You are on page 1of 6

EPIKO NI GILGAMESH Saling-buod sa Filipino ni Jay-r C.

Diacamos
Tabletang Una
Ang kuwento ay nagsisimula sa pagpapakilala kay Gilgamesh na hari ng Uruk. Siya ay
kalahating diyos at tao o isang demigod . Siya ay pinakamalakas na lalaki at
pinakatanyag na hari sa buong mundo. Subalit , tinatrato niya ng masama ang mga
tao. Hanggang sa ang mga ito ay umiiyak sa mga diyos na si Anu para tulungan. Para
sa mga babae ng Uruk, ang pang-aaping ito ay may anyong droit de seigneur — o
"karapatan ng panginoon" na makipagsiping sa mga bagong ikinasal na babae sa
kanilang gabi ng kasal. Para sa mga lalake (ang tableta ay napinsala sa puntong ito),
ipinagpalagay na ang mga ito ay pinapagod ni Gilgamesh sa pamamagitan ng mga
laro, pagsusubok ng lakas o marahil ay pwersahang pagtatrabaho sa mga proyekto
ng pagtatayo. Ang mga Diyos ay tumugon sa mga pagsusumamo ng mga ito sa
pamamagitan ng paglikha ng isang katumbas kay Gilgamesh. Si Anu , ang punong
bathala ng lunsod ay lumikha ng isang primitibong tao na si Enkidu na siyang inilagay
sa marahas at mabagsik na gubat na siyang pumapalibot sa lupain ni Gilgamesh. Siya
ay mabangis tulad na mga hayop at nabubuhay sa Parang kasama ng mga hayop.
Siya ay hindi sibilisadong tao, umiinom lamang siya ng tubig at kumakain ng damo.
Isang Araw, siya ay nakita na tumatakbong hubo ng isang tagapagbitag na ang
kabuhayan ay nawasak dahil binubunot ni Enkidu ang kanyang mga bitag. Sinabi ng
tagapagbitag kay Gilgamesh ang tungkol sa lalake at inihanda kay Enkidu para akitin
ang isang patutot o isang bayaring babae . Ang pang-aakit kay Enkidu ni Shamhat na
isang patutot ng templo ang kanyang unang hakbang tungo sa kabihasnan at
pagkatapos ng pitong araw ng pakikipagtalik sa kanya, siya ay nagmungkahi na ibalik
siya sa Uruk. Samantala, si Gilgamesh ay nagkaroon ng dalawang panaginip. Sa
Kaniyang unang panaginip, may isang bato raw na nahulog mula sa kalangitan.
Lubha itong napakalaki na hindi mabuhat ni Gilgamesh. Nagtipon ang mga tao at
nagbunyi sa palibot sa bato habang si Gilgamesh naman ay yumakap dito subalit ang
kanyang ina, ang bathala si Rimat-Ninsun ay mahigpit na tumutol. Sa pangalawang
panaginip, may isang palakol ang lumitaw sa pinto ni Gilgamesh. Napakalaki nito na
hindi niya maialis. Nagtipon ang mga tao at nagbunyi sa palibot ng palakol at
yumakap si Gilgamesh dito katulad ng pagyakap niya sa isang asawa subalit tumutol
muli ang kanyang ina. Matapos niyang managinip ukol ditto, tinanong niya ang
kanyang ina kung ano ang ibig sabihin ng mga panaginip , sinabi ng kanyang ina na
isang lalaking napakalakas ang darating sa uruk at yayakapin niya tulad ng pagyakap
niya sa isang asawa at magkasama sila gagawa ng tanyag na mga gawain.
Tabletang Dalawa
Pagkatapos magsiping nina Enkidu at Shamhat, ang mga mabangis na hayop ay hindi
na tumutugon kay Enkidu gaya ng nakaraan. Inihayag ni Shamhat na si Enkidu ay
naging tulad ng isang diyos. Tinuruan ni Shamhat si Enkidu kung paano manamit at
kung paano kumain . Nawala kay Enkidu ang kanyang lakas at pagkabangis bagkus
nagkaroon siya ng kaalaman at pang-unawa sa tulong ni Shamhat. Sa pagkakaalam
mula sa isang dumadaang dayuhan tungkol sa pagtrato ni Gilgamesh sa mga bagong
kasal, si Enkidu ay nagalit at naglakbay tungo sa Uruk upang mamagitan sa isang
kasal. Nang tangkain ni Gilgamesh na dalawin ang silid ng kasalan, hinarang ni Enkidu
ang kanyang daanan at sila ay nag-away. Pagkatapos ng mabangis na paglalaban,
natalo si Enkidu at kinilala ang superior na lakas ni Gilgamesh at sila ay mabilis na
naging magkaibigan. Nang mainip ang dalawa sa pamumuhay sa siyudad, si
Gilgamesh ay nagmungkahi ng isang paglalakbay sa Kagubatang Cedar at nakawain
ang mga punong cedar na ipinagbabawal sa mga mortal at upang paslangin ang
kalahating-diyos at kalahating-leon na si Humbaba, ang tapat na tagapaglingkod ni
Enlil ang diyos ng lupa at hangin na siyang nagbabantay sa gubat Sa kabila ng mga
babala mula kay Enkidu at sa konseho ng mga Matatanda, si Gilgamesh ay hindi
pipigilan at upang magkamit siya ng kasikatan at katanyagan
Tabletang Tatlo
Ang mga matanda si Lugalbanda, ama ni Gilgamesh ay nagbigay ng payo kay
Gilgamesh para sa kanyang paglalakbay. Dinalaw ni Gilgamesh ang kanyang ina na
diyosang si Ninsun na naghahanap ng suporta at proteksiyon ng diyos na araw na si
Shamash para sa kanilang paglalakbay. Inampon ni Ninsun si Enkidu bilang kanyang
anak at si Gilgamesh ay nag-iwan ng mga instruksiyon para sa pamamahala ng
lungsod ng Uruk sa kanyang kawalan.

