You are on page 1of 7

Tabletang Una

Ang kuwento ay nagsisimula sa pagpapakilala kay Gilgamesh na hari ng Uruk. Siya ay kalahating
diyos at tao o isang demigod . Siya ay pinakamalakas na lalaki at pinakatanyag na hari sa buong
mundo. Subalit , tinatrato niya ng masama ang mga tao. Hanggang sa ang mga ito ay umiiyak sa
mga diyos na si Anu para tulungan.
Para sa mga babae ng Uruk, ang pang-aaping ito ay may anyong droit de seigneur — o "karapatan
ng panginoon" na makipagsiping sa mga bagong ikinasal na babae sa kanilang gabi ng kasal. Para
sa mga lalake (ang tableta ay napinsala sa puntong ito), ipinagpalagay na ang mga ito ay pinapagod
ni Gilgamesh sa pamamagitan ng mga laro, pagsusubok ng lakas o marahil ay pwersahang
pagtatrabaho sa mga proyekto ng pagtatayo.
Ang mga Diyos ay tumugon sa mga pagsusumamo ng mga ito sa pamamagitan ng paglikha ng isang
katumbas kay Gilgamesh. Si Anu , ang punong bathala ng lunsod ay lumikha ng isang primitibong
tao na si Enkidu na siyang inilagay sa marahas at mabagsik na gubat na siyang pumapalibot sa
lupain ni Gilgamesh. Siya ay mabangis tulad na mga hayop at nabubuhay sa Parang kasama ng mga
hayop. Siya ay hindi sibilisadong tao, umiinom lamang siya ng tubig at kumakain ng damo.
Isang Araw, siya ay nakita na tumatakbong hubo ng isang tagapagbitag na ang kabuhayan ay
nawasak dahil binubunot ni Enkidu ang kanyang mga bitag. Sinabi ng tagapagbitag kay Gilgamesh
ang tungkol sa lalake at inihanda kay Enkidu para akitin ang isang patutot o isang bayaring babae .
Ang pang-aakit kay Enkidu ni Shamhat na isang patutot ng templo ang kanyang unang hakbang
tungo sa kabihasnan at pagkatapos ng pitong araw ng pakikipagtalik sa kanya, siya ay nagmungkahi
na ibalik siya sa Uruk.
Samantala, si Gilgamesh ay nagkaroon ng dalawang panaginip. Sa Kaniyang unang panaginip, may
isang bato raw na nahulog mula sa kalangitan. Lubha itong napakalaki na hindi mabuhat ni
Gilgamesh. Nagtipon ang mga tao at nagbunyi sa palibot sa bato habang si Gilgamesh naman ay
yumakap dito subalit ang kanyang ina, ang bathala si Rimat-Ninsun ay mahigpit na tumutol. Sa
pangalawang panaginip, may isang palakol ang lumitaw sa pinto ni Gilgamesh. Napakalaki nito na
hindi niya maialis. Nagtipon ang mga tao at nagbunyi sa palibot ng palakol at yumakap si Gilgamesh
dito katulad ng pagyakap niya sa isang asawa subalit tumutol muli ang kanyang ina.
Matapos niyang managinip ukol ditto, tinanong niya ang kanyang ina kung ano ang ibig sabihin ng
mga panaginip, sinabi ng kanyang ina na isang lalaking napakalakas ang darating sa uruk at
yayakapin niya tulad ng pagyakap niya sa isang asawa at magkasama sila gagawa ng tanyag na
mga gawain.

