You are on page 1of 5

MITOLOHIYA

Mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. At ginaganapan ng mga


Diyos at Diyosa

GAMIT NG MITOLOHIYA
naipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
naipaliwanag ang puwersa ng kalikasan
naikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
naituro ang mabuting aral
naipaliwanag ang kasaysayan
naipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot, at pag-asa ng sangkatauhan

MGA DIYOS AT DIYOSA

SANAYSAY: Alegorya ng Yungib | Isinulat ni Plato


Ang kwento ng alegorya ng yungib ay tungkol sa isang tao namatatagpuan sa loob ng kweba na
nakatali at nakaharap sa dingding ngyungib. Sa kanyang likuran ay may apoy at ang tanging
nakikita niya ay angmga anino ng mga bagay na nasa labas ng kweba. upang makita niya
angkatotohanan sa mga aninong ito, kinakailangan na siya ay makakawala sapagkakagapos at
makalabas ng kweba.
SIMBOLISMO NG SANAYSAY
Pader: Ito ay sumisimbolo sa pagiging limitado o kawalan ng kalayaan na gawin ang mga nais
na gawin ng isang tao.
Yungib: Ito ay sumisimbolo sa kahinaan ng loob at maging ng pag-iisip. Ibig sabihin, ito ay
kumakatawan sa posubleng maging estado ng isang tao na nasa loob ng iosang yungib.
Bilanggo: Ito ay sumisimbolo mismo sa mga tao o sa mga mamamayan na naroroon sa lugar na
iyon.
Araw at Apoy: Ito ay sumisimbolo sa pang-araw-araw na pag-asang dala ng bawat umaga. Ito
rin ay kumakatawan sa panandaliang pagnanais na maging Malaya.
Bulaklak: Ito ay sumisilmbolo sa mga panandaliang saya na nararanasan ng mga mamamayan
sa loob ng yungib.
Labas ng Yungib: Ito ay sumisimbolo sa kalayaan. Maaaring pisikal, mental, o maski ano pa
mang estado ng pagiging malaya.

ANO ANG SANANSAY?


Ito ay isang uri ng sulatin na nagpapahayag ng. pananaw o opinyon ng nagsulat nito.
TATLONG BAHAGI NG SANAYSAY:
Panimula – Inilalahad ang panginahing paksa ng isang sanaysay.
Gitna o Katawan – Iba pang karagdagang kaisipan.
Wakas – Kabuuan ng isang sanaysay.
ELEMENTO NG SANAYSAY:
*Tema *Anyo at Estraktura
*Kaisipan * Wika at Estilo
*Larawan ng buhay *Damdamin
*Himig

PARABULA
ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
ANG TUSONG KATIWALA (LUKAS 16: 1-15)
Ito ay isang kwento tungkol sa isang katiwalang naglulustay ng ari-arian. katiwala sapagkat,
totoong nilustay niya ang ari-arian ng kanyang amo. Kaya naman, ginamit niya angkanyang
pagkatuso upang malusotan ito. upangmatakpan ang kanyang nalustay na ari-arian.
TAUHAN:
*Hesus *Mga alagad ni Hesus
*Mayayamang tao n may katiwala *Katiwala
*Mga may utang sa amo ng may katiwala *Mga Pariseo
TAGPUAN: Panahon ni Hesus sa Herusalem.
ARAL: Ang Tusong Katiwala ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa tiwalang ipinagkaloob sa
iyo. Dapat maging tapat ka sa mga taong nagtitiwala sa iyo sa maliit man o malaking mga
bagay.
BANGHAY:
Ang simula ng parabula ay noong ipinatawag ng amo ang kanyang katiwalaat magreklamo sa
di-umanomagandang pamamalakad nito sa negosyokung kaya't sesesantehin daw niya ito ngunit
kailangan magbigayngkatiwala ng ulat tungkol sa mga nakaraang transaksiyon nito.
Ang gitna ay noong nilapitan niya ang lahat ng nagkautang sa kanyangamo at pinapirma ng
kasulatan kungnakasaad ang kanilang utang na masmaliit kaysa sa aktwal na utang nila upang
kung sakali mang masesantesiyaay mayroon man lamang tatanggap sa kaniya.
Ang wakas ay natuwa ang amo sa ulat na ibinigay ng katiwala at hindi nasiya sinesante.

MAIKLING KUWENTO
ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
KWENTO NG TAUHAN
Inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisipaganap upang
mabigyan ng kabuuang pag- unawa sa mambabasa.
ANG KWINTAS |IINULAT NI Guy de Maupassant | ISINALIN NI Alan Derain
TAUHAN:
Matilde Loisel
- Isang maganda at mapanghalinang babae ngunit siya ay isinilang na mahirap.
- asawa ni G. Loisel
- Hindi siya maligaya sa estado ng kanyang buhay
G. Loisel
- Siya ay ang asawa ni Matilde.
- clerk sa isang instruksiyong pampubliko
- mapagmahal na asawa
George Ramponneau
Siya ang nag anyaya sa mag asawang Loisel sa isang sa isang kasiyahan mula sa Ministro ng
Instruksyon Pampubliko.
Madame Forestier
- Siya ang matalik na kaibigan ni Matilde
- nagpahiram kay Matilde ng kwintas na ginamit niya sa pinuntahang kasayahan
TAGPUAN:
Bahay nina G. Loisel at Matilde Loisel
- Dito sila madalas naglalagi at gumagawa ng mga gawaing pambahay
- Dito din niya parating iniisip ang ang pagkahabag sa kanyang sarili dahil sa uri ng buhay
meron siya
Ang sayawan sa palasyo
Dito ginanap ang kasiyahan na dinaluhan ng mag-asawa kung saan lubos na naging maganda at
kapansin-pansin ang kanyang kagandahan dahil sa suot na bestida at kwintas.
Bahay ni Madame Forestier
-Dito nanghiram ng kwintas si Matilde para maisuot sa kasiyahan

