You are on page 1of 5

KASAL AT PAMILYA

Bawat lipunan ay may kanya kanyang pamantayan at alituntunin sa paraan at


pagtingin sa usapin ng pag-aasawa o ang pagsasama ng dalawang tao sa pagitan ng
lalaki at babae at ang bawat kulturang nakagisnan ay siyang nagiging batayan at
pamantayan ng bawat tao sa iisang lipunan at ito ay ang usapin ng Kasal.

Ang kasal ay sinasabing pangkalahatang gawain o sa madaling salita ito ay kilala
na sa halos lahat ng lugar sa ibat-ibang lipunan, ngunit may iilang porsyento din naman
na hindi kinikilala ang seremonya ng kasal o ang pagiging sagrado nito. Ang kasal ay
isang kasunduan ng puso, diwa, at isipan na ginagawad at ipinagdiriwang bilang
simbolo ng pagpapahayag sa lipunan o komunidad ng pag-iisang-dibdib ng dalawang
tao. Magkakaiba ang anyo ng pagdiriwang at tradisyon sa bawat lugar o sa isang lipunan
dahil ito ay kadalasang ayon sa kultura, pangkat etniko, at pananampalataya.
Mahalagang maunawaan na ang pagkakasal sa pagitan ng magulang sa anak at kapatid
sa kapatid ay hindi pinapayagan sa ibat-ibang lipunan.

Kapag pinag-usapan ang salitang kasal, ang mag-asawa ay hindi kinakailagang
magkaroon ng marriage certificate (Katibayan ng pagpapakasal) o seremonyas ng
kasal, at ito ay ayon sa pag-aaral ng anthropolohiya. Ang kasal ay ang pagsasama ng
babae at lalake sa usapin ng pang-ekonomiya at kung paano tinatanggap ng lipunan ang
kanilang pagsasama. Ngunit ang pag-iisang dibdib ng dalawang tao ay maaring
mapawalang bisa gamit ang Divorce o pagpapawalang bisa ng kasal sa legal na usapin,
at ang bawat lipunan ay tinitignan ang kasal bilang permanante na sa kanilang isipan.
Kayat inaasahan na ang mag-asawa ay magkakaroon ng panatay na karapatan at
pagpapalitan ng responsibildad sa bawat isa, gayun din sa kanilang magiging mga anak.
Kasama din nito ang pagtanggap ng lipunan sa mag-asawa ang hindi pagtago nito sa
sekswalidad na pagsasama ng dalawa sa kanilang relasyon kasabay din ang pagkakaroon
ng legal na pagsasama sa usapin ng ari-arian, pananalapi, pinagkukunan ng hanap-
buhay at higit sa lahat ay ang pagpapalaki sa kanilang mga anak.

Ang pamamaraan ng kasal ay nag-iiba-iba , ito ay naayon sa kung ano ang paraan
ng seremonya at ritual na isinasagawa sa isang lipunan, ito din ay umaayon sa kung
anung klaseng kultura meron sa isang lipunan. May iilan na ang kasal ay walang pormal
na ritwal at seremonya ng kasal, dahil para sa kanila ito ay ang pagpunta lamang ng
babae sa pamilya ng lalake at ang pagtangal ng magarang damit at mga alahas,
pagkatapos ay ibibigay niya ito sa magulang ng kanyang mapapangasawa at siya ay
tatangap ng simpleng damit bilang kapalit at tapos na, gaya ng sa Winnebago
Bride. May iilang lipunan naman na para sa kanila ay walang tinatawag na Kasal, gaya
ng sa Nayar, isang grupo ng caste sa Southern India. Para sa kanila ang pagtatalik at
pang-ekonomiyang relasyon sa pagitan ng babae at lalake ay hiwalay sa usapin ng kasal.
Para sa kanila kapag ang babae ay dumating sa punto ng kanyang pagdadalaga ay
dadaan siya sa ritwal sa mapapangasawang lalaki. Ang pagsasama ng dalawa ay
isasapubliko at magkakaroon ng serimonya na kung saan ang lalaki ay tatalian ang
babae ng gintong kwentas sa leeg ng babae, at sa mga pagkatapos ay wala na siyang
responsibilidad sa kanya. Sa madaling salita ang Nayar ay walang konsepto ng kasal,
para kanila walang halaga ang pagpapalitan ng obligasyon at responsibilidad sa usapin
ng sekswal at pagkabuhayan. Tawalis sa kung paano tinitignan at iniintindi ang usapin
ng kasal.

