You are on page 1of 19

Ang aking Talambuhay

Ako si Thrisya mae Y. Alia ako ay 13 taong


gulang.Ako ay nakatira sa P-5 San Jose
Malaybalay City.Ipinanganak ako sa San
Jose Malaybalay City.Ang kaarawan ko ay
sa Enero 7,2006.Ako ay nag aaral sa
Bukidnon National High School sa ika-
walong baitang.Ang magulang ko ay sina
Mary Grace Y. Alia at Ruel D. Alia.Ang
trabaho ng magulang ko ay
laborer.Dalawa lang kaming mag
kakapatid ako ang panganay at ang
bunso kong kapatid ay si John Wenne Y.
Alia sya ay 9 taong gulang.Paglaki ko ay
gusto kung maging pulis para
makapaglingkod sa bayan pero gusto ko
ding maging chef dahil hilig ko ding mag
luto.
Unang Markahan
-Talaan ng Nilalaman

•Mga Karunungang Bayan


-Uri.ng Karunungang Bayan
•Panitikan
-Uri ng Panitikan
•Alamat
-Halimbawa ng Alamat
•Epiko
Karunungang Bayan

Ang karunungan bayan ay isang sangay ng panitikan


kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga
kaisipan na nakapapabilang sa bawat kultura ng bawat
tribo.
Ang karunungan bayan ay may kahalagahan para sa
katutubong tradisyon na magiging gabay sa pagbasa at
pagpapanitik - sa anumang wika naisulat ito, ano
panahon, sa pananaw ng isang Pilipino. Sa gayon ay
napatibay ang pagpapahalaga sa mga kultura't
kabihasnan. Masasabi niyang mayroon siyang sariling
tradition ng ibang pook sa daigdig. Maikikintal din sa
kanyang puso at isipan na nararapat na pagyamanin ang
magagandang kinagisnan at higit na pagbutihan ang
kasalukuyang hinaharap.

Ang halimbawa ng karunungang bayan ay:


✔Bugtong
✔Salawikain
✔Sawikain
✔Kawikaan
I.Bugtong
Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o
tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang
isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).

Halimbawa:

1.Pinatay kona,pero bat iniyakan ko pa?

Sagot:Sibuyas

2.Malutong pero di tsitsaron

Pambara sa bunganga ng litson

Sagot:Mansanas

3.Karamay sa tuwing ika'y giniginaw

Pantakip pag ika'y matutulog na.

Sagot:Kumot

4.Naligo si kapitan, pero hindi nabasa ang tiyan.

Sagot:Bangka

5.Sa gabi ay ating gabay

Sa umaga naman ay nakapatay

Sagot:ilaw/kandila

II.Salawikain
Ang salawikain ay binubuo ng mga parirala sa anyong patula na
karaniwang naghahayag ng mga gintong aral. Ang mga
salawikain, kawikaan, kasabihan, wikain, o sawikain ay mga
maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong
magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Naglalaman ito ng mga karunungan.

Halimbawa:

1. Puri sa harap, sa likod paglibak.

2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron.

3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan.

4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya.

5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila.

III.Sawikain
Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salitang
nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay,
pangyayari, kaganapan o sitwasyon o sa pormang patalinhaga.

Mga halimbawa ng Idyoma:

1. Anak-dalita - mahirap

2. Alilang-kanin - utusang wanlang sweldo,pagkain lang

3. Balik-harap - pabuti sa harap,taksil sa likuran

4. Bungang-tulog - panaginip

5. Dalawa ang bibig - mabunganga,madaldal

6. Mahapdi ang bituka - nagugutom

7. Halang ang bituka - salbahe,desperado o hindi nangingimang


pumatay ng tao

8. Makapal ang bulsa - maraming pera


9.Butas ang bulsa-Walang pera

10.Kusang palo-Sariling sipag

IV.Kawikain

Ang kawikaan ay kagay din ng mga tanaga, bugtong salawikain,


atbp. Ito rin ay may dalang aral at kaalaman sa mga mambabasa
ng mga ito. Ang kaibahan lang nito ay ang anyo nito. Ang
panaludturan nito ay tatluhin.

