You are on page 1of 16

EPIKO

NI
GIGLAMESH
Ano ang Epiko?
Ano ang Epiko?
• Ang epiko ay isang tuluy-tuloy na kuwento na naglalarawan
sa mga heroiko at napakalalim na gawain ng mga bayani.
• Ito ay karaniwang binubuo ng mga mahahabang taludtod o
saknong, at ipinahahayag sa pamamagitan ng pagkakanta o
pagkukuwento.
• Sa mga epiko, sinusundan natin ang mga yugto ng
pakikipagsapalaran ng mga pangunahing tauhan, ang
kanilang mga laban, at ang mga hamon na kanilang
kinaharap.
Mga Katangian ng Epiko
Ang mga epiko ay kadalasang nagtataglay ng mga katangian na nagbibigay buhay sa mga
kuwento.
a. Makapangyarihang mga Bayani
• Ang mga epiko ay karaniwang naglalaman ng mga bayani na may mga espesyal na
kapangyarihan at kahusayan sa digmaan.
• Sila ay mga indibidwal na nagpapakita ng kagitingan at katapangan sa harap ng iba’t ibang mga
panganib.
b. Napakalawak na mga Abentura
• Ang mga epiko ay naglalaman ng mga malawak na paglalakbay, labanan, at mga pagsubok.
• Sa paglalakbay na ito, sumusubok ang mga bayani sa kanilang kakayahan at nagpapakita ng
kanilang katatagan at husay.
c. Mga Nilalang at MITOLOHIYA
Madalas na kasama sa mga epiko ang mga nilalang mula sa mitolohiya at relihiyon.
• Ang mga ito ay nagpapalalim sa kuwento at nagbibigay ng isang elementong pantasya at
misteryo.
EPIKO
NI
GIGLAMESH
Sa umpisa ng epiko, ipinakilala si Gilgamesh, ang hari ng
lungsod ng uruk. Siya ay isang hari na matapang,
makapangyarihan, at matipuno ngunit sa kabila nito ay
mayroon pa rin siyang hindi magandang pag-uugali. Si
Gilgamesh ay mayabang at abusado sa kapangyarihan
kung kaya't walang duda kung marami sa kaniyang mga
nasasakupan ang nananalangin sa Diyos na sana ay
makalaya na sila sa pamumuno nito. Dahil sa kanilang
mga panalagin, tinugon ng mga Diyos ang matagal na
nilang pinagdarasal. Kasunod nito ay nagpadala ang mga
Diyos ng isang matapang na taong nilikha mula sa luwad
na kasinlakas ni Gilgamesh, siya ay si Enkido. Naging
magkaaway ang dalawa ngunit sa bandang huli ay
naging matalik na magkaibigan ang dalawa.
Simula nung sila ay naging magkaibigan, ay naging
magkakampi na sila sa lahat ng bagay. Una,
pinagkaisahan nilang patayin si Humbaba, ang halimaw
at demonyong nagbabantay sa kagubatan pagkatapos
ay pinatag nila ang kagubatan. Sa huli ay nagkagusto
naman ang Dyosang si Ishtar kay Gilgamesh ngunit ito
ay kaniyang tinanggihan kung kaya't nasaktan ang
Dyosa. Bukod dito ay pinagplanuhan din ng masama ng
dalawang magkaibigan si Ishtar kung kaya't muli itong
nasaktan at nagalit. Ipinadala ni Ishtar ang toro ng
kalangitan upang wasakin nito ang kalupaan dahil sa
kawalan ng paggalang sa kanya. Natalo nila Gilgamesh
at Enkido ang turo ngunit nagalit ang mga Diyos at
Diyosa tungkol sa kanilang ginawa. Itinakda ng mga ito
na mamatay ang isa sa kanila at iyon ay si Enkido.
Nagkaroon ng isang matinding karamdaman si Enkido. Habang
nakaratay si Enkido, nakwento niya kay Gilgamesh ang mga
nangyari sa kaniya pati na rin ang tungkol sa kaniyang panaginip
kung saan ginawang pakpak ang kaniyang mga kamay ng isang
nilalang na mukhang bampira. Isinalaysay niya kay Gilgamesh na
