You are on page 1of 4

Buod ng Epikong Gilgamesh

Mga Tauhan

*Gilgamesh- ang hari ng urok at bayani ng epiko

*Enkidu- kaibigan ni Gilgamesh, matapang na tao na nilikha mula sa luwad

*Ninsun- inang diyosa ni Gilgamesh

*Haring Lugalbanda- ama ni Gilgamesh

*Anu- ang diyos ng kalangitan at diyos ng ama

*EA- ang diyos ng karunungan, at kaibigan ng mga tao

*Enlil- diyos ng hangin at ng mundo

*Ishtar- diyosa ng pag ibig at kamatayan

*Shamash- diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng tao

*Urshanabi- ang bangkerong naglalakbay araw araw sa dagat ng kamatayan patungo sa tahanan ni
Utnapishtim

*Utnapishtim at Siduri- iniligtas ng diyos mula sa malaking baha upang sirain ang mga tao;binigyan ng
mga diyos ng buhay na walang hanggan

*Humbaba- ang halimaw na nagbabantay sa kagubatan ng cedar

Kuwento

Si Gilgamesh na hari ng Uruk ay may katauhang dalawang katlong diyos at isang isang katlong tao o mas
kilala sa tawag na demi god sa makabagong panahon. Inillalarawan siya bilang malupit, malakas, walang
taros at walang awa. Ang kanyang nasasakupan ay humingi ng tulong mula sa mga diyos dahil sa pag
aabuso sa kanyang katungkulan bilang pinuno. Tinugon naman ng Diyos na si Aruru ang kanilang hinaing.
Nilikha niya ang isang nilalang na makatatapat kay Gilgamesh, si Enkidu, isang primitibong tao na
namuhay sa kagubatan kasama ang mga mababangis na hayop.

Isang araw nakita siya ng isang tao na nabubuhay sa pambibitag ng mababangis na hayop na
nagpupuyos ang damdamin dahil sinisira ni Enkidu ang kanyang kabuhayan sa pamamagitan ng
pagbunot at pagsira ng kanyang mga patibong. Isinumbong niya ito kay Gilgamesh. Dahil dito,
pinagplanuhan nilang akitin si Enkidu sa pamamagitan ng isang babae, si shamhat. Ito ang unang
hakbang upang mapaamo ang hindi sibilisadong si Enkidu. Pagkatapos nito ay nag tagumpay sila at
nadala ni Shamhat si Enkidu sa lupain ng Uruk.

Sa Uruk ay tinuturuan si Enkidung kumain ng mga pagkaing kinakain ng tao ay inatasang maging taga
pagbantay sa gabi. Nalaman ni Enkidu mula sa mga nagdaang estranghero ang hindi magandang
ginagawa ni Gilgamesh sa mga babaeng ikinakasal. Ikinagalit ito ni Enkidu at sinadya niyang magpunta sa
isang kasalan upang madaumpang palad niya ni Gilgamesh. Silang dalawa ay nagtuos. Nagkasubukan
silang dalawa. Napagtanto ni Enkidu ang kakaibang lakas ni Gilgamesh kaya sa bandang huli, nagkasundo
sila at naging magkaibigan ang dalawa.

Inalok ni Gilgamesh si Enkidu na maglakbay sa kagubatan ng cedar upang paslangin ang halimaw na si
humbaba. Pinigilan ni Enkidu si Gilgamesh sa kanyang balak, sapagkat alam niyang inilagay ng diyos na si
Enlil si Humbaba sa kagubatan ng cedar upang mabantayan nito ang kagubatan. Sa kabila ng pagpipigil
ni Enkidu at babala ng mga nakatatanda ay hindi natinag si Gilgamesh. Pinayuhan ng mga nakatatanda si
Gilgamesh tungkol sa kanilang paglalakbay. Bumisita siya sa kanyang inang diyosa na si Ninsun. Humingi
si ninsun ng gabay at proteksyon para kay Gilgamesh mula sa diyos ng araw na si shamash. Inampon din
ni ninsun si Enkidu bilang anak.

Habang naglalakbay si Gilgamesh at Enkidu ay nagsagawa sila ng ritwal ng panaginip. Nagkaroon sila ng
limang nakakatakot na panaginip. Ang mga panaginip ay tungkol sa mga gumuguhong bundok, mga
kulog, mabangis na toro, at ibong nagbubuga ng apoy. Sa kabila ng pagkakatulad ng paglalarawan ng
panaginip ni Gilgamesh at kay humbaba. Tinitignan pa rin ito ni Enkidu bilang isang magandang
pangitain. Habang papalapit sila sa bundok ng cedar ay naririnig na nila ang nakakakilabot na palahaw ni
humbaba. Kinakailangan pa nilang palakasin ang loob ng isat isa upang hindi matakot.

