You are on page 1of 7

BASIC EDUCATION DEPARTMENT

SENIOR HIGH SCHOOL

ASIGNATURA: FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


BAITANG/ SEKSYON: BAITANG 12 (HUMSS 12, ABM 12)
PETSA: MARSO 15-22, 2024

BANGHAY-ARALIN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan
PAMANTAYANG PAGGANAP: Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit (c)
Katangian (d) Anyo

I. MGA TIYAK NA LAYUNIN: 1. Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng panukalang proyekto.


2. Nakapaglalahad ang mga mag-aaral ng reyalistikong mungkahi para sa
panlipunang pangangailangan batay sa panukalang proyekto.
3. Nakasusulat ng organisado, orihinal at kapani-paniwalang sulatin.
II. NILALAMAN
Paksa:  Panukalang Proyekto
Sanggunian:  Teresa P. Mingo, PhD (2020) FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) Unang
Edisyon
 Most Essential Learning Competencies(MELC), CS_FA11/12WG-0p-r-93
Materyales:  Laptop, PowerPoint Presentation, Module, Book/Internet, Marker
Values:  Kooperasyon
III. PAMAMARAAN
 Katahimikan
 Pagdarasal
PANIMULA:
 Pangangasiwa sa silid-aralan
 Pagtatala ng Liban sa Klase
BALIK-TANAW:  Ano ang kahulugan ng bionote at ano ang mga hakbangin sa pagsulat nito?
Pagbibigay puna sa mga larawan

Panuto: Suriin ang mga larawan na makikita. Pairalin ang malawakang pag-iisip
patungkol sa larawan na makikita na mayroong kaugnayan sa paksang tatalakayin
MOTIBASYON:
ngayong araw.

(Matapos ang pagsusuri sa larawan, magbabahagi ang ilang mga bata patungkol sa sarili
nilang opinyon sa pagsusuri sa mga larawan).
DISKUSYON: Panukalang Proyekto
 Ang Panukalang Proyekto ay isang planong naglalaman ng mga batayang
impormasyon tungkol sa binabalak na gawain.
 Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective,
ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano at
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
adhikain para sa isang komunidad o samahan.
 Isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap
sa tao o samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito.
 Ayon naman kay Besim Nebiu, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong
deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang
problema o suliranin.
Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
1. Pagmamasid sa pamayanan o kompanya
 Ano- ano ang pangunahing suliranin na dapat lapatan ng agarang solusyon?
 Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahang ito na nais mong
gawan ng panukalang proyekto?
2. Pagtala ng mga kailangan solusyon upang malutas ang mga nasabing suliranin
 Tumuon lamang sa isang solusyon na iyong isusulat sa panukalang proyekto.
3. Pagsulat ng “pagpapahayag ng suliranin”
Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
1. LAYUNIN – makikita ang mga bagay na gustong makamit o ang pinaka-adhikain ng
panukala.
 SPECIFIC – nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang
proyekto
 IMMEDIATE – nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos
 MEASURABLE - may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing
proyekto
 PRACTICAL – nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
 LOGICAL – nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
 EVALUABLE – masusukat kung paano makatutulong ang proyekto
2. Plano na Dapat Gawin
 Plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas
ang suliranin
 Ito ay dapat makatotohanan
 Isama ang petsa kung kailan matatapos ang bawat bahagi ng plano at kung
ilang araw ito gagawin sa talatakdaan.
 Gumamit ng tsart o kalendaryo.
3. Badyet – ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang panukalang proyekto. Ito ang
talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.
4. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga makikinabang nito – mahalagang
maging espisipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa
pagsasakatuparan ng layunin.

Balangkas ng Panukalang Proyekto


(Tipikal na template ng isang panukalang proyekto)
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
 Pamagat ng Panukalang proyekto - kadalasan, ito ay hinango mismo sa inilahad
na pangangailangan bilang tugon sa suliranin.
 Nagpadala- tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto
 Petsa o araw - kung kailan ipinasa ang panukalang papel, Isasama rin sa
bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaano katagal gagawin ang
proyekto.
 Pagpapahayag ng Suliranin- dito nakasaan ang suliranin at kung bakit dapat
maisagawa o maibigay ang pangangailangan.
 Layunin- naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat
isagawa ang panukala
 Plano ng dapat gawin - dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng
mga gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang
petsa o bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
 Badyet- ang mga kalkulasyon ng mga guguguling kagamitan sa pagsasagawa
ng proyekto.
 Paano mapakikinabangan ng pamayanan/samahan ang panukalang proyekto—
kadalasan, ito rin ang nagsisislbing konklusyon ng panukala kung saan
nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng proyekto at benepisyong
makukuha nila mula rito
Tatlong Mahahalagang Bahagi ng Panukalang Proyekto
 Sa unang bahagi ng panukalang proyekto. Inilalahad ang rasyonal o mg
suliranin, layunin o motibasyon.
 Sa katawan nilalagay ang detalye ng mga kailangang Gawain at ang
iminumungkahing badyet para rito.
 Sa kongklusyon ilalahad ang benepisyong maaring idulot nito.
PANIMULA:
PAMAGAT- tiyaking malinaw at maikli ang pamagat. Hali: PANUKALA PARA SA
TULAAN 2019 sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
 Proponent ng Proyekto: tumutukoy sa tao o organisasyon nagmumungkahi
ng proyekto. Isinusulat dito ang address, email, cellphone o telepono, at
lagda o organisasyon.
 Kategorya ng proyekto: ano ang proyekto, seminar, kumperehensya,
palihan, pananaliksik, patimpalak, konsyerto outreach program,
 Petsa: Gaano katagal ang inaasahang pagpapatupad nito? Mula anong
petsa hanggang kalian ito isasakatuparan?
 Rasyonal- ipaliwanag ang konteksto ng proyekto. Anong pangyayari ang
nagbunsod nito. Paano naisip?

