Professional Documents
Culture Documents
Uri ng Panitikan
1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata.
Maikling kwento - isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kin
asasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa ito
ng masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng rea
lidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayarin
g naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama
ng Maikling Kuwento."
Dula - isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati ito sa ilang yugto na
maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o ent
ablado.
http://www.slideshare.net/asanet2015/dula-40376935
http://www.slideshare.net/nicholeobillo/halimbawa-ng-impormal-na-sanaysay-at-
pormal-na-sanaysay
Talambuhay- isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang ta
o hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
Halimbawa:
Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa
Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G.
Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa
bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos
siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas
na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng
Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay
ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t
ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa
Paris at Heidelberg.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan
tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga
Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong
Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa
mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat
din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at
inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang
pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.
Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.
Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling
Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay
Luneta).
Talumpati- isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagita
n ng
pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasy
ong
pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Kwentong bayan- (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga ta
uhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang m
arunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-
bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alama
t at mga mito.
Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa
buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
Awit at Korido - Ang awitin ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong maga
nda kung gusto rin ito ng makikinig. Mayroon itong tono at sukat. Naglalaman ang isang
awiting ng bahaging pang-tinig na ginagampanan, inaawit at pangkalahatang tinatangh
al ang mga salita (liriko), karaniwang sinusundan ng mga intrumentong pang-musika (m
aliban sa mga awiting acapella at scat). Kadalasang nasa anyong tula at tumutugma ang
mga salita ng mga awitin, bagaman, may mga relihiyosong mga taludtod o malayang pr
osa. Ang mga salita ay ang liriko.
Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa
impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may a
pat na linya sa isang stanza.Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pag
papahayag ng mga tula.
Kantahin – (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa iba't ibang panig ng
lugar sa bansa.
Tanaga- Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang
-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabata
an.
May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.
Ang migrasyon ay ang paglipat ng tao o isang grupo ng tao mula sa isang lugar papunta
sa ibang lugar sa loob ng maikli o mahabang panahon. Ang pangyayaring ito ang
prosesong ginagawa ng mga indibidwal upang manirahan o mamasukan sa ibang pook
o bansa. Ayon sa pag-aaral na isinagawa noong 2009, ang bilang ng mga Pilipinong
lumalabas ng bansa upang manirahan sa iba’t ibang teritoryo ay tinatayang umaabot na
sa bilang na 8.6 milyon. Samantala, sa loob naman ng bansa, ang Maynila ang lugar na
nagtataglay ng pinakamaraming migrante. Isa sa itinuturong sanhi ng migrasyon ay ang
pagnanais na kumita ng mas malaki ng mga tao upang matugunan ang pangangailangan
ng kanilang sariling pamilya.
Reference: https://www.panitikan.com.ph/glossary/migrasyon
https://www.academia.edu/35095208/MIGRASYON
EPEKTO NG MIGRASYON
Positibong Epekto
1. Nababawasan ang ‘unemployment’ o kawalan ng trabaho at ang mga tao ay
nakakakuha ng mas magandang oportunidad sa pagtatrabaho.
2. Ang migrasyon ay nakatutulong sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga tao.
3. Nakakatulong ito sa pagpapahusay ng buhay panlipunan ng mga tao habang
natututo sila ng mga bagong kultura, kaugalian, at wika na makakatulong upang
mapabuti ang kapatiran o relasyon nila sa iba.
4. Ang migrasyon ng mga bihasang manggagawa at talentadong propesyunal ay
nagbubunga ng paglago ng ekonomiya ng isang rehiyon.
5. Ang mga kabataan ay nakakakuha ng mas magandang oportunidad para sa mataas o
magandang edukasyon.
Negatibong Epekto
1. Ang pagkawala ng mga tao sa isang lugar ay may epekto sa pag-unlad sa dakong
iyon. Nagkakaroon ng ‘brain drain’ o pagkaubos ng kapaki-pakinabang na ‘human
resources’ sa isang bansa sapagkat ang kanilang mahuhusay na propesyunal ay sa ibang
bansa naghahanapbuhay.
2. Ang pagdagsa ng mga manggagawa sa mga lungsod o bayan ay nagdaragdag ng
kumpetisyon sa trabaho, matitirhan, mapapasukang paaralan, at iba pa. Nagbubunga
rin ng overcrowding at heavy traffic sa mga kalsada.
3. Ang pagkakaroon ng malaking populasyon ay nagbubunga ng kakapusan sa mga likas
na yaman, serbisyo, at amenities. Pinalalawak ng migrasyon angmga slum o squatter
area sa mga lungsod na nakapagdadagdag sa mga suliranin tulad ng polusyon, krimen,
at iba pa.
4. Mahirap para sa mga galing sa liblib na probinsiya na mabuhay sa mga lungsod o
bayan dahil walang malinis na hangin. Kailangan din nilang magbayad para sa halos
lahat ng bagay. Kapag hindi kaya ang gastusin, ang mga anak ay lumalaki sa kahirapan
at walang sapat na nutrisyon at edukasyon.
5. Binabago ng migrasyon ang komposisyon ng populasyon ng isang lugar (gaya ng
naganap na hindi pantay na pagkakabahagi ng populasyon sa India). Minsan, ang mga
migrante o dayuhan ay napagsasamantalahan
REFERENCE: https://www.studocu.com/ph/document/baliuag-university/file-
organization/mag-bigay-ng-limang-epekto-ng-migrasyon/25210052