NOBELA
Ito ay mahabang pampanitikan na binubuo ng maraming karakter, problema at kabanata.
LAYUNIN
 gumising sa diwa at damdamin
 nananawagan sa talino ng guni-guni
 mapukaw ang damdamin ng mambabasa
 magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
 nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
 nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
 napupukas nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela
KATANGIAN:
*maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
*pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
*dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
*pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
*kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
*maraming ligaw na tagpo at kaganapan
*ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
*malinis at maayos ang pagkakasulat
*maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan
BAHAGI
*Tagpuan *Tauhan
*Banghay *Pananaw
*Tema *Damdamin
*Pamamaraan *Pananalita
*Simbolismo
TAUHANG BILOG – Ang tauhang bilog ay uri ng tauhan na nagbabago ang ugali
TAUHANG LAPAD - Ang tauhang lapad ay uri ng tauhan na hindi nagbabago ang ugali

EPIKO
uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t ibang grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa mga
kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway nahalos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan.
KATANGIAN NG EPIKO
 Ang ilan sa mga katangian ng Epiko ay ang mga sumusunod:
 Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao.
 Mga inuulit na salita o parirala.
 Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta.
 Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-araw na buhay at
kalikasan(halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, at iba pa.)
 Kadalasang umiikot sa bayani kasama ang kaniyang mga mahihiwagang nilalang, anting-
anting, atang paghahanap sa kaniyang minamahal o magulang; ito rin ay
maaaring tungkol sa panliligaw at pag-aasawa.
EPIKO SA IBA’T IBANG LUGAR
Biag ni Lam-ang (Epikong Ilokano) Hudhud (Epiko ng Ifugao)
Ibalon (Epiko ng Bicol) Kudaman (Epiko ng Palawan)
Manimimbin (Epiko ng Palawan) Ullalim (Epiko ng Kalinga)
Hinilawod (Epiko ng Panay) Humadapnon (Epiko ng Panay)
Labaw Donggon (Epiko ng Bisayas) Maragtas (Epiko ng Bisayas)
EPIKO NI GILGAMESH
Siya ay itinuturing pinunong may kayabangan at isang abusado. Kung kaya naman ang kanyang
nasasakupan ay nananalangin na siya ay magkaroon ng katapat upang mawaksi ang kapalaluhan

TAUHAN
1. Anu – ang diyos ama ng langit
2. Ea – ang diyos ng karunungan at nagsilbing kaibigan ng mga mamamayan
3. Enkido – ang matapang na katunggali ni Gilgamesh na kalaunan ay naging matalik niyang
kaibigan
4. Enlil – ang diyo ng mundo pati ng hangin.
5. Gilgamesh – pinuno ng Uruk at pangunahing tauhan ng epiko
6. Ishtar – ang tinaguriang reyna ng mundo at diyos ng digmaan at pag-ibig
7. Ninurta – diyos ng alitan
8. Shamash – diyos na kaugnay ng batas ng mga indibidwal at ng araw
9. Urshanabi – manlalakbay sa dagat na tinatawag na kamatayan
10.Utnapishtim – biniyayaan ng walang hanggang buhay
TAGPUAN
 Uruk – ang lugar na pinaghaharian ni Gilgamesh
 Kagubatan ng Cedar – kagubatang tirahan ni Humbaba na natalo nina Enkido at Gilgamesh.
Pagkatapos ay pinatag ito.
 Kagubatan – nagsilbing tahanan ni Enkido.
ARAL
Ang aral na matutunan sa epiko ay ang tunay at busilak na pagmamahal at pagpapahalaga sa isang
kaibigan na hanggang sa pagkawala nito, walang makatitibag sa tiwala at pagmamahal sa isa’t isa.
TEMA
Kabayanihan at kahalagahan ng pagkakaibigan
BANGHAY
Ang epiko ay nagsimula sa pagpapakilala kay Gilgamesh bilang isang mayabang at abusadong hari ng
Uruk. Dahil sa kayabangan ay nanalangin ang mga tao na ito ay mawakasan kung kaya ipinadala ng
mga diyos si Enkido na nanirahan sa mga kagubatan.

Nang magtagpo ang landas nina Enkido at Gilgamesh naglaban ang mga ito at nagwagi si Gilgamesh.
Subalit sa huli, naging magkaibigang matalik ang dalawa na naging magkasangga pa sa
pakikipaglaban.

Isa sa kanilang natalo si humbaba na kung saan ang tirahan nito ay kanilang pinatag. Dahil sa hindi
natuwa ang mga diyos sa dalawa, itinakda ng mga ito na may isa sa kanila ang mawawala.

Matapos nito ay naratay sa sakit si Enkido at hindi na nabigyang lunas pa kahit na nanalangin at naki-
usap ni Gilgamesh sa mga diyos.
Sa huli, namatay si Enkido na siyang ikinalungkot ni Gilgamesh. Ipinagluksa niya ang kaibigang
matalik sa loob ng pitong araw at pagkatapos ay kanya itong pinatayuan ng estatwa bilang pag-alala.

You might also like