Tabletang Dalawa
Pagkatapos magsiping nina Enkidu at Shamhat, ang mga mabangis na hayop ay hindi na
tumutugon kay Enkidu gaya ng nakaraan. Inihayag ni Shamhat na si Enkidu ay naging tulad ng isang
diyos. Tinuruan ni Shamhat si Enkidu kung paano manamit at kung paano kumain. Nawala kay
Enkidu ang kanyang lakas at pagkabangis bagkus nagkaroon siya ng kaalaman at pang-unawa sa
tulong ni Shamhat.
Sa pagkakaalam mula sa isang dumadaang dayuhan tungkol sa pagtrato ni Gilgamesh sa mga
bagong kasal, si Enkidu ay nagalit at naglakbay tungo sa Uruk upang mamagitan sa isang kasal.
Nang tangkain ni Gilgamesh na dalawin ang silid ng kasalan, hinarang ni Enkidu ang kanyang
daanan at sila ay nag-away.
Pagkatapos ng mabangis na paglalaban, natalo si Enkidu at kinilala ang superior na lakas ni
Gilgamesh at sila ay mabilis na naging magkaibigan.
Nang mainip ang dalawa sa pamumuhay sa siyudad, si Gilgamesh ay nagmungkahi ng isang
paglalakbay sa Kagubatang Cedar at nakawain ang mga punong cedar na ipinagbabawal sa mga
mortal at upang paslangin ang kalahating-diyos at kalahating-leon na si Humbaba, ang tapat na
tagapaglingkod ni Enlil ang diyos ng lupa at hangin na siyang nagbabantay sa gubat Sa kabila ng
mga babala mula kay Enkidu at sa konseho ng mga Matatanda, si Gilgamesh ay hindi pipigilan at
upang magkamit siya ng kasikatan at katanyagan
Tabletang Tatlo
Ang mga matanda si Lugalbanda, ama ni Gilgamesh ay nagbigay ng payo kay Gilgamesh para sa
kanyang paglalakbay. Dinalaw ni Gilgamesh ang kanyang ina na diyosang si Ninsun na naghahanap
ng suporta at proteksiyon ng diyos na araw na si Shamash para sa kanilang paglalakbay. Inampon ni
Ninsun si Enkidu bilang kanyang anak at si Gilgamesh ay nag-iwan ng mga instruksiyon para sa
pamamahala ng lungsod ng Uruk sa kanyang kawalan.

Tabletang Apat
Ang Dalawang bayani ay naglakbay tungo sa Kagubatang Cedar ng Lebanon. Sa bawat ilang mga
araw, sila ay nagkakampo sa isang bundok at nagsasagawa ng isang ritwal ng panaginip. Si
Gilgamesh ay nagkaroon ng limang mga nakakatakot na panaginip tungkol sa pagkahulog sa mga
bundok, mga kulog, mga mababangis na toro at isang ibong kidlat na humihinga ng apoy.
Sa kabila ng mga pagkakatulad sa pagitan ng mga pigura sa kanyang panaginip at sa mas naunang
mga deskripsiyon ni Humbaba, binigyang kahulugan ni Enkidu ang mga panaginip na ito bilang mga
mabubuting omen at itinanggi na ang nakakatakot na mga larawan ay kumakatawan sa bantay ng
kagubatan.
Habang sila ay papalapit sa bundok Cedar, kanilang narinig si Humbaba na sumisigaw at
kinailangang hikayatin ang bawat isa na huwag matakot.
Tabletang Lima
Ang mga bayani ay pumasok sa Kagubatang Cedar. Si Humbaba na bantay-ogre ng Kagubatan
Cedar ay uminsulto at nagbanta sa kanila. Inakusahan niya si Enkidu ng pagtatraydor at nangakong
aalisan ng lamang loob at ipapakain ang kanyang laman sa mga ibon. Natakot si Gilgamesh ngunit
sa ilang nakakahikayat na mga salita ni Enkidu, ang labanan ay nagsimula.
Ang mga kabundukan ay lumindol nang may kaguluhan at ang langit ay naging itim. Ang diyos na si
Shamash ay nagpadala ng 13 mga hangin upang itali si Humbaba at siya ay nahuli. Ang halimaw ay
nagsumamo para sa kanyang buhay at naawa si Gilgamesh sa kanya. (1 P)
Gayunpaman, si Enkidu ay nagalit at hiniling kay Gilgamesh na patayin ang halimaw. Sila ay
parehong sinumpa ni Humbaba at pinatay siya ni Gilgamesh sa pamamagitan ng isang suntok sa
leeg.
Pinutol ng dalawang bayani ang maraming mga Cedar kabilang ang isang higanteng puno na
pinaplano ni Enkidu na hugisin sa isang bakuran at tarangkahan para sa templo ni Enlil at ang iba
naman ay ginawang isang balsa at naglayag pauwi sa kahabaan ng Euphrates kasama ng isang
higanteng puno at ulo ni Humbaba.

