You are on page 1of 16

Paghahandog

Buong pusong inihahandog ng tagapagsaliksik ang pag-aaral na ito, sa mga taong tumulong,
gumabay at sa mga nagsilbing inspirasyon upang matagumpay na maisagawa ang pananaliksik
na ito.

Una, iniaalay ko ang pananaliksik na ito sa Diyos na Jehova, na nagbigay ng kinakailangan


kong lakas at karunungan upang magawa ito. Hindi ko ito makakayanan sa ganang sarili lamang.
Ang lahat ng papuri at karangalan ay inihahandog ko sa Kanya.

Ang ikalawa naman ay para sa aking mga kapatid at magulang, na laging sumusuporta sa
aking pag-aaral at nagsisilbi ko ring inspirasyon upang patuloy na magsikap.

Pangatlo, inihahandog ko ang pananaliksik na ito sa aking mga kapwa kabataan o mag-aaral.
Nawa’y makinabang sila sa pananaliksik na ito at kapulutan nila ito ng mga ideya, impormasyon
o aral.

Panghuli, iniaalay ko ang pag-aaral na ito sa St. Dominic College of Asia, sa departamento ng
School of Arts, Sciences and Education (SASE) at sa aming propesor, Gng. Imelda San Diego.
Pasasalamat

Bilang isang mananaliksik, ako ay lubusang nagpapasalamat sa lahat ng nagbigay ng walang


sawang suporta upang mabuo ko ang pag-aaral na ito.

Sa Diyos na Jehova na nagkaloob ng lakas at pang-unawa at patuloy na pumapatnubay sa


lahat ng aking ginagawa.

Sa aking mga magulang na naglaan ng pinansyal na tulong at mga kagamitan, gayundin sa


aking mga kapatid na sumuporta at nagbahagi ng kanilang mga rekomendasyon upang mas
maging maayos ang isinasagawa kong pananaliksik.

Sa aming guro na si Gng. Imelda San Diego, na matiyagang nagturo at gumabay sa amin
mula sa pasimula hanggang sa pagtatapos ng asignaturang ito.

Sa aking mga kapwa mananaliksik na nagsagawa ng kanilang mga pag-aaral may kinalaman
sa komersyo. Ang kanilang mga pag-aaral ay nagbigay sa akin ng inspirasyon upang tuklasin ang
mundo ng Online Shopping.

Sa lahat ng mag-aaral ng Business Administration, na nasa sa una at ikalawang taon, na


nagpahintulot sa akin upang hingiin ang kanilang oras at opinyon sa pagsagot ng mga
talatanungan

Sa matulungin kong kamag-aral na si Clarissa Manansala na sinuportahan akong mamahagi ng


mga survey questionnaire

At sa seksyong BMMA2A na tumutulong sa akin sa tuwing ako’y may mga katanungan


pagdating sa mga anunsyo at iskedyul may kinalaman sa aming asignaturang pananaliksik.
Abstrak

PAMAGAT: PANANALIKSIK UKOL SA MGA DAHILAN


NG PAGTANGKILIK NG MGA MAG-AARAL
SA ONLINE SHOPPING

MANANALIKSIK: Angelika L. Arcangel

TAGAPAYO: Gng. Imelda L. San Diego

ASIGNATURA: GEE 102- Pagbasa at Pagsulat tungo sa


Pananaliksik

TAONG AKADEMIKO: Unang Semestre, 2019-2020

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga dahilan ng
pagtangkilik ng mga mag-aaral sa Online Shopping. Tatalakayin kung anong mga
nakakapagpapahikayat at nakakapagpa-engganyo sa mga mag-aaral na bumili ng mga produkto
online. Aalamin din kung anong mga online business sites ang patok sa kanila at anong uri ng
mga produkto ang kadalasan nilang binibili mula rito. Saklaw ng pag-aaral na ito ang limampung
(50) mga mag-aaral ng St. Dominic College of Asia na nasa una at ikalawang taon at
kasalukuyang nag-aaral ng kursong Business Administration. Ang pananaliksik na ito ay
ginamitan ng disenyong deskriptib-analitik at nagsagawa naman ng sarbey upang makakalap ng
datos.
Mga Nilalaman

Pahina
Pabalat ng Takip……………………………………………………………………………….….1
Dahon ng Pagpapatibay……………………………………………………………………….…..2
Paghahandog………………………………………………………………………………….…...3
Pasasalamat………………………………………………………………………………….…….4
Abstrak…………………………………………………………………………………….………5
Kabanata I…………………….…………………………………………………………………...6
Kabanata II……………………………………………………………………………………….10
Kabanata III……………………………………………………………………………………...12
Kabanata IV……………………………………………………………...………………………14
Kabanata V………………………………………………………………………………………
Apendiks A. Biodata……………………………………………………………………………..
Apendiks B. Dokumentasyon…………………………………………………………………….
Apendiks C. Talatanungan………………………………………………………………………..
Apendiks D. Talatanungan na may mga sagot…………………………………………………….
Apendiks E. Tally…………………………………………………………………………………
Apendiks F. Iniwasto na Papel……………………………………………………………………
Apendiks G. Nilalaman…………………………………………………………………………….
Apendiks H. ¼ Pamagat…………………………………………………………………………
Apendiks I. Grap…………………………………………………………………………………..
Apendiks J. Tula………………………………………………………………………………......
Dahon ng Pagpapatibay

Ang pamanahong papel na ito ay pinamagatang “PANANALIKSIK UKOL SA MGA


DAHILAN NG PAGTANGKILIK NG MGA MAG-AARAL SA ONLINE SHOPPING” na
ginawa at inihanda ni ANGELIKA L .ARCANGEL, bilang pagtupad sa pangangailangan sa
asignaturang GEE102 - PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK, Taong
Akademiko 2019-2020.

Gng. Imelda L. San Diego


Tagapayo

Pagtanggap

Pinatibay ng Lupon sa Pagsusulit na Pasalita na may grading _____________%

PROF: _________________ PROF: ________________


Lupon Lupon

Tinanggap at Pinagtibay bilang isang bahagi ng mga gawaing pangangailangan sa


asignaturang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik , Taong Akademiko 2019-2020.

Pumasa sa pasalitang pagsusulit noong ika-______________ ng ________________, 2019.

Dr. Mary Nellie T. Roa


Dekana, SASE
APENDIKS
APENDIKS A
APENDIKS B
APENDIKS C
APENDIKS D
APENDIKS E
APENDIKS F
APENDIKS G
APENDIKS H
APENDIKS I
APENDIKS J

You might also like