You are on page 1of 53

ANDREA F.

RAYMUNDO
BTVTED GFD 1301

1. Ano-ano ang anyo ng panitikan? At magbigay ng mga halimbawa nito.

Mga Anyo ng Panitikan:

● Tuluyan o prosa – tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mga


salita sa loob ng pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ng
pangungusap o pagpapahayag.
● Tula o panulaan – ito ay ang pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa
pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinag tugma-tugma

Bawat anyo ay mga iba’t ibang mga akda

Mga akdang tuluyan:

a. Alamat – isang uri ng panitikan na pagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng


mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga
pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa
kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kwentong-bayan.

b. Anekdota – isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang


pangyayari na naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may
dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga
pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

c. Nobela o kathambuhay– isang mahabang kwentong piksyon na binubuo ng iba’t


ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong
ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga
pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang
tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

d. Pabula – isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga
bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga,
pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa
mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang
mambabasa. Tinatawag din itong kathang kwentong nagbibigay-aral
e. Parabula - ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan
ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang
inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at pwersa sa kalikasan na pawang
kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.

f. maikling kuwento – binaybay ding maikling kwento – ay isang maikling salaysay


hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang
momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan.

g. Dula – isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

h. sanaysay – isang maikling komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na


kuru-kuro ng may-akda.

i. Talambuhay – isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng


isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

j. Talumpati – isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa


pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

k. Kuwentong-bayan – ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na


kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong
na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan
ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at
mga mito

l. Balita -mga iba’t-ibang makatotohanang pangyayari na nagaganap sa isang lugar o


bansa.
Mga akdang patula:

➔ Tulang Pasalaysay – tumutukoy sa mga pinapaksa ng mahahalagang mga


tagpo opangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
➔ Awit/Korido at Kantahin – musikang magandang pinakikinggan.
➔ Epiko – isinalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga
tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga
tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
➔ Balad – uri o tema ng isang tugtugin.
➔ Sawikain – tumutukoy ito sa:
◆ idioma – isang uri ng sawikain pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyonal.
◆ moto – parirala na nagpapahiwatig ng sentimento ng isang grupo ng mga
tao
➔ Salawikain – mga kasabihan o kawikaan.
➔ Bugtong – pangungusap o tanong na may iba o nakatagong kahulugan.
➔ Tanaga – tumutukoy ito sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na
naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa
pagpapagunita sa mga kabataan.

2. Magbigay ng mga halimbawa ng anyo ng panitikan.

Tuluyan:
Tuluyan ang tawag sa anyo ng panitikan na walang natatanging anyo at walang ritmo.
Karaniwang ginagamit sa paglalarawan ng mga katotohanan o talakayan. Maaring
gamitin sa pahayagan, media, liham, kasaysayan, pilosopiya, at talambuhay.

Mga Uri ng Prosa o Tuluyan:


● kathang - isip
● di - kathang - isip

Mga Uri ng Kathang - Isip:

1. Alamat

Halimbawa:
Ang Alamat Ng Makahiya

Noong unang panahon ay may mayamang mag-asawa, sina Mang Dondong at Aling
Iska. Mayroon silang labindalawang taong gulang na anak na babae na
nagngangalang Maria. Mahal na mahal nila ang kanilang anak.

Si Maria ay responsible at masuring anak. Siya ay masipag at mabait, dahil dito ay


gusto siya ng lahat.

Ngunit ang pagkamahiyain ay isa sa natatanging katangian ni Maria. Dahil sa mahiyain


ay ilang sya sa pakikipag-usap sa mga tao. Para maiwasan niya ang makita o
makisalamuhan sa mga tao, ay palagi niyang kinukulong ang sarili niya sa kanyang
silid.

Mayroong hardin ng mga bulaklak si Maria. Ang mga bulaklak ay magaganda at alam
ito ng buong bayan. Matiyaga at magiliw niyang inaalagaan ang kanyang mga
halaman. Sapagkat dito siya nakakakita ng kaligayahan.

Isang araw, ay kumalat ang balita na isang grupo ng mga bandido ang sumalakay sa
kalapit bayan. Pinapatay ng mga bandido ang mga tao at tinatangay ang salapi ng mga
residente.
Kinabukan, ang mga bandido ay dumating kung saan naninirahan si Mang Dondong at
Aling Iska at ang anak na si Maria. Nakita ni Mang Dondong na parating ang
mgabandido, nagdesisyon siya na itago si Maria sa hardin para sa kaliktasan nito.
Nagtago si Aling Iska sa kanilang bahay, nanginginig sa takot habang naririnig niyang
pilit binubuksan ng mga bandido ang kanilang tarangkahan. Siya ay nagsambit ng
panalangin para sa paghahanda kung ano man ang maaaring mangyari.
“Aking Panginoon!” panalangin ni Aling Iska. “Iligtas nyo po ang aking anak.”
Biglang nabuksan ang pinto. Pumasok ang mga bandido sa bahay at pinalo sa ulo si
Mang Dondong. Nawalan ng malay si Mang Dondong at bumagsak sa lapag.
Sinubukan na tumakas ni Aling Iska pero pinalo rin siya sa ulo.

Ginalugad ng mga bandido ang buong bahay. Matapos kuning lahat ang salapi at
alahas, hinanap nila si Maria. Pero di nila nakita ito. Umalis na ang mga bandido para
nakawan ang ibang pang bayan.

Nang matauhan na ang mag-asawa ay nakaalis na ang mga bandido. Nagmadali


silang pumunta sa hardin para hanapin si Maria. Pero wala doon si Maria. Muli, ay
hinanap nila ang kanilang anak sa lahat ng sulok ng hardin pero wala doon ang
kawawang si Maria.
“Ang anak ko! Tinangay nila ang anak ko!” iyak ni Aling Iska

Biglang-bigla ay naramdaman ni Mang Dondong na may tumusok sa kanyang mga paa.


Nagulat siya dahil may nakita siyang isang maliit na halaman na mabilis na tumitiklop
ang mga dahon nito. Ito ang unang beses na makakita ng ganitong uri ng halaman.
Siya ay lumuhod at tinitigang mabuti ang halaman, ganon din ang ginawa ni Aling Iska.
Pagkatapos ng matagal na panahon na tinitigan ang halaman, ang mag-asawa ay
naniwalang ang halaman iyong ay si Maria. Ginawang halaman ng Panginoon si Maria
para mailigtas sa mga bandido.

Hindi mapigilan di mapaiyak si Aling Iska at Mang Dondong, ang bawat luha na
pumapatak sa halaman ay nagiging isang maliit, bilog na kulay rosas na bulaklak.

Magmula noon ay inalagaan nila ng mabuti ang halaman. Naniniwala sila at alam nila
na ang halaman ay ang anak nilang si Maria. Katulad ng kanilang anak, ang halaman
ay mahiyain din. Dahil dito ay tinawag nila itong “makahiya”, dahil nagtataglay ito ng
katangian ni Maria – pagkamahiyain – at tinawag na nga itong “makahiya”.

2. Nobela o Kathambuhay

Halimbawa:

❖ El Filibusterismo
Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang
pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose
Rizal, na kanyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala
sa bansag na Gomburza or Gomez, Burgos at Zamora. Ito ang karugtong o
sequel sa Noli Me Tangere kung saa’y bumalik ang pangunahing karaketer na si
Ibarra sa katauhan ni Simoun na isang mag-aalahas. Siya ay bumalik upan
maghiganti sa mga taong umapi sa kanya at sa pamahalaang lumapastangan sa
kanilang bayan.

❖ Noli ME Tangere
Ang Nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal ay tungkol sa mga kaganapang
isyung panlipunan ng Pilipinas sa pamamahala ng Pamahalaang Kastila. Mga
isyung panlipunan na hangarin ni Jose Rizal na mabago para sa kalayaan at
karapatan ng mga Pilipino. Marami ang suliranin at problema ng bansa na dapat
bigyang pansin ng mga Pilipino noong panahon ng pagkakasulat ng Nobelang
Noli Me Tangere.
Ang mga ilan sa isyung panlipunan na nakapaloob sa Nobelang Noli Me
Tangere ay ang mga sumusunod:

● Katiwalian at korapsyon ng Pamahalaang Kastila at Simbahan


● Diskriminasyon sa mga kababaihan
● Pagmamaliit at pag-aalipusta sa karapatan ng mga mahihirap
● Kakulangan sa Edukasyon
● Pagsusugal ng mga Opisyal ng Simbahan at Pamahalaan
● Pagiging makapangyarihan ng Simbahan
● Pisikal na Pagpapahirap sa mga Nagkasala

Layunin ni Jose Rizal na buksan ang kaisipan ng mga Pilipinong nahihimbing pa


sa mga tototong nagyayari sa lipunan. Na lumaban sa tamang paraan para
ipaglaban ang karapatan at kalayaan.

❖ Mga Ibong Mandaragit | Amado V. Hernandez


Ang nobelang ito ay nagsasalaysay ng pagbabago at pag aangat ng kalayaan sa
isang lipunan.Si Alejandro Paminutan ang pangunahing tauhan sa kwentong ito.
Ngunit, nung sumama siya sa kilusan, ginamit niya ang pangalang “Mando
Andoy Plaridel”.

❖ Lalaki Sa Dilim | Benjamin M. Pascual


Ang pangunahing tauhan sa nobelang ito ay si Rafael. Isa siyang mayaman at
edukadong ophthalmologist, tomador, pero siya rin ay isang babaero.
Si Ligaya naman ay isang bulag, di-nakapag-aral, at biktima ng gahasa. Siya rin
ang nagbigay liwanag sa madilim na katauhan ni Rafael.

3. Pabula

Halimbawa:

Sino ang Magtatali ng Kuliling?

May isang malaking Pusa na lagi nang aali-aligid upang makahuli ng Daga.
Marami-rami na rin itong nabibiktima. Aabangan niyang lumabas ang Daga at saka ito
sasakmalin at gugutay-gutayin.

Sa sobrang takot ng mga Daga ay nagpulung-pulong sila. Pinag-usapan nila kung


paano nila maiiwasan ang mapanganib na Pusa.
Naging sobra sa ingay ang mga Daga habang nagpupulong. Ang ingay ay nauwi sa
katahimikan nang wala isa mang makaisip ng paraan kung paano maiiwasan ang Pusa.
Sa pagkakataong iyon, nagpakitang gilas ang mayabang na Daga. Tumindig ito at
mayabang na nagsalita.

“May suhestiyon ako upang maiwasan nating lahat ang Pusa.”

Umaatikabong bulungan ang naganap.

“Tumahimik kayo!” utos ng mayabang na Daga. “Maiiwasan lang natin ang ating
kaaway kung tatalian natin ito ng kuliling sa leeg. Kung may kukuliling, alam nating ang
Pusa ay papalapit sa atin.”

“Oo nga. Kung maririnig natin ang kalansing ay makalalayo tayo sa kinatatakutan natin,”
natutuwang sabat ng Dagang Lalawigan.

Kunwaring nakayuko ang mayabang na Daga.

“Pe… pero… sino ang magtatali ng kuliling?” tanong ng Matandang Daga.

“Hindi ako!” gumagaralgal ang boses na sabi ng Dagang Lungsod. “Tiyak na


sasakmalin ako ng Pusa.”

“Lalo namang hindi ako,” nanginginig ang tuhod na sabi ng Dagang Bukid. “Palapit pa
lamang ako ay nangangalmot na ang nasabing Pusa. Tiyak na papatayin ako noon
kapag nilapitan ko!”

Sa katanungang sino ang magkukulyar sa Pusa ay walang sinumang nangahas na


sumagot at gumawa. Lahat ay nabingi sa tawag ng kabayanihan. Pati na ang
mayabang na Daga ay wala ring narinig na anuman.

Aral:
● Balewala ang isang magandang mungkahi kung wala namang may gustong
gumawa o tumulong sa paggawa para makamit iyon.
● Ang tao ay hindi nasusukat sa kahit ano pang ganda ng mga salitang sinabi nya
kundi sa kanyang mga gawa.
Ang Gorilya at ang Alitaptap

Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang


kaibigan. Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong
siya nito. “Hoy, Iput-Iput, bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” Sumagot si Iput-Iput,
“Dahil natatakot ako sa mga lamok.”

“Ah, duwag ka pala”, ang pang-uuyam ng gorilya.

“Hindi ako duwag!” ang nagagalit na sagot ng alitaptap.

“Kung hindi ka duwag, e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” ang pang-aasar ni
Amomongo.

“Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin ay
makikita ko sila kaagad at nang sa gayo’y maipagtanggol ko ang aking sarili”, ang tugon
ni Iput-Iput.

Tumawa nang malakas si Amomongo. Kinabukasan, maaga itong gumising at


ipinamalita sa lahat ng kapitbahay na kaya daw laging may dalang ilaw si Iput-Iput ay
dahil duwag ito. Kaagad na kumalat sa buong bayan ang balita.

Nang mabalitaan ito ng alitaptap, nagalit siya. Dali-dali siyang lumipad patungo sa
bahay ni Amomongo. Gabi noon at natutulog na ang gorilya, ngunit itinapat niya ang
kanyang ilaw sa mukha nito hanggang sa ito ay magising.