Halimbawa:

1. “Matalino ang nakakakita ng kapahamakan at nagkukubli”

2. “Siyang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging


marunong”

3. “Mga makasalanan ang tinutugis ng kapahamakan, ngunit


mga matuwid ang ginagantihan ng mabuti.”

4. Magtiwala kay Jehovah (tunay na pangalan ng Diyos) nang


iyong buong puso at huwag kang manalig sa iyong sariling
pagkaunawa.

5. “Mas mabuti ang sandakot na kapahingahan kaysa sa


dalawang dakot ng pagpapagal at paghahabol sa hangin.
Panitikan
Ang PANITIKAN ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan,
mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At
ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng
tuwiran o tuluyan at patula.

Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an"


na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At
sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura
(literature), na ang literatura ay galing sa Latin na litterana
nangunguhulugang titik.

Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga


pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t
ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam,
sindak at pangamba.

URI NG PANITIKAN

1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat


ng patalata.

2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng


pasaknong.

Mga Akdang Pampanitikan

Mga akdang TULUYAN O PROSA

*ALAMAT - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa


mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang
nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay
na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.
Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

*ANEKDOTA - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa


kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang
kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at
hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga
pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

*NOBELA - o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong


piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong
60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo,
naging istilo nito ang lumang pag ibig at naging bahagi ng mga
pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may
istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.
Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga
pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas
na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng
hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa
kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming
pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga
pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling
ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling
balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga
kabanata -maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2
o higit pang tauhan.

PABULA - (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-


isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na
walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at
daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging
kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay
ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa.
Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.

*PARABULA- o talinghaga ay isang maikling kuwentong may aral


na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling
salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na
kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang
hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang
kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang
pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung
paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan
sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni
Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng
Diyos.

MAIKLING KWENTO - isang maigsing salaysay hinggil sa isang


mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan
at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining
na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong
paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento
lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay
ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na
"Ama ng Maikling Kuwento."

*DULA - isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro.


Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

*SANAYSAY- isang maiksing komposisyon na kailimitang


naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

TALAMBUHAY- isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng


kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala,
pangyayari o impormasyon.

MGA AKDANG PATULA

Mga TULANG PASALAYSAY - pinapaksa nito ang mahahalagang


mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan
ng tauhan.

*AWIT AT KORIDO - Ang awitin ay musika na magandang


pakinggan. Kadalasang itong maganda kung gusto rin ito ng
makikinig. Mayroon itong tono at sukat. Naglalaman ang isang
awiting ng bahaging pang-tinig na ginagampanan, inaawit at
pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko), karaniwang
sinusundan ng mga intrumentong pang-musika (maliban sa mga
awiting acapella at scat). Kadalasang nasa anyong tula at
tumutugma ang mga salita ng mga awitin, bagaman, may mga
relihiyosong mga taludtod o malayang prosa. Ang mga salita ay
ang liriko.

Ang KORIDO ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng


tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may
sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang
stanza.Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang
pagpapahayag ng mga tula.

*EPIKO- uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at


pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway
na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng
kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga
pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may
maipagmamalaking epiko.

Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang EPIKO (may titik o


sa huli, isang pandiwa) ay isang paglalahad na MAKABAYANI o
BUMABAYANI, samantalang ang EPIKA (may titik a sa huli, isang
pangngalan) ay TULANG-BAYANI, paglalahad na patula hinggil sa
bayani.

May mga epikong BINIBIGKAS at mayroong INAAWIT.

*BALAD - Ang balada ay isang uri o tema ng isang tugtugin.

*SAWIKAIN - Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:

1. IDIOMA, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi


komposisyunal.

2. MOTO, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang


grupo ng mga tao.
3. SALAWIKAIN, mga kasabihan o kawikaan.

*SALAWIKAIN - Ang mga salawikain, kawikaan kasabihan, wikain,


o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang
makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-
araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.

*BUGTONG - Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang


pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na
nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang
bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o
enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga
suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika
na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-
nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga
tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa
sagot.

Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan,


pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.
Bilang isang maikling tula, madalas itong naging paisipan sa
tuwing naglalaro ang mga bata.

