You are on page 1of 15

LEONARD ALEXIS E.

BALTE

PANITIKANG FILIPINO

 Matalik na magkaugnay ang panitikan at kasaysayan. Sa pagtalakay ng kasaysayan ng


isang lahi, tiyak na kasama rito ang damdamin, saloobin, kaugalian, o tradisyon ng
lahing ito. At ang lahat ng ito kapag naisatitik ay tinatawag na “panitikan ”. Ang
kasaysayan ay naisatitik kaya’t ito’y makatotohanang panitikan.
 Ang lahat ng bagay na naisatitik at tunay na mga nangyari ay makatotohanang
panitikan. Samakatuwid, bahagi ng panitikan ang kasaysayan.

Ang panitikan at kasaysayan ay mayroon ding pagkakaiba.


• Ang panitikan ay maaaring mga likhang isip o bungang isip lamang o mga
pangyayaring hubad sa katotohanan na naisatala.
• Samantala, ang kasaysayan naman ay pawang mga pangyayaring tunay na
naganap, may pinangyarihan, may sanhi ng pangyayari, at may panahon.

Mga Paraan Ng Pagpapahayag


Pasulat man o pasalita, tuluyan man o patula, ang anumang sining ng panitikan ay
maaaring talakayin sa apat na paraan ng pagpapahayag.
1. Pagsasalaysay – Ito’y isang uri ng pagpapahayag na nagsasalaysay ng isang
karanasan.
Halimbawa: “Isang karanasang hindi ko malilimutan.”
2. Paglalahad – Ito’y isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya o konsepto.
Nagmumungkahi rin ito ng paraan ng paggawa ng isang bagay. Tumatalakay rin ito sa
suliranin, nagbibigay dahilan at nagpapayo ng mga kalutasan.
Halimbawa: “Ano ang panitikan?”
3. Paglalarawan – Ito’y isang paraang naglalarawan ng isang bagay, tao, o lunan. Ang
ma detalye ng mga katangian o kapintasan ng tao o bagay na namamalas ay
nababanggit dito.
Halimbawa: “Maynila…Kukay Anyo ng Lahi.”
4. Pangangatwiran – Naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga nakikinig na
pumanig sa opinyon ng nagsasalita o sa sumulat ang paraang ito. Malinaw na mga
katwiran at sinasamahan ng mga pagpapatunay upang lalong mapaniwala sa kaniyang
mga kuru-kuro ang mga mambabasa o nakikinig.
Halimbawa: “Kailangan ang tapat na pagtawag at pananalig sa Diyos sa anumang
oras”

BAKIT DAPAT MAG-ARAL NG PANITIKAN


May limang mahahalagang bagay kung bakit dapat tayong mag-aral ng Panitikang
Pilipino.
UNA: Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos ang ating
minanang yaman ng isip at angking talino ng ating pinanggalingang lahi.
IKALAWA: Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na tayo ’y may dakila at
marangal na tradisyong siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang
nakarating sa ating bansa.
IKATLO: Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at
makapagsanay na ito’y matuwid at mabago.
IKAAPAT: Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat at
magsikap na ito’y malinang at mapaunlad.
IKALIMA: Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay
kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.
MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYARI SA PANITIKAN
May mga mahahalagang bagay na nakapangyayari sa panitikan. Ito ’y ang mga
sumusunod:
1. Ang Klima – ang init o lamig ng panahon, ang bagyo, unos, baha at ulan ay
malaki ang nagagawa sa kaisipan at damdamin ng manunulat.
2. Ang hanapbuhay o gawaing pang-araw-araw ng tao – Nagpapasok ng mga
salita o kuru-kuro sa wika at panitikan ng isang lahi ang tungkulin, hanapbuhay,
o gawaing pang araw-araw ng mga tao.
3. Ang pook o tirahan – Malaki ang nagagawa nito sa isipan at damdamin ng tao.
Kung ang pook na kinatitirahan ng mga tao ay may magagandang tanawin,
mahalaman, maaliwalas, sagana sa kabukiran, madagat at mabundok, ang mga
ito’y siyang magiging paksa ng panitikan ng mga taong nagnanasang sumulat.
4. Lipunan at pulitika – Nasasalamin sa panitikan ng isang lahi ang sistema ng
pamahalaan, ang ideolohiya at ugaling panlipunan, at gayun din ang kultura ng mga
tao.
5. Edukasyon at pananampalataya – Kung busog ang isipan, dala ng malawak na
edukasyong natutuhan, ang mga ito’y mababakas sa panitikan ng lahi. Ang
pananampalataya ay pinapaksa rin ng mga makata at manunulat.