Ang karaniwang pagpapakasal sa pagitan ng lalaki at babae ay naiiba naman sa
illang uri ng lipunan na kumikilala sa pagsasama o pagpapakasal ng parehas na
sekswalidad, sa pagitan ng lalake sa lalake at babae sa babae. Ito ay hindi karaniwang
kinikilala sa halos lahat ng klase ng lipunan at sa pagbabatay ng depinisyon ng kasal
dahil una, ang pagsasama ay hindi sa pagitan ng lalake at babae, pangalawa ito ay hindi
kinakailangan ng sekswal na pagsasama. Pero ang ganitong klase ng pagsasama ay
pinapayagan sa iilang uri ng lipunan at titignan din ang pagpapalitan ng responsibilidad
at karapatan sa parehong sekswalidad, gaya sa India, ang mga Cheyenne Indians na
kung saan ay pinapayagan ang lalaki na ikasal pa sa isang lalaki para maging
pangalawang asawa. Ngunit hindi malinaw na ang pagsasama ng parehas lalake ay
kasama ang Homosexual Relationship gaya ng nangyayare sa Anzarde, Africa, ito ay
pinapayagan at isinasagawa para matugunan ang sekswal na pangangailangan ng mga
lalaki sa kanilang lugar. Gaya ng karaniwang kasal, ang lalake din ay nagbibigay ng
regalo sa pamilya at ang lalake din ay nagtatrabaho sa pamilya ng asawang lalake. Sa
kabilang usapin, Ang babae sa babaeng pagsasama naman ay nagaganap karamihan sa
Africa, ito ay para matugunan ang gampanin ng isang tatay o asawang lalake hindi
naibibigay ng isang tunay na lalake. Sa kanilang lugar ang mga babae ang tumatayong
mangagalakal, lider sa pulitika, at pati na rin ang pagigng lider ng isang relihiyon o
samahan, na naglalayong makilala din gaya ng pagtingin sa tunay na mga lalake na sila
lamang ang nakikitaan ng ganitong pagtanggap sa lipunan.

