You are on page 1of 4

Indarapatra at Sulayman

Salin ni Bartolome del Valle


Nang unang panahon ayon sa alamat, ang pulong Mindanaw ay wala ni kahit munting kapatagan. Pawang
kabundukan ang tinatahanan ng maraming taong doo’y namumuhay. Maligaya sila sapagkat sagana sa likas
na yaman.
Subalit ang lagim ay biglang dumating sa kanila na dati’y payapa.Apat na halimaw ang doo’y nanalot. Una’y
si Kurita na maraming paa at ganid na hayop pagka’t sa pagkain kahit limang tao’y kayang nauubos.
Ang bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimaw na may mukhang tao na nakakatakot kung ito’y
mamasdan, ang sino mang tao na kanyang mahuli’y agad nilalapang at ang laman nito’y kanyang kinakain na
walang anuman.
Ang ikatlo’y si Pah na ibong malaki. Pag ito’y lumipad ang bundok ng Bita ay napadilim niyong kanyang
pakpak. Ang lahat ng tao’y sa kuweba tumatahan upang makaligtas. Sa salot na itong may matang malinaw
at kukong matalas.
Ang bundok Kurayang pinanahanan ng maraming tao ay pinapaglagim ng isa pang ibong may pito ang ulo;
walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko pagkat maaaring kanyang natatanaw ang lahat ng
tao.
Ang kalagim-lagim na kinasapitan ng pulong Mindanaw ay nagdulot-lungkot sa maraming baya’t mga
kaharian; si Indarapatra na haring mabait, dakila’t marangal ay agad na nag-utos sa kanyang kapatid na
prinsipeng mahal.
“Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo ng inyong iligtas ang maraming taong nangangailangan ng tulong mo’t
habag”
“O mahal na hari na aking kapatid, ngayon din lilipad at maghihiganti sa mga halimaw ang talim ng tabak.”
Binigyan ng isang singsing at isang ispada ang kanyang kapatid upang sandatahin sa pakikibaka. Kanyang
isinasabit sa munting bintana ang isang halaman at saka nagsulit:
“Ang halamang ito’s siyang magsasabi ng iyong nasapit.”
Nang siya’y dumating sa tuktok ng bundok na pinaghaharian nitong si Kurita, siya ay nagmasid at kanyang
natunghan ang maraming nayong walang kahit isang taong tumatahan.
“Ikaw magbabayad, mabangis na hayop!” yaong kanyang wika.
Di pa nagtatagal ang kanyang sinabi, nagimbal ang bundok at biglang lumabas itong si Kuritang sa puso’y
may poot. Sila ay nagbaka at hindi tumigil hanggang sa malagot ang tangang hiningi niyong si Kuritang sa
lupa ay salot.
Tumatag ang puso nitong si Sulayman sa kanyang Tagumpay kaya’t sa Matutum, ang hinanap naman ay si
Tarabusaw; sa tuktok ng bundok ang kanyang namalas ang nakahahambal na mga tanawin:
“Ngayon di’y lumabas nag ika”y mamatay.”
Noon di’y nahawi ang maraming puno sa gilid ng bundok at ilang saglit pa’y nagkaharap silang puso’y
nagpupuyos. Yaong si Sulayma’y may hawak na tabak na pinag-uulos. Ang kay Tarabusaw na sandata
nama-sangang panghamablos.
At sa paghahamok ng dalawang iyong balita sa tapang, ang ganid na hayop sa malaking pagod ay
napahandusay.
“Ang takdang oras mo ngayo’y dumating na,” sigaw ni Sulayman at saka sinaksak ng kanyang sandata ang
pusong halimaw.
Noon di’y nilipad niyong si Sulayman ang bundok ng Bita. Siya’y nanlumo pagkat ang tahanan sa tao ay ulila;
ilang sandali pa ay biglang nagdilim gayon maaga pa at kanyang natantong ang kalabang ibon ay dumarating
na.
Siya ay lumundag at kanyang tianga ang pakpak ng ibon datapwa’t siya ring ang sinmang-palad na bagsakan
niyon; sa bigat ng pakpak, ang katawan niya’y sa lupa bumaon kaya’t si Sulayman noon ay nalibing na
walang kabaong.
Ang kasawiang ito ay agad nabatid ng mahal na hari pagkat ang halaman noon di’y nalanta’t sanga ay
nangabali:
“Siya ay patay na!” ang sigaw ng kanyang namumutlang labi,
“Ang kamatayan mo’y ipaghihiganti buhay ma’y masawi.”
Nang siya’y dumating sa bundok ng Bita ay kanyang binuhat ang pakpak ng ibon. Ang katawang pipi ay
kanyang namalas. Nahabag sa kanya ang kanyang bathala; biglang nagliwanag at ilang saglit pa ay nakita
niya ang tubig na lunas.
Kanyang ibinuhos ang tubig na yaon sa lugaming bangkay at laking himala. Ang kanyang kapatid ay dagling
nabuhay. Sila ay nagyakap sa gitna ng galak at ng katuwaan, saka pinauwi itong si Sulayman sa sariling
bayan.
Sa bundok ng Kurayan ang kanyang sinapit ay agad hinanap ang ibong sa tao’y nagbibigay lagim a
nagpapahirap. Dumating ang ibong kay laki ng ulo at ang kuko-matalas. Subalit ang kalis ni Indarapatra’y
nagwagi sa wakas.