Sa pagpasok nila sa kagubatan ng cedar ay nakatanggap sila ng mga banta at pang iinsulto mula kay
humbaba. Tinawag niyang taksil si Enkidu at isinumpang papaslangin si Gilgamesh at ipapakain sa mga
ibon ang kanyang laman. May nadaramang takot si Gilgamesh, ngunit pinalakas ni Enkidu ang kanyang
loob. Inumpisahan ni Gilgamesh ang laban. Yumanig ang kabundukan at nagdidilim ang langit. Ang diyos
na si shamash ay nagpadala ng labintatlong hanging bumalot kay humbaba at ito ay nahuli. Nakiusap ang
halimaw para sa kanyang buhay. Naawa naman si Gilgamesh ngunit galit si Enkidu at sinabihan si
Gilgamesh na tapusin ang halimaw.

Matapos kitilin ang buhay ni humbaba ay pumutol sila ng maraming pubo ng cedar kabilang na ang isang
malaking puno na planong ipagmalaki ni Enkidu sa pintuan ng templo ni Enlil. Bumuo sila ng balsa at
bumalik sila sa Uruk dala ang malaking puno at ulo ni Humbaba. Sa kanilang pagbabalik ay lumabas ang
diyosa ng kamatayan na si Ishtar na umaakit kay Gilgamesh, ngunit ito ay kanyang iniwasan dahil sa mga
di kanais nais na pagtrato ni Ishtar sa kanyang mga nakaraang kasintahan.

Sa kanyang pagkabigong maakit si Gilgamesh ay nakiusap siya sa kanyang amang si Anu na ipinadala si
Gualana, ang toro ng langit upang ipaghiganti siya. Nang tumanggi ang kanyang ama ay nagbanta si
Ishtar na bubuhayin ang mga patay upang ubusin ang mga buhay. Mas marami pa kaysa sa mga
nabubuhay ang mga patay. Dahil sa takot ng kanyang ama ay pinagbigyan niya ang hiling ng anak.
Dinala ni Ishtar ang toro sa Uruk at ito ay naghasik ng malawakang pagkasira doon. Pinababa nito ang
lebel ng ilog ng Euphrates at natuyo ang mga tubigan.

Nagkaroon ng mga buhay na lumamon sa tatlong daang pagkatao. Sa kabila ng kawalan ng banal na
patnubay ay inaatake ni Enkidu at Gilgamesh ang toro at ito ay kanilang nagapi. Inalay nila ang puso nito
kay shamash. Nag bunyi ang siyudad ng uruk ngunit may masamang pangitain si Enkidu sa kanyang
panaginip. Sa kanyang panaginip ay nagpasya ang mga diyos na kailangang may mamatay na isa sa mga
pumaslang kay humbaba at toro ng langit. Bagamat tinutulan ito ni shamash, si Enkidu ay itinakda ng
mamatay.
Isinumpa ni Enkidu ang harapan ng pintuan ng templo ni Enlil na kanyang dinekorasyunan ng higanteng
puno ulo ni humbaba. Nagkaroon ng kakaibang karamdaman si Enkidu na dahilan ng kanyang
pagkakaratay. Isinumpa niya si shamhat ngunit ipinaunawa ni shamash na si shamat ang nagpakain sa
kanya at nag alaga bago ipakilala kay Gilgamesh sa kanyang burol at ito ay mag iikot sa kagubatang
punong-puno ng pagdadalamhati. Natauhan si Enkidu at siya’y nagsisi sa pagsumpa, ngunit sa ikalawang
panaginip, nakita niya ang kanyang sarili na isinama ng anghel sa kamatayan sa daigdig ng mga patay. Sa
loob ng labingdalawang araw ay patuloy na lumala ang kondisyon ng Enkidu at siya ay tuluyang
namatay.

Labis na ikinalungkot ni Gilgamesh ang pagkamatay ni Enkidu. Nagpahatid siya ng panaghoy at hinikayat
ang kabundukan, kagubatan, kabukiran katubigan, at mababangis na hayop na makiisa sa kanyang
pagluluksa para sa kaibigan. Habang inaalala niya ang kanilang pakikipag sapalaran ay pinutol niya ang
kanyang buhok at pinunit ang kanyang damit sa paghihinagpis. Isang malaking piging ang idinaos
kasabay ng pag-alalay sa mga diyos ng daigdig ng mga patay upang masiguro ang magandang pag
tanggap nila kay Enkidu.

Naghihinagpis si Gilgamesh at nilibot nito ang kadawagan suot ang mga balat ng hayop. Dahil sa takot sa
sariling kamatayan, nagpasiya si Gilgamesh na hanapin si Utnapishtim upang malaman ang sikreto ng o
hanggang buhay. Si utnapishtim at ang kanyang asawang si siduri ay iilan lamang sa mga kaunting
nakaligtas sa malaking baha noong unang panahon. Sila ay nabigyan ng mga Diyos ng pagkakataong
maging immortal. Hindi naging madali ang paglalakbay ni Gilgamesh upang matagpuan si Utnapishtim.