MELBETH S. BOGAYAN

MGA IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN


 Ang panitikan ay nagpapaliwanag ng kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng
lahing pinanggalingan ng akda.
 Dahil sa panitikan nagkakalapit ang damdamin ng mga tao sa sandaigdigan.
Nagkakahiraman sila ng ugali at palakad at nagkakatulungan.

NAGDALA NG IMPLUWENSYA SA BUONG DAIGDIG


BANAL NA KASULATAN O BIBLIYA – ito ang naging batayan ng
kakristiyanuhan. Mula ito sa palestino at gresya.
KORAN – ang pinaka bibliya ng mga Muslim. Galing ito sa Arabia.
ANG ILIAD AT ODYSSEY- Ito ang kinatutuhanan ng mga mitolohiya at
pananampalataya ng Gresya. Akda ito ni Homer.
ANG MAHABARATA- Ito ay ipinalalagay na pinaka mahabang epiko sa buong
daigdig. Naglalaman ito ng kasaysayan ng pananampalatay ng Indiya.
CANTERBURY TALES - Naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng
mga Ingles noong unang panahon. Galing ito sa Inglatera at sinulat ni Chaucer.
UNCLE TOM’ S CABIN – Akda ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos.
Kababasahan ito ng naging karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging
batayan ng demokrasya.
ANG DIVINE COMEDIA – Akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng
pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano ng panahong yaon.
ANG EL CID COMPEADOR- Nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga
kastila at ng kanilang kasysayang pambasa.
AWIT NI ROLANDO- Kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesyalles ng
Pransya. Nagsasalaysay ng gintong panahon ng Kristiyanuhan sa Pransya.
ANG AKLAT NG PATAY- Naglalaman ito ng mga kulto ni Oris at ng mitolohiya at
teolohiya ng Ehipto.
ANG AKLAT NG MGA ARAW- Akda ito ni Confucio ng Tsina. Naging batayan ng
mga Intsik sa kanilang pananampalataya.
ISANG LIBO’ T ISANG GABI- Mula iro sa Arabia at Persya. Nagsasaad ng mga
ugaling pampamahalaan, pangkabuhayan, at panlipunan ng mga Arabo at
Persyano.

PANGKALAHATANG URI NG PANITIKAN


TULUYAN- Mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap
PATULA- mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma,
taludtod, at saknong

ANG MGA AKDANG TULUYAN


 NOBELA – mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata. Hango
sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa
mahabang panahon.
 MAIKLING KWENTO – salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang
pangyayari sa kakintalan.
 DULA- itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan. Nahahati ito
sa isang yugto, at sabawat yugto ay maraming tagpo.
 ALAMAT- salaysaying hubad sa katotohanan. Tungkol sa pinagmulan
ng bagay ang karaniwang paksa rito.
 PABULA- salaysayin din itong hubad sa katotohanan ngunit ang
layuni’y gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring
makanunubog ng kanilang ugali at pagkakilos.
 ANEKDOTA- likhang- isip lamang ng mga manunulat ang mga
maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapagbigay-
aral sa mga mambabasa.
 SANAYSAY- pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng may-akda
tungkol sa isang suliranin o pangyayari.
 TALAMBUHAY- tala ng kasaysayan ng uhay ng isang tao. Maaaring
ito’y pang-iba o pansarili.
 BALITA- isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayayri sa
lipuan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba
pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong
dagat.
 TALUMPATI- pagpapahayag ng binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig.
 PARABULA – salaysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota.
MYLENE ABIHAY AT TRISHIA ZABALA

TULANG LIRIKO

Tulang Liriko o Padamdamin


 Itinatampok sa Tulang ito ang sarilimg damdamin at maging ang
pagbubulay-bulay ng makata.
 Pinakamatandang uri ng tulang naisulat sa kasaysayan ng daigdig.