Sa kanyang tagumpay may isang diwatang bumating magalang:


“Salamat sa iyo butihing bayani na upd ng tapang, kaming mga labi ng ibong gahaman ngayo’y mabubuhay.”
At kanyang namalas ng maraming taong noo’y nagdiriwang.
Nabihag ang puso ng mahal na hari sa ganda ng mutya kaya’t sa naroon ay kanyang hiniling na lakip ng
sumpa na sila’y ikasal. Noon di’y binuklod ng adhika ang kanilang puso,
“Mabuhay ang hari!” ang sigaw ng madla.
Ang tubig ng dagat ay tila hinigop sa kailaliman at muling lumitaw ang lawak ng lupang pawang kapatagan; si
Indarapatra’y hindi na bumalik sa sariling bayan at dito naghari sa mayamang lupa ng pulong Mindanaw.
Buod ng INDARAPATRA AT SULAYMAN

Noong araw ay may isang dakilang hari. Siya ay si Indarapatra, hari ng Imperyo
Mantapuli. Ang Mantapuli ay matatagpuan sa kanluran ng Mindanaw, doon sa
malayong lupain kung saan ang araw ay lumulubog. Si Indarapatra ay
nagmamay-ari ng isang mahiwagang singsing, isang mahiwagang kris, atisang
mahiwagang sibat.
“Hinagud, aking sibat, magtungo ka sa silangan at lupigin ang aking
mga kaaway!" utos ng hari.
Pagkatapos magdasal, inihagis niya si Hinagud nang malakas. Pagkatapos
makarating ni Hinagud sa Bundok Matutum, bumalik ito sa Mantapuli at nag-ulat
sa kanyang panginoon.
“Aking panginoon, maawa kayo sa mga taga
-Maguindanao. Sila'y pinahihirapan at pinaglalamon ng mga halimaw. Sinira ng
mga halimaw ang kanilang mga pananim at ang kanilang mga
kabahayan.Binabalot ng mga kalansay ang kalupaan!" ulat ni Hinagud.Nagalit si
Indarapatra sa narinig."Sino ang mga halimaw na iyon? Sino ang mga walang-
awang pumapatay sa walang kalaban-labang mga taga-Maguindanao?" galit na
tanong ni Indarapatra."Una'y si Kuritang maraming paa at ganid na hayop
sapagkat sa pagkain limang tao'y kanyang nauubos," sagot ni Hinagud."Ikalawa'y
si Tarabusao. Isa siyang halimaw na mukhang taong na nakatatakot pagmasdan.
Ang sinumang taong kanyang mahuli'y agad niyang kinakain. Ikatlo'y si Pah,
isang ibong malaki. Ang bundok ng Bita ay napadidilim niya sa laki ng kanyang
mga pakpak. Ang lahat ng tao'y sa kweba ay nananahanupang makaligtas sa
salot na itong na may matang malinaw at kukong matalas. Ikaapat ay isa pang
ibong may pitong ulo, si Balbal. Walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas
na mata pagkat maaari
niyang matanaw ang lahat ng tao” sunud
-sunod na paliwanag ng sibat.Nang marinig ito ni Indarapatra, nagdasal siya at
inutusan ang kapatid na si Sulayman, ang pinakadakilang mandirigma ng
kaharian, "Mahal kong kapatid, umayon ka at tulungan ang mga taga-
Maguindanao. Ito ang aking mahiwagang singsing at Juru Pakal, ang aking
mahiwagang kris.
Makatutulong ang mga ito sa iyong pakikidigma”.
Kumuha si Indarapatra ng isang batang halaman at ipinakiskis niya ang singsing
na ibinigay kay Sulayman sa halaman at kanyang sinabi, "Ang halamang ito ay
mananatiling buhay habang ika'y buhay at mamamatay kung ika'y mamatay."At
umalis si Sulayman sakay ng kanyang vinta. Lumipad ang vinta pasilangan at
lumapag sa ka-Maguindanaoan. Biglang dumating si Kurita. Biglang tumalon si
Jur Pakal, ang mahiwagang kris, at
kusang sinaksak si Kurita. Sila ay nagbaka at hindi tumigil hangga’t malagot ang
tanging hininga niyong si Kuritang sa lupa ay salot. Sa pakikidigma ni Sulayman,
nawala niya ang kanyang singsing.

You might also like