Nang makarating siya sa lupain ng mga diyos, napansin niyang napakaganda nito at ang mga puno ay
namumunga ng mamahaling bato. Nakita niya rito si Siduri. Kinausap niya ito ay itinuro ni Siduri si
Urshanabi ang bangkero, siya ang magdadala sa kanya patungo kay Utnapishtim. Habang tinatawid nila
ang karagatan, nagalit si Gilgamesh at sinira niya ang mga malalaking bato. Ipinagtapat niya kay
Urshanabi ang buong kuwento at humingi ng tulong.

Sinabi ni Urshanabi na ang malalaking batong sinira niya sana ang makakatulong na matawid nila ang
dagat. Dahil dito, inutusan niya si Gilgamesh na pumutol ng isang daan at dalawampung puno at gawin
itong mga poste. Nang marating nila ang isla kung saan naroon si Utnapishtim, ipinagtapat ni Gilgamesh
ang kanyang pakay at humingi siya ng tulong. Sinabihan naman siya ni utnapishtim na walang saysay
ang labanan ng tao ang kanyang tadhana, sa halip ito ay nakababawas pa ng kaligayahan. Tinanong ni
Gilgamesh kung paano nakuha ni utnapishtim ang walang hanggang buhay. Ipinaliwanag ni utnapishtim
na ang mga diyos ay nagpasiyang magkaroon ng isang malaking baha.

Upang maligtas si utnapishtim ay sinabihan siya ng diyos na si EA na gumawa ng isang malaking Bangka.
Ang kanyang pamilya kasama ang iilang katulong na manggagawa, kasama ng lahat ng mga hayop sa
kagubatan at kabukiran ay sumakay sa Bangka. Pagkatapos nito ay nanalata na ang isang mapanirang
bagyo. Tumagal nang anim na araw at anim na gabi ang pananalasa ng bagyo at pagkatapos ay naging
putik ang mga tao. Nalungkot at naiyak si utnapishtim pagkakita niya sa mga nasalanta. Sumadsad ang
Bangka sa isnag bundok at nagpakawala siya ng isang kalapat, layanglayang at uwak. Nang hindi na
bumalik ang pinakawalang ibon ay nagpasiyang buksan ang pintuan ng arko upang lumabas ang mga
nakasakay roon. Nag alay ng sakripisyo si utnapishtim para sa mga diyos na nagtipon tipon. Si Ishtar ay
nangakong hindi niya malilimutan ang oras na iyon kagaya ng hindi niya paglimot sa makinang na
kuwintas na nakasabit sa kanyang leeg.
Nang dumating si Enlil ay nagalit siya nang malaman niyang may mga nakaligtas sa malaking baha at
kinastigo rin niya si EA sa pagpataw ng hindi patas na parusa. Pinagpala si Enlil si utnapishtim at ang
kanyang asawa ng walang hanggang buhay.

Hinamon ni utnapishtim si Gilgamesh na manatiling gising sa loob ng anim na araw at pitong gabi.
Nabigo si Gilgamesh na manatiling gising. Inutusan niya si siduri na maghurno ng tinapay bawat mga
araw na siya ay tulog upang hindi maitanggi ang kanyang kabiguang manatili nang gising. Ang nais niya
patunayan ni utnapishtim ay itong si Gilgamesh na nais labanan ang kanyang kamatayan ngunit hindi
man lamang malabanan ang antok. Inutusan niya si urshanabi na ibalik si Gilgamesh sa Uruk.

Bago sila lumisan, sinabi ni utnapishtim nasa pusod ng dagat ay may isang halaman na
makapagpapabata sa kanyang muli. Dahil dito, nagkaroon ng pag asa si Gilgamesh sa pagnanais na
maging immortal. Nagtagumpay si Gilgamesh na makuha ang halaman ngunit sa kanyang paghinto
upang maligo ay isang ahas na kumuha sa halaman. Tumangis si Gilgamesh kasabay nito ang pagkawala
ng pagkakataong mabuhay ng walang hanggan.Sa anyang pagbabalik sa Uruk ay napagtanto niyang hindi
talaga siya maaring mabuhay nang walang hanggan ngunit ang lungsod namang kanyang iiwan sa gitna
ng pighati ay muling magiging tanyag at kahanga hanga. Ang huling bahagi ng epiko ay angsasalaysay ng
pagkamatay ni Gilgamesh. Nagbalik tanaw ito sa pamamahala ni Gilgamesh sa Uruk. Ipinahayag din ni
Enlil na sa kabila ng pagkamatay ni Gilgamesh, ang kanyang alaala ay mananatiling nakaukit sa puso at
isipan ng tao sa lungsod ng Uruk

You might also like