You are on page 1of 45

PAGBASA

Mga Batayang Kaalaman sa Pagbasa


Kahulugan at Hakbang

Ang pagbasa ay proseso ng pagkokonstrak


ng kahulugan mula sa tekstong nakasulat.
Isa itong komplikadong kasanayan na
nangangailangan ng ilang magkakaugnay
na hanguan ng impormasyon. (Anderson,
et al., 1985)
Ayon sa paglalarawan nina Wixson, et al.
(1987), ang pagbasa ay proseso ng
pagkokonstrak ng kahulugan sa
pamamagitan ng dinamikong interaksyon
ng mga sumusunod:

1. dating kaalaman ng mambabasa;


2. impormasyong taglay ng tekstong
binabasa; at
3. konteksto ng sitwasyon sa pagbasa
Ang pagbasa ay kapwa isang paraan ng
pagkatuto ng wika, paraan ng
komunikasyon at paraan ng pagbabahagi
ng mga impormasyon at ideya. Katulad ng
lahat ng wika, ito ay isang komplikadong
interaksyon sa pagitan ng teksto at ng
mambabasa na hinuhubog ng dating
kaalaman, karanasan, atityud, at
komunidad ng wika ng mambabasa, at ang
lahat ng ito ay culturally and socially
situated (http://www.wikipedia.org).
Dekowding
Ang dekowding ay ang pagsasalin ng
simbolo sa tunog o biswal na
representasyon ng salita.
Barayti ng mga Estratehiya sa
Dekowding
1. Morpema
2. Semantika
3. Sintaksis
4. Context clues
5. Integrasyon ng mga salitang nabasa sa
framework ng kaalaman
Hakbang sa Pagbasa ayon kina
Gray (sa Bernales, et al., 2001)
1. Persepsyon
2. Komprehensyon
3. Reaksyon
4. Asimilasyon
Persepsyon
Ang persepsyon ay pagkilala sa mga
nakalimbag na simbolo.
Komprehensyon
Pagpoproseso ito ng isipan sa mga
impormasyong ipinapahayag ng simbolong
nakalimbag.

Ang pag-unawa sa teksto ay nagaganap sa


hakbang na ito.
Reaksyon
Hinahatulan o pinagpapasyahan ang
kawastuhan, kahusayan, at pagpapahalaga
ng teksto sa hakbang na ito.
Asimilasyon
Iniintegreyt at iniuugnay ang kaalamang
nakuha ng mambabasa sa kanyang dati
nang kaalaman at/o karanasan sa hakbang
na ito.
Hakbang sa Pagbasa ayon kina
Caron at Ponder
1. Pagdedekowd ng mga Salita
2. Komprehensyon
3. Ebalwasyon
4. Aplikasyon
5. Retensyon
6. Fluency
Yugto ng Pagbasa ayon sa paglalarawan
nina Mortimer Adler at Charles Van Doren

1. Pagbasang Elementari
2. Pagbasang Inspeksyonal
