You are on page 1of 2

Linggo noon,napakaganda nang araw, masaya kong tinitingnan ang mga batang naglalaro ng tumbang

preso. Nang biglang may narinig akong bosena nang sasakyan. Hindi na ako naglipat ng tingin pa ng
huminto ito at bumukas ang pintuan ng sasakyan. Isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin, at
hindi nga ako nagkamali ng sunod na lumabas ng kotse ang napakagandang dilag, na animo'y anghel sa
kutis na mala-perlas ang anak ni aling Amor na si Scarlette. Ngumiti lamang sila at dumiretso na ng lakad
papunta sa bahay nina Aling Mara. Lumabas si Inay at umupo sa tabi ko. At doon na nga habang labis
siyang nagagandahan sa sasakyan nito ay bigla na itong nag kwento tungkol sa buhay nina bini-bining
Amor.

Sa isang malayong probinsya nakatira ang mag-asawang Ben at Mara. Mahirap lamang sila ngunit
masaya sapagkat silay biniyayaan ng apat na matatalinong mga anak. Sina Rachel, Grace, Amor at
Cherry. Bawat pagtatapos ng taon asahan mong lagi silang may pakain dahil ang apat nilang mga anak ay
may natatanggap na medalya at iba pang mga parangal dahil nga sa katalinuhan ng mga ito, labis silang
ini-idolo ng mga kapit-bahay. Lalo na si Amor dahil hindi nga ito halos lumalabas ng bahay, lagi lamang
ito nagbabasa at kung lumabas nga ito ay nag iigib lamang ng tubig.

Lumipas ang mga taon, nagtapos na nga ng kolehiyo si Grace at si Rachel naman ay pinili ang mag
trabaho na lamang. At nasa sekandarya naman na sina Amor at Cherry. Mas higit na sinipagan ni Amor
ang kanyang pag-aaral dahil sa isang inspirasyon si David, at hindi nga nagtagal nagkaroon sila nang
relasyon. Naging bukas ang bahay nila Amor at tinanggap ng kanyang mga magulang si David. At laging
pina alalahan na magtatapos pa sila ng pag-aaral.Hindi nga binigo ni Amor ang kanyang mga magulang at
mga kapatid nagtapos siya sa sekondarya bilang valedictorian na labis namang ikinatuwa ng kanyang
pamilya.

Isang gabi habang wala ang mga magulang ni Amor dahil pumunta ito sa kapatid niyang si Rachel,
nagpasama siya kai David sa kanilang bahay, dahil sa pagiging kampante sa isa't isa at sa labis na
kapusukan, isang bagay ang nagawa nina Amor at David na nagpabago sa kanilang mga buhay.

Isang araw, nagtaka si Amor nang hindi siya dinatnan. At dahil sa takot, pumunta si Amor kina David
upang kausapin tungkol dito. At dahil nga parehas palang menorde-edad ay hindi rin alam ni David ang
gagawin. Umalis si David at naiwan si Amor sa probinsya. Hindi na mahagilap ni Amor si David, mabuti
na lamang at hindi siya tinalikuran ng kanyang pamilya. Hindi narin nila hinanap si David at masakit man
sa kanya ang nangyari ngunit ipina- sa Diyos niya nalamang ito at tinanggap na lamang ang nangyari sa
kanya.Itinuon na lamang ni Amor ang kanyang pagmamahal at oras sa pag-alaga ng maayos sa kanyang
katawan,at hindi naglaon ay ipinanganak niya ang isang napakaganda at malusog na batang babae.
Pinangalanan niya itong Scarlette na ang ibig sabihin ay matingkad na kulay pula. Sapagkat para sa kanya
ito ang magbibigay sa kanya ng kulay sa kanyang buhay.

Lumipas ang mga araw, buwan, at taon. Sa tulong ng mga kapatid ni Amor ay bumalik siya ng pag-aaral.
Kumuha siya ng kursong Edukasyon at labis na tinuunan ng pansin ang pag-aaral. Labis siyang nagpursigi
na makatapos at makamit ang diplomang ninanais niyang ibigay sa kanyang ama sapagkat labis niya
itong binigo noong magka-anak siya ng maaga. Madalas din siyang nagbebent ng kanyang paboritong
majah blanca, maliit man ang kita nito ngunit kahit papaano ay nakakatulong na din para sa kanyang
mga gastusin lalo na kapag may mga proyekto sila sa paaralan. Hindi nga nagtagal at nakapagtapos na ng
pag-aaral si Amor. Labis ang kanyang kasiyahan at sa wakas nakatapos na siya ng pag-aaral lalo pa't
nakapagtapos siya nang may parangal.

Hindi pa nga lumipas ang isang buwan mula ng makatapos ay lumuwas na agad ng bayan si Amor at
naghanap ng trabaho, sa sipag at tiwala nga ay natanggap siya bilang call center agent, madalas siyang
mag overtime, masaya naman siya at nadadagdagan ang kanyang sahod. Kaya lalo pa siyang nagsumikap
sa kanyang trabaho at makalipas ang isang taon ay nalipat siya sa isang mataas na posisyon. Labis niya
itong ikinatuwa at pinagpasalamat sa Diyos. At dahil nga malaki narin ang sahod niya ay naisipan niya at
nang kanyang mga kapatid na bumili ng lupa sa bayan at natupad nga ito. Nag ambagan silang
magkapatid at nagpatayo ng pa upahang bahay. Dahil narin nasa malapit ito sa isang Unibersidad ay
madali itong napuno ng mga mag-aaral.

Sa kabilang banda naman ay naipagawa na ng magkapatid ang kanilang mga magulang ng isang
magarang bahay na kung saan hindi na tulad noong dati na napapasukan ng tubig tuwing umuulan.
Nagpatayo rin si Amor ng isang maliit na restaurant, na pinamamahalaan ng kanyang matalik na kaibigan
na siya ring tagaluto doon. At dahil masarap at affordable nga ito ay naging patok ito sa bayan. Nabigyan
narin sa wakas ng maginhawang buhay ang kanyang anak, masaya naman si Amor at hindi ito
nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanya. Matalino rin ito at ninanais na maging pulis balang-araw. Samantala
ang kanyang mga kapatid naman ay may magagandang buhay na rin kasama ang kanya-kanyang pamilya
nito. Ang kanyang ate Rachel ay nakapag-asawa ng dayuhan at minsan nga lang ito kung umuwi ng
Pilipinas. Habang ang kanyang ate Grace naman ay isa nang punong-guro sa isang paaralan. At ang
kanyang bunsong kapatid na si Cherry naman ay may mataas ng katungkulan sa DEPED. Hindi man
naging madali ang buhay ngunit labis ang pasasalamat ni Amor sa kanyang pamilya at lalo na sa Diyos na
kahit kailan ay hindi siya iniwan.

Hindi ko namalayang napaluha na pala ako sa kwento ni Inay, deserve pala talaga nila ang buhay nila
ngayon at naitanong ko na lamang bigla kung nasaan na ang ama ni Scarlette. At natawa nalang ako sa
sagot ni Inay na huwag na daw ako maging marites. Na kung gusto ko raw malaman ay ako nalang daw
ang magtanong. Bigla nga akong napaisip na hindi nga talaga natin hawak ang pagkakataon at
pangyayari sa ating buhay ngunit isa lang ang sigurado ako. Iyon ay ang kahit ano pang mangyari sa ating
buhay ay may Dios parin at hindi niya tayo bibigyan ng pagsubok na hindi natin kakayanin...

You might also like