Tabletang Apat

Ang Dalawang bayani ay naglakbay tungo sa Kagubatang Cedar ng Lebanon. Sa


bawat ilang mga araw, sila ay nagkakampo sa isang bundok at nagsasagawa ng
isang ritwal ng panaginip. Si Gilgamesh ay nagkaroon ng limang mga nakakatakot na
panaginip tungkol sa pagkahulog sa mga bundok, mga kulog, mga mababangis na
toro at isang ibong kidlat na humihinga ng apoy. Sa kabila ng mga pagkakatulad sa
pagitan ng mga pigura sa kanyang panaginip at sa mas naunang mga deskripsiyon ni
Humbaba, binigyang kahulugan ni Enkidu ang mga panaginip na ito bilang mga
mabubuting omen at itinanggi na ang nakakatakot na mga larawan ay kumakatawan
sa bantay ng kagubatan. Habang sila ay papalapit sa bundok Cedar, kanilang narinig
si Humbaba na sumisigaw at kinailangang hikayatin ang bawat isa na huwag matakot.

Tabletang Lima

Ang mga bayani ay pumasok sa Kagubatang Cedar. Si Humbaba na bantay-ogre ng


Kagubatan Cedar ay uminsulto at nagbanta sa kanila. Inakusahan niya si Enkidu ng
pagtatraydor at nangakong aalisan ng lamang loob at ipapakain ang kanyang laman
sa mga ibon. Natakot si Gilgamesh ngunit sa ilang nakakahikayat na mga salita ni
Enkidu, ang labanan ay nagsimula. Ang mga kabundukan ay lumindol nang may
kaguluhan at ang langit ay naging itim. Ang diyos na si Shamash ay nagpadala ng 13
mga hangin upang itali si Humbaba at siya ay nahuli. Ang halimaw ay nagsumamo
para sa kanyang buhay at naawa si Gilgamesh sa kanya. (1 P) Gayunpaman, si Enkidu
ay nagalit at hiniling kay Gilgamesh na patayin ang halimaw. Sila ay parehong
sinumpa ni Humbaba at pinatay siya ni Gilgamesh sa pamamagitan ng isang suntok sa
leeg. Pinutol ng dalawang bayani ang maraming mga Cedar kabilang ang isang
higanteng puno na pinaplano ni Enkidu na hugisin sa isang bakuran at tarangkahan
para sa templo ni Enlil at ang iba naman ay ginawang isang balsa at naglayag pauwi
sa kahabaan ng Euphrates kasama ng isang higanteng puno at ulo ni Humbaba.

