You are on page 1of 3

MAIKLING KUWENTO

(SAME SEX MARRIAGE)

Ang mundo ay pinapalibutan ng iba’t ibang pakiramdam at isa na


dito ang pag-ibig. Ang pinaka makapangyarihan at mabisang sandata sa bawat
pagsubok na pinagdadaanan. Ang ating Poong Maykapal ay naglikha ng dalawang
klaseng tao; ang babae at lalaki. Ngunit, bakit mayroong tinatawag na bakla at
tomboy? Anong nangyari sa kanila? Sabay-sabay nating tunghayan ang mga
pangyayaring naganap sa buhay ng ating mga bida sa kuwentong ito. Kung paano
nila hinarap at nilagpasan ang ating mapanghusgang lipunan.

Sa probinsiya ng Alangalang Leyte naninirahan ng tahimik at


masayang buhay ang mag-asawang si Ariel at Jovelyn Varona. Kuntento na ang
magkabiyak sa kung anong mayroon sila at sa estado ng kanilang buhay. Mas lalo
pang nabigyan ng rason ang dalawa na ipagpatuloy ang kanilang kuwento ng
biyayaan sila ng mga bibo at masisiglang supling. Mula sa kanilang panganay na si
Ariana, na sinundan ni Roselle, pagkatapos ni Lorlyn at panghuli ang kanilang
bunsong si Cyril. Labis na kaligayahan at pagmamahalan ang bumubuo sa samahan
ng kanilang pamilya. Datapwa’y di maiiwasan ang tampohan at tuksuhan lalo na
pagdating sa bunso nila. Pinanganak kasi itong may pusong binabae o kung tawagin
ng lahat ay bakla. Ngunit, hindi ito naging dahilan upang hindi tanggapin at mahalin
ng buong pamilya ang kasarian nito. Pinalaking may respeto at masipag si Cyril kung
kaya’t di nakakapagtatakang nagtayo ito ng sariling negosyo sa murang edad pa
lamang. Sila Haide, Mae, Marissa at Danica ang nagsilbing kaagabay ni Cyril sa
trabaho, ang kanyang mga matatalik na kaibigan. Masigla nitong pinagsasabay ang
pag-aaral at pagpapatakbo ng kanyang ‘Parlor Shop’.

Sa kabilang dako naman di maamin amin ni Marlon ang tunay


niyang pagkatao sa kanyang pamilya. Natatakot siyang hindi sapat ang pagmamahal
ng mga ito sa kanya upang tanggapin siya ng bukal sa loob. Nababahala siyang baka
mabahiran ng dungis ang mabangong pangalan ng kanilang buong angkan. Kilala
kasing istrikta at mataba na Mayor ang kanyang ina na si Leah habang tinitingalang
sundalo naman ang kanyang magaling na amang si Harvey. At ang kanyang mga
kapatid na may propesyonal ng mga trabaho na sina Gemmar Jean at Jasmine. Labis
na pag-alala ang kanyang nadarama lalo na’t pinipilit siya ng mga itong
makipagbalikan sa kanyang dating nobya na si Remilyn na nakakasawa ang
pagmumukha at nakakasuka ang ugali. Sa isip niya, mas maganda pa siya kaysa sa
babaeng ito. Hindi niya alam kung paano malulusutan ang lahat ng alalahaning ito,
kung kaya’t naisipan niyang magliwaliw at magpagupit lang muna. At doon biglang
bumagal ang ikot ng mundo at bumilis ang tibok ng kanyang puso na parang
nagkakarerahang mga daga. Nahuli ng isang tao ang kanyang atensyon, di siya
tinablan ng hiya at kaagad hiningi ang numero ng telepono nito. Napag alaman
niyang Cyril ang pangalan nito, lumipas ang panahong nagpapalitan sila ng text at
minsan nama’y nag-uusap sa tawag. Kalauna’y nagkamabutihan at nagkaroon ng
espesyal na relasyon sila Marlon at Cyril. Na tinanggap naman ng buong puso ng
pamillyang Varona, kung saan masaya ang kanilang bunso. Walang habis na kutya at
masasakit na salita ang natanggap ni Cyril mula sa pamilya ni Marlon na hindi
matanggap ang kasarian nito. Ito daw ay isang malaking kahihiyan at sampal sa
apelyidong Metran ng angkan. Hindi maiiwasan ang masamang bulungan at
nandidiring tingin ng mga katrabaho ni Marlon na sina Abegail, Alis, Emmanuel,
Elwin Jay, Gerry Boy at Millona sa kanya. Inignora na lamang niya ito at
pinagpatuloy ang bagay na nakapagsasaya sa kanya; ang mahalin si Cyril ng tapat.
Sabay na hinarap ang dalawang nagmamahalan ang mapanghusgang tingin ng mga
tao sa paligid. Nais lamang nilang respetohin sila ng mga ito hanggang sa dumating
ang puntong matatanggap na sila ng lipunan. Walang sinoman at bagay ang
nakapagpigil kay Cyril at Marlon na ipagpatuloy ang namamagitan sa kanila
hanggang sa napagdesisyonan nilang magpakasal. Sa araw ng kanilang pag-iisang
dibdib dumalo ang pamilya ni Marlon na magaan ang loob na sinikap tanggapin ang
lahat at humingi rin sila ng kapatawaran sa lahat ng nasabi sa dalawang
magpapakasal na.

Walang masamang magmahal sa kapareho ng kasarian basta’t tunay at


bukal sa loob. Ang kailangan lang sa mabuting relasyon ng pamilya, kaibigan at
lipunan ay sinseridad, pagtanggap, pagmamahalan, pagtitiwala at pagkakaisa.
Magkapatawaran din ang lahat kung mayroon mang kasalanan.

You might also like