“Hoy, gorilya, bakit ipinamamalita mong duwag ako? Upang mapatunayan ko sa’yong
hindi ako duwag, hinahamon kita sa isang labanan. Magkita tayo sa sa plasa sa
susunod na Linggo ng hapon.”

Pupunga-pungas na nagtanong ang gorilya.

“Mayroon ka bang mga kasama?”

“Wala!” ang sigaw ni Iput-Iput. “Pupunta akong mag-isa.”

Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-Iput. Dili’t isang maliit na insekto ang


humahamon sa kanya ng away. Nagpatuloy ang alitaptap.

“Hihintayin kita sa plasa sa susunod na Linggo sa ganap na ikaanim ng hapon!”


“Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libu-libong gorilya na mas
malalaki pa sa akin.”

Sinabi ito ni Amomongo upang takutin ang alitaptap, na sa pakiwari niya ay nasisiraan
ng ulo.

Ngunit sumagot si Iput-Iput, “Hindi ko kailangan ng kakampi. Darating akong mag-isa!


Paalam!”

Pagkaalis ng alitaptap, tinipon ng gorilya ang kanyang mga kasamahan at ipinaalam sa


mga ito ang nakatakdang pagtutuos. Inutusan niya ang mga ito na kumuha ng tig-isang
pamalo na may habang tatlong dangkal at pumunta sa plasa nang ika-anim ng gabi sa
susunod na Linggo. Ikinabigla ito ng kanyang mga kasamahan, ngunit nasanay na
silang sundin ang kanilang pinuno kaya ipinangako nilang pupunta sila sa itinakdang
oras at lugar.

Dumating ang araw ng Linggo. Bago pa mag-ikaanim ng hapon ay nagtipon na ang


mga dambuhalang gorilya sa plasa ngunit nadatnan na nila ang alitaptap na naghihintay
sa kanila. Maya- maya, tumunog ang kampana ng simbahan bilang hudyat ng oras ng
orasyon o pagdarasal. Iminungkahi ng alitaptap sa mga gorilya na magdasal muna sila.
Pagkatapos magdasal, agad sinabi ni Iput-Iput na nakahanda na siya. Inutusan ni
Amomongo ang kanyang mga kasama na humanay. Pumuwesto siya sa una bilang
pagpapakilalang siya ang pinuno ng mga ito.

Dagling lumipad si Iput-Iput sa ilong ng gorilya at inilawan niya ito. Hinampas ng


kasunod na gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakaalis kaya ang tinamaan ng
gorilya ay ang ilong ni Amomongo na halos ikamatay nito. Dumapo si Iput-Iput sa ilong
ng pangalawang gorilya. Hinampas ng pangatlong gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad
itong nakalipad, kaya ang nahampas niya ay ang ilong ng pangalawa na ikinamatay
nito. Muli, inilawan ni Iput-Iput ang ilong ng pangatlong gorilya. Hinampas ng ikaapat na
gorilya si Iput-Iput na kaagad na kalipad. Muli, namatay ang pangatlong gorilya dahil sa
lakas ng pagkakahampas ng ikaapat na unggoy sa ilong nito. Nagpatuloy ang ganitong
pangyayari hanggang si Amomongo na lamang ang natirang buhay na gorilya na halos
hindi makagulapay dahil sa tinamong sakit. Nagmakaawa ito kay Iput-Iput na patawarin
na siya, at huwag patayin. Pinatawad naman siya ni Iput-Iput, ngunit simula ng hapong
iyon, nagkaroon na ng malaking takot ang mga gorilya sa mga alitaptap.

Aral:
● Huwag mong husgahan ang iyong kapwa base sa kanyang laki o liit ng
pangangatawan. Kadalasan kasi ay may mas nagagawa ang mga maliliit na
hindi kayang gawin ng malalaki.
● Iwasan ang pagpapakalat ng maling balita upang siraan ang kapwa.

4. Parabula

Halimbawa:

Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin


Ang kwento sa Bibliya na “Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin” ay hango sa
Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Lucas kabanata 17 talata 11 hanggang 37 (Lucas
17:11-37).

Sa paglalakbay ni Jesus patungong Jerusalem ay dumaan siya sa gitna ng Samaria at


Galilea.

Nang papasok na siya sa isang nayon ay sinalubong siya ng sampung lalaki na may
ketong.

Nakatayo sa malayo ang sampu at sumigaw ng, “Jesus! Panginoon! Mahabag po kayo
sa amin!”

Nang makita sila ni Jesus ay sinabi nitong, “Humayo kayo at pakita sa mga saserdote.”

Sa kanilang paglalakad ay napansin ng isa sa sampung ketongin na sila ay gumaling.


Siya ay bumalik at sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos.

Ang lalaking bumalik ay isang Samaritano. Tinanong ni Jesus kung nasaan ang iba pa
niyang kasama.

“Nasaan ang siyam? Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?”

Pagkaraan ay sinabi ni Jesus sa lalaki, “Tumindig ka’t humayo sa iyong lakad!


Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.”

Aral:
❏ Ang nais ng Diyos ay matuto tayong magpasalamat sa lahat ng pagpapalang
natatanggap natin. Ito man ay maliit o malaking pagpapala, nalulugod ang Diyos
sa taong marunong magpasalamat
❏ Kung may bagay kang nais mong gawin ng Diyos sa buhay mo, sabihin mo sa
kanya kung ano ito at dapat ay magkaroon ka ng malaking pananalig sa Diyos
na magagawa niya iyon.

Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano


Ang parabulang “Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano” ay hango sa Bibliya
na matatagpuan sa aklat ng Lucas kabanata 18 talata 9 hanggang 14 (Lucas 18:9-14).

Isang araw ay may dalawang lalaki na pumasok sa templo upang manalangin, ang isa
ay Pariseo at ang isa ay publikano o maniningil ng buwis.

Tumayo ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito, “O Diyos, nagpapasalamat


ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba – mga magnanakaw, mga mandaraya, mga
mangangalunya – o kaya’y katulad ng publikanong ito. Makalawa akong nag-aayuno sa
loob ng isang linggo; nagbibigay ako ng ikapu lahat kong kinikita.”

Samantala, ang publikano ay nakatayo sa malayo, ni hindi makatingin sa langit at


dinadagukan ang kanyang dibdib. Sinabi niya, “‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na
isang makasalanan!”

Ang publikano ay umuwing kinalulugdan ng Diyos samantalang ang Pariseo ay hindi.


Dahil ang sinumang nagpapakataas ay ibinababa, at siyang nagpapakababa ay
itinataas ng Diyos.

Aral:
❏ Huwag ipagpalagay ninuman na siya ay matuwid, banal, at walang kasalanan.
Ang paghamak sa kapwa ay bagay na hindi kinalulugdan ng Diyos.
❏ Maging mapagpakumbaba sa harapan ng Diyos dahil kagaya ng sinabi ni Jesus
sa Lucas 18:14, “Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang
nagpapakababa ay itataas.”

5. Maikling Kwento

Halimbawa:

Huling Limang Oras


Isinulat ni silentwriter galing sa Wattpad

Tumunog na ang bell. Hudyat para mag uwian na ang mga estudyanteng kagaya ko.
Pero bakit ang aga? Siguro ay nagkaroon na naman ng biglaang pagpupulong ng mga
guro para sa darating na foundation day. Mukhang umaayon sa akin ang tadhana dahil
ngayon din ang pag-uwi ng aking ina galing sa abroad.

Nasasabik na ako dahil noong limang taong gulang lang ako ng huli ko siyang makita.
Ano na kayang itsura nya ngayon na ako ay nasa ikalawang baitang na ng pagiging
high school.

Sa aking pag uwi ay may nasulyapan akong isang babaeng umiiyak, tinulak ako ng
aking pagka usyoso para tanungin kung bakit sya umiiyak.

“Ale, bakit po kayo umiiyak?” na tanong ko sa babae.

“Hindi ko na kasi makikita ang aking anak habangbuhay.”

“Kung hindi ninyo po mamasamain, maari ho ba kayong sumama sa akin upang


mawala ang inyong lungkot, iyon ay kung nais nyo lamang,” ang di ko mawari kung
bakit ko nasabi.

Ang pagtango niya at pag-abot sa akin ng kanyang kamay ay senyales lamang ng


kanyang pagpayag.

Hindi namin namamalayan ang oras habang kami ay magkasama, tila isang panaginip
ang nangyayari. Sa kalagitnaan na aming kasiyahan ay nagwika ang ale, “Maari mo
bang ipikit ang iyong mga mata?”

Sinunod ko ang kanyang utos at gayon na lamang ng maramdaman ko ang pagdampi


ng kanyang mga labi sa aking noo at ang narinig ko ay ang kanyang pagsabi sa akin ng
“Mahal Kita”.

Sa aking pagmulat ay nawala ang ale na hindi ko man lang naitanong kung ano ang
kanyang pangalan. Biglang umihip ang malamig na hangin na niyakap ang aking buong
paligid.

Hindi ko namalayan ang oras. Tiningnan ko ang aking relo.

“Aba, anong oras na kailangan ko na pa lang umuwi” nasabi ko sa aking sarili. Nilisan
ko ang lugar na iyon ng may tanong na hindi ko alam kung kailan masasagot.

Sa aking pag-uwi ay nakita ko ang aking ama na tila kakatapos lang lumuha. Anong
problema? Lumapit ako sa kanya at nagmano. Siya ay biglang nagwika,
“Anak iniwan na tayo ng nanay mo, namatay siya sa aksidente limang oras na ang
nakalilipas.”

Imbis na umiyak ay naitanong ko lang sa kanya kung may litrato siya ng aking ina,
nagulat na lamang ako sa aking nakita…

Hindi nya ako iniwan ng walang paalam. Ipinarating niya sa akin kung gaano ako
kahalaga at kamahal niya.

Siya pala ang ale na aking nakasama kanina, ang umiiyak na ale.

Ang inakala ko na isang istranghero ay ang mahal kong ina. Kahit sa kaunting panahon
ay nakasama ko siya. Sa huling limang oras ay pinuno ang buhay ko ng kasiyahan na
noon ko lang naranasan.

Aral:
★ Laging iparamdam sa mga magulang kung gaano natin sila kamahal. Hindi sa
lahat ng panahon ay makakasama natin sila kaya hangga’t maari ay sabihin
natin ng madalas ang mga salitang “I love you” sa kanila at pahalagahan natin
ang lahat ng sakripisyo nila sa atin.
★ Kung ang iyong Ama o Ina ay nasa ibang bansa, maglaan ng oras upang
makausap sila sa telepono man o sa mga chat. Maliit na bagay ito para sa atin
ngunit sa kanila ay sobrang mahalaga nito. Kahit sa ganoong paraan ay
maiparamdam mo na mahalaga sila sayo at kaya mo ring masakripisyo ng kahit
kaunting oras para lang makasama sila.

6. Dula

Uri at Halimbawa:

Pangunahing uri ng dula


1- Trahedya
Ang trahedya ay isa sa mga klasikal na genre ng mga Greek. Ang mga paksang sakop
ay ang pagkamatay ng tadhana at kamatayan. Ang ganitong uri ng trabaho ay
karaniwang nagtatapos sa pagkamatay ng mga kalaban.
Ang ilang mga halimbawa ng mga trahedya ay: Haring Oedipus ng Sophocy, at ang
mga dula ni William Shakespeare: Hamlet, Romeo at Juliet Y Haring Lear.

2- Komedya
Ayon kay Aristotle, ang mga komedya ay mga gawa na naghahangad na kumatawan sa
mga depekto at bisyo ng mga tao, na pinalalaki ito kaya't nakakatawa sila.
Iyon ay upang sabihin, ang buhay ay sinusunod mula sa isang komiks na pananaw.
Tag-init ng gabi Pangarap Si William Shakespeare ay isang halimbawa ng ganitong uri
ng dula.

3- Tragicomedy
Ang Tragicomedy ay isang uri ng trabaho na pagsasama-sama ng mga elemento ng
dalawang pangunahing dramatikong genre: trahedya at komedya.
Ang ulong ginang ni Lope de Vega o La Celestina ni Fernando de Rojas ay dalawa sa
mga halimbawa ng ganitong teatro na genre.

4- Satire
Ang mga pangungutya ay mga nakakatawang gawa na naglalayon na punahin ang
lipunan sa pamamagitan ng paggamit ng komedya.
Halimbawa, ang katiwalian sa politika, relihiyon, gobyerno, bukod sa iba pang mga
aspeto, ay maaaring kondenahin.
Ang ilang mga kilalang sanaysay na theatrical ay Ang nakakamaong sapatos Y Ang
pag-ibig ni Don Perlimplín kay Belisa sa kanyang hardin, kapwa ni Federico García
Lorca.

5- Opera
Ang Opera ay isang dramatikong form na lumitaw sa Renaissance. Ito ay inilaan upang
mabawi ang mga elemento ng Greek drama sa pamamagitan ng pagsasama sa mga ito
sa mga kanta.
Mahusay na nauugnay sa klasikong musika ang Western opera. Ang ilang mga
halimbawa ng ganitong uri ng trabaho ay Tristan at Isolde ni Richard Wagner, La
Traviata ni Giuseppe Verdi at Madame butterfly nakapuntos ni Giacomo Puccini.

