You are on page 1of 2

ALAMAT NG ULAN

Noong unang panahon, may isang dyosa na nakatira sa kalangitan, Dyosa Clariza
ang kanyang panalan. Madalas itong bumaba sa lupa upang masilayan ang
kagandahan ng karagatan, hilig niya ang maupo sa malaking bato sa gilid ng
dagat.        Isangaraw, nasilayan siya ng isang makisig at matipunong manlalayag,
napansin siya nitong kumakanta habang hawak-hawak ang buhok niya. Agad
naman siyang nilapitan nito at magalang na nagpakilala. “Magandang araw sa iyo,
magandang dilag, ako nga pala si Jac, maaari ko din bang malaman ang iyong
pangalan?”. Napatitig ang dyosa sa kanya at sumagot na may halong takot ang
tono ng boses “ah, ehh .. Clariza ang pangalan ko”, “Ikinalulugod kong makilala ka”
sagot naman ni Jac habang ngumingiti.Hindi nagtagal ay mas nagkakilala pa silang
dalawa, nalaman ni Jac na dyosa si Clariza ngunit hindi ito nagging dahilan upang
magkamabutihan sila. Naging magaan ang loob nila sa isa’t isa at naging matalik na
magkaibigan sila. Sabay nilang pinagmamasdan ang alon ng dagat, madalas na
naglalaro ng mga buhangin, naghahabulan at kung minsan sa gabi ay sabay nilang
pinagmamasdan ang buwan at mga nagniningning na bituin.  Araw-araw nila itong
ginagawa at bakas ang kasiyahan sa kanilang mga mukha.Dahil sa dalas nang
kanilang pagkikita, hindi nila namalayang nahulog na sila sa isa’t isa at hindi
naglaon ay nagmahalan ng buong tapat.Dumating ang araw na kinakailangan nang
umalis ng manlalayag upang magtrabaho ngunit nangako ito na babalik siya
pagkatapos ng isang taon sa lugar kung saan sila unang nagkita at madalas na
magtagpo. Bago paman makaalis si Jac ay niyakap siya nang Dyosa ng mahigpit na
mahigpit sabay sabing “kapag hindi ka bumalik, iiyak ako at sigurado akong
mababasa ka ng luha ko”.
Maraming taon na ang nagdaan ngunit ang dyosa ay hindi na muling binalikan ng
kanyang sinisintang manlalayag. Labis -labis ang kanyang pag-aalala kaya naisipan
niya itong hanapin. Datapwa’t sa kanyang paghahanap ay nakita niyang may
kasamang ibang babae si Jac, sabay silang nagsisimba at namamasyal sa plaza.
Nalaman niyang umiibig ang kanyang sinisinta sa kapwa niya tao. Hindi maikakaila
na labis na nasaktan si Dyosa Clariza sa kanyang mga nakita sapagkat si Jac ay
minahal at pinagkatiwalaan talaga niya, ngunit sa kabila ng sakit na kanyang
nadarama ay nangibabaw parin ang tunay na pagmamahal sa sinisinta kaya naman
hindi na niya ito ginambala pa at hinayaan nalang na sumaya sa piling ng iba.Sa
kanyang pagpaparaya, bumalik siya sa kalangitan at doon inilabas lahat ng sama
ng loob, lungkot at pighati na nararamdaman. Nagdulot ito ng paglabas ng
napakaraming luha sa kanyang mga magagandang mata, naipon sa ulap at naging
tubig. Hindi naglaon ay bumagsak ito sa lupa, at sa pagbagsak ng tubig mula sa
ulap ay nabasa ngang tunay si Jac dahil dito naalala niya ang huling tugon sa kanya
ni Dyosa Clariza na dati niyang sinisinta“kapag hindi ka bumalik, iiyak ako at
sigurado akong mababasa ka ng luha ko”.Mula noon ay tinawag niya itong ULAN na
ang ibig sabihin ay “Luhang nagmula sa ULAP”.

You might also like