*KANTAHIN – (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa


iba't ibang panig ng lugar sa bansa.
Alamat
Ang alamat ay isang uri ng
panitikan na nagkukuwento tungkol
sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Karaniwang
nagsasalaysay ang mga ito ng mga
pangyayari hinggil sa tunay na
mga tao at pook, at mayroong p
nagbatayan sa kasaysayan.
Kaugnay ang alamat ng mga mito
at kuwentong-bayan.

1. Alamat ng Pinya
2. Alamat ng Pilipinas
3. Alamat ng Saging
4. Alamat ng Ampalaya
5. Alamat ng Mangga
6. Alamat ng Sampaguita
7. Alamat ng Lansones
8. Alamat ng Rosas
9. Alamat ng Bayabas
10. Alamat ng Butiki

ALAMAT NG PINYA
Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang anak na si Pina. Inaalagaan niya
itong mabuti at hindi niya pinagagawa sa bahay upang hindi mapagod.
Masaya na siyang nagsisilbi sa anak at gumawa ng lahat ng trabaho sa
bahay. Si Pina ay lumaki sa layaw dahil sa kagagawan ni Aling Rosa.
Gustuhin man niyang turuan itong gumawa sa bahay at magbago ng ugali ay
hindi na niya magawa. Ayaw nang baguhin ni Pina ang kanyang
nakasanayang masarap na buhay. Kung kaya’t napilitan si Aling Rosa na
kahit na matanda na ay siya pa rin ang nagtatrabaho at gumawa ng lahat ng
gawain sa bahay.

Isang araw ay nagkasakit si Aling Rosa. Mahinang-mahina siya at hindi na


makabangon sa higaan. Nagmakaawa siya sa anak na magluto ng pagkain
upang hindi sila magutom na mag-ina.

Masama man ang loob ay pumayag si Pina na magluto at gumawa ng iba pa.
Ngunit pamali-mali dahil hindi siya sanay magtrabaho.

Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa at nagsawa si Pina sa paggawa at pagsunod


sa utos ng ina. Madalas na silang magkagalit. Laging masama ang loob ni
Pina habang gumagawa ng trabaho sa bahay.

Isang araw ay magluluto na naman si Pina. Hindi siya makapagsimula dahil


hindi niya makita ang sandok. Hinanap niya itong mabuti sa loob ng bahay
ngunit di pa rin niya makita. Nagreklamo na siya sa kanyang ina. Inutusan
siya ng ina na bumaba ng bahay at doon hanapin dahil baka nahulog sa lupa.
Nagkakagalit na ang mag-ina dahil sa paghahanap ng nawawalang sandok,
hanggang sa nasambit ni Aling Rosa ang: “Sana’y tubuan ka ng maraming
mata nang makita mo ang iyong hinahanap!”

Ilang oras na ang nagdaan ay hindi pa umaakyat si Pina sa bahay. Lumipas


na ang gutom ni Aling Rosa ay wala pa rin si Pina. Gabi na wala pa rin si
Pina. Nag-alala na si Aling rosa sa hindi pagbalik ni Pina. Nagtanong siya sa
kanilang mga kapitbahay ngunit walang nakakita kay Pina. Hinanap niya
itong muli sa buong kabahayan at sa buong bakuran. Hindi na niya nakita si
Pina.

“ Sana’y tubuan ka ng maraming mata nang makita mo ang iyong


hinahanap! ”Isang araw, sa isang sulok ng kanilang bakuran ay nakita niya
ang isang halaman na ang bunga ay tulad ng isang ulo na maraming mata.
Naalaala ni Aling Rosa ang sinabi sa kanyang anak: “Sana’y tubuan ka ng
maraming mata nang makita mo ang iyong hinahanap!” Napaiyak si Aling
Rosa at iniisip na ang halamang tumubo sa kanyang bakuran ay ang kanyang
anak na si Pina.

Inalagaan niya ang halaman at simula noon ay tinawag niya itong Pinya.

Alamat Ng Rosas

Noong unang panah0n ay may isang magandang dalaga mula sa malayong


bayan ng Tarlac na Rosa ang pangalan.

