You are on page 1of 6

PANUKALANG PROYEKTO

• Dokumento na ginagamit upang kumbinsihin ang isang sponsor na


ang isang proyekto ay kailangang gawin upang malutas ang isang
partikular na problema sa negosyo o oportunidad. Inilalarawan nito
nang malalim, kung paano ang proyekto magsisimula.
• Posisyong papel na detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga
aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema.
Nagpapakita ng detalyadong pagtalakay sa dahilan at pangangailangan
sa proyekto, panahon sa pagsasagawa ng proyekto at kakailanganing
resources.
• Ito ay kailangang maging tapat na dokumento ang pangunahing
layunin ay makakatulong at makalikha ng positibong pagbabago.
Mga bahagi ng Panukalang Proyekto
 
● Panimula - dito inilalahad ang mga rasyonal o ang mga suliranin, layunin, o motibasyon
 
● Katawan - dito inilalagay ang detalye ng mga kailangang gawin at ang iminumungkahing badyet
para sa mga ito
 
● Konklusyon - dito inilalahad ang mga benepisyo ng maaring idulot ng proyekto

Katangian ng isang panukalang proyekto

• Sinasalamin ang mga pangangailangan at kapasidad ng indibidwal at komunidad.

• Nagdadala sa mga indibidwal at komunidad ang nakikitang mga benepisyo.

• May suporta at kooperasyon sa kapaligiran


Mga espisipikong laman ng panukalang proyekto
1.Pamagat - dapat na malinaw at maikli
        hal. "Panukala para sa TULAAN 2016 sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika"
 
2.Proponent ng proyekto - tumutukoy sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto
*Isinusulat dito ang orders, email, cellphone telepono, at lagda ng tao o organisasyon
 
3.Kategorya ng Proyekto - ang proyekto ba ay seminar, o kumprehensiya, palihan, pananaliksik,
konsyerto, o outreach program?
 
4. Petsa - Kailan ipapadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang
maisakatuparan ang proyekto?

5.Rasyonal - ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano
ang kahalagahan nito
 
6.Deskripsyon ng Proyekto - isinusulat ang panlahat at tiyak na layunin
- nakadetalye dito ang mga pinipiling paraan upang maisagawa ang proyekto at ang inaasahang
haba ng panahon
7. Badyet - itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompyut ng
proyekto
 
8. Pakinabang - ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang maapektuhan nito- sa
ahensiya o indibidwal na tumulong upang maisagawa ang proyekto?

Mga hakbang sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto:


•Bago magsulat, kailangan munang malinaw ang naiisip mong proyekto
•Ano ang ang naiisip mong proyekto:
•Ano ano ang layunin nito
•Bakit kailangan isagawa ito
•Kailan at saan mangyayari ito
•Gaano ito katagal?
•Sino- sino ang makikinabang sa proyekto
 
•Kailangan ding tukuyin kung magkano ang imumungkahing badyet at kung sino sino ang kasali sa
pagsasakatuparan ng proyekto.
•Kailangan ipaliwanag nang mabuti ito sa isusulat na panukalang proyekto
 
•Gawing makatotohanan at makatwiran ang panukalang proyekto gawin ang mga pakinabang na
makukuha rito.
• https://philnews.ph/2020/09/26/paano-gumawa-ng-panukalang-proy
ekto-halimbawa-at-iba-pa/

• https://martinesblog268548854.wordpress.com/2018/10/14/halimba
wa-ng-panukalang-proyekto-2/

• https://subukanmongbuksan.wordpress.com/2018/10/14/halimbawa
-ng-panukalang-proyekto/

You might also like