Bakit nga ba naging Pangkalahataan ang Kasal? Madaming tao padin sa ibat-
ibang lugar ay naniniwala na ang kasal ay makatutulong para matugunan ang
problemang kinakaharap ng isang lipunan kung kayat maraming tao o pangkat ng tao
ang naniniwala sa magandang dulot ng kasal. May tatlong aspeto ng buhay na kung saan
makikita ang kahalagahan ng kasal o pag-iisang dibdib ng babae at lalaki, na kung saan ay
pinapakita kung paano makakatulong ang paghahati-hati ng gawain para sa pagsasaayos ng
pamumuhay, paano maaalagaan ang mga bata o sanggol na dumedepende sa magulang sa
matagal na panahon at higit sa lahat ay maiwasan din ang Sexual Competition sa pagitan ng
mga lalake at babae. Ang unang aspeto na kung saan makikita natin ang mabuting epekto ng
kasal ng isang lalaki at babae ay ang paghahati ng trabaho para kanilang kinabubuhay o
Division of Labor by sex, upang sa ganitong paraan matulungan at matugunan nila ang
pangangailangan ng kanilang pamilya, dito ay nagkakaroon sila ng paghahati-hati ng trabaho.
Sunod ay ang Prolonged Infant Dependency o ang paglilimita sa trabaho ng babae para mas
mapagtuunan niya ng pansin ang pag-aalaga sa kanyang mga anak. At ang huli ay ang Sexual
Competition na kung saan iniiwasan ang sekswal na pagtatalo sa pagitan na lalaki at babae,
dahil kung hindi ito maiiwasan ay tiyak na magkakaroon ng mabigat at malawak na problema.
Ang lahat ng klase ng lipunan ay may ibat ibang paraan kung paano ba ikinakasal at
kung paano inuunawa ang usapin ng Kasal, may iilang lugar na nagkakaroon ng ritwal at
seremonya sa oras o bago ang kasal, ang iba naman ay wala. Ang ilan naman ay nagkakaroon ng
pangekonomiyang transaksyon na kung saan ay nagbibigay ang lalake sa pamilya ng babae,
sebisyo naman ito or kagamitan o anu pa man. Ang Bride Price o pagbibigay ng lalake sa
pamilya ng babae ng pera o mga product ito ay kadalasang hinihiling ng pamilya ng babae para
na din sa karapatan ng babae at ng kanilang mga anak. Ang pagbibigay ng pera, mga alagang
hayop, o pagkain ay karaniwan lamang para sa kanila, at ito ay karaniwang nangyayare sa mga
Swazi ng Southern Africa. Sa pilipinas ay kilala ang mga Subanun sa pagkakaroon ng mahal
na pagbabayad sa babae. Ang lalake ay nagtatarabaho din sa pamilya ng babae para maipakita
ang pagkakaroon ng Obligasyon nito sa asawang babae. Ito ay kasadalasang nagaganap bago o
pagkatapos ikasal ang babae at lalake. May ilang lugar naman na ang pagtratrabaho sa pamilya
ng babae o ang tinatawag na Bride Service ay ginagawa bilang kapalit bayad sa pamilya ng
asawang babae. Ang iba naman ay nagkakaroon ng pagpapalitan ng babae, na kung saan ang
mapapangasawang babae ay kinakailangan palitan nito ng isa pang babae maaring ito ang
kapatid na babae o kamag-anak na babae bilang kapalit nito sa mapapangasawang babae, o ang
tinatawag na Exchange of Female, ito ay karaniwang nagaganap sa Tiv ng West Africa. Sa
panahon at oras ng kasal, sa ibang lugar ay nagkakaroon ng pagbibigayan sa pagitan ng parehas
na pamilya ng babae at lalake, ito ay nababatay sa kung magkano at ilan ang kabuuan ng bagay
nito ng bawat pamilya bago sila ikasal, at ito ay ang Gift Exchange, halimbawa sa mga
Andaman Islanderm kapag ang lalake ay nagpahayag ng intensyon na nais niyang
mapangasawa ang babae, ang pamilya nila magkakaroon ng pag-uusap kasabay nito ang
pagbibibgayan ng mga pagkain at iba pa, ito ay mangyayare hanggang sa ang kasal ay matapos
na at ang pamilya nagkaisa na. Ang pagbibigay ng produkto o pera ay kaniwang ibinibigay sa
pamilya ng babae ito ay naayon sa konsepto ng Dowry, ang konseptong ito ay karaniwang
nangyayare Medieval at Renaissance sa Europa, ang pagbibigay ng mamahaling alahas at mga
damit bilang bayad sa pamilya ng babae ay karaniwang nagaganap kapag ang babae ay nabuntis
na o nagdadalang tao, ito ay para magkaroon ng suporta ang kanilang pagsasama.
Mahigpit na ipagbabawal sa usapin ng pag-aasawa ang pagsasama ng magulang sa anak,