Tabletang Anim
Sa kanilang pagbabalik, Itinakwil ni Gilgamesh ang mga pang-aakit ng diyosang si Ishtar, dahil sa
kanyang masamang pagtrato sa mga nakaraang mangingibig nito gaya ni Tammuz- ang diyos ng
pagkain at mga halaman.
Hiningi ni Ishtar , ang diyosa ng pag-ibig at pagkabuhay sa kanyang ama na si Anu, ipadala si
Gugalana na toro ng langit upang ipaghiganti siya. Nang itakwil ni Anu ang kanyang mga reklamo,
nagbanta si Ishtar na bubuhayin ang mga patay na mas madami sa mga nabubuhay at lalamunin
sila. (2P)
Natakot si Anu at sumuko sa kanya. Dinala ni Uruk ang Toro ng langit tungo sa Uruk at ito ay
nagsanhi ng malawakang pamiminsala. Ibinaba nito ang mga lebel ng Ilog Euphrates at pinatuyo ang
mga basang lupain. Ito ay nagbukas ng malalaking mga hukay na lumamon ng 300 mga lalake.
Nang walang anumang tulong ng diyos, inatake at pinaslang nina Enkidu at Gilgamesh ang toro. at
inalay ang puso nito kay Shamash.
Ang siyudad ng Uruk ay nagdiwang ngunit si Enkidu ay nagkaroon ng panaginip na masama.
Tabletang Pito
Sa panaginip ni Enkidu, ang unang panaginip, ang mga diyos ay nagpasya na ang isa sa mga bayani
ay dapat mamatay dahil kanilang pinatay si Humbaba at ang Toro ng langit.
Nang dahil dito, nagtipon –tipon ang diyos ang mga diyos at nagkasundo parusahan ang isa sa mga
magkakaibigan dahil sa kanilang katampalasan. Sa kabila ng mga pagpoprotesta ni Shamash, si
Enkidu ay minarkahan para sa kamatayan.
Bago bawian ng buhay si Enikidu, Sinumpa niya ang dakilang pinto na kanyang hinugis para sa
templo ni Enlil. Kanya ring sinumpa ang tagabitag at si Shamhat dahil sa pag-aalis sa kanya mula sa
parang.
Pinaalalahanan ni Shamash si Enkidu na si Gilgamesh ay magkakaloob ng mga dakilang parangal
sa kanya, sa kanyang puneral at gagala sa parang na nalamon ng lungkot.
Nalungkot si Enkidu sa kanyang mga sumpa at pinagpala si Shamhat.
Gayunpaman, sa ikalawang panaginip, nakita niya ang kanyang sarili na nabihag sa daigdig ng mga
patay ng isang nakakatakot na anghel ng kamatayan.
Ang daigdig ng mga patay ay isang bahay ng alikabok at kadiliman na ang mga naninirahan dito ay
kumakain ng putik at nadadamitan ng mga balahibo ng ibon at pinangangasiwaan ng mga
nakakatakot na nilalang.
Sa loob ng 12 araw, ang kondisyon ni Enkidu ay lumala. Sa huli, siya ay namatay.