Tabletang Anim

Sa kanilang pagbabalik, Itinakwil ni Gilgamesh ang mga pang-aakit ng diyosang si


Ishtar, dahil sa kanyang masamang pagtrato sa mga nakaraang mangingibig nito
gaya ni Tammuz- ang diyos ng pagkain at mga halaman. Hiningi ni Ishtar , ang diyosa
ng pag-ibig at pagkabuhay sa kanyang ama na si Anu, ipadala si Gugalana na toro
ng langit upang ipaghiganti siya. Nang itakwil ni Anu ang kanyang mga reklamo,
nagbanta si Ishtar na bubuhayin ang mga patay na mas madami sa mga nabubuhay
at lalamunin sila. (2P) Natakot si Anu at sumuko sa kanya. Dinala ni Uruk ang Toro ng
langit tungo sa Uruk at ito ay nagsanhi ng malawakang pamiminsala. Ibinaba nito ang
mga lebel ng Ilog Euphrates at pinatuyo ang mga basang lupain. Ito ay nagbukas ng
malalaking mga hukay na lumamon ng 300 mga lalake. Nang walang anumang tulong
ng diyos, inatake at pinaslang nina Enkidu at Gilgamesh ang toro. at inalay ang puso
nito kay Shamash. Ang siyudad ng Uruk ay nagdiwang ngunit si Enkidu ay nagkaroon
ng panaginip na masama.

Tabletang Pito

Sa panaginip ni Enkidu, ang unang panaginip, ang mga diyos ay nagpasya na ang isa
sa mga bayani ay dapat mamatay dahil kanilang pinatay si Humbaba at ang Toro ng
langit. Nang dahil dito, nagtipon –tipon ang diyos ang mga diyos at nagkasundo
parusahan ang isa sa mga magkakaibigan dahil sa kanilang katampalasan. Sa kabila
ng mga pagpoprotesta ni Shamash, si Enkidu ay minarkahan para sa kamatayan. Bago
bawian ng buhay si Enikidu, Sinumpa niya ang dakilang pinto na kanyang hinugis para
sa templo ni Enlil. Kanya ring sinumpa ang tagabitag at si Shamhat dahil sa pag-aalis sa
kanya mula sa parang. Pinaalalahanan ni Shamash si Enkidu na si Gilgamesh ay
magkakaloob ng mga dakilang parangal sa kanya, sa kanyang puneral at gagala sa
parang na nalamon ng lungkot. Nalungkot si Enkidu sa kanyang mga sumpa at
pinagpala si Shamhat. Gayunpaman, sa ikalawang panaginip, nakita niya ang
kanyang sarili na nabihag sa daigdig ng mga patay ng isang nakakatakot na anghel
ng kamatayan. Ang daigdig ng mga patay ay isang bahay ng alikabok at kadiliman
na ang mga naninirahan dito ay kumakain ng putik at nadadamitan ng mga balahibo
ng ibon at pinangangasiwaan ng mga nakakatakot na nilalang. Sa loob ng 12 araw,
ang kondisyon ni Enkidu ay lumala. Sa huli, siya ay namatay.

Tabletang Walo

Nagluksa nang husto si Gilgamesh at naghatid ng isang panaghoy para kay Enkidu
kung saan ay tumawag siya sa mga kabundukan, mga kagubatan, mga parang, mga
ilog, mga mababangis na hayop at sa lahat ng Uruk upang magdalamhati para sa
kanyang kaibigan. Sa pag-alala sa kanilang magkasamang paglalakbay, hinatak ni
Gilgamesh ang kanyang buhok at nagdamit sa pagdadalamhati. Siya ay nagkomisyon
ng isang estatwang puneraryo at nagbigay ng mga regalo sa libingan mula sa
kanyang lalagyan ng kayamanan upang masiguro na si Enkidu ay may isang kanais
nais na pagtanggap sa sakop ng mga namatay. Ang isang malaking piging ay idinaos
kung saan ang mga kayamanan ay inalay sa mga diyos ng daigdig ng mga patay.
Bago ang patid sa teksto, may mungkahi na ang ilog ay sinumpa na nagpapakita ng
isang paglilibing sa isang kama ng ilog gaya ng sa tumutugong tulang Sumeryo na Ang
Kamatayan ni Gilgamesh.