Bukod sa iwing ganda ay nakilala rin si Rosa na gagawin ang lahat para
mapatunayan ang tunay na pag—ibig.

Ayon sa kwento nakatakda nang ikasal si Rosa kay Mario nang matuklsang
may malubhang sakit ang lalaki. Sa kabila ng lahat ay pinili ng dalaga na
pakasal sila para mapaglingkuran ang lalaki hanggang sa mga huling sandali
ng buhay nito.

Gayunman ay hindi pumayag si Mario. Anang binata ay sapat na sa kanya na


baunin ang pag-ibig ng dala sa kabilang buhay.
Pinaglingkuran ni Rosa si Mario. Hindi siya umalis sa tabi nito. Ang ngiti niya
ang nasisilayan ni Mario sa pagmulat ng mata at ang kanya ring mga ngiti
ang baon nito sa pagtulog.

Ang mga ngiti rin ni Rosa ang huling bagay na nasilayan ni Mario bago
panawan ng hininga.

Ang mga gniti ni Rosa ay hindi napawi kahit nang ilibing si Mario at kahit
nang dinadalaw ang puntod nito at pinagyayaman. Nang tanungin kung bakit
hindi nawala ang ngiti sa mga labi ay ito ang sabi niya.

"Alam kong nasaan man si Mario ay ako lang ang babaing kanyang minahal.
At alam ko rin na maghihintay siya sa akin para magkasama kami na hindi na
maghihiwalay pa."

Naging inspirasyon ng iba ang ipinakitang lalim ng katapatan at


pagmamahal ni Rosa sa katipan.

Bago namatay ay hiniling ni Rosa na sa tabi ng puntod ni Mario siya ilibing.


Kakatwang may tumubong halaman sa kanyang puntod at kayganda ng
naging mga bulaklak.

Tinawag nilang rosas ang mga iyon bilang alaala ng isang dalagang simbolo
ng tunay ng pag-ibig.

ALAMAT NG BAYABAS
Noong unang panahon, may isang bayan na pinamumunuan ng isang sakim
at mapagmataas na hari. Si Haring Barabas ay kinatatakutan ng kanyang
mga sinasakupan ngunit palihim din nila itong kinamumuhian. Walang ibang
alam gawin ang hari kundi ang mag-utos at pagalitan ang kanyang mga
alipin. Ang mga utos pa man din nito ay imposibleng gawin at hindi
makatwiran. Ang hari ay mahilig kumain, matulog at mag-aksaya ng
kayamanan niya.

Nagkaroon ng matinding taghirap sa kanyang kaharian. Hindi maganda ang


naging ani ng mga magsasaka at naging mahina ang benta ng mga
mangangalakal. Ang lahat sa kaharian ay inutusang magtipid upang maka-
alpas sa taghirap na kanilang nararanasan.

Lahat nga ng tao ay gumawa ng kanya-kanyang paraan upang makatipid


maliban sa isang tao. Ang mismong hari na si Barabas ay hindi sumusunod
sa kanyang utos. Walang itong pakialam na naghihirap ang mga taong
kanyang nasasakupan. Patuloy siya sa paglustay ng kanyang kayamanan sa
mga walang kwentang mga bagay.

Habang ang lahat ng tao ay nagtitipid at minsan lang sa isang araw kung
kumain, ang hari ay parang piyesta kung magpaluto sa kanyang mga alipin.
Iba’t ibang putahe ng iba’t ibang mahal na klase ng pagkain ang kanyang
ipinapahanda. At ang masaklap pa dun ay siya lamang ang kakain ng mga
pinaluto niya. Maski sobra ang mga pagkain ay hindi niya niyayaya ang
kanyang mga kasambahay o ang mga taombayan na saluhan siyang kumain.
Ang mga hindi niya maubos ay hinahayaan lang niya hanggang sa tuluyan
na itong masira at hindi na puwedeng makain.

Isang araw habang nagpipiyesta ang hari sa harapan ng kanyang palasyo ay


may lumapit na isang matandang pulubi. Humingi ng limos ang pulubi maski
pagkain na lamang pantawid sa kanyang gutom ngunit hindi pinansin ng hari
ang matanda. Sa halip, pinagtabuyan pa niya ito. Nawawalan daw siya ng
ganang kumain dahil sa mabahong amoy ng pulubi.

