You are on page 1of 1

Alamat TALISAY (Barangay na Pinagpala)

    

Dati itong malawak na kabukiran na naliligiran ng malalaki at maliliit na punongkahoy. May iba’t ibang uri
rin ng mga ligaw na damong dito’y sumisibol. Subalit namumukod ang mga punong may malalabay na
sanga, may malalapad na dahon at may maliliit na bungang animo’y munting puso. Dito sinasabing
hinango ang ngalan ng barangay, sa punong Talisay na sadyang nabuhay dito sa lugal na ngayo’y
tinatawag na Barangay TALISAY.

    May isang bersyon pa ng sinasabing pinagmulan ng pangalan ng barangay TALISAY.

    Ayon sa matatanda, ang pook na tinatawag ngayong TALISAY ay dating isang makitid na dakdak na
nag-uugnay kahit noon pa sa Puerto Rivas at sa bayan o Poblacion. Naging daan ang dating dakdak na
umabot sa 400 metro ang haba. Nabigyan ito ng pangalang TALISAY dahil ito ay isang lugal na katabi ng
malaking ilog, ang ilog TALISAY.

    May isangdaang taon nang kinikilalang pamayanan ang Puerto Rivas bago pa nagsimulang tumira ang
mga tao sa TALISAY.

    Ang dating sakop ng TALISAY ay nagmula sa may kalagitnaan ng ngayo’y Bataan Sports Complex na
nasa gawing Timog ng Paaralang Elementarya ng Balanga. Humahangga naman ito sa may likod ng
bahay ni dating Gobernador Adelmo Camacho, Sr. sag awing silangan.

    Nadagdagan ang kalupaan ng TALISAY nang magkaroon ng pagbabago ng direksyon ng Ilog Talisay.
Nasakop ng TALISAY ang maliliit na bahaging dating sakop ng Sta. Rosa, Pilar.

    Nang matuyo ang dating katubigan na kung tawagin ngayo’y Doña Francisca ay inakala na marami na
madaragdagan pa ang sukat ng TALISAY na umabot lamang sa 20 ektarya. Ngunit hindi ito nangyari
sapagka’t ang nabuong subdibisyon ng Doña Francisca ay nagsarili hanggang sa matatag bilang isang
barangay.

    Naganap ang malaking pagbabago sa TALISAY noong ilipat dito ang Paaralang Elementarya ng
Balanga taong 1910. Kasunod nito ay paunti-unting natayo ng mga kabahayan sa paligid ng paaralan.
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring gaanong pagbabago sa sukat ng TALISAY. Naragdagan lang ito ng
mga kabahayan sag awing silangan ng paaralan, sa katapat halos ng itinayong Balanga Eternal Memorial
Park                                                                                                                           

You might also like