MGA URI NG TULANG LIRIKO

AWITING BAYAN
 Karaniwang paksa nito ay pag-ibig , kawalang pagasa o
pamimighati, pangamba, kaligayahan,pagasa at kalungkutan.
Halimbawa:
 CHIT CHIRIT CHIT
 LERON LERON SINTA
 LUPANG HINIRANG
 BAHAY KUBO AT DALAGANG BUKID

SONETO (DALITWARI)
 Ang tulang ito ay tungkol sa damdamin at kaisipan.
 Nagsasaad ng daloy ng emosyon sa paglalahad dahil sa
pagkakahati nito sa iilang bahagi.
 May labing apat na taludtod.

Halimbawa
NASIRANG PAG-IBIG
Lahat-Lahat ay aking ibinigay.
Halos kalahati ng aking buhay.
Inakalang mawawala ang lumbay.
Kapag sa puso mo ako’y naglakbay.
Ngunit ako’y niloko,
Sinaktan ang kawawang puso.
Iniwan saka pinagpalit.
Kaya sa sarili ko ako’y nanliliit.
Hindi mawawala itong sakit.
Pagkat ang sinapit ko’y napakapait.
Ngunit ngayon ako’y natuto.
Kailanma’y di na magpapauto.
Iingatan na itong puso,
Ilalaan para sa tamang tao.

ELEHIYA ( DALITLUMBAY)
• Tula ng pagtangis o pagalala sa isang yumao.
DALIT:
Ang tulang ito ay kilala bilang awit sa pagsamba sa anito. Ito ay awit ng papuri sa
Diyos o di kaya naman ay sa Birheng Maria na ina ng Diyos o sa Relihiyon.
• Noong araw, ito ay isang awitin tungkol sa Diyos at pananampalataya.
Nabibilang din sa uring ito ang tula ng pagmamahal at pagkalugod na ang
layunin ay pagdakila at pagpaparangal.
Awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng
kaunting pilosopiya sa buhay.

HALIMBAWA:
DALIT KAY MARIA
O Mariang Sakdal Dilag,
Dalagang lubhang mapalad,
Tanging pinili sa lahat
Ng Diyos Haring mataas.
Itong bulaklak na alay
Ng aming pagsintang tunay,
Palitan mo, O Birheng Mahal
Ng tuwa sa kalangitan.
(Koro)
Halina’t tayo’y mag-alay
Ng bulaklak kay Maria
Halina’t at magsilapit dini sa birheng marikit
Na inang kaibig ibig dakilang reyna sa langit
Nang ampunit saklolohan tayong mga anak niya

PASTORAL:
• Ito ay ang tulang tungkol sa bukid.
• Ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.
• Ang tulang pastoral ay hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at
pagpapastol. Ito ay tulang pumapaksa at naglalarawan tungkol sa simpleng
paraan ng pamumuhay, pag-ibig at iba pa.
• Sa Pilipinas ito ay tulang naglalahad ng buhay-buhay sa bukid at pagpapahalaga
sa gawain at pamumuhay sa bukid.

HALIMBAWA:
Bayani ng Bukid
ni: Alejandrino Q. Perez
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.

Ang kaibigan ko ay si Kalakian


Laging nakahanda maging araw-araw
Sa pag-aararo at paglilinang
Upang maihanda ang lupang mayaman
Ang haring araw di pa sumisikat
Ako’y pupunta na sa napakalawak
Na aking bukiring laging nasa hagap
At tanging pag-asa ng taong masipag.

Sa aking lupain doon nagmumula


Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.
Sa aking paggawa ang tangi kong hangad
Ang aki’y dumami ng para sa lahat
Kapag ang balana’y may pagkaing tiyak
Umaasa akong puso’y nagagalak.

At pagmasdan ninyo ang aking bakuran


Inyong makikita ang mga halaman
Dito nagmumula masarap na gulay

Sa aming paligid namamalas pa rin


Ang alagang hayop katulad ng kambing
Baboy, manok, pato’y alay ay pagkain
Nagdudulot lakas sa sariling atin.