Nagalit ang pulubi at sinabi sa hari na dahil sa kasakiman nito ay bibigyan


niya ito ng isang leksiyong hindi niya makakalimutan. Hindi pa natatapos
magsalita ang matanda ay biglang kumulog at kumidlat. Ang hari ay unti-
unting nagbago ng anyo. Nagsisigaw itong humihingi ng tawad sa matanda
ngunit huli na ang lahat. Biglang naglaho ang matanda habang ang hari ay
naging isang ganap na halaman.

Nakita ng taombayan ang lahat ng pangyayari at ng lapitan ang halaman ay


may nakita silang bunga nito. Ito ay bilugan at may koronang nakapatong.
Ito na nga ang kanilang hari na si Barabas na dahil sa kasakiman ay naging
isang halaman.
Mula noon tinawag nila ang halaman na bayabas mula sa pangalan ni Haring
Barabas.

Epiko
Ang Kwentuhang Epiko
Ang terminong Epiko ay isang mahabang tula mula sa makalumang paraan
ng mga pananalita. Karaniwan nang ang tema ng Epiko ay makabayan o sa
kasaysayan, maaaring kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay. Ang
salitang Epiko ay nagmula sa salitang Griyego na "epos" na
nangangahulugang awit. Sa ngayon, ito'y tumutukoy sa pasalaysay na
kabayanihan.

Katangian ng isang Epiko


May mga katangiang natatangi sa Epiko. Narito ang ilan:

Pagbibigay pansin sa pagkatao ng isang tao gaya ng pamilya, personalidad


at sa mga pangalan kasama na ang bansag.
May mga inuulit na mga parirala. Hinahati-hati ito sa serye at nasa himig ng
isang awitin. Maraming bigkasin ito gamit ang musika.
May halong kababalaghan, at eksaheradong mga paglalarawan na kinuhang
inspirasyon ang kapaligiran.
Inihahayag ang kabayanihan, mga matitinding damdamin gaya ng
romantikong pag-iibigan, debosyon sa pagsamba sa Diyos at sa mga diyos-
diyosan.
Sinauna at Makabagong Epiko
Ang mga tao noon ay mahihilig sa mahahaba, malalalim na mga pananalita.
Kaya ang mga Sinaunang Epiko ng mga Pilipino ay mas nararapat na
tawaging ethno-epic. Ito ay dahil ang nilalaman nito ay ang bawat pangkat
etniko at tumatalakay sa mga bayani ng bawat rehiyon at tribo. Ito rin ay
maaaring gawin nang nag-iisa o kaya naman ay grupo ng mga tao na katulad
ng isang chorus, na tumatakbo ng maraming araw at oras.

Ang Makabagong Epiko aykadalasang napapalawig ito sa ibang anyo


ng sining, tulad ng sa teatrong epiko, mga pelikula, musika, nobela, palabas
sa telebisyon at kahit sa mga larong bidyo. Ang mga tema ng kabayanihan
ay nagiging simboliko, ginagamitan ng mga teknolohiya, at maging ang wika
ay kaayon ngayon. Ngunit ang mga tema ay gaya pa din ng kuwento ng
kadakilaan ng kabayanihan.

Mga Halimbawa ng Epiko:


1. Biag Ni Lam-ang - mula sa Epikong Ilokano, Ito ang pinakasikat na epiko ng
Luzon at masasabing epikong Kristyano dahil sa paggamit ng mga terminong
pang-Kristyanismo.

2. Bantugan- mula sa Epikong Mindanao. Si Bantugan ay isang mandirigma


sa kahariang Bumbaran. Maraming digmaan na ang kaniyang naipanalo. Siya
ay naging sagisag ng kagitingan at lakas ng loob.

3. Indrapatra at Sulayman- mula sa Epikong Mindanao.

Ano ito? Tingnan ang link na ito: brainly.ph/question/215191

4. Bidasari- mula sa Epikong Mindanao

5. Hudhud Ang kwento ni Aliguyon at Alim - mula sa Epikong Ifugao

You might also like