You are on page 1of 2

Panukalang Proyekto

Ayon kay D. Phil Bartle


Ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain
para sa isang komunidad o samahan.Isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga
plano ng gawaing ihaharap sa tao o sa samahang paguukulan nito na siyang tatatanggap
at magpapatibay nito.

Ayon kay Besim Nebiu


Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing
Gawain naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.Ang paggawa nito ay
nangangailangan ng kaalaman, kasanayan, at maging sapat na pagsasanay. Una sa lahat,
ito ay kailangang maging tapat na dokumento na ang layunin ay makalikha ng positibong
pagbabago.

Ayon kay Bartle-


kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon
mula sa pinag-uukulan nito. Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon, pagyayabang,
o panlilinlang sa halip ito ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin nito.

HAKBANG

 Pamagat- dapat ay malinaw at maikli.


 Proponent ng proyekto- tumutukoy sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng
proyekto. Isinusulat dito ang adres, e-mail, cellphone o telepono, lagda ng tao o
organisasyon.
 Kategorya ng proyekto- ang proyekto ba ay seminar o kumprehensiya, palihan,
pananliksik, konsiyerto o outreach program.
 Petsa- kalian ipapadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon
upang maisakatuparan ang proyekto.
 Rasyonal- ilalahad dito ang mga pangagailangan sa pagsasakatuparan ng
proyekto at kung gaano ito kahalaga.
 Deskripsyon ng proyekto- isinusulat dito ang panlahat at tiyak na layunin.
Nakadetalye ang mga pinlanong paraan upang maisagawa ang proyekto at
inaasahang haba ng panahon.
 Badyet- itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang detalye ng lahat ng
inaasahang gastusin sa pagkumpleto ng proyekto.
 Pakinabang- pakinabang ng proyekyo sa direktang maapektuhan sa ahensiya o
indibidwal na tumulong upang maisagawa ang proyekto.

Agenda
Ito ay naglalaman ng listahan ng mga pag-uusapan at dapat talakayin sa isang
pagpupulong.

HAKBANG
 Alamin ang layunin ng pagpupulong.
 Isulat ang agenda ilang araw bago ganapin ang pagpupulong.
 Simulant sa mga simpleng detalye.
 Magtalaga ng hindi hihigit sa limang paksa para sa agenda
 Ilagay ang nakalaang oras para sa bawat sa paksa.
 Isama ang iba pang kakailanganing impormasyon para sa pagpupulong.

Katitikan ng pagpupulong

Opisyal na tala o rekord ng pulong ng isang organisasyon, korporasyon o


asosasyon. Tala ito ng mga napag-usapan, napagdesisynan, at mga pahayag sa isang
pulong.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

 Kailangan ang pagpupulong?


 Sino-sino ang dumalo? Sino-sino ang hindi nakadalo?
 Ano ang paksang tinalakay?
 Ano ang nagpagpasyahan?
 Ano ang napagkasunduaan?
 Kanino naktalaga ang mga tungkuling dapat matapos, at kalian ito dapat
maisagawa?
 Mayroon bang pulong na follow up? Kung mayroon kalian, saan, at bakit
kailangan?

https://prezi.com/p/jqd6wlsrm7lg/agenda-at-katitikan-ng-pulong/
https://www.slideshare.net/tinelachica04/pagsulat11panukalang-proyekto
https://www.coursehero.com/file/25423386/FILIPINOdocx/

You might also like