Ako’y gumagawa sa bawat panahon


Na sa aking puso ang taos na layon
Na sa bawat tao, ako’y makatulong
At nang maiwasan ang pagkakagutom.
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.

ODA:
• Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang uri ng damdamin, walang
tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.
• Nagpapahayag din ito ng matayog na damdamin at kaisipan ng makata. Sa
matandang panulaan, karaniwang ito’y isang awit ng papuri patungkol sa mga
pambihirang nagawa ng isang dakilang tao, bansa o anumang bagay (buhay
man o patay) na maaring papurihan sa pamamagitan ng pagtula.

Halimbawa:
Tumangis si Raquel
Wala na ang lusog ng hinubdang dibdib
Wala na ang bango ng labing nilanta.
Ang mga buwitre’y nagpipiging
Sa katawang tinubos
Ng tatlumpung putol na pilak.

MARY JOYCE ABIAR

(Epiko ng mga muslim)


*isinatula ni Bartolome DEl valle
b. Awit at kurido- ang mga ito’y may mga paksang hango
sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna,
prinsepe’t prinsesa. Ang dalawang ito’y nagkakaisa sa
kaharian. Ang awit ay may sukat na labindalawang (12)
pantig at inaawit nang mabagal sa saliw ng Gitara o
bandurya, samantalang ang kurido’y may sukat na walong
(8) pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa.

Halimbawa ng kurido: buhay na pinagdaanan ni donya


mariang asawa ng ahas

k. balad- ito ay may himig na awit dahilang ito ay inaawit habang may
nagsasayaw. Ito ay nilikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan ay
napapasama na ito sa tulang kasaysayan na may anim hanggang walong pantig.

2. Tula ng damdamin o tulang liriko- ang uring ito ay


nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o
kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guni-guni ng makata na batay sa
isang karanasan. Karaniwang maikli, likas, at madaling maunawaan ang mga ito.

IVY ZANTUA
MGA AKDANG PATULA

ANG TULA
Ang pagsulat ng tula ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat dito ay
nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita,pagbilang ng mga pantig, at
paghahanap ng magkakatugmang mg salita upang maipadama ang isang damdamin o
kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat.
Bagama’t sa kasalukuyan ay unti-unti ng nawawala ang sukat at tugma ng isang
tula , lalo’t ang makabagong manunulat ay naniniwala sa kaisipang malayang
taludturan.
Sa isang tula ay maaaring may tatlong interpretasyn o pakahulugan;
Sa manunulat
Sa guro at,
Sa magaaral
Bagama’t ang pinakadiwa ay iisa lamang.
Ang tula ayon kay;
Julian Cruz Balmaceda - “Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng
kagandahn, ng karikitan na natitipon sa isang kaisipan upang maangkin ang karapatang
matawag na tula.”
Ang tula ayon kay;
Iñigo Ed. Regalado -Ang tula ay kagandahan,diwa,katas,larawan,at kabuuang
tonong kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.”
Ang tula ayon kay;
Edith Sithwell-”ang tula ay kamalayang napapasigasig.”
Ang mga akdang patula ay may apat na uri ; tulang pasalaysay, tulang paawit o
liriko, tulang padula o pangtanghalan at tulang patnigan.

TULANG PASALAYSAY
Ang uring ito ay naglalarawan ng mahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay,ang
mga suliranin at panganib sa pakikidigma,o kagitingan ng mga bayani.

MGA URI NG TULANG PASALAYSAY


EPIKO- ang mga epiko ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi
mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga kababalaghan.Ito ’y nagbubunyi sa isang alamat
o kasaysayan na naging matagumpay laban sa mga panganib at kagipitan .
AWIT AT KURIDO
Ang mga ito’y may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa
pagkamaginoo at pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari ’t reyna, prinsipe ’t
prinsesa. Ang dalawang ito’y nagkakaisa sa kaharian. Ang awit ay may sukat na
labindalawang pantig at inaawit nang mabagal sa saliw ng gitara o bandurya,
samantalang ang kurido’y may sukat na walong pantig at binibigkas sa kumpas ng
martsa.

Yan lang ang pag uulat naming kay


ser. Sana yung mga sunod na
mareport iword na din para di
maki-ink pag napaprint. Salamat.

You might also like