kapatid sa kapatid, higit lalo ang pagtatalik sa pagitan ng mga ito o kilala din sa konsepto bilang
Universal Incest Taboo, na kung saan hindi pinapayagan sa isang lipunan ang pagtatalik at
pagpapasakal ng magulang sa anak at kapatid sa kapatid. Pero may iilan padin namang lugar na
nagsasagawa nito at mas kilala itong nangyayare sa pamilya ng mayayaman. Halimbawa ang
Incan at Hawaiian na kung saan ay nagsasagawa ng nasabing usapin. At higit na kilala din si
Cleopatra ng Egyt na dumaan sa ganitong proseso. Maliwanag na sa mayayamang angakan o
mga dugong bughaw ito karaniwang pinapayagan, ito ay nababatay din sa pamantayan nila sa
usapin ng Relihiyon na kung saan kinikilala nila ang isang Mayamang babae bilang isang
Pharaoh o kanilang Diyos, na hindi maaring makapangasawa ng karaniwan at ordinaryong tao
lamang, kaugnay din nito ang yaman ng kanilang pamilya na iniiwasang mahati ito.
Ang pagpili ng taong mapapangasawa ay umaayon sa sariling kagustuhan ng taong nais
niyang mapangasawa ngunit may iilan namang lugar na ang pag-aasawa ay naaayon sa
Arranged Marriages o kanino ba dapat magpakasal? na kung saan ang pag-aasawa sa pagitan
ng dalawang tao ay isinasaayos ayon na pag-uusap ng kada pamilya ng babae at lalake, ito ay
isinagawa habang bata pa ang dalawang tao. Karaniwang nangyayare ito sa China, Japan, at
silangang bahagi ng Europa, ito din ay para sa pagsasama ang pagekonomiyang aspeto ng buhay
nila at higit lalo ay maprotektahan ang estado nila sa buhay.
Ang pagpapakasal ng dalawang tao ay mayroon din pamantayan na kung saan ang
angkan ng babae o lalake ay maaring lumabas sa kanilang lahi o angkan maging sa ibang
komunidad at lipunan sa paghahanap ng mapapangasawa. Ang Exogamy ay ang pagpapakasal sa
ibang lahi samantalang ang Endogamy naman ay ang pagpapakasal sa kaparehas o kalahi. Ang
panuntunan ng Exogamy ay maaring magpakasal sa labas ng kanilang lahi o ibang grupo.
Habang ang Endogamy naman ay umaayon sa pamantayan nila na ang pag-aasawa ay maari
lamang sa loob ng kanilang pangkat o lahi.
Ilan ba dapat ang maaring mapangasawa? Ito ba ay maaring sa iisang tao lamang o maari
din naman sangkot ang maraming tao. Kapag pinag-usapan ang Kasal, iniisip natin na ang
pagsasama ay sa pagitan lamang na isang lalake at isang babae o ang Monogamy. Ngunit
karaminhan sa ibat-ibang lipunan ay malayang pinapayagan ang pag-aasawa ng lalake ng isang
babae o higit pa sa magkasabay na oras o ang Polygyny. At ang babae naman ay pinapayang
makapag-asawa ng isang pang lalake o hipat pa, ito ay ang Polyandry. Ang Polygyny at
Polyandry ay dalawang uri ng Polygamy o maramihang pag-aasawa. Meron din namang Group
Marriage, na kung saan ang lalake at babae ay maaring makapangasawa ng maraming asawa
ngunit ito ay hindi karaniwang nangyayare sa isang lipunan, sa usaping nito ay ang mayamang
lalake lamang ang nakakapagsagawa ng ganitong bagay. Nakikitang problema sa ganitong
gawain ay ang pagkakaroon ng kaguluhan sa usapin ng paninirahan sa pagitan ng kanilang mga
napangasawa. Isa pa sa nakikitang problema sa usapin ng Polyandry ay ang kakulangan sa bilang
ng babae, kung kayat ang polyandry ay karaniwan lamang nangyayare.
Ang uri ng pamilya ay magkakaiba, ito ay ayon sa kung anung uri meron ang isang
lipunan, lahat ng lipunan ay may tinatawan na Pamilya. Ang pamilya ay ang pag-iisa ng
panglipunan at pangekonomiyang aspeto na binubuo ng magulang kasama ang kanilang mga
anak, at ang bawat miyembro ng pamilya ay may kinalaman sa pagpapalitan ng pagbibigay ng
karapatan at obligasyon sa bawat isa, particular sa usapin ng pangkabuhayan ng pamilya. Ang
bawat miyembro ng pamilya ay karaniwang nakatira lamang sa iisang tahanan, ngunit ito ay
hindi karaniwang nakikita sa kabuuan ng pamilya. Dahil na rin sa ang ibang miyembro ng
pamilya ay kinakailangang pagtrabaho sa ibang lugar.
Madaming pagkakaiba-iba ang uri ng pamilya sa bawat lipunan, o maging sa isa at loob
ng isang lipunan. Nuclear Family na maituturing ang pagkakaroon ng monogamous o ang