6- Zarzuela
Ang zarzuela ay isang tipikal na gawaing musikal noong ika-17 siglo na lumitaw sa
Espanya. Sa ito, ang musika ay may halong sayaw, mga kanta at deklarasyon.
Ang ilan sa mga pinaka kilalangDoña Francisquita nina Federico Romero Sarachaga at
Guillermo Fernández-Shaw Iturralde o Ang dakot ng mga rosas nakapuntos ni Ruperto
Chapí kapag mayroon kaming impormasyon.

7- Musikal
Ang mga musikal ay isang uri ng mga gawa kung saan ang mga kanta ay hinaluan ng
dayalogo. Magkakaiba sila sa mga opera dahil ang liriko ay hindi liriko. Bilang
karagdagan sa ito, sinamahan ng mga musikal ang pagganap sa koreograpia.
Ang ilang mga halimbawa ng mga musikal ay Masama, West Side Story, Ang mga
miserable, Iwasan, Ang suwail na baguhan, Little Orphan Annie, Bukod sa iba pa.

8- Vaudeville
Ang Vaudeville ay isang uri ng komedya na nakikipag-usap sa mga tema ng komiks at
pag-ibig. Bumuo ito sa Pransya sa pagitan ng ika-18 at ika-19 na siglo.
Ang ilan sa mga sanggunian ng vaudeville ay sina Alfred Hennequin, Eugène Labiche o
Georges Courteline.

9- Panimula
Ang entremés ay isang uri ng trabaho na lumitaw sa Renaissance. Ang mga
pagtatanghal na ito ng dula-dulaan ay ginanap sa pagitan ng mga dramatikong akda.
Karaniwan silang maikli at nakakatawa sa likas na katangian.
Si Miguel de Cervantes ay isang henyo ng hors d'oeuvre, na na-highlight ang ilan sa
kanyang mga nilikha tulad ngAng yungib ng Salamanca Y Ang altarpiece ng
kababalaghan.

10- Farce
Ang farce ay isang uri ng gawaing katulad ng komedya. Ang pinagmulan nito ay
nagsimula pa noong Middle Ages. Ang mga nakakatakot at bulgar na sitwasyon ay
kinakatawan na naghahangad na magpatawa ng mga manonood.
Dramatisadong mga kaganapan ay karaniwang walang katuturan. Ang ilang mga
halimbawa ng charades ay Ang komedya ng mga error ni William Shakespeare at Ay
patay? ni Mark Twain.

11- Pantomime
Ang Pantomime ay isang uri ng comedy ng musikal na nagmula sa Italya at binuo sa
Inglatera.
Ang teksto ng pantomime ay batay sa tradisyonal na mga kwento o kwentong engkanto.
Ang ganitong uri ng trabaho ay nagsasangkot ng madla sa pagganap: inaasahan silang
kumanta sa ilang bahagi o makihalubilo sa mga artista sa ibang mga okasyon.
Mga anak ng paraiso, kasama ang mime na si Jean Gaspard Debureau bilang
pangunahing tauhan, ay isang halimbawa ng ganitong uri.

12- Walang drama


Ang walang drama, tinatawag dinhindi, Ito ay isang pormang panteatro ng Hapon na
nabuo sa pagitan ng ika-14 at ika-15 na siglo. Ang ganitong uri ng dula ay nagsasama
ng mga elemento ng musikal sa sayaw at pagsasadula upang lumikha ng isang
karanasan sa aesthetic.
Ang ilang mga halimbawa ayHeneral Tamura-maru, Ang Pulo ng mga Bamboos ng
diyosa na si Benten o Ang Diosa ng mga bulaklak ng seresa.

13- Kyogen
Ang kyogen ay isa pang pormang Hapon na nakatuon sa mga elemento ng komiks ng
mga aksyon. Hindi ito gaanong nakatuon sa musika tulad ng hindi sa drama.
Susugigawa Ito ay isa sa mga pinaka kinikilalang gawa ng kyogen ng mga nagdaang
panahon.

14- Monologue
Ang monologue ay isang dula kung saan ang mga aksyon ay ginaganap ng isang
solong artista. Maaari silang maging dramatiko, nakakatawa, o matapat. Kaugnay nito,
maaaring bumuo ng mga ito bahagi ng isang pag-play ng isa pang genre.
Ang ilan sa mga pinakatanyag na monologo ay ang "maging o hindi" maging Hamlet,
ilang daanan ng Ang aso sa Palungan ni Lope de Vega o "Puro mga
kamangha-manghang bagay" ni Duncan Macmillan.

15- Gaya
Ang Mimicry ay ang representasyon kung saan naikwento ang isang kuwento sa
pamamagitan ng paggalaw ng katawan, nang hindi gumagamit ng sinasalitang wika.
Ngayong mga araw na ito, ang sentral na pigura ay karaniwang mime, isang tahimik na
karakter na may puting kulay ang kanyang mukha.
Pierrot, Salome o mga bulaklak Ang mga ito ay mga halimbawa ng dula na ginampanan
ng halos lahat ng mga mime.

16- Melodrama
Ang Melodrama ay isang pormang panteatro na nailalarawan sa pamamagitan ng
sobrang pagmamalabis ng balangkas, mga tauhan at dayalogo. Ito ay inilaan upang
apila ang damdamin ng mga artista.
Coeline ni René-Charles Guilbert de Pixérécourt ay ang unang gawa ng ganitong uri.

17- Immersion teatro


Ang Immersion theatre ay isa sa mga pinaka-interactive na form ng teatro sa lahat,
dahil pinapayagan nitong makilahok ng madla.
Halimbawa, maaaring hilingin sa madla na magpasya para sa mga artista, na maaaring
baguhin ang balangkas ng dula.

18- Teatro ng walang katotohanan


Ang teatro ng walang katotohanan ay isang paraan ng kumakatawan sa mga mayroon
ng mga katanungan ng mga tao.
Ang hinahangad ay hindi isang sagot sa mga katanungang ito, ngunit upang
maisagawa ang mga ito sa entablado upang talakayin ng madla sa paglaon.
Ang isa sa mga tumutukoy na katangian ng ganitong uri ng trabaho ay ang
pagkakasalungatan sa pagitan ng wika at mga katotohanan. Iyon ay, ang mga
pinagpalit na dayalogo sa pagitan ng mga artista ay tutol sa mga aksyong isinagawa
nila.
Ang teatro at ang kanyang doble ni Antonin Artaud oNaghihintay kay Godot, ni Samuel
Beckett ang ilan sa mga sanggunian na gawa ng teatro ng walang katotohanan.

Halimbawa ng Dula na Trahedya:

SINTAHANG ROMEO AT JULIET


Sintahang Romeo at Juliet
Hango sa Romeo at Juliet ni William Shakespeare
na Isinalin ni Gregorio C. Borlaza

Unang Tagpo
(Sa pag-iisa ni Romeo. Kinakausap ang sarili)

ROMEO: Bata pa ba ang araw? Mahaba ang malungkot na mga oras.


Walang paglingap ng aking minamahal.
O, nag-aaway na pag-ibig!
O, pag-ibig na nagagalit!
O, kahit na anong sa wala nanggagaling!
Ganito ang pag-ibig kong walang pag-ibig na nadarama.
Pakitaan ako ng isang babaing labis na marikit,
Di ba’t ganda nito’y isa lamang pantawag ng isip
Sa lalo pang may malaking kagandahan?
Sa paglimot, di mo ako ma’aring turuan.
(Sa pag-iisa ni Juliet. Kinakausap ang sarili.)

JULIET: Pag-aasawa’y isang karangalang hindi ko pinapangarap.


Bata pa sa gulang kong labing-apat, banggit ni ina,
Mga dalaga dito ay nagiging ina na.
Sino si Paris? Isang lalaki raw na guwapong-guwapo?
Maiibig ko ba ang ginoo?
Hangad ng magiting na ito, ang pag-ibig ko.
Sa piging mamayang gabi, siya’y makikita ko.
Sa pagbasa ng aklat ng kay Paris na mukha,
Sana nga ay matagpuan ang itinitik ng kagandahang tuwa;
Ikalawang Tagpo
(Nagsimula na ang kasiyahan sa bulwagan. Naroon din si Juliet na nakikipagsayawan.
Darating si Romeo at makikita niya si Juliet sa hanay ng mga babaeng sumasayaw.)

ROMEO: Liwanag ng tanglaw, sa pagtuturo niya’y lumalaki,


Para siyang nakabitin sa pisngi ng gabi,
Katulad ng mamahaling hikaw sa tenga ng babaing Ethiopia,
Kagandahang di dapat gamitin pagkat lubhang mahalaga,
Parang puting kalapating kasama ng mga uwak
Ang binibini ko sa piling ng mga hamak.
Pagkatapos nitong sayaw, titingnan kung saan siya uupo,
Mabibindita ang kamay kong magaspang pag ang kaniya ay nahipo,
Puso ko ba’y mayroon nang minahal? Itakwil mo, mata,
Pagkat ang tunay na ganda’y ngayon ko lamang nakita.
(Makikita ni Tybalt si Romeo. Sisitahin niya ito.)

TYBALT: Ito sa tinig ay marahil isang Montague.


Bakit naparito ang aliping itong mukha’y di mapinta?
Upang kutyain lamang ang ating pagsasaya?
Sa ngalan ng lipi at dangal ng aking angkan,
Ang patayin siya’y hindi masasabing kasalanan.

CAPULET: Bakit pamangkin ko, ano ang ipinagpuputok mo?


TYBALT: Tiyo, ito ay ating kaaway na isang Montague;
Isang buhong na dahil sa galit naparito,
Upang libakin ang kasayahang ito.

CAPULET: Siya ba ang batang si Romeo?

TYBALT: Siya nga, si Romeong buhong.

CAPULET: Masiyahan ka pinsan ko, pabayaan siya.


Parang maginoong tunay ang mga kilos niya,
Dahil sa taglay na dangal at kilos niyang sakdal buti.
Kahit ibayad sa akin ang yaman ng buong bayan,
Hindi ko siya sisiraan sa aking tahanan.
Kaunting tiyaga, huwag mo siyang pansinin.

TYBALT: ‘Pag panauhin ay isang buhong ay angkop iyan.


Hindi ko siya mapagtitiyagaan.
CAPULET: Pagtitiyagaan siya. Bakit, iho
Ganiyan ang sabi ko. Alis ka diyan!
Ako ba ang panginoon dito o ikaw?
Alis ka diyan! Nais mong sumikat, nais mo na ikaw ang masunod!

TYBALT: ‘Pag ang pasensiya’y pinilit kong pumigil sa galit na pag-ayaw,


Nanginginig sa tagisan ang lahat kong mga laman.
Ako ay aalis; subalit ang ganitong panghihimasok
Na ngayo’y waring matamis ay magiging mapait na lubos.
(Lalabas si Tybalt. Magtatagpo ang paningin nina Romeo at Juliet)

ROMEO: Kung lapastangan ng kamay kong hindi marapat,


Ang iyong dambanang banal, ang parusang ilalapat;
Ang mga labi kong dalawa’y namumulang mamamakay
Ay handang hagurin ng halik ang ginaspang ng aking kamay.

JULIET: Mabait na mamamakay, ikaw ay nagkakasala


Sa kamay mong mabuting kilos ang nakikita;
Mga santo’y may kamay na hinihipo ng may-pakay;
At ang pagdadaop-palad ay parang halikang banal.

ROMEO: Kung gayon, santa ko,bayaang gawin ng labi ang gawain na pangkamay!
Sila ay dumadalangin upang ang paniniwala ay hindi mamatay.
(Hahalikan ni Romeo si Juliet.)

JULIET: Kung gayon ay nasa aking labi ang salang sa iyo ay nakuha.

ROMEO: Salang buhat sa labi ko?


O salang malambing na iyong binanggit,
Ang sala ko ay muling ibalik
(Hahalikan niyang muli si Juliet.)

JULIET: Parang pinag-aralan mo ang paghalik.

NARS: Senyorita, nais kang makausap ng iyong ina.

ROMEO: Sino ang kaniyang Ina?

NARS: Aba, binata. Ang nanay niya ay ginang nitong tahanan.


ROMEO: Siya ba’y Capulet?
O kay samang kapalaran!
Ang buhay ko’y utang ng aking kaaway.
Ito na ang ikinatatakot ko, lalo akong hindi mapalagay.

Ikatlong Tagpo

JULIET: O Romeo, Romeo!


Itanggi ang iyong ama’t ang pangala’y itakwil mo!
O kung hindi, isumpa mong ako’y iniibig,
At hindi na ako magiging Capulet

ROMEO: Maghintay pa kaya ako, o ngayon din ay tumugon?

JULIET: Pangalan mo lamang ang masasabi na kaaway ko,


Ikaw ay ikaw rin kung hindi ka man Montague.
Ano ang Montague? Hindi kamay, hindi paa,
Ni braso, mukha, o anumang bahagi pa ng katawang tao.
O, magpalit ka na ng pangalan!
Ang rosas kung tagurian,
Sa ibang taguri’y mananatiling mabango ang pangalan

ROMEO: Susundin ko ang wika mong binitiwan.