ipinasok siya sa isang maalikabok na isang bahay sa kanyang
panaginip, at doon niya nakita ang ilan sa mga diyos at hari.
Tinanong siya ni Belit-Sheri kung bakit siya naroroon. Dito na
nagising si Enkido nang namumutla at naguguluhan sa kanyang
panaginip. Pagkatapos ay pinunasan ni Gilgamesh ang mga luha ni
Enkido gamit ang pinunit nitong damit at sinabi kay Enkido na hindi
kapani-paniwala ang kanyang napaginipan ngunit kailangan
niyang paniwalaan dahil maaari din namang dumating sa buhay
ng tao kahit sa isang malakas na tao ang nararamdamang
paghihinagpis.
Lalong lumala ang karamdaman ni Enkido sa mga
sumunod na araw na umabot ng halos 10-12 araw ang
kaniyang paghihinagpis sapagkat para sa kaniya kahiya-
hiya ang kaniyang magiging kamatayan dahil mas
gugustohin niya na lang mamatay sa digmaan kaysa
mamatay dahil lang sa isang karamdaman. Sa dakong
huli, namatay si Enkido at pinagluksaan naman ito ng
kaniyang matalik na kaibigan na si Gilgamesh. Kung
kaya't pinatayuan niya ito ng isang estatwa sa loob ng
pitong araw bilang pagbibigay parangal sa kaniyang
kaibigang si Enkido.
Giglamesh
Si Giglamesh ang hari ng Uruk na
dalawang katlo ay Diyos at isang
katlo ay tao. Siya ay nagtayo ng
isang nakakamanghang Ziggurats,
o tinatawag ding toreng templona
pinalilibutan ng mataas na pader.
Ang Paglalarawan kay
Giglamesh
• Si Giglamesh ay makisig at
nagtataglay ng kagandahang
panlabas.
• Siya ay malakas at matalino.
• Siya ay isang malupit na pinuno.
• Inalipin ang mga nasasakupan at
inaabuso ang mga kababaihan na
kanyang magustuhan kahit pa ito
ay anak ng kagalang galang.
• Ang mga gusaling ipininagawa
niya ay sapilitan ang pagpapagawa
sa mga tao.
Tauhan
• Anu- Ang Diyos Ama ng langit.
• Ea- Diyos ng karunungan at nagsilbing
kaibogan ng mamamayan.
• Enkido- Matapang na katunggali ni Giglamesh na
kalaunan ay naging matalik nyang kaibigan.
• Enlil- Ang Diyos ng mundo pati ng hangin.
• Giglamesh- Pinuno ng Uruk at pangunahing
tauhan ng Epiko
Tauhan
• Ishtar- Tinaguriang reyna ng mundo at Diyos ng
digmaan at pag-ibig.
• Shamash- Diyos ng kaugnayannn batas ng mga
indibidwal at ng araw.
• Ninurta- Diyos ng alitan.
• Urshanabi- Manlalakbay sa dagat na tinatawag na
kamatayan.
• Utnapishtim- Biniyayaan ng walang hanggang buhay.
Tagpuan
• Uruk- Ang lugar na pinaghaharian ni
Giglamesh.
• Kagubatan ng Cedar- Kagubatang tirahan ni
Humbaba na natalo nina Enkido at Giglamesh.
• Kagubatan- Nagsisilbing tahanan ni Enkido.
Aral
Ang tunay at busilak na pagmamahal at
pagpapahalaga sa isang kaibigan na
hanggang sa pagkawala nito, walang
makakatibag sa tiwala at pagmamahal sa
isa’t isa.
EPIKO - ISHTAR - KAGUBATAN NG CEDAR - ANU
KAGUBATAN - URUK - EA - SHAMASH
____1. Siya ang Diyos ng karunungan.
____2. Ito ang tuluy-tuloy na kuwento na naglalarawan sa mga heroiko
at napakalalim na gawain ng mga bayani.
____3. Lugar na pinaghaharian ni Giglamesh.
____4. Siya ang Diyos Ama ng langit.
____5. Ito ang tahanan ni Enkido.
____6. Tinaguriang reyna ng mundo at Diyos ng digmaan at pag-ibig.
____7. Kagubatang tinirahan ni Humbaba.
____8. Diyos ng kaugnayannn batas ng mga indibidwal at ng araw.

You might also like