Tabletang Walo
Nagluksa nang husto si Gilgamesh at naghatid ng isang panaghoy para kay Enkidu kung saan ay
tumawag siya sa mga kabundukan, mga kagubatan, mga parang, mga ilog, mga mababangis na
hayop at sa lahat ng Uruk upang magdalamhati para sa kanyang kaibigan.
Sa pag-alala sa kanilang magkasamang paglalakbay, hinatak ni Gilgamesh ang kanyang buhok at
nagdamit sa pagdadalamhati.
Siya ay nagkomisyon ng isang estatwang puneraryo at nagbigay ng mga regalo sa libingan mula sa
kanyang lalagyan ng kayamanan upang masiguro na si Enkidu ay may isang kanais nais na
pagtanggap sa sakop ng mga namatay.
Ang isang malaking piging ay idinaos kung saan ang mga kayamanan ay inalay sa mga diyos ng
daigdig ng mga patay.
Bago ang patid sa teksto, may mungkahi na ang ilog ay sinumpa na nagpapakita ng isang paglilibing
sa isang kama ng ilog gaya ng sa tumutugong tulang Sumeryo na Ang Kamatayan ni Gilgamesh.
Tabletang Siyam
Sa tindi ng pagdadalamhati ni Gilgamesh sa pagkamatay ng kaniyang matalik na kaibigan, nagtungo
siya sa parang o kagubatan na nadadamitan ng mga balat ng hayop at sa takot sa kanyang sariling
kamatayan, nagpasya siyang hanapin si Utnapishtim, ang itinuturing na Noah sa Mesopotamia.
Nais niyang alamin ang sikreto ng walang hanggang buhay na ipinagkalaoob sa kaniya ng mga diyos
matapos ang matinding baha. Kabilang sa mga ilang nakaligtas sa Malaking Baha, si Utnapishtim at
ang kanyang asawa ang tanging mga tao na binigyan ng walang buhay ng mga diyos.
Sa kanyang paglalakbay, napadpad siya sa kambal na bundok na kung tawagin ay Mashnu kung
saan ang araw ay lumulubog sa isang bahagi ng bundok kapag sumasapit ang gabi at sumisikat
naman sa kabila bahagi kapag sumapit na ang umaga.
Si Gilgamesh ay tumawid sa daaanang bundok sa gabi at naengkwentro ang isang mapagmataas na
mga leon. Bago matulog, siya ay nanalangin para sa proteksiyon sa diyos na buwan na si Sin.
Pagkatapos, sa pagkakagising mula sa isang nakakahikayat na panaginip, kanyang pinatay ang mga
leon at ginamit ang mga balat nito para pandamit.
Pagkatapos ng isang mahaba at mapanganib na paglalakbay, siya ay dumating sa mga kambal na
tuktok ng Bundok Mashu sa wakas ng daigdig.
Kanyang nakita ang isang lagusan, walang tao ang kailanman pumasok rito na binabantayan ng
dalawang mga nakatatakot na taong-alakdan.
Sa kompletong kadiliman, kanyang sinundan ang kalsada para sa 12 mga dobleng oras at
nagawang makompleto ang paglalakbay bago siya maabutan ng araw.
Siya ay dumating sa Hardin ng mga diyos na isang paraisong puno ng mga punong nahihiyasan.
Tabletang Sampu
Matapos niyang mangapa sa madilim na lagusan, nasumpungan ni Gilgamesh ang napakagandang
hardin sa tabi ng dagat. Doon nkatagpo niya si Siduri na nakatakip ng belo na tagapagbantay ng
inuman. Sinabi ni Gilgamesh ang layunin ng kanyang paglalakbay.
Tinangka niyang pigilan si Gilgamesh na ang kanyang paghahanap sa walang hanggang buhay ay
lubhang mapanganib at nararapat lamang siyang tumalikod. Ngunit hindi mapigilan si Gilgamesh
kanyang winasak ang mga higanteng bato, kaya itinuro niya si Gilgamesh kay Urshanabi, ang
tagasagwan at tutulong sa kanyang tumawid sa dagat tungo kay Utnapishtim.
Nang magkita ang dalawa, Kanyang sinabi sa kanya ang layunin ng kanyang paglalakbay ngunit
nang kanyang hingan ng tulong ipinagbigay alam sa kanya ni Urshanabi na kawawasak lamang niya
ng mga tanging nilalang na maaaring tumawid sa mga Katubigan ng Kamatayan na nakamamatay sa
paghipo.
Itinuro ni Urshanabi kay Gilgamesh na putulin ang 300 mga puno at hugisin ang mga ito sa mga
polong bangka.
Nang kanilang maabot ang isla ng Dilmun kung saan nakatira si Utnapishtim, isinaad ni Gilgamesh
ang kanyang kuwento na humihingi ng kanyang tulong.
Tabletang Labingisa
Napagmasdan ni Gilgamesh na si Utnapishtim ay tila hindi iba sa kanyang sarili at itinanong sa kanya
kung paano makakamit ang walang hanggang buhay.
Ipinaliwanag ni Utnapishtim na ang mga diyos ay nagpasya na magpadla ng isang malaking baha.
Upang iligtas si Utnapishtim, ang diyos na si Ea, ang diyosa ng karunungan ay nagsabi sa kanyang