Tawagin mo akong mahal at pamuli kong bibinyagan;
Buhat ngayon hindi na ako magiging Romeo.

JULIET: Sino ka bang nagkukubli sa gabing madilim,


Na nakatuklas sa aking lihim?

ROMEO: Sa pangalan, Hindi ko malaman kung paano ipakikilala yaring katauhan.


Ang ngalan ko, santang mahal, ay kinasusuyaan ko
Pagka’t yao’y isang kaaway mo.
Kung nasusulat ‘yon ay pupunitin ko.

JULIET: Hindi ko pa nalalanghap,’ sandaang kataga,


Ng sinabi ng dilang yan,ngunit alam ko na yata.
Hindi ka ba si Romeo, at isang Montague?

ROMEO: Hindi ang kahit alin, o santang butihin, kung kamumuhian mo rin.
JULIET: Paano ka naparito, sabihin sa akin, at saan nanggaling?
Pader dito ay mataas. Mahirap akyatin,
At kung iisipin, ang pook ay kamatayan,
‘Pag natagpuan ka rito ng sino mang aking kasamahan.

ROMEO: Nilundag ko yaong pader sa pakpak ng pagmamahal;


Pagkat ang pag-ibig ay di mapipigil ni’yong batong humahadlang.
Ginagawa ng pag-ibig ang bawat kaya niyang gawin,
Kaya’t ang mga pinsan moy hindi sagabal sa akin.

JULIET: ‘Pag nakita nila ay papatayin ka.

ROMEO: Tamisan mo lang ang titig,


Ay ligtas na ako sa kanilang pagkagalit.

JULIET: Mawala na buong mundo, huwag ka na lamang makita rito.

ROMEO: Nariyan ang talukbong ng gabing tatakip sa akin,


Hindi baleng matagpuan nila ako, iyo lamang mamahalin.

JULIET: Sinong nagturo sa iyo ng lugar na ito?

ROMEO: Ang pag-ibig na nagturo sa aking magmatyag,


Binigyan ako ng payo’t binigyan siya ng pangmalas.

JULIET: O mabait na Romeo,Kung ikaw ay umiibig ay tatapatin mo.


O kung akala mo’y ako’y napakadaling mahuli,
Ang totoo, butihing Montague, labis akong mapagmahal,
Dahil, dito’y maaari mong sabihing kilos ko’y buhalhal;
Ngunit maniwala ka, ginoo, magiging lalong matapat ako
Kaysa mga mukhang mahiwaga dahilan sa tuso.

ROMEO: Binibini ako’y nanunumpa sa ngalan ng buwang iyon


Na nagpuputong ng pilak sa lahat na nariritong punong kahoy.

JULIET: Huwag kang manumpa sa ngalan ng buwang di matimtiman


Na buwan-buwan ay nagbabago sa kaniyang ligiran.
Baka ang pag-ibig mo ay maging kasinsalawahan
Masyadong kaparis ng kidlat na biglang nawawala
Bago masambit ang ‘kumikidlat’. Paalam na mahal!
ROMEO: Iiwanan mo ba akong ganitong di nasisiyahan?

JULIET: Anong kasiyahan ang maaari mong ngayon ay makamtan?

ROMEO: Magpalitan tayo ng tapat ng sumpa ng pag-ibig.

JULIET: Ibinigay ko na sa iyo ang akin bago mo hiningi.

ROMEO: Babawiin mo ba? Anong dahilan sa iyo’y muling ibigay?

JULIET: Tatapatin kita, upang sa iyoy muling ibigay.


Ang kagandahang-loob ko ay kasing lawak ng dagat,
Pag-ibig koy kasinlalim; habang binibigyan kita
Lalong marami ang natitira, kapwa sila walang hanggan.
Maging tapat ka Montague kong matamis
Maghintay ka, ako ay muling babalik.

ROMEO: O, gabing lubhang pinagpala, ako’y nangangamba pagkat ngayong gabi’y


baka ito ay pangarap lamang,Masyadong mapanlito upang maging katotohanan.

JULIET: Tatlong salita, mahal kong Romeo’t paalam nang tunay.


Kung marangal ang hangarin ni’yong iyong pagmamahal,
at hangad mo ay pakasal, pasabihan bukas ako,
Sa tulong ng isang susuguin ko sa iyo,
Kung saa’t kailan mo nais ang kasal ay ganapin;
Ang lahat kong kayamana’y sa paanan mo ay ihahain,
Sa buong daigdig kita susundin.

JULIET: Subali’t kung hindi wagas ang iyong hangarin,


Hinihiling ko sa iyo-
Na ihinto ang iyong pagsuyo’t sa lungkot ako’y iwanan
Bukas ako’y magpapasugo sa iyo.

ROMEO: Mabuhay nawa ang kaluluwa ko

JULIET: Adios, adios matamis na lungkot ng paghihiwalay


Di ako titigil ng kapapaalam hanggang kinabukasan.

Ikaapat na Tagpo
PADRE: Pagpalain ng langit itong banal na gagawin upang pagkatapos ang
pagsisisi’y huwag nating kamtin.

ROMEO: Amen, Amen, ngunit ano man ang lungkot na darating


Ang kagalakan kong matatamo’y hindi dadaigin
Sa sandaling siya’y aking masilayan.
At ang kamatayang salot sa pag-ibig, bayaang dumating
Kasiyahan ko nang siya’y maging akin.

PADRE: Ang marahas na ligaya’y may marahas na hanggahan.


Parang apoy at pulburang namamatay sa tagumpay,
Naghahalikan ay nauubos. Ang pulot na matamis na lubha
Dahilan sa sarap ay nakasusuya,
At ang tamis ay nakasisira sa panlasa.
Kaya’t magtimpi ka sa pag-ibig; ganito ang mahabang pagsinta;
Ang mabilis ay kasabay ng mabagal, dumating sa pinupunta.

JULIET: Magandang gabi po sa mabunying kumpesor ko.

PADRE: Para sa aming dalawa, si Romeo ang pasasalamat sa iyo.

JULIET: Gayon din ako sa kaniya;


O, ang pasasalamat niya ay magiging kalabisan.

ROMEO: A, Juliet, kung ang kaligayahan mo kagaya ng aki’y iipunin at ang


kakayahang iyong angkin.
Ang maglalarawan doon, patamisin ng iyong hininga

JULIET: Pagmamapuring mayaman kaysa sabi-sabi,


Ipinagmamalaki ay laman, hindi palamuti,
Pulubi lamang ang kayang bilangin ang yaman;
Ngunit pag-ibig kong tapat ay labis ang kayamanan
Kahit kalahati ay hindi ko mabilang

PADRE: Madali nating tatapusin na,


Pagkat di kayo nararapat bayaang nag-iisa

Ikalimang Tagpo

BENVOLIO: Si Tybalt na nahulog kay Romeong kamay;


Si Romeo ang nagsabi sa kaniyang malumanay
Na walang k’wenta ang pagtatalunan,
Itong lahat – sinabi niya nang buong hinahon, maaamo ang tingin at yukod ang tuhod –
Hindi makapayapa sa pusong mapusok ni Tybalt na bingi sa payapang panawagan,
Umulos ng armas sa dibdib ni Mercutiong matapang;
Sa galit, ay lumaban, armas sa armas,
At parang isang sundalo’y tinabig ng isang kamay niya
Ang kamatayang malamig, saka ibinalik ng ikalawang kamay
Kay Tybalt na dahilan ang liksing taglay ay biglang gumanti.
Isang inggit na saksak ni Tybalt ang lumagot
Sa buhay ng matapang na si Mercutio.
Kumaykay ng takbo si Tybalt at saka binalikan si Romeo
Na bago la’ng nakaisip na gumanti rito,
At parang kidlat silang nagtagis; bago ko nakuha
Ang armas upang sila’y nabubuwal ay tumakbo si Romeo
Ito ang katotohanan, mamatay man si Benvolio

PRINSIPE: At dahil sa kasalanang iyan.


Siya’y aking ipatatapong biglaan.
Palayasin agad si Romeo,
Katapusan niyang araw pag nahuli rito.
Iligpit ang bangkay at ang utos ko ay sundin
Ang awa’y nakamamatay sa paglingap sa salarin.

Ikaanim na Tagpo

JULIET: Huwebes ng umaga!


Ako’y namamangha sa pagmamadali,
Ako’y pakakasal sa isang taong di pa man nanliligaw.
Hay, ama at ina ko, isang salita ko sana’y dinggin.
Di ako nagmamalaki ngunit nagpapasalamat
Di maipagmamalaki ang kinapopootan ng lahat,
O, matamis kong ina, huwag akong talikuran!
O kung hindi ay ihanda ang aking kamang pangkasal
Sa madilim na libingan kay Tybalt na hinihigan.
Ako’y tutungo kay Padre Laurence na silid,
Upang ikumpisal ang kay Tatay na ikinagalit.

Ikapitong Tagpo
PADRE: Ah, Juliet, batid ko na ang iyong hinagpis;
Ako’y nababahalang labis na abot nitong pag-iisip.
Narinig kong kailangan at hindi mapipigilang
Sa Huwebes na darating ang Konde ay iyong pakasalan.

JULIET: H’wag sabihin, padre, na narinig mo ‘yan


Kundi masasabi kung paano ninyo’y ito maaaring hadlangan.
Kung sa karunungan ninyo’y di makatutulong,
Sabihin man lamang na tama ang nilalayon
At sa tulong ng lansetang ito’y gagawin ko.
Huwag nang mag-atubili, nais kong mautas
Kung ang inyong sasabihin ay hindi makalulunas.

PADRE: Umuwi ka, matuwa’t pumayag kay Paris pakasal .


Miyerkules bukas. At bukas ng gabi, mahiga kang nag-iisa;
Matapos mahiga’y kunin ang garapang ito
At ang lamang alak nama’y tunggain mo.
Pagkatapos nito’y sa mga ugat mo’y maglalagos
Ang pagdaramdam ng antok at ang tibok
Ng pulso mo’y titigil at mawawala,
Walang init o hiningang sa buhay mo’y magbabadha;
Ang rosas mong labi’t mga pisngi ay kukupas
Parang kamatayang nagpipinid sa araw ng buhay:
Bawa’t bahaging malambot ng iyong katawa’y
Maninigas, manlalamig at parang tunay na patay;
Sa ganitong hiram na anyo ng kamatayan
Mamamalagi ka sa loob na apatnapu’t dalawang oras.

Ikawalong Tagpo

NARS: Binibini! Ano ba, binibini!


Juliet! Ano’t nakabihis, magara ang damit, at nahiga uli?
Kailangang gisingin ka. Binibini! Ano ba, binibini!
Juliet! Naku, naku, naku.
Tulong, tulong ang binibini ko’y patay
O kay sawi, bakit pa ba ako isinilang
Kumuha ng alak, madali! Aking ginoo! Aking ginang!
Araw na kasumpa-sumpa, malungkot, hamak, nakamumuhi!

Ika-siyam na Tagpo
(Romeo at Baltazar.Dumating si Baltazar mula sa Verona dala ang masamang balita
para kay Romeo.)
ROMEO: Balitang buhat sa Verona! Baltazar, anong iyong masasabi?
Wala ka bang dalang sulat na buhat sa Padre?
Kumusta ang aking ginang? Mabuti ba ang aking ama?
Ang muli kong itatanong, kumusta ba ang aking Juliet?
Walang magiging masama kung mabuti ang kalagayan niya

BALTAZAR: Kung gayo’y mabuti, siya’y walang magiging masama.


Ang kaniyang bangkay sa libinga’y namamayapa,
At ang kaniyang kaluluwa’y kasama ng mga anghel.
Nakita ko siyang inilibing sa tumba ni Capel.

ROMEO: Gayon ba? Kung gayon ay humarang na ang mga bituin!


Aalis ako ngayon din! Wala bang sulat ang Padreng sa iyo’y padala?

BALTAZAR: Wala po, mabuti kong panginoon.

ROMEO: Ano ang dapat kong gawin?


May naalala akong isang butikaryo,
Na sa dakong ito nakatira, napansin ko.
(Sa may Butikaryo)

BUTIKARYO: Sinong tumatawag ng kay lakas?

ROMEO: Nakikita kong ikaw ay mahirap.


Heto ang apatnapung ducado.
Bigyan ako agad ng isang lagok na lasong kakalat
Upang mamatay ang iinom na sa buhay ay nagsawa na.

BUTIKARYO: Mayroon nga akong lason; ngunit parusa ng batas ng Mantua’y


kamatayan sa magbili na pangahas.

ROMEO: Ang mundo’t ang batas ay hindi mo kaibigan;


Walang batas sa mundong sa iyo ay magpapayaman;
Huwag mamalagi sa hirap, labagin ang batas, kunin mo iyan.

BUTIKARYO: Ilahok mo ito sa kahit na anong tunaw at saka inumin.


At kung ang lakas mo’y katimbang
Ng sa dalawampung katao, ay bigla kang mamamatay.
Ika-sampung Tagpo

JUAN: Banal na padreng Pransiskano, kapatid ko!


