You are on page 1of 1

ANG KWENTO NI DOKTRINA

Si Doktrina o mas kilala sa pangalang Rod ay masipag at matulunging anak sa kanyang ina. Lima silang
magkakapatid at si Rod ang bunso. Tatlo sa mga kapatid niya ay mayroon ng mga asawa at anak samantala
ang pang-apat niyang kapatid ay isang bading at nagtatrabaho sa malayong lugar. Dalawa lamang na naiwan
sa kanilang bahay si Rod at kanyang ina. Ang nanay ni Rod ay mahilig mangutang sa mga utangan kaya
patuloy silang naghihirap.
Nagsimula ang pandemya kaya naman lalong nahirapan ang mag-ina. Iniisip din ni Rod kung paano siya
papasok dahil dagdag gastos sa load ang pagsisimula ng online class. Isang malaking dagok ito sa buhay
ng mag-ina. Sinubukan ni Rod tawagan ang kapatid na bading upang humingi ng tulong subalit palagi lang
nitong banggit na “wala pa akong sahod”. Ganoon din ang ginawa niya sa iba pang mga kapatid ngunit wala
din maibigay ang mga ito. Ang tanging ginawa na naman ng nanay ni Rod ay ang mag-loan upang may
panggastos at bayaran ang “loan” kada linggo.
Nakakapasok naman sa “online class” si Rod kahit malaki ang gastos sa load. Pinagsasabay niya ang online
class habang mayroon siyang “work at home”. Ginagamit niya ang laptop ng kanyang kaibigan na mabait
kaya siya ay nakakapagtrabaho. Ganoon na lamang ang sipag at tiyaga ni Rod upang matustusan ang mga
pangangailangan nilang mag-ina. Hanggang sa matapos ang kontrata niya sa kanyang trabaho. Sumahod
siya at nakabili ng “groceries” ang kanyang ina. Mabilis na naubos ang kanyang sinahod na pera dahil
pinangbayad din ang iba sa utang ng kanyang ina.
May mas malaking dagok pa pala na dadating sa kanilang buhay. Dumating sa bahay nila ang mamumutol
ng ilaw. Pinutulan sila ng ilaw sapagkat hindi nabayaran ang utang dahilan upang itigil ang serbisyo ng
ORMECO sa kanila. Mas lalong naisip ni Rod kung bakit ganun na lamang ang galit sa kanila ng Panginoon.
Sinisisi niya ang Diyos sa mga nagyayari sa kanilang buhay mag-ina. Nahihirapan si Rod sa paggawa ng
kanyang mga gawain na kinakailangan sa kanyang kurso sapagkat anumang oras ay maaari mawalan ng
baterya ang kanyang “phone” lalo na kung ito ay kalagitnaan ng gabi. Sinisikap ni Rod na makahanap ng
bagong trabaho upang maipakabit niya ang kanilang ilaw at muling magliwanag ang paligid ng kanilang
tahanan. Minsan ay naisipan niyang sumuko sa buhay at tapusin ang kanyang buhay subalit naisip niya ang
kanyang ina kung paano na lamang ito kapag nag-isa. Labis din ang galit at hinanakit ni Rod sa kanyang
mga kapatid at iniisip na parang kinalimutan na silang mag-ina ng mga ito. Maagang namulat sa katotohanan
si Rod bilang bunso na dapat ay isang mag-aaral ngunit ang obligasyon ay sa kanya na nakaatang. Mahal
na mahal ni Rod ang kanyang ina sapagkat ito ay nangungutang para lamang mayroon silang pangsalba sa
araw-araw nilang pangangailangan. Malimit umiiyak si Rod ng palihim dahil sa hirap ng buhay nilang mag-
ina.
Makalipas ang isang taon, wala pa din kuryente ang mag-ina. Mas lalo silang hirap ngayon at dadalawa lang
silang nagtutulungan sa buhay. Hindi pa din sila tinutulungan ng ibang kapatid ni Rod. Kasalukuyang nag-
aaral si Rod sa MINSU bilang 3rd year college.

You might also like