You are on page 1of 25

Aralin 4:

PANUKALANG
PROYEKTO
Mga Taga-ulat:
Bas-ilen, Jericho S.
Fernandez, Dominic O.
Rosanes, James Rafael C.
Fernandez, Shamir Lorelei S.
Victorio, Gereikka Kycebel R.
Mga Nilalaman
 Kahulugan ng Panukalang Proyekto
 Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang
Proyekto
I. Pagsulat ng Panimula sa Panukalang
Proyekto
II. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang
Proyekto
III. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga
Makikinabang Nito
 Balangkas ng Panukalang Proyekto
Ano ang Panukala?
Ano ang Proyekto?
Ano ang
Panukalang
Proyekto?
ANO ANG PANUKALA?
Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community
Empowerment Collective, isang samahang tumutulong sa mga
nongovernment organization (NGO) sa paglikha ng mga pag-
aaral sa pangangalap ng pondo, ang panukala ay isang
proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain
para sa isang komunidad o samahan.
 

ANO NAMAN ANG PROYEKTO?


Ang isang proyekto ay anumang gawain, na isinasagawa
nang isa-isa o magkakasama at posibleng kinasasangkutan
ng pananaliksik o disenyo, na maingat na binalak upang
makamit ang isang partikular na layunin.
ANO NGA BA ANG PANUKALANG
PROYEKTO?
 Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective,
panukalang proyekto ay nangangahulugang isang kasulatan ng
mungkahing naglalaman ng mga gawaing ihaharap sa tao o samahang
pag-uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito.
 Ayon naman kay Besim Nebiu, may-akda ng Developing Skills of NGO
Project Proposal Writing, ang panukalang proyekto ay isang
detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong
lumutas ng isang problema o suliranin.
 Ayon kay Bartle (2011), kailangan nitong magbigay ng impormasyon at
mahihikayat ng positibong pagtugon mula sa pag-uukulan nito. Walang
lugar sa sulating ito ang pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang, sa
halip, ito ay kailangang maging tapat at totoo ang layunin nito.
MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT
NG PANUKALANG PROYEKTO
Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008) sa
kanilang aklat na A Guide to Proposal Planning and Writing, sa
pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng
tatlong mahahalagang bahagi at ito ay mga sumusunod:

I.Pagsulat ng Panimula sa Panukalang Proyekto


II.Pagsulat ng Katawan ng Panukalang
Proyekto
III.Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga
Makikinabang Nito
I. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto
 
Bago mo lubusang isulat ang panukalang proyekto, ang
unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang
pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad, samahan, o
kompanyang pag-uukulan ng iyong project proposal. Tandaan
na ang pangunahing dahilan ng pagsulat ng panukalang
proyekto ay upang makatulong at makalikha ng positibong
pagbabago. Higit na magiging tiyak, napapanahon, at akma
kung natutumbok mo ang tunay na pangangailangan ng pag-
uukulan nito. Sa madaling salita, ang pangangailangan ang
magiging batayan ng isusulat sa panukala.
Pagpapahayag ng Suliranin
Dito iikot ang iyong isusulat na proyekto. Mula rito
isusulat mo ang panimula ng panukalang proyekto kung saan
ito ay naglalaman ng suliraning nararanasan ng pamayanan,
kompanya, o organisasyong pag-uukulan nito at kung
paanong makatutulong sa kanilang pangangailangan ang
panukalang proyektong iyong isasagawa. Ito ay dapat malinaw,
maikli, at direkta o hindi paligoy-ligoy ang pagkakalahad ng
panimula. Makikita rito ang maikling paglalarawan ng
pamayanan, ang suliraning nararanasan nito, at ang
pangangailangan nito upang masolusyunan ang nabanggit na
suliranin. Nakapaloob din dito ang mga benepisyo o mga
kabutihang maaaring idulot nito kung maisasakatuparan ang
panukalang proyekto.
PAANO NGA BA ISUSULAT ANG
PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN?
Maisasagawa ang unang bahaging ito sa pamamagitan ng pagmamasid
pamayanan o kompanya. Maaaring magsimula sa pagsagot sa sumusunod
na mga tanong:
I. Ano-ano ang pangunahing suliraning dapat lapatan ng agarang
solusyon?
II. Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahan na nais gawan
ng panukalang proyekto?
III. Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang tanong ay
makakakalap ka ng mga ideyang magagamit sa pag-uumpisa ng
pagsulat ng panukalang proyekto.
IV. Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang mga kailangan ng
upang malutas ang suliranin.
V. Maaaring magkaroon ng maraming solusyon para sa isang suliranin
ngunit, higit na makabubuti kung magbigay-tuon lamang sa isang
solusyon na sa palagay mo ay higit na mahalagang bigyang-pansin.
II. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang
Proyekto
Pagkatapos mailahad ang panimulang naglalahad ng suliranin ng
gagawing panukalang proyekto ay isunod na gagawin ang pinakakatawan
ng sulating ito. Ito ay binubuo ng layunin, planong dapat gawin, at badyet.
 