Samantalang humahanap ng kasama,
Pinakuan ang pintuan at di kami pinalabas
Kaya’t ang bilis ng pagtungo ko sa Mantua ay napigil agad.

PADRE: Sino ang nagdala ng sulat ko kay Romeo?

JUAN: Wala akong mapagdala – narito nang muli –

PADRE: Malungkot na kapalaran!


Ang sulat ay hindi biro
kundi mayrong nilalamang mahalagang bagay

Ika-labing-isang Tagpo

ROMEO: O mahal ko! O asawa ko!


Ang kamatayang humigop ng pukyutan ng iyong hininga
Sa takot na ganito nga, ako’y titigil sa iyong piling,
Dito, dito na ako tatahan
Kasama ng mga uod na iyong utusan.
O dito ko gaganapin ang pamamahingang walang hanggan
Mga mata; katapusang yakap, mga kamay; hayo na’t tatakan
Mga labi ng makatarungang halik, sa pintuan ng hininga
Ang kasunduan namin ni kamatayang walang hanggan!
Halika na, aking tagaakay na mapait at hindi mainam
(Iinumin ang lason.)
O tapat na butikaryo! Mabisa ang lason.
Matapos ang isang halik, mamamatay ako.

(Pagkalipas ng itinakdang oras ay muling nagising mula sa hiram na kamatayang


sinapit ni Juliet.)

JULIET: Ano ito? Lason, nakita ko, ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.
O, inubos niya at walang nalabi kahit kapatak man lamang upang tumulong sa akin?
Hahagkan ko iyong labi baka sakaling may lason pang natira kahit konti
Upang ang gamot na halik ay lumagot sa buhay kong sawi.
Oh, mabuting balaraw!
Ang puso ko ang bayaan mo; tumimo ka riya’t bayaang ako’y mamatay
(Sasaksakin ni Juliet ang kaniyang sarili.)

BABAE: Kapayapaang mahilom ang dulot nitong umaga


Ang araw ng kalungkuta’y hindi ngayon pakikita
Lumakad na kayo’t pag-uusapan pa ang malungkot na naganap
Ang iba’y patatawarin at sa iba’y parusa ay ilalapat;
Sapagkat wala pang makakasinlungkot
Ang naging buhay ni Juliet at ni Romeo na kaniyang irog.

7. Kwentong-bayan

Halimbawa:
Kung Bakit Dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw

Taga-lunsod sina Roy at Lorna. Ibig na ibig nila ang pagtira sa bukid nina Lola Anding at
Lolo Andres tuwing bakasyon. Marami at sariwa ang pagkain sa bukid. Bukod dito,
marami rin bagong karanasan at kaalaman ang kanilang natutuhan.

Isang tanghali, habang nangangakyat ang magkapatid sa punong bayabas, ay


kitang-kita nila ang lawin na lumilipad pababa. Nagtakbuhan ang mga sisiw sa ilalim ng
damo. Naiwan ang inahing manok na anyong lalaban sa lawin.

Mabilis na bumaba sa punong bayabas ang magkapatid at sinigawan nila ang lawin na
mabilis na lumipad papalayo. Natawag ang pansin nina Lola Anding at Lolo Andres sa
sigaw ng magkakapatid. Mabilis silang nanaog ng bahay at inalam kung ano ang
nangyayari.

Kitang-kita po namin na dadagitin ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok kaya
sumigaw po kami, paliwanang ni Roy.

Lolo, bakit po ba dinadagit ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok? tanong ni Lorna.

May magandang kuwento ang inyong Lola Anding na sasagot sa inyong tanong na
iyon, sagot ni Lolo Andres.

Halina na kayo sa upuang nasa lilim ng punong bayabas, wika ni Lola Anding. Makinig
kayong mabuti. Ganito ang kuwento.

Noong araw, magkaibigan si Inahing Manok at si Lawin. Minsan, nanghiram ng singsing


si Inahing Manok kay Lawin upang gamitin niya sa pista sa kabilang nayon. Naroroon si
Tandang at ibig niyang maging maganda sa paningin nito. Tinanggal ni Lawin ang suot
niyang singsing at ibinigay niya ito kay Inahing Manok.

Ingatan mong mabuti ang singsing ko, Inahing Manok. Napakahalaga niyan sapagkat
bigay pa iyan sa akin ng aking ina.

Maluwag sa daliri ni Inahing Manok ang hiniram sa singsing ngunit isinuot pa rin niya
ito.

Salamat, Lawin, wika ni Inahing Manok. Asahan mong iingatan ko ang iyong singsing.

Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagbihis na si Inahing Manok. Isinuot niya ang


hiniram na singsing at pumunta na sa kabilang nayon. Maraming bisita si Tandang at
nagsasayawan na sila nang dumating si Inahing Manok. Nang makita ni Tandang si
Inahing Manok ay kaagad niyang sinalubong nito at isinayaw. Masaya ang pista.
Sari-sari ang handa ni Tandang. Tumagal ang sayawan hanggang sa antukin na si
Inahing Manok.

Pagkagising ni Inahing Manok ng umagang iyon ay napansin niyang nawawala ang


hiniram niyang singsing kay Lawin. Natakot si Inahing Manok na baka tuluyang mawala
ang hiniram niyang singsing. Kaya hanap dito, hanap doon, kahig dito, kahig doon ang
ginawa ni Inahing Manok. Ngunit hindi niya makita ang nawawalang singsing. Nagalit si
Lawin at sinabi na kapag hindi nakita ni Inahing Manok ang singsing ay kukunin at
kanyang dadagitin ang magiging anak na sisiw ni Inahing Manok.

Araw-araw ay naghahanap si Inahing Manok ng nawawalang singsing. Maging ang iba


pang inahing manok ay naghahanap na rin ng nawawalang singsing upang hindi dagitin
ni Lawin ang kanilang mga sisiw. Ngunit hindi nila makita ito hanggang tuluyan nang
magkagalit si Lawin at si Inahing Manok.
Namatay na si Inahing Manok at namatay na rin si Lawin ngunit magkagalit pa rin ang
humaliling mga inahing manok at lawin. Magmula na noon hanggang sa kasalukuyan ay
di pa nakikita ang nawawalang singsing kaya dinadagit pa ng lawin ang mga sisiw ng
inahing manok.

Mga Uri ng Di - Kathang - Isip:

1. Anekdota

Halimbawa:
TSINELAS NI JOSE-RIZAL

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong
luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang
sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.

Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha


sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at
mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa
tubig.

Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang ay ginagamit


namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa
gumamit ng kalabaw o ng karetela.

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang


isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga
lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.

Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko
ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.

Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali
kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa
bangka.

“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na
nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas
ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.

Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad
ko.

2. Balita

Halimbawa:
https://youtu.be/Ua42BZP-F2E
https://www.fda.gov/consumers/consumer-updates/mag-ingat-sa-mga-pekeng-pa
gsusuri-bakuna-paggamot-para-sa-coronavirus

Mag-ingat sa mga Pekeng Pagsusuri, Bakuna at Paggamot para sa Coronavirus

Habang tayo ay nagtutulungan upang mapabagal ang pagkalat ng sakit na coronavirus


(tinatawag din na COVID-19), ang ilang mga tao ay maaaring matuksong bumili o
gumamit ng mga kaduda-dudang produkto na nagsasabing makakatulong sa pagsusuri,
paggamot, paglunas at pag-iwas sa COVID-19.

Ang Kagawaran ng Pagkain at Tagapangasiwa ng Droga kamakailan ay nag isyu ng


Emehensiyang Paggamit ng bakuna para sa COVID-19. Para sa karagdagan, ang FDA
ay nakikipagugnayan at nakikipagtulungan sa mga iba pang kumpanya na
nagmamanupaktura ng bakuna at mga gamot, mga nagdedebelop at nagsisiyat para
mapabilis ang paggawa at pagkakaroon ng ng mga medikal na produkto tulad ng
karagdagang bakuna, antibody at mga gamot para maiwasan at malunasan ang
COVID-19.

Samantala, ang ilang mga tao at kumpanya ay sinusubukan na kumita mula sa


pandemikong ito sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga hindi napatunayan at iligal na
ipinagbebentang mga produkto na gumawa ng maling pag-angkin, tulad ng pagiging
epektibo laban sa coronavirus.

Ang mga pekeng produktong ito na umaangkin na may kakayahang gamutin, mag lunas
o pigilan ang COVID-19 ay hindi sinuri ng FDA para sa kaligtasan at pagiging epektibo;
maaari itong maging mapanganib sa iyo at sa iyong pamilya.

Ang FDA ay partikular na nababahala na ang mga peke at mapanlinlang na mga


produkto ay maaaring magpabagal sa mga Amerikano o itigil ang naaangkop na
medikal na paggamot, na maaaring humantong sa malubha at nakamamatay na
pinsala. Malamang na ang mga produktong ito ay hindi mabisa tulad ng kanilang
inaangkin, at ang mga sangkap nito ay maaaring maging sanhi ng masamang epekto at
maaaring magkaroon ng reaksyon sa, at posibleng makagambala sa, mahalagang mga
gamot.

Ang FDA ay may mga nakita ring hindi awtorisado at pekeng kit sa pagsusuri para sa
COVID-19 na ibinebenta online.
Sa mga oras na ito, ang FDA ay hindi nag-awtorisa ng anumang pagsubok sa
COVID-19 na ganap na magagamit at maproseso sa bahay. Pinahintulutan ng FDA ang
unang pagsubok ng COVID-19 para sa koleksyon ng mga sampol sa bahay, ngunit ang
mga sampol na iyon ay ipapadala sa isang laboratoryo para sa pagproseso at pag-uulat
ng pagsubok.

Manganganib ka ng hindi mo namamalayan ang pagkalat ng COVID-19 o hindi


magagamot nang maayos kung gagamit ka ng isang hindi awtorisadong pagsubok.
Sinusuportahan ng FDA ang pagsusuri sa bahay para sa COVID-19 kung mayroong
datos at agham upang suportahan ang kaligtasan ng mamimili at kawastuhan ng
pagsubok.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa coronavirus bisitahin ang:

FDA: Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)


COVID-19 Vaccines
CDC: Coronavirus (COVID-19)
Mga Bakuna Para sa COVID-19

Ang FDA ay nakikipagtulungan sa mga developer ng produktong medikal upang mabilis


na maisulong ang pagbuo at pagkakaroon ng mas maraming bakuna at karagdagang
paggamot para sa COVID-19. Sa ngayon, inaprubahan lamang ng FDA ang isang
paggamot para sa COVID-19.

Kahit na may mga pagsisiyasat para sa bakuna sa COVID-19 at mga pag-aaral sa


pagsusuring medikal, ang mga produktong ito ay hindi pa ganap na subok para sa
kaligtasan o pagiging epektibo, o nakakatanggap ng ganap na pag-apruba mula sa
FDA.

Ang mga pekeng COVID-19 na produkto ay maaring dumating sa ibat-ibang uri, tulad
ng pandiyetang suplemento at iba pang mga pagkain, pati na rin mga produktong
umaangkin ng pagsusuri, gamot, medikal na aparato, o mga bakuna.

Ang FDA ay nagkikipag-ugnayan sa mga nagtitingi upang alisin ang dose-dosenang


mga pekeng produkto mula sa istante ng mga tindahan at online. Ang ahensiya ay
patuloy na susubaybayan ang social media at ang mga pamilihang online na
nagtataguyod at nagbebenta ng mga pekeng produktong COVID-19.

Halimbawa, ang FDA at ang Federal Trade Commission ay nag-isyu ng babalang liham
sa mga kumpanya para sa pagbebenta ng pekeng COVID-19 na mga produkto. Ang
mga produktong binanggit ay kinabibilangan ng tsaa, mga langis (essential oils), mga
tinta, at kolokyal na pilak (tignan ang larawan ng produkto sa Flickr). .

Ang FDA ay aktibong sumusubaybay para sa sinumang kompanya na nagbebenta ng


mga pekeng COVID-19 na produktong pagsusuri, pang-iwas at pag-aangkin na itoy
nakakagamot. Ang FDA ay gumagamit ng kapangyarihan upang protektahan ang mga
mamimili mula sa mga kompanyang nagbebenta ng hindi awtorisadong produkto na
may mali o mapanlinlang na mga pag-angkin. Ang FDA ay maaaring magpadala ng
mga babalang liham, o ituloy ang biglaang pagdakip o utos laban sa mga tao, mga
produkto, o mga kumpanyang lumalabag sa batas. Pina-igting din ang pwersa ng aming
pagbabantay sa mga daungan at pasukan upang matiyak na hindi makakapasok sa
bansa ang mga pekeng produkto sa pamamagitang ng ating mga hangganan.

Bilang karagdagan, ang FDA ay sumusubaybay sa mga reklamo laban sa mga pekeng
gamot at pagsusuri ng COVID-19. Ang mga mamimili at propesyonal sa pangangalaga
ng kalusugan ay maaaring makatulong sa pamamagitan ng pag-uulat ng hinihinalang
pandaraya sa Health Fraud Program ng FDA, o sa Opisina ng Mga Kriminal na
Pagsisiyasat (Office of Criminal Investigations).