pamilya ay sa pagitan lamang ng magulang at kanilang mga anak nakatira lamang sa iisang
tahanan, samantalang ang Extended Family naman ay polygamous o ito ay binubuo ng
magulang, mga anak pati nadin ang kanilang mga apo kasama ang mga napangasawa ng
kanilang mga anak na nakatira sa iisang bahay.. Karaniwan sa isang lipunan ay Extended Family
ang uri ng Pamilya ito ay ayon nadin sa pag-aaral ng anthropolohiya. Kapag Extended Family
ang obligasyon at pagkakaroon ng desisyon para sa kapakanan ng miyembro ng pamilya ay nasa
loob lamang ng kanilang pamilya. At ang pinakamatandang lalake ay ang siyang mas nasususnod
sa loob ng pamilya.
Batay sa mga datos na nakuha ko sa apat na pagtira namin sa Sitio Iniraro ng Barangay
Nabuklod sa bayan ng Floridablanca, Pampanga. Ang Katutubong Aeta ay mayroong sagrado at
paniniwala sa kahalagan ng Kasal, ayon kay Kapitana Anita Serrano, ang kasal para sa kanila ay
dumadaan sa isang sagrado at ritwal na pamamaraan, dati ang paraan ng pagpapakasal sa kanila
ay sa pamamagitan lamang ng pagsasabay ng pagkain ng babae at lalake, pagkatapos ay kasal na
ito para sa kanila, o di kaya ay ang pagsasagawa ng ritwal na pangungunahan ng mga Apo na
kung saan ay magkakaroon ng sila ng piging o salo-salo ng pagkain, at dito ay nagkakaroon din
sila ng pag-aalay sa pamilya ng babae na kung saan ang lalake ay magbibigay ng kalabaw,
baboy, baka, manok, bigas at iba pa sa pamilya ng babae na kanyang mapapangasawa at ito ay
mas kilala sa tawag na Dote, bago ikasal ang mag-asawa, ang lalake ay maglalaan ng oras para
magtrabaho sa pamilya ng kanyang asawang babae. Ayon p kay Kapitana, nuon ay mayroong
mag-asawa na pinagkasundo lamang sa pagitan ng magkabilang pamilya ng babae at lalake, ito
ay para nadin maging maayos ang buhay ng babae, lalu na kung ang lalake ay mayroong maayos
na pamumuhay dahil ang pag-aasawa para kanila ay nakabatay sa pagpili ng babae kung sino ang
nais nilang mapangasawa o maarin din naman na ang magulang nila ang nagyakda kung sino ang
dapat nitong mapangasawa. Nuon mahigpit na ipanagbabawal sa kanilang kultura ang Makita na
ang lalake at babae ay magkasama sa isang silid o kwarto, maging ang pagdidikit at paghahawak
ng kamay dahil para sa kanila, ang makitaan nito ay dapat na ikasal. Sa kanila ding kultura ay
pinapayagan ang pag-aasawa ng lalake ng higit pa sa isang babae, ito ay maari kung ang lalake
ay may kakayanang mabuhay at mabigayan ng maayos na buhay ang kanyang asawang babae at
ito din ay naayon sa kasunduan at pag-uusap ng lalake at babae. Sa edad na katorse ay
pinapayagan na sa kanilang kultura ang makapangasawa, ngunit dahil na din sa pag pasok ng
batas sa kultura ay nagkaroon ng malaking pagbabago, ang kanilang kultura sa usapin ng
pamilya at kasal ay unti-unting nabago. Kung dati pinapayagang ikasal ang menor de edad,
ngayon ay dapat na nasa tamang edad na sila bago ikasal, dahil sa ngayon ang pag-aasawa para
sa kanila ay nagaganap na sa Munisipyo sa pangunguna na Alkalde bilang pagpapatibay ng
pagsasama ng mag-asawa at ang iba naman ay sa simbahan na sa pangungana ng Pari gaya mag-
asawang sina Joseph Apang at Matet Apang.
Matapos ang kasalan sa pagitan ng babae at lalake ang mag-asawa ay titira muna sa
pamilya ng lalake sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan at pagkatapos nito ay magsasarili
at mag-gagawa o bubuo na sila ng sarili nilang buhay at tahanan. Gaya ng ibang kultura,
mahigpit din na ipingababawal ang pagsasama at pag-kasal sa pagitan ng lalake sa lalake at
babae sa kanilang kultura, maging magpasasama ng magkapatid at magulang sa anak.
Sa kabuun, ang Kasal at Pamilya ay magkaugnay, at pagbuo ng pamilya ay kinakailangan
ng matagal at maayos na pag-uusap sa pagitan ng babae at lalake. Anu paman ang maging
pamantayan sa usapin ng kasal at Pamilya mahalaga na maunawaan ang pagkakaiba-iba ng uri
meron ang mga ito, na nababatay sa pagkakaroon ng sariling Kultura, Paniniwala at
pananampalataya mayroon ang isang grupo ng tao sa loob ng isang lipunan.

You might also like