KONKLUSYON:

Natutunan ko kung gaano ka halaga ang agenda sa isang


pagpupulong sapagkat ito ay ang talaan ng mga usapin na
kailangang pag-usapan at talakayin sa isang papgpupulong o pag-
uusapan , Mahalaga ito upang organisado at tuloy-tuloy ang pag-
uusap. Ito rin ay nakakatulong upang maiwasan ang mga
pagtatalo ng mga kasali sa isang pagpupulong o pag-uusap, Sa
pamamagitan nito ay makikitang sinusuri at plinano ang gagawing
pagpupulong dahil nakahanda na ang mga dapat at kailngang
pag-usapan.Ito rin ay mahalaga dahil napaglalaanan ng sapat na
oras at panahon ang bawat usapin sa pag-uusap at pagpupulong
dahilan upang hindi masayang ang oras at panahon ng bawat isa.

You might also like