Paano Protektahan ang Iyong Sarili at ang Iyong Pamilya Mula sa Panlilinlang sa
Coronavirus

Pinapayuhan ng FDA ang mga mamimili na maging maingat sa mga website at mga
tindahan na nagbebenta ng mga produktong umaangkin upang maiwasan, malunasan o
gamutin ang COVID-19.

Ang mga produktong binebenta para lamang sa gamit pang beterenaryo, o “para sa
gamit pananaliksik”, o kung hindi man para sa pagkonsumo ng tao, hindi pa sinuri para
sa kaligtasan at hindi dapat gamitin ng mga tao. Halimbawa, ang FDA ay may
kamalayan ng mga taong sinusubukang iwasan ang COVID-19 sa pamamagitan ng
pag-inom ng isang produkto na tinatawag na chloroquine pospeyt na ipinagbibili upang
gamutin ang mga parasito sa akwaryum ng mga isda.

Ang mga produkto na para lamang sa gamit pang beterenaryo, o “para sa gamit
pananaliksik”, ay maaaring magdulot ng masamang epekto, kabilang ang malubhang
sakit at kamatayan, kapag ininom ng tao. Huwag uminom ng anumang anyo ng
chloroquine maliban nalang kung ito ay inireseta para sa iyo ng iyong doktor o lokal na
tagapangalaga ( local health provider) at nakuha mula sa mga lehitimong
mapagkukunan.
Narito ang ilang mga tip upang matukoy ang mga mali at walang katotohanang
pagaangkin.
● Maghinala kung ang produkto ay umaangkin na nakakagamot ng malawakang
hanay ng mga sakit.
● Ang mga personal na testimonya ay hindi pamalit para sa mga siyentipikong
ebidensya.
● May mga ilang sakit o kondisyon na maaaring magamot nang mabilis, kaya’t
maging mapag-hinala sa anumang gamot na umaangkin sa "mabilisang
paggagamot."
● Kung tila napakabuti para maging totoo, marahil ay.
● "Milagrong Paggaling", na umaangkin ng tagumpay sa agham o nagtataglay ng
mga lihim na sangkap, marahil ay isang panloloko lamang.
Alamin na hindi mo maaaring suriin ang iyong sarili kung ikaw ay may sakit na
coronavirus.

Kung mayroon kang mga sintomas ng COVID-19, sundin ang mga patnubay ng Sentro
Para sa Pag-iwas at Pagkontrol ng Mga Sakit (Center for Disease Control and
Prevention), at makipag-ugnayan sa iyong medikal na tagapangalaga. Papayuhan ka
ng iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan kung ikaw ay dapat na
magpasuri at bibigyan ka ng proseso kung papaano magpasuri sa iyong lugar.

Kung mayroon kang tanong tungkol sa isang paggamot o pagsusuri na natagpuan


online, makipag-ugnayan sa iyong lokal na tagapangalaga o doktor. Kung mayroon
kang katanungan tungkol sa paggamot, tawagan ang iyong parmasya o ang FDA.
Sasagutin ng Division of Drug Information (DDI) ng FDA ang anumang katanungan
tungkol sa mga gamot. Maari kang makipag-ugnayan sa parmasyutiko ng DDI sa
pamamagitan ng e-mail, druginfo@fda.hhs.gov, at sa pamamagitan ng
telepono,1-855-543-gamot (3784) at 301-796-3400.

Ang pagbebenta ng pekeng COVID-19 na produkto ay isang banta sa pampublikong


kalusugan. Kung ikaw ay nababahala tungkol sa pagkalat ng COVID-19,
makipag-ugnayan sa iyong doktor o lokal na tagapangalaga at sundin ang mga payo ng
mga FDA’s Federal Partner tungkol sa kung paano maiwasan ang pagkalat ng sakit na
ito.

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/02/21/2079292/pagbabal
ik-ng-face-face-classes-makakatulong-sa-mental-health-ng-mga-mag-aaral
Naniniwala si Senator Sherwin Gatchalian na may positibong epekto sa mga mag-aaral
sa mga low risk areas ang harapang pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral sa kanilang
kapwa estudyante.
The STAR/Geremy Pintolo

Pagbabalik ng face-to-face classes makakatulong sa mental health ng mga


mag-aaral

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon ) - February 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Makakatulong sa mental health ng mga estudyante ang ligtas


na pagbubukas ng mga paaralan, ayon kay Senator Sherwin Gatchalian.

Naniniwala si Gatchalian na may positibong epekto sa mga mag-aaral sa mga low risk
areas ang harapang pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral sa kanilang kapwa
estudyante.

“Makatutulong naman sa mental health ng mga estudyante ang pakikipag-ugnayan nila


sa kanilang mga kapwa mag-aaral kapag natuloy na ang face-to-face classes lalo na sa
low risk areas. Sa pamamagitan din ng limited face-to-face classes, maaaring
makatanggap ang mga mag-aaral ng sapat na paggabay mula sa kanilang mga guro,”
ani Gatchalian.

Ipinunto rin ni Gatchalian na bukod sa pagbibigay ng edukasyon, ang mga paaralan ay


may mga programa rin para sa kalusugan, proteksyon, at kapakanan ng mga mag-aaral
na maaari lamang maibigay sa kanila kapag nagkaroon na ng face-to-face classes.

“Higit na mahalaga ang pagtugon sa mga programang ito ngayong panahon ng


pandemya,” ani Gatchalian.

Muli ring binigyang diin ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts
and Culture na base sa mga pag-aaral na ginawa ng Centers for Disease Control and
Prevention (CDC) sa Estados Unidos, Public Health Agency (PHA) ng Northern Ireland
at University of Warwick sa Inglatera, mas malaki ang posibilidad na mahawa ang mga
kabataan sa mga komunidad kesa sa mga paaralan kaya posible ang pagsasagawa ng
face-to-face classes basta ipagpatuloy lang ang health protocols tulad ng pagsuot ng
mask, physical distan­cing, regular na paghuhugas ng kamay, at disinfection.

Idinagdag ni Gatchalian na ang ligtas na pagbabalik-eskwela ay dapat magsimula sa


mga itinuturing na low-risk areas. Ayon sa mapa ng COVID-19 tracker ng University of
the Philippines, may mahigit 400 mga munisipalidad ang walang aktibong kaso ng
COVID-19 buhat noong Pebrero 9.

3. Sanaysay

Halimbawa:

Ang Kahalagahan ng Edukasyon Para sa Akin

Edukasyon daw ang tanging paraan tungo sa magandang Kinabukasan. Gaano nga ba
Kahalaga ang Edukasyon? Bakit ba napaka-importante nito? Ilan lang yan sa mga
katanungan ng bawat isa sa atin.

September 18, 2009 namatay ang pinakamamahal kong Ama. Halos dinamdam ko ng
sobra ang pagkawala niya. Unti-unti akong nanghina, nawalan ng lakas ng loob at
unti-unting nawalan ng pag-asa.

Sobrang sakit ang naramdaman ko noong mga panahong yon. Parang nadurog yong
puso ko at nawalan ako ng ganang mag-aral. Kaya noong 2010, tumigil ako sa
pag-aaral. Siguro nga sinayang ko lang ang mga oportunidad. Ang bawat pagkakataon
ay binalewala ko lang. Kaya heto ako ngayon, walang natapos at punong-puno ng
pagsisisi.

Sa panahon ngayon may mga taong nakapag-aral nga, ngunit wala namang mabuting
asal. Yong puntong nakapagtapos nga sila ng magandang kurso, ngunit hindi naman
umaakto ng maayos ayon sa kanilang pinag-aralan.

Sa mahaba-habang panahon na lumipas, natutunan kong Pahalagahan ang


Edukasyon. Para sa akin kasi, ang Edukasyon ay hindi lang pataasan ng marka o ng
natapos na kurso. Kailangan mo ring panindigan na talagang may Pinag-aralan ka.

Kailangan mong matutunan kung paano rumespeto ng ibang tao at kung paano irespeto
ang sarili mo. Edukasyon ang masasabi kong pinaka-matibay na pundasyon. Para sa
akin napakahalaga nito, dahil ito lang ang daan upang makamit natin ang ating mga
mithiin. Edukasyon ang magsisilbing tulay natin sa pag-abot ng ating mga pangarap.

Kaya nitong baguhin ang buhay ng isang tao. Kapag may pinag-aralan ka, madali na
lang para sa’yo na abutin at kamtin ang hinahangad na tagumpay.
Ang Edukasyon ang pinakamahalagang pamana ng ating mga magulang. Lahat ng
bagay sa mundo ay lumilipas, pero ang Karunungan kailan man ay hindi kumukupas.
EDUKASYON lamang ang NATATANGING bagay na hindi MA-AAGAW ninuman. Hindi
SAPAT na NAKAPAGTAPOS ka lang, kasi para sa’kin kailangan BAONIN mo rin ang
KARUNUNGANG natutunan mo sa loob ng PA-ARALAN.

- Sanaysay ni Junrey Casirayan

4. Talambuhay

Halimbawa:

Talambuhay ni Jose P. Rizal

Si Jose P. Rizal (i. 19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang
José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay ang Pambansang Bayani ng
Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli
Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa.
May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring
magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero,
kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya,
antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng
plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima.

May palayaw na Pepe, si Jose Rizal ay ang ika-pito sa labing-isang anak nina
Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y
Quintos.

Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay kabilang sa


ika-apat na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong mangangalakal na
naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-labimpitong
siglo. Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina sa katauhan ni Inez de la Rosa at
upang makaiwas sa hostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay pinalitan niya
ang kaniyang apelyido ng "Mercado" (pangangalakal).

Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit


lamang ni Francisco (dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan ni
Gobernador Narciso Calaveria noong 1849 na magpalit ng mga apelyido ang mga
Pilipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni Francisco ang Rizal Mercado upang makaiwas
sa kalituhan mula sa kaniyang kasamang mangangalakal.
Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak nina
Lorenzo Alonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna
sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko) at ni
Brijida de Quintos (na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang kanilang apelyido ay
pinalitan ng Realonda noong 1849.

Kabataan

Ipinanganak sa Calamba, Laguna si Pepe ay mula sa pamilyang masasabi ring


nakaaangat sa buhay dahil sa kanilang hacienda at lupang sakahan. Si Paciano at si
Pepe lamang ang mga anak na lalaki sa kanilang labing-isang magkakapatid. Ang
kaniyang mga kapatid na babae ay sina Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria,
Josefa, Concepcion, Trinidad at Soledad.

Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas niya sa murang edad. Natutunan niya ang
alpabeto sa edad na tatlo at limang taong gulang naman nang siya ay mututong
bumasa at sumulat. Napahanga niya ang kaniyang mga kamag-anak sa angking
pagguhit at paglilok. Walong taong gulang siya nang kanyang isinulat ang tulang "Sa
Aking Mga Kababata," na ang paksa ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika (na
noon ay Tagalog)

Edukasyon

Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa
kaniya ng alpabeto, kagandahang asal, at mga kuwento ("Minsan ay may Isang
Gamo-gamo"). Samantala, ang kanyang pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni
Justiniano Aquino Cruz sa Biñan, Laguna. Pagkatapos noon, siya ay ipinadala sa
Maynila upang mag-aral sa Ateneo de Manila University at doon ay tinamo ang
Bachelor of Arts noong 1877 (siya ay 16 taong gulang) at nakasama sa siyam na
estudyanteng nabigyan ng sobresaliente o namumukod-tanging marka.

Ipinagpatuloy ni Jose ang pag-aaral sa Ateneo upang maging dalubhasa sa pagsusukat


ng lupa at pagiging asesor. Natapos siya sa kursong asesor noong 21 Marso 1877 at
naipasa ang Lupong Pagsusulit para dito noong 21 Mayo 1878 subalit dahil siya ay 17
taong gulang pa lamang ay hindi siya pinahintulutang magtrabaho bilang asesor
hanggang 30 Disyembre 1881. Noong 1878, pumasok siya sa Unibersidad ng Santo
Tomas upang mag-aral ng medisina ngunit dito ay naranasan niya ang diskriminasyon
mula sa mga paring Dominikano. Ipinasya niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng
medisina at pilosopiya sa Universidad Central de Madrid sa Espanya ng sa kaalaman
ng kaniyang mga magulang. Noong 21 Hunyo 1884, sa edad na 23, iginawad sa kanya
ang Lisensiya sa Medisina at noong 19 Hunyo 1885, sa edad na 24, ay natapos din
niya ang kurso sa Pilosopiya na may markang ekselente.

Siya ay nagsanay ng medisina sa Hospital de San Carlos ngunit itinigil niya ito upang
mag-aral ng optalmohiya sa Paris sa ilalim ng pagtuturo ni Dr. Weckert at sa Aleman sa
ilalim ni Dr. Otto Becker. Ginawa niya ito sapagkat noong panahong iyon ay malala na
ang sakit sa mga mata ng kaniyang ina. Sa Berlin, siya ay naging kasapi ng Berlin
Ethnological Society at Berlin Anthropological Society sa ilalim ng pamunuan ng
pamosong patolohistang si Rudolf Virchow.