KATAWAN:
 DESKRIPSYON NG PROYEKTO: Nagbibigay ng kompletong detalye sa
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
mismong proyekto.
 BADYET: itatala dito ang mga gagastusin sa proyekto.
KONKLUSYON:
Benepisyo ng ginawang panukalang proyekto
Kahalagahan ng Panukalang Proyekto
 Ayon sa Business Dictionary, binabalangkas sa panukalang proyekto ang
proseso mula simula hanggang katapusan.
 Inahahanda ito upang maging maayos at sistematiko ang pagsisimula ng
proyekto.
 Ang isang proyekto ay isang pagkakataon upang magkaroon ng kolaborasyon
ang isang indibidwal o organisasyon at ang mga institusyong katulad nila ang
mithiin.
TIPS sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto
1. Alamin ang mga bagay na makapagkukumbinsi sa nilalapitang opisina o
ahensya sa pag-aapruba ng panukalang proyekto.
2. Bigyang-diin ang mga pakinabang na maibibigay ng panukalang proyekto.
Mahihirapang tumanggi ang nilalapitang opisina o ahensya kung nakita nilang
malaki ang maitutulong nito sa indibidwal o grupong target ng proyekto.
3. Tiyaking malinaw, makatotohanan, at makatwiran ang badyet sa gagawing
panukalang proyekto.
4. Alalahaning nakakaapekto ang paraan ng pagsulat sa pag-abruba o hindi ng
panukalang proyekto.
5. Gumamit ng mga simpleng salita sa pangungusap. Iwasan ang paligoy-ligoy.

II. EBALWASYON Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Ang mga sumusunod na
pangungusap ay maaaring nagpapaliwanag o nagbibigay ng halimbawa ng mga bahagi
ng panukalang proyekto. Isulat ang titik ng mga bahaging isinasaad ng pangungusap sa
sagutang papel.

A — Pambungad/
Background/ Mga Dahilan
ng Panukala
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

B — Pahayag ng
Suliranin at Layunin ng
Panukala
C — Mga Planong
Pagkilos at Iskedyul ng
mga Gagawin
D — Badyet Para sa
Proyekto
E — Kahalagahan ng
Panukala
A — Pambungad/
Background/ Mga Dahilan
ng Panukala
B — Pahayag ng
Suliranin at Layunin ng
Panukala
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

C — Mga Planong
Pagkilos at Iskedyul ng
mga Gagawin
D — Badyet Para sa
Proyekto
E — Kahalagahan ng
Panukala
A – Pambungad/ Background/ Mga Dahilan ng Panukala
B – Pahayag ng Suliranin at Layunin ng Panukala
C – Mga Planong Pagkilos at Iskedyul ng mga Gagawin
D – Badyet para sa Proyekto
E – Kahalagahan ng Panukala

1. Kahalagahan ng proposal para sa mga mamamayan.


2. Pagsusuri sa pangangailangan at mga dahilan ng proposal.
3. Tinatayang gastusin.
4. Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang
pag-apaw ng tubig.
5. Pagsusuri ng proyekto.
6. Paghiling ng P100000 sa loob ng tatlong buwan.
7. Kailangang makabuo ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa
mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog.
8. Mga hakbang na dapat sundin upang makamit ang mga layunin.
9. Pagpapasa, pag-aaproba at paglabas ng badyet (7 araw)
10. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)
11. Ang sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa
bundok.
12. Pagsagawa ng bidding mula sa mga kontraktor.
13. Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan sa Barangay Bacao.
14. Ipagawa ang breakwater o pader na magsisilbing proteksyon sa panahon ng tag-
ulan.
15. Gastusin sa pagpapasinaya at pagbabasbas nito, Php 20,000.00.
III. APLIKASYON Pangkatang Gawain
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
Panuto: Gumawa ng panukalang proyekto. Malayang pipili ang mga mag-aaral ng paksa
ayon sa suliranin sa inyong paaralan o pamayanan. Isulat ito sa bondpaper at
siguraduhing masunod ang mga bahagi ng pagsulat nito.

Pamantayan
Nilalaman – 30 puntos
Kaangkupan ng Konsepto – 10 puntos
Pagkamapanlikha – 10 puntos
________________________________________________________
Kabuoan – 50 puntos

Panuto: Isulat sa isang talata ang kabuoan ng kaalamang naibabahagi sa iyo sa araling
IV. TAKDANG-ARALIN
ito. Isulat ang sagot sa isang papel at ipapasa sa susunod na pagkikita sa klase.

Inihanda ni: Sinuri ni:


G. Jhon Kerl F. de Guzman Bb. Arlene T. Menorca
Student Intern Guro

Iwinasto ni: Nirekomenda ni:


Bb. Dianne Christia M. Vega, LPT G. Wyndell S. Gaspan III
Tagapangasiwang Pang-akademiko Principal, Basic Education

You might also like