MGA BUMUBUO NG KATAWAN NG
PANUKALANG PROYEKTO
 Layunin – Dito makikita ang mga bagay na gusting makamit o
ang pinaka-adhikain ng panukala. Ito ay kailangang maging tiyak at ito ay
nakabatay sa mga inaasahang resulta ng panukalang proyekto at hindi
batay sa kung paano makakamit ang mga resultang ito. Ayon kina Jeremy
Miner at Lynn Miner (2008), ang layunin ay kailangan maging SIMPLE.
Specific – nakasaad ang mga bagay na nais makamit o
mangyari sa panukalang proyekto
Immediate – nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian ito
matatapos
Measurable – may basehan o patunay na naisakatuparan
ang nasabing proyekto
Practical – nagsasaad ng solusyon sa binabanggit na
suliranin
Logical – nagsasaad ng paraan kung paano makakamitang
proyekto
Evaluable – masusukat kung paano makakatulong ang
proyekto
 Plano na Dapat Gawin – Matapos maitala ang layunin
ay maaari nang buoin ang talaan ng mga Gawain o plan
of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa
upang malutas ang suliranin. Mahalagang maiplano itong
mabuti ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa
nito kasama ang mga taong kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng mga Gawain. Ito ay dapat
makatotohanan o realistic at kailangang ikonsidera rin
ang badyet sa pagsasagawa nito. Makakabuti rin kung
isasama sa talatakdaan ng Gawain ang petsa kung kalian
matatapos ang bawat bahagi ng plano at kung ilang araw
ito gagawin.
 Badyet – Ito ay ang talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa
pagsasakatpuran ng layunin. Ibigay o ipagkatiwala ang proyekto sa
contractor na magbibigay ng pinakamababang halaga ng badyet.
Sa mga karagdagang materyales o kagamitan, mas makakabuti
kung maghahanap ng murang bilihan para makatipid sa gastusin.
Huwag ding kaligtaang isama sa talaan ng badyet ang iba pang
gastusin tulad ng suweldo ng mga manggagawa, allowance para sa
mga magbabantay sa pagsasagawa nito, at iba pa.
MAHAHALAGANG BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA
PAGGAWA NG BADYET 
Gawing simple at malinaw
Pangkatin ayon sa klasipikasyon
Isama maging ang huling sentimo
Iwasan ang bura o erasure
III. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto
at Mga Makikinabang Nito
 
Naaaprubahan ang isang panukalang proyekto kung
malinaw ang nakasaad kung sino ang matutulungan ng proyekto at
kung paano ito makakatulong sakanila.
Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o
samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin. Maaari
na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng
iyong panukala. Sa bahaging ito ay maaaring ilahad ang mga
dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang
proyekto.
BALANGKAS NG
PANUKALANG PROYEKTO
Maraming balangkas ng pagsulat ng panukalang proyekto ang maaaring
gamitin depende sa may-akda na naghahain nito. Sa ibang sanggunian, tulad
halimbawa ng isinulat ni Besim Nebiu sa kanyang akdang Developing Skills &
NGO’s Project Proposal Writing (2002), bahagi ng panukalang proyekto ang
abstrak o executive summary ng panukala lalo na kung medyo may kahabaan
ang isinulat na papel.
Sa ibang pormat naman ay naglalagay rin ng mga kalakip na appendices.
Ang mahalagang sipi ng datos o dokumento na kailangan sa panukala ay
inilalagay na lamang sa mga kalakip sa dulo ng panukala upang higit na maging
sistematiko at organisado ang presentasyon ng panukala.
Maari mong idagdag ang mga bahaging ito kung sa tingin mo ay
kinakailangan itong gamitin. Ngunit para sa higit na payak na balangkas para sa
pagsulat ng panukalang proyekto ay maaaring gamitin ang sumusunod:
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto – Kadalasan, ito ay hinango mismo sa
inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin.
2. Nagpadala – Naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto
3. Petsa – Araw kung kailangan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin dito
ang tinatayang panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin – Dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat
maisagawa o maibigay ang pangangailangan.
5. Layunin – Naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat
isagawa ang panukala.
6. Plano ng Dapat Gawin – Dito makikita ang mga talaan ng pagkakasunod-
sunod ng mga gagawin
7. Badyet – Ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagsasagawa ng
proyekto
8. Paano Mapapakinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang
Proyekto – Kadalasan, ito rin ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung
saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng proyekto at benipisyong
makukuha mula rito.

You might also like