Ang kwentong ito ay hango sa buhay ng isang batang
hindi ininda ang kahirapan upang makamit ang tamis na tagumpay. Nais ng kwentong ito na magbigay ng inspirasyon sa mga kabataan na nawawalan ng pag asa dahil sa hirap ng buhay na kanilang tinatamasa ngayon. Ito ay isang kwentong kapupulutan ng aral ng mga kabataan,mga magulang,at mga taong may mabubuting puso.
Siya ay panganay saw along magkakapatid at kabilang sa
mga hikaos na pamilya. Sa murang edad ay namulat sya sa totoong kulay nang mundo maagang naging responsible hindi lamang sa sarili kundi pati narin sa kanyang mga kapatid. Sya ay isang batang malawak ang imahinasyon may matayog na pangarap para sa kanyang pamilya na di inaasahang maisip ng isang ordinaryong bata katulad niya. Kahit na malabong mangyari ang lahat ng iniisp niya hindi padin natinag ang kanyang matinding adhikain sa hinaharap. Wla siyang ibang pangarap kundi ang makapagaral sya kahit na hindi lingid sa kaalaman niya ang sitwasyon ng kanyang pamilya. Lalong tumitindi ang kanilang kahirapan nang sunud sunod na pagsubok ang humagupit sa buhay nila, ang pagkamatay ng kanyang dalawang kapatid at ang pagkakasakit ng kanyang ama. Ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat pero talagang mailap sa knila ang tadhana ganun paman ay pinilit parin ang magral sa mababang paaralan, kahit na dalawang beses lang ito pumapasok sa eskwela sa isang lingo. Pero pinapahintulutan naman ito ng kanyang mga guro.
Pinagpatuloy niya ang magandang simulain sa eskwela kahit
na hirap ito dahil ni hindi niya magawa ang magaral ng leksyonsa kanilang bahay dahil sa walang tigil na pagtratrabahoat minsan di nya naranasan makipaglaro sa kanyang mga kaibigan hanggang hanggang sa natapos sya sa grade6. Wala syang ibng ginawa kundi ang magtrabaho kahit sa dumating sa pnahaon na hindi na kaya ng katawan niya pero hindi nya ito ininda.
Nasa secondary na sya ng biglang magdesisyon ang
kanyang ina na patigilin sya sa pagaaral bagay na hindi sinang ayunan ng kanyang ama pero nauunawaan nya ang dahilan ng kanyang ina gustu lamang nito ang ikakabuti ng kanilang pamilya sa kadahilanan may sakit ang kanyang ama. Hindi sya natinag bagkus gumawa sya ng paraan para makatulong sa kanyang pamilya . Nag aral sya habang nagtitinda ng candies, polvoron, nilagang mani, at kung anu ano pa. pumapasok itong hindi humihingi ng baon dahil ayaw nyang maging pabigat. Hanggang sa dumating ang pagtatapos nya sa ikaapat na taon sa secondary. Laking pasasalamat ng magulang nya na wala silang pisong binayaran sa eskwelahan tulad ng iba nyang kaklse.
Dumating na ang pinakatatakutang yugto sa buhay nya,
ang pagtungtong nito sa kolehiyo. Hindi niya alam kung papaano sya makakapag aral sa kolehiyo. Ang tanging isang bagay na sigurado sya ay papalapit nya sa kanyang minimithing pangrap. Pero paano? Kelan? Saan? Mga katanungan tila wla na atang kasagutan. Nagpasiya siyang lisanin ang kanilang lugar at matapang na nkipagsapalaran sa lungsod ng manila bilang isang katulong. Nagtapang tapangan siya na hindi sya dapat magpakita ng kahinaan sa harap ng kanyang pamilya. Lumuwas sya ng manila at isang mayamang pamilya na may mabuting puso ang kumuha sa kanya. Nagtrabho sya na tila walang kapaguran. Nagustuhan sya ng kanyang amo dahil sa taglay nitong kasipagan at kabaitan. Kinakitaan sya ng matinding determinasyon sa buhay. Isang batang punong puno ng pangarap at kakaiba sa karamihang bata sa kapanahunan ngayon. Pinag aral sya, binihisan at kinupkop ng mayayamang pamilya,tinuturing syang tunay na anak at myembro ng pamilya. Nag aral sya sa araw at sa gabi naman ginagawa nya ang lahat ng gawaing bahay. Halos wala syang tulog dahil ang natitira niyang oras sa gabi ay ginugugol niya sa pagaaral ng kanyang asignatura. Palaging nangunguna at sya ay consistent full academic scholar ngb kanilang paaralan sa kolehiyo sa kursong EDUCATION. Kabikabila ang natanggap nyangscholarship kaya libre ang kanyang apat na taon sa kolehiyo sa isang pribadong paaralan. Isang tagumpay na hinding hindi matatapatan ng kahit na anong mamahaling bagaysa mundong ibabaw. Abot tenga ang ngiti nya ng masungkit ang gintong medalya sa pagtatapos. Niyakap nya sa araw na iyon ang kaisa isangtaong kasama, ang anak ng kanyang amo na nagtyaga sa pagbibigay ng baon sa knya dahil lumipad patungong America ang mga magulang nito, ang taong naging karamay at samdigan nya at tinuturing tunay na kuya. Ngayon ay ganap na syang PROFESSIONAL TEACHER, napagaaral na niya ang kanyang mga kapatid at naging mabuti syang halimbawa ng mga kabataan sa kanilang lugar abot langit ang pasasalamat nya sa Panginoon at binigyan sya ng ulirang magulang at mgakapatid lalong lalo na sa ibinigay nyang mga taong naging tulay tungo sa pinakamimithing pngarap.
“Isang malaking karangalan para sa akin na ipakilala sa
inyo ang ating panauhing pandangal. Siya po ay isang inspirasyon para sa mga kabataan dahil sa kanyang mga nagawa at narating sa kanyang murang edad. Malugod ko pong ipinapakilala sa inyo si. Bb. Delia Bihasa Amazona.”