magtayo ng isang bangka. Ang kanyang buong pamilya ay sumakay kasama ang at anak ng bawat
buhay sa mundo. Ang isang marahas na bagyo ay lumitaw na nagsanhi sa mga takot na diyos na
umurong sa mga langit.
Nagdalamhati si Ishtar sa malawak na pagkawasak ng sangkatauhan at ang ibang mga Diyos ay
tumangis sa tabi niya. Ang bagyo ay tumagal ng anim na araw at gabi kung saan pagkatapos ay ang
"lahat ng mga tao ay naging putik".
Si Utnapishtim ay tumangis nang kanyang makita ang pagkawasak. Ang kanyang bangka ay
lumapag sa isang bundok , ang Bundok Nisir (Pir Magrun sa Iraq) at nagpalipad ng isang kalapati,
isang layang-layang at isang uwak.
“Ako ay nagpadala ng isang kalapati at pinalipad siya. Ang kalapati ay lumipad pabalik balik ngunit
dahil walang pahingahang lugar para sa kanya, siya ay bumalik. At pagkatapos ay nagpadala ako ng
layang layang at pinalipad siya. Ang layang layang ay lumipad pabalik balik ngunit dahil walang
pahingahang lugar sa kanya, siya ay bumalik. Pagkatapos ay nagpadala ako ng isang uwak at
pinalipad siya. Ang uwak ay ay lumipad papalayo at nakita ang pagbawas ng mga tubig. Siya ay
lumapag upang kumain, lumipad papalayo at hindi na bumalik.”
Nang mabigo ang mga uwak na bumalik, kanyang binuksan ang kanyang arko at pinalaya ang mga
nakatira dito.
Si Utnapishtim ay naghandog ng insenso, naamoy ng mga diyos ang matamis ng amoy at nagtipon.
Si Ishtar ay dumating at itinaas ang kanyang kwintas ng mga dakilang hiyas (bahaghari) bilang pag-
ala ala sa dakilang baha.
Nang dumating si Enlil na galit na may mga nakaligtas, kanyang kinondena siya sa pagpukaw ng
baha. Kinastigo rin ni Ea siya sa pagpapadala ng hindi pantay na parusa.
Pinagpala ni Enlil si Utnapishtim at ang kanyang asawa at biniyayaan sila ng walang hanggang
buhay.
( Ang salaysay na ito ay tumutugma sa kuwento ng baha na nagtatapos ng Epiko ni Atra-hasis. )
Hinamon ni Utnapishtim si Gilgamesh na manatiling gising sa loob ng anim na araw at pitong gabi.
Nakatulog si Gilgamesh at inutusan ni Utnapishtim ang kanyang asawa na maghurno ng tinapay sa
bawat mga araw na siya ay tulog upang hindi niya maitanggi ang kanyang kabiguan na manatiling
gising. Si Gilgamesh na naghahangad na matalo ang kamatayan ay hindi malabanan kahit ang
pagtulog.
Pagkatapos utusan ni Urshanabi na hugasan si Gilgamesh at damitan siya sa mga damit ng hari, sila
ay bumalik sa Uruk.
Habang sila ay lumilisan, ang asawa ni Utnapishtim ay humiling sa kanyang asawa na mag-alok ng
regalong paglisan.
Sinabi ni Utnapishtim kay Gilgamesh na sa ilalim ng dagat ay may nakatirang isang tulad ng boxthorn
na halaman na magpapabatang muli sa kanya.
Sa pagtatali ng mga bato sa kanyang mga paa upang makalakad sa ilalim, ay nagawa ni Gilgamesh
na makuha ang halaman.
Kanyang nilayong subukin ito bilang isang matandang tao kapag nakabalik siya sa Uruk. Sa
kasawiang palad, nang huminto si Gilgamesh upang maligo, ito ay ninakaw ng isang ahas na
naglaglag ng balat nito habang lumilisan.
Si Gilgamesh ay tumangis sa kawalang kabuluhan ng kanyang mga pagsisikap dahil ngayon ay
nawalan na siya ng lahat ng mga pagkakataon sa walang hanggang buhay.
Tabletang Labingdalawa
Nang makabalik si Gilgamesh sa Uruk, wala siyang nadala subalit nakipagkasundo muli sa kanyang
kamatayan. Alam niyang hindi siya maaaring mabuhay nang walang hanggang subalit hindi ang
sangkatauhan. Ngayon nakita niya ang lunsod ng kanyang iniwan sa gitna ng kaniyang pighati ay
muling naging kahanga-hanga at tanyag- pinakmalapit sa buhay na walang hangan na siyang
hinahangad ninuman.
Ang huling tableta ay iminungkahi na ang layunin ay ipaliwanag at ipaunawa kay Gilgamesh at sa
mga mambabasa ang iba't ibang mga kapalaran ng buhay, ang langit at lupa ay hiniwalay at ang mga
tao ay nilikha.
Ang tableta ay nagwawakas kay Gilgamesh na nagtatanong kay Enkidu tungkol sa kanyang mga
nakita sa daigdig ng mga patay.
Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang
dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at
makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kaniyang
pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa
kaniya.