Kay Rizal ang isa sa mga pinakadokumentadong buhay noong ika-labingsiyam na siglo
dahil sa mga tala tungkol sa kaniya (ang ilan sa mga ito ay sa tala-arawan niya mismo
nanggaling), kahit pa nahirapan ang mga manunulat na gumawa ng kaniyang
talambuhay dahil sa paggamit niya ng iba't ibang lengguwahe. Karamihan sa mga tala
ay hinango mula sa kaniyang paglalakbay bilang isang batang Asyanong namumulat sa
kultura ng Kanluran. Kasama rin dito ang kaniyang paglalakbay sa Europa, Hapon,
Estados Unidos, at sa Hongkong kabilang na rin ang mga babaeng naging bahagi ng
kaniyang buhay.

Habang nasa Europa, naging bahagi si José Rizal ng Kilusang Propaganda, na


kumukunekta sa ibang mga Pilipino na nagnanais ng reporma. Isinulat din niya ang
kanyang unang nobela, ang Noli Me Tangere (Touch Me Not / The Social Cancer),
isang aklat tungkol sa madilim na aspeto ng kolonyal na paghahari ng Espanya sa
Pilipinas, partikular na pinagtuonan dito ang papel ng mga Katolikong prayle. Ang libro
ay ipinagbawal sa Pilipinas, bagaman maraming kopya ang nakapasok sa bansa. Dahil
sa nobelang ito, naging tudlaan siya ng pulisya dahilan upang ang kanyang pagbabalik
sa Pilipinas noong 1887 ay mapaikli.

Nagbalik si Rizal sa Europa at patuloy na nagsulat. Sa panahong ito ay inilabas niya


ang kanyang sumunod na nobela, ang El Filibusterismo (Ang Paghahari ng Kasakiman)
noong 1891. Naglathala din siya ng mga artikulo sa La Solidaridad, isang pahayagan na
nakahanay sa layunin ng Propaganda. Sa mga reporma na itinaguyod ni Rizal ay hindi
kasama ang kalayaan ng Pilipinas sa Espanya. Siya ay nanawagan para sa pantay na
pagtrato sa mga Pilipino, sa paglilimita sa kapangyarihan ng mga Kastilang Espanyol at
representasyon para sa Pilipinas sa korte ng Espanya.

Nagbalik si Rizal sa Pilipinas noong 1892 dahil nararamdaman niya na kailangan siya
ng bansa para sa pagbabago. Kahit na itinatag niya ang La Liga Filipina, suportado ni
Rizal ang di-marahas na aksyon. Ngunit hindi ito sapat dahil naniniwala ang mga
Espanyol na isa siyang malaking banta dahilan upang ipinatapon siya sa Dapitan, sa
isla ng Mindanao.

Noong 1895, hiniling ni Rizal na magpunta sa Cuba bilang isang hukbong doktor. Ang
kanyang kahilingan ay naaprubahan, ngunit noong Agosto 1896, ang Katipunan, isang
nasyonalistang lipunang Pilipino na itinatag ni Andres Bonifacio, ay nagrebolusyon.
Bagaman wala siyang kaugnayan sa grupo, at hindi niya aprubado ang marahas na
pamamaraan, si Rizal ay inaresto at ikinulong.

Matapos ang isang paglilitis, si Rizal ay nahatulan ng sedisyon at sinentensiyahan ng


kamatayan sa pamamagitan ng firing squad. Isinagawa ang pampublikong pagpatay
kay Rizal sa Maynila noong Disyembre 30, 1896, noong siya ay 35 taong gulang. Ang
kanyang kamatayan ay nagbunsod ng higit pang mga pagsalungat sa mga panuntunan
ng Espanya at naging hakbang upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa mga
Espanyol noong 1898.

5. Talumpati

Halimbawa:

Kabataan: Pag-asa pa rin ba ng ating Bayan? (Isang Talumpati)


Talumpati ni Darren Joe G. Follero

"Ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan.”

Ito ay isa sa mga napaka-tanyag na katagang binitiwan ng ating pambansang bayani na


si Doktor Jose Rizal noong siya’y nabubuhay pa. Dito, inilalarawan niya na ang
kabataan ay ang siyang may kakayahan na ipagtanggol ang ating bayan laban sa mga
mananakop o sa iba’t ibang uri ng tao na may maitim na adhikain sa ating bansa.
Ngunit, dahil sa mabilis na pagtakbo ng panahon, masasabi pa ba natin na ang
kabataan ay siyang tunay na pag-asa ng Pilipinas, ang bayang ating sinilangan?

Sa ikalawang nobela ni Rizal na El Filibusterismo, natunghayan natin ang mga tauhan


na sina Basilio, Isagani, Makaraig, Sandoval at Juanito Pelaez. Ang mga kabataan sa
nobelang ito ay nagkakaisa sa iisang mithiin at ito ay ang ipaglaban ang karapatan
nilang magtatag ng isang paaralang tinawag nilangAkademya ng Wikang Kastila na
naglalayong magturo ng wikang Kastila sa lahat ng mga kabataang Filipino. Sa
kasawiang-palad, ito’y hindi sinang-ayunan ng pamahalaang Kastila. Subalit, kung
inyong mapapansin, ang mga kabataang Filipinong ito ay maituturing na mga dakila
dahil sa pamamagitan ng kanilang layunin, naipakita nila na mayroon silang paki-alam
sa kapwa nilang mga Filipino.

Ang aking tanong sa bawat isang naririto na nakaririnig ng aking talumpati, “Sa
modernong panahong ating kinalalagyan ngayon, masasabi ba natin na mayroon pa
ring Basilio, Isagani, Makaraig, Sandoval at Juanito Pelaez na siyang mayroong
inisyatibong tumayo at lumaban para sa ating mga karapatan?”

Kung ako ang inyong tatanungin ukol diyan, oo ang aking isasagot. Mayroon pa ring
mga kabataang tulad ng mga nabanggit na tauhan ng El Fili na siyang may lakas ng
loob na ipaglaban ang ating mga karapatan.

Ngunit, kung mayroong mga kabataang tulad nila Basilio, napakarami rin namang mga
kabataan ngayon ang maaari nating ihalintulad sa isa pang tauhan ng El Fili na
nagngangalang Tadeo.

Si Tadeo, mga kaibigan, ay isang kamag-aral nina Basilio na namumukod-tangi sa


lahat. Siya ay isang uri ng kabataan na tamad mag-aral at laging ipinanalangin na
sana’y wala laging pasok. Kaya kung inyong natatandaan, noong hinuli na ang mga
kabataan sa paratang na pagkakabit ng mga paskin sa kanilang paaralan, si Tadeo lang
ang kaisa-isang mag-aaral na imbes na malungkot ay siya pang abot-tainga ang ngiti
sabay sinunog pa ang kanyang mga aklat dahil ito daw ang pinakamasayang
pangyayari sa kanyang buhay sapagkat dahil dito’y wala nang pasok sa kanilang
paaralan.

Sa panahong ito, nagkalat ang mga “Tadeo” sa ating lipunan. Maraming mga kabataan
na mas pinili na ubusin ang kanilang panahon sa paggawa ng mga walang kabuluhang
gawain kaysa sa pagpunta sa kani-kanilang mga paaralan. Nariyan ang mga kabataang
nauubos hindi lamang ang oras kundi pati na rin ang kanilang pera dahil lamang sa
paglalaro ng mga computer games tulad ng Defense of the Ancient o mas kilala sa
daglit na D.O.T.A. Nariyan naman ang mga kabataan na nauubos ang pera sa pagbili
ng mga bagay na hindi naman nila kailangan. At ang mas masahol pa rito, marami nang
mga kabataan ngayon ang nalululong sa iba’t ibang mga bisyo tulad ng pag-inom ng
alak, paninigarilyo at ang mas matindi pa, ang paghithit ng mga ipinagbabawal na
gamot.

Kung dati-rati, sa handaan ng isang kamag-aral na nagdiriwang ng kaarawan, madalas


nating itanong ang mga ito: “Marami bang pagkain?,” “May mga palaro ba?” at “May
keyk ka ba?” Ngayon, karamihan ng mga kabataang dadalo sa isang pagdiriwang ng
kaarawan ng isang kaibigan ay ganito ang unang tinatanong: “May inuman ba?” sabay
sabi ng, “Ui, San Mig Lights lang sa akin ha? Baka mapansin ni Papa at Mama.”

Oo. Marahil kayong naririto ay natatawa ngunit tanggapin na natin sa ating mga sarili na
lahat ng mga ito ay possible at tunay na nangyayari sa modernong panahong ito.

Mayroon namang mga kabataan, na sa murang edad pa lang, ay pumapasok na sa


pakikipag-relasyon. Ito ang siyang nagiging dahilan ng tumataas na kaso ng maagang
pagiging mga magulang ng kabataan.

Oo, hindi masamang magmahal sa ating kapwa. Ngunit, hindi lang puso ang dapat
nating gamitin sa pag-ibig. Maskailangan nating gamitin ang atin isip. At kapag
magmamahal tayo, huwag natin ibigay lahat ng pagmamahal sa ating mga kasintahan.
Magtira rin tayo para sa ating mga sarili. Kung gusto mong mahalin ka ng taong mahal
mo, bakit hindi mo muna mahalin ang sarili mo? Sa ganoon, makikita ng mga tao sa
paligid mo na may respeto ka sa sarili mo na siyang magiging dahilan ng iba upang
mahalin ka.

Sa lahat ng mga kamaliang ginagawa natin bilang kabataan ng ating bayan, panahon
na siguro upang tao’y magbago na at tahakin ang matuwid na pamumuhay.

Paano natin ito magagawa?

Simple lang ang naiisip kong solusyon. Simulan na nating isapuso ang pag-aaral. Isipin
ninyo na iba pa rin ang taong nakapagtapos at may pinanghahawakang college degree­.
Sa pamamagitan nito, hindi lamang natin makakamit ang ating pansariling pangarap,
kundi makakatulong pa tayo sa pag-unlad ng ating bansa.

Sa simpleng pamamaraang ito, mapatutunayan natin sa lahat ng tao sa buong mundo


na tunay at totoo nga ang sinabi ni Gat Jose Rizal na ang kabataan ang siyang
natatanging pag-asa ng bayan!

Tula o panulaan:
Ang tula ay anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng tao.
Gumagamit ng mga marikit na pananalita.

1. Tulang Pasalaysay

Halimbawa:
TULA: Ang Pagbabalik
This narrative poem in the Tagalog language was written by the Filipino poet Jose
Corazon de Jesus, who was also known as Huseng Batute. The title can be translated
into English as “The Return.”

ANG PAGBABALIK
Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan,
Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!
Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas
Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!”
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!”
Nakangiti akong luha’y nalaglag…
At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;

Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,


At ang buwan nama’y ibig nang magningning:
Maka orasyon na noong aking datnin,
Ang pinagsadya kong malayang lupain:
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.

Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok,


Pinatuloy ako ng magandang loob;
Kumain ng konti, natulog sa lungkot,
Ang puso kong tila ayaw nang tumibok;
Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot,
Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!”

Nang kinabukasang magawak ang dilim,


Araw’y namimintanang mata’y nagniningning;
Sinimulan ko na ang dapat kong gawin:
Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim;
Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.
At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat,
Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Bulaklak na damo sa gilid ng landas,
Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag;
Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak…
O, marahil ngayon, siya’y magagalak!

At ako’y lumakad, halos lakad takbo,


Sa may dakong ami’y meron pang musiko,
Ang aming tahana’y masayang totoo
At nagkakagulo ang maraming tao…
“Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko,
“Nalalaman nila na darating ako.”

At ako’y tumuloy… pinto ng mabuksan,


Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay;
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Mukha nakangiti at nang aking hagkan;
Para pang sinabi “Irog ko, paalam!”

2. Awit/Korido at Kantahin

Halimbawa:

Awit
May labing dalawa (12)na pantig sa bawat taludtod. Tualang pasalaysay na kung saan
makatotohanan ang mga tauhan at maaring maganap sa tunay na buhay ang kanilang
pakikipagsapalaran. Inaawit ang himig na mabagal o adante.

Korido
May walong (8) pantig sa bawat taludtod. Tulang pasalaysay na may kasamang
kababalaghan; ang mga tauhan ay nagsasagawa ng mga bagay na di maaring magawa
sa tunay na buhay.

Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido:


Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:
1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit
2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa “allegro”,
samantala ang awit ay may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng
gitara o bandurya “allegro”
3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang
ikinawiwili ng mga mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob dito

Mga Halimbawa ng Korido: Ibong Adarna, Don Juan Tiñoso, Don Juan Teñoso, Mariang
Kalabasa, Ang Haring Patay, Mariang Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz,
Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz, Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla, Buhay na
Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas

Mga Halimbawa ng Awit: Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni


Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose
de la Cruz, Salita at Buhay ni Mariang Alimango, Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clariana

3. Epiko

Halimbawa:

Biag ni Lam-ang
(Epikong Ilokano)

Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may


mag-asawang kilala sa pangalang Don Juan at Namongan.

Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot ang
nayon at pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng galit, nilusob naman ni
Don Juan ang mga Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan niya. Hindi na nakabalik
si Don Juan sa kanyang nayon. Ang naging balita, siya ay pinugutan ng ulo ng mga
Igorot.

Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at siya na
ang pumili ng pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng kanyang magiging
ninong.

Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama, sumumpa siyang
ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas, matipuno
at malaking lalaki na siya. Ayaw man siyang payagan ng kanyang ina upang hanapin
ang bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit din si Lam-ang na makaalis.
Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ang isang mahiwagang tandang, ang
tangabaran, at mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyang talisman mula sa punong
saging. Sa tulong ng kanyang talisman ay madali niyang nalakbay ang mga
kabundukan at kaparangan. Sa laki ng pagod ni Lam-ang, siya ay nakatulog.
Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay sa kanyang ama na nagsisipagsayaw at
nililigiran ang pugot na ulo ng kanyang ama. Nagpatuloy si Lam-ang sa paglalakbay at
narating ang pook ng mga Igorot. Nakita niya ang ulo ni Don Juan na nasa sarukang,
isang haliging kawayan.

Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang huwag
siyang matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng ubos lakas si Lam-ang at
nayanig ang mga kabundukan. Ang tinig niyang naghahamon ay narinig ng marami
kaya't dumating ang maraming Igorot at pinaulanan si Lam-ang ng kanilang mga sibat.
Hindi man lamang nasugatan si Lam-ang. Nang maubusan ng sibat ang mga Igorot ay
si Lam-ang naman ang kumilos. Hinugot niya ang mahaba niyang itak at para lamang
siyang tumatabas ng puno ng saging, na pinagpapatay niya ang mga nakalaban.
Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga
dalaga ng tribu. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga isda sa
Ilog Amburayan at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang.

Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian upang


manligaw sa isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang ang
kanyang mahiwagang tandang at mahiwagang aso.

Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang.


Pinahipan ni Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong
bundok.

Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang. Tumahol ang
mahiwagang aso ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang
tandang. Muling tumayo ang bahay. Napansin si Lam-ang.

Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang si


Ines. Hindi naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-ang ng
panhik o bigay-kaya na kapantay ng kayamanan nina Ines.

Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang mga


magulang ni Ines.
Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan. Pagkatapos
ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian, kailangang
manghuli si Lam-ang ng mga isdang rarang. Nakikinikinita ni Lam-ang na may
mangyayari sa kanya, na siya ay makakain ng pating na berkahan. Ipinagbilin ni
Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyayari ito.

Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines ang


bilin ni Lam-ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon ito at tinakpan ng
saya ni Ines. Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Tumilaok ang
tandang at tumahol ang aso.

Walang anu-ano'y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si Lam-ang
na parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.

Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang. At


namuhay silang maligaya sa mahabang panahon.

4. Balad

Halimbawa:
Balitaw

Ang balat mo'y huwag ibilad kung mainit


Kailangan mo'y salakot na pambukid
Kung masungit ang panahon parang payong din 'yan
Maiilagan mo ang ulan at araw.

Ang balat mo'y huwag ibilad kung mainit


Kailangan mo'y salakot na pambukid
Kung masungit ang panahon parang payong din 'yan
Maiilagan mo ang ulan at araw.

Koro:
Huwag mo nang paiitimin ang balat na talusaling
Pag-ingatan ang alindog ang ganda'y sadyang kay rupok
Kung kulimlim ang panahon salakot ay dalhin
At iya'y pananda sa init man at hangin.
5. Sawikain

Halimbawa:

Tula

Panahon ay lumipas sing-bilis ng kidlat.


Sa pagbalik-tanaw nakaraa'y nasipat.
Bakas ng kahapon ay puro luha't salat.
Sa isipan ay nanatili't nakatatak.

Ang guhit ng tadhana sana ay ma-iba,


Ugat ng anak dalita ay mabubura.
Ibaon sa hukay, pangit na alaala,
Para mabigyan ng daan ang sagana.

Sa pagsikap, pangarap ay abot tanaw na,


Huwag bumitiw, kapit-kamay sa pag-asa.
Kilos pagong man ang pag-usad ng tadhana,
Ang Bukang Liwayway ay tiyak parating na.

Itago mo sa bato, araw ay darating.


Ang inaasam na pangarap ay marating.
Sa kalaunan, lahat matamasa mo din.
Inaasam na pagbabago'y iyong maangkin.

Tulang may Idyoma/ Idioma

Digmaan para sa kalayaan


ni:BlueYoo

Aking lupang sinilanga'y muling nagulo


Sa digmaang pamahalaan at sindikato
Dahil sa pagdating ng ating bagong pangulo
Parang isang bungang tulog, ngunit itoy totoo

Tila bumalik ang bakas ng kahapong ito


Nang muling umosbong ang digmaang Martial Law
Na sumira sa ating buhay at pagkatao
Tulad ng isang bagyo at delubyo
Di normal ang naririnig
Tuhod ay nanginginig
Puso'y mabibilis ang pintig
Dahil sa baril at bomba ng magkabilang panig

Kay raming sundalo at sibilyan ang namayapa


Kasabay nito bumaha ng dugo at luha
Nadadamay din ang buhay ng matatanda at bata
Dahil sa walang tigil na digma

Mga sundalong naiwan, may bakal sa kalooban


Upang ipagpatuloy ang laban para sa kapayapaan
Para ipagtanggol ang inang bayan
Sa paghihirap na hindi na makayanan

Walang tigil na digma


Para lang makuha ang kapayapaang ninanasa
Bakit pa tayo magpapatayan sa sarili nating bayan
Kung ang bunga nito'y gulo at digmaan

Kay tindi man yaong sakripisyo


Maraming buhay man ang naglaho
Nagpasan sa krus, upang kapayapaa'y matamo
Ito'y mahalaga sa ating buhay at pagka pilipino

Para saan ang kaguluhan ?


Na wala namang maidudulot na kagandahan
Wariy sinisira lang ang pinakamamahal na tahanan
Na bukod tanging pawis ang ating pinuhunan
Na sa isang kisap mata nawala lang ng tuluyan
Winasak lang ng mga taong uhaw sa kapangyarihan

6. Salawikain

Halimbawa:

Ang batang walang pinag-aralan, animo’y ibon na di makakalipad.


Kahulugan: mahihirapan ka na matupad ang iyong mga pangarap kapag wala kang
edukasyon.
Ang aral ay buhay.
Kahulugan: lahat ng teknolohiya na ginagamit natin ngayon ay dahil sa merong tao na
pinag-aralan ito.

Ang nag-aral na parang walang pinag-aralan ay isang halimbawa ng isang kahangalan.


Kahulugan: hindi dahil nakapagtapos ka sa mataas na paaralan ay may karapatan ka
na maging mayabang sa mga ibang tao lalo na sa walang pinag-aralan. Lahat ng tao ay
pantay-pantay.

Ang edukasyon ang solusyon sa mga taong walang ambisyon.


Kahulugan: dahil sa pag-aaral ay natutuklasan ng mga tao kung ano ang kanilang
gustong gawin sa buhay.

Mag-aral ng maigi upang buhay ay mapabuti.


Kahulugan: kahit mahirap ka, kapag nag-aral ka, meron ka padin pag-asang makaangat
sa buhay.

7. Bugtong

Halimbawa:

Ang matapat kong alipin, sunod ng sunod sa akin.


Sagot: Anino
Dalawang magkapatid, nag-uunahan ng bait.
Sagot: Paa
Isang bundok, hindi makita ang tuktok.
Sagot: Ilong
Ang dalawa’y apat na; ang maitim ay maputi na; ang malayo’y malapit na; ang bakod ay
lagas na.
Sagot: Matanda (Pagtanda)
Ako’y may pitong bintana, tatlo lamang ang aking naisasara.
Sagot: Ulo (at ang pitong bahagi nito)
Nagsaing si Lucas, kinuha ang hugas; itinapon ang bigas.
Sagot: Gata ng Niyog
Binatak ko ang baging, bumuka ang tabing.
Sagot: Payong
Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo
Uka na ang tiyan, malakas pang sumigaw.
Sagot: Kampana
Pinipingot ko na, nagbibigay pa.
Sagot: Gripo
Heto na si Kaka, may sunong na dampa.
Sagot: Pagong
Maliit pa si Huli, marunong nang manahi.
Sagot: Gagamba
Kahoy ko sa Marigudon, nagsasanga’y walang dahon.
Sagot: Sungay ng Usa
Baston ng kapitan, hindi ko mahawakan.
Sagot: Ahas
Tag-ulan at tag-araw, hanggang tuhod ang salawal.
Sagot: Manok
Nanganak ang aswang, sa tuktok nagdaan.
Sagot: Saging
Nang ihulog ko'y buto, nang hanguin ko'y turumpo.
Sagot: Singkamas
Nakayuko ang reyna, hindi nalalaglag ang korona.
Sagot: Bayabas
Isda ko sa Mariveles, nasa loo bang kaliskis.
Sagot: Sili
Kung bayaan ay nabubuhay, kung himasin ay namamatay.
Sagot: Dahon ng Makahiya

8. Tanaga

Halimbawa:

Palay siyang matino


Nang humangi'y yumuko;
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng Ginto

Iba pang Halimbawa ng Tula o panulaan:

Bayan Ko ni Jose Corazon de Jesus

Ang bayan kong Pilipinas


Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.

At sa kanyang yumi at ganda


Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad


kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.

3. Makabuo ng isang sanaysay na may limang talata tungkol sa Anyo ng


panitikan.

Ang panitikan ay nagpapahayag ng kaisipan, karanasan at damdamin.patula. Ang


salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping
"pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang
literatura, na ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangangahulugang titik.
Mahalagang mapag-aralan ang Panitikang Pilipino lalo na ng mga kabataan sapagkat
ito ay may magandang dulot sa kanilang mga kaisipan. Ang kahalagahan at rason ng
pag-aaral nito ay upang mas makilala natin ang ating pinag-mulan, ang yaman ng ating
kaisipan na taglay ng ating lahi mula pa noon. At bilang mga Pilipino dapat ipakita natin
ang pagmamahal at pagmamalasakit sa ating sariling kultura.

Ang panitikan ay pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ang tuluyan o tuwiran at


patula ang anyo ng panitikan. Ang tuluyan o tuwiran na tinatawag ding prosa ay isang
anyo ng panitikan kung saan ito may maluwag na pagsasama-sama sama ng mga
salita sa loob ng pangungusap. Ito din ay nasusulat sa karaniwang takbo ng
pangungusap o pagpapahayag.Ang tula o panulaan naman ay ang anyo ng pantikan na
pagbubuo ng isang pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa
taludtod na pinagtutugma-tugma at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang
mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng nga taludtod sa isang saknong. Ang
tula o panulaan ay ang pinakamaikling uri ng panitikan na sa kaalaman ng lahat ay
binubuo ng mga salitang maingat na pinili upang maipakita ang isang kaisipan at
nararamdaman.

Ang tuluyan o prosa at tula o panulaan ay may kahalagahan sa pang-araw-araw na


buhay ng mga Pilipino. Ito ay tumutulong sa pag-unlad ng pagkakakilanlan ng isang
nilalang. Natutulungan nito na maipahayag ang nararamdaman ng mga tao, ang
kasiyahan at kalungkutan na kanilang nararanasan. Maipapakita nito ang taglay na
yaman na kaisipan ng mga nilalang. Nagagamit din ito upang maglabas at magpahayag
ng mga opinyon, sa mga kasalukuyang problema at isyu na kinakaharap ng bansa. Ang
tuluyan at tula ay tumutulong sa paghubog ng isang tao.

Ang pagkakaiba ng dalawang ito. Ang tuluyan o prosa ay tumutukoy sa isang anyo ng
panitikan, pagkakaroon ng ordinaryong wika at istruktura ng pangungusap. Ang tula ay
ang anyo ng panitikan, na kung saan ay aesthetic ayon sa likas na katangian, ibig
sabihin, ito ay may tunog, kadadaanan, tula, metro, atbp, na nagdaragdag sa kahulugan
nito. Ang tuluyan o prosa ay may iba't ibang uri ng akda. Ito ay ang alamat, anekdota,
nobela o kathambuhay, pabula, parabula, maikling kwento, dula, sanaysay, talambuhay,
talumpati, kwentong-bayan at balita. Ang tula naman ay may iba't iba ding akda. Ito ay
ang tulang pasalaysay, awit at korido, epiko, balad, sawikain, salawikain, bugtong at
tanaga.

Sa panahon ngayon, marami na ang nagbibigay dungis sa panitikan. Kaya naman


dapat natin na muli itong ibalik sa dati na makulay at may kabuluhan. Sa paggawa ng
malilinis at maaayos na mga pangungusap at tula mas maipapakita natin ang
kagandahan ng panitikang Pilipino. Ang pag-aaral ng Panitikang Pilipino ay
makakatulong na mas makilala at mas mapakilala sa bagong henerasyon at ang
henerasyong sunod sa atin ang kultura na meron. Kaya naman muli nating buhayin ang
sigla ng panitikang ating kinagisnan.

You might also like