Tabletang Siyam

Sa tindi ng pagdadalamhati ni Gilgamesh sa pagkamatay ng kaniyang matalik na


kaibigan, nagtungo siya sa parang o kagubatan na nadadamitan ng mga balat ng
hayop at sa takot sa kanyang sariling kamatayan, nagpasya siyang hanapin si
Utnapishtim, ang itinuturing na Noah sa Mesopotamia. Nais niyang alamin ang sikreto
ng walang hanggang buhay na ipinagkalaoob sa kaniya ng mga diyos matapos ang
matinding baha. Kabilang sa mga ilang nakaligtas sa Malaking Baha, si Utnapishtim at
ang kanyang asawa ang tanging mga tao na binigyan ng walang buhay ng mga
diyos. Sa kanyang paglalakbay, napadpad siya sa kambal na bundok na kung
tawagin ay Mashnu kung saan ang araw ay lumulubog sa isang bahagi ng bundok
kapag sumasapit ang gabi at sumisikat naman sa kabila bahagi kapag sumapit na
ang umaga. Si Gilgamesh ay tumawid sa daaanang bundok sa gabi at naengkwentro
ang isang mapagmataas na mga leon. Bago matulog, siya ay nanalangin para sa
proteksiyon sa diyos na buwan na si Sin. Pagkatapos, sa pagkakagising mula sa isang
nakakahikayat na panaginip, kanyang pinatay ang mga leon at ginamit ang mga
balat nito para pandamit. Pagkatapos ng isang mahaba at mapanganib na
paglalakbay, siya ay dumating sa mga kambal na tuktok ng Bundok Mashu sa wakas
ng daigdig. Kanyang nakita ang isang lagusan, walang tao ang kailanman pumasok
rito na binabantayan ng dalawang mga nakatatakot na taong-alakdan. Sa
kompletong kadiliman, kanyang sinundan ang kalsada para sa 12 mga dobleng oras
at nagawang makompleto ang paglalakbay bago siya maabutan ng araw. Siya ay
dumating sa Hardin ng mga diyos na isang paraisong puno ng mga punong
nahihiyasan.

Tabletang Sampu

Matapos niyang mangapa sa madilim na lagusan, nasumpungan ni Gilgamesh ang


napakagandang hardin sa tabi ng dagat. Doon nkatagpo niya si Siduri na nakatakip
ng belo na tagapagbantay ng inuman. Sinabi ni Gilgamesh ang layunin ng kanyang
paglalakbay. Tinangka niyang pigilan si Gilgamesh na ang kanyang paghahanap sa
walang hanggang buhay ay lubhang mapanganib at nararapat lamang siyang
tumalikod. Ngunit hindi mapigilan si Gilgamesh kanyang winasak ang mga higanteng
bato, kaya itinuro niya si Gilgamesh kay Urshanabi, ang tagasagwan at tutulong sa
kanyang tumawid sa dagat tungo kay Utnapishtim. Nang magkita ang dalawa,
Kanyang sinabi sa kanya ang layunin ng kanyang paglalakbay ngunit nang kanyang
hingan ng tulong ipinagbigay alam sa kanya ni Urshanabi na kawawasak lamang niya
ng mga tanging nilalang na maaaring tumawid sa mga Katubigan ng Kamatayan na
nakamamatay sa paghipo. Itinuro ni Urshanabi kay Gilgamesh na putulin ang 300 mga
puno at hugisin ang mga ito sa mga polong bangka. Nang kanilang maabot ang isla
ng Dilmun kung saan nakatira si Utnapishtim, isinaad ni Gilgamesh ang kanyang
kuwento na humihingi ng kanyang tulong.

Tabletang Labing-isa

Napagmasdan ni Gilgamesh na si Utnapishtim ay tila hindi iba sa kanyang sarili at


itinanong sa kanya kung paano makakamit ang walang hanggang buhay.
Ipinaliwanag ni Utnapishtim na ang mga diyos ay nagpasya na magpadla ng isang
malaking baha. Upang iligtas si Utnapishtim, ang diyos na si Ea, ang diyosa ng
karunungan ay nagsabi sa kanyang magtayo ng isang bangka. Ang kanyang buong
pamilya ay sumakay kasama ang at anak ng bawat buhay sa mundo. Ang isang
marahas na bagyo ay lumitaw na nagsanhi sa mga takot na diyos na umurong sa mga
langit. Nagdalamhati si Ishtar sa malawak na pagkawasak ng sangkatauhan at ang
ibang mga Diyos ay tumangis sa tabi niya. Ang bagyo ay tumagal ng anim na araw at
gabi kung saan pagkatapos ay ang "lahat ng mga tao ay naging putik". Si Utnapishtim
ay tumangis nang kanyang makita ang pagkawasak. Ang kanyang bangka ay
lumapag sa isang bundok , ang Bundok Nisir (Pir Magrun sa Iraq) at nagpalipad ng
isang kalapati, isang layang-layang at isang uwak. “Ako ay nagpadala ng isang
kalapati at pinalipad siya. Ang kalapati ay lumipad pabalik balik ngunit dahil walang
pahingahang lugar para sa kanya, siya ay bumalik. At pagkatapos ay nagpadala ako
ng layang layang at pinalipad siya. Ang layang layang ay lumipad pabalik balik ngunit
dahil walang pahingahang lugar sa kanya, siya ay bumalik. Pagkatapos ay nagpadala
ako ng isang uwak at pinalipad siya. Ang uwak ay ay lumipad papalayo at nakita ang
pagbawas ng mga tubig. Siya ay lumapag upang kumain, lumipad papalayo at hindi
na bumalik.” Nang mabigo ang mga uwak na bumalik, kanyang binuksan ang
kanyang arko at pinalaya ang mga nakatira dito. Si Utnapishtim ay naghandog ng
insenso, naamoy ng mga diyos ang matamis ng amoy at nagtipon. Si Ishtar ay
dumating at itinaas ang kanyang kwintas ng mga dakilang hiyas (bahaghari) bilang
pag-ala ala sa dakilang baha. Nang dumating si Enlil na galit na may mga nakaligtas,
kanyang kinondena siya sa pagpukaw ng baha. Kinastigo rin ni Ea siya sa
pagpapadala ng hindi pantay na parusa. Pinagpala ni Enlil si Utnapishtim at ang
kanyang asawa at biniyayaan sila ng walang hanggang buhay. ( Ang salaysay na ito
ay tumutugma sa kuwento ng baha na nagtatapos ng Epiko ni Atra-hasis. ) Hinamon ni
Utnapishtim si Gilgamesh na manatiling gising sa loob ng anim na araw at pitong gabi.
Nakatulog si Gilgamesh at inutusan ni Utnapishtim ang kanyang asawa na maghurno
ng tinapay sa bawat mga araw na siya ay tulog upang hindi niya maitanggi ang
kanyang kabiguan na manatiling gising. Si Gilgamesh na naghahangad na matalo ang
kamatayan ay hindi malabanan kahit ang pagtulog. Pagkatapos utusan ni Urshanabi
na hugasan si Gilgamesh at damitan siya sa mga damit ng hari, sila ay bumalik sa Uruk.
Habang sila ay lumilisan, ang asawa ni Utnapishtim ay humiling sa kanyang asawa na
mag-alok ng regalong paglisan. Sinabi ni Utnapishtim kay Gilgamesh na sa ilalim ng
dagat ay may nakatirang isang tulad ng boxthorn na halaman na magpapabatang
muli sa kanya. Sa pagtatali ng mga bato sa kanyang mga paa upang makalakad sa
ilalim, ay nagawa ni Gilgamesh na makuha ang halaman. Kanyang nilayong subukin
ito bilang isang matandang tao kapag nakabalik siya sa Uruk. Sa kasawiang palad,
nang huminto si Gilgamesh upang maligo, ito ay ninakaw ng isang ahas na naglaglag
ng balat nito habang lumilisan. Si Gilgamesh ay tumangis sa kawalang kabuluhan ng
kanyang mga pagsisikap dahil ngayon ay nawalan na siya ng lahat ng mga
pagkakataon sa walang hanggang buhay.

Tabletang Labingdalawa

Nang makabalik si Gilgamesh sa Uruk, wala siyang nadala subalit nakipagkasundo muli
sa kanyang kamatayan. Alam niyang hindi siya maaaring mabuhay nang walang
hanggang subalit hindi ang sangkatauhan. Ngayon nakita niya ang lunsod ng
kanyang iniwan sa gitna ng kaniyang pighati ay muling naging kahanga-hanga at
tanyag- pinakmalapit sa buhay na walang hangan na siyang hinahangad ninuman.
Ang huling tableta ay iminungkahi na ang layunin ay ipaliwanag at ipaunawa kay
Gilgamesh at sa mga mambabasa ang iba't ibang mga kapalaran ng buhay, ang
langit at lupa ay hiniwalay at ang mga tao ay nilikha. Ang tableta ay nagwawakas kay
Gilgamesh na nagtatanong kay Enkidu tungkol sa kanyang mga nakita sa daigdig ng
mga patay.

You might also like