2. Tinugon ng diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni Gilgamesh, si
Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay
magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di
naglaon ay naging kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang mga pakikipaglaban. Una,
pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang
kagubatan. Nang tangkain nilang siraan ang diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay
Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng Kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang
parusa. Nagapi nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang
kawalan ng paggalang kaya itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na
namatay sa matinding karamdaman.

3. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob ay nasabi niya sa
kaniyang kaibigan ang ganito: “Ako ang pumutol sa punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan,
ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon, tingnan mo kung ano ang nangyari sa akin. Makinig ka
kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit ang kalangitan at sinagot ito ng galit din ng
sangkalupaan. Sa pagitan ng dalawang ito ay nakatayo ako at sa harap ng isang taong ibon.
Malungkot ang kaniyang mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha siyang bampira,
ang kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang kaniyang mga kamay ay kasintalim ng kuko ng agila.
Sinunggaban niya ako, sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa
niyang pakpak ang aking mga kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang
Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na ang sinumang mapunta roon ay hindi na makababalik

4. Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang kanilang kinakain at luad
ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang
katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na
maalikabok, at nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng korona habang buhay,
mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon. Sila na minsa’y naging
mga diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na tagadala na lamang ng mga karne at
tagasalok ng tubig sa bahay na maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang kanilang
mga sakristan. May mga tagapagsilbi sa templo, at nandun si Etana, ang hari ng Kish, na minsa’y
inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si
Ereshkigal, ang Reyna ng Kalaliman, at si Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng
mga diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at
nagtanong: “Sino ang nagdala sa iyo rito? Nagising akong maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag-
iisang tinatahak ang kagubatan at takot na takot.”

5. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang luha. Umiyak siya nang
umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong
karunungan? Maraming di-kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman
ng iyong puso? Hindi kapani-paniwala at nakatatakot na panaginip. Kailangan itong paniwalaan
bagaman ito’y nagdudulot ng katatakutan, sapagkat ito’y nagpapahayag na ang matinding
kalungkutan ay maaaring dumating kahit sa isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao
ay paghihinagpis.” At nagluksa si Gilgamesh. “Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit
niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng
panaginip.”
6. Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw ay palala
nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh, “Minsan ay binigyan mo ako ng
buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.” Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag
ni Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang-mahina na siya, at ang kaniyang mga mata ay
halos di na makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung araw ang kaniyang pagdadalamhati
hanggang labindalawang araw. Tinawag niya si Gilgamesh, “Kaibigan, pinarusahan ako ng mga
dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa
labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa
katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan.

7. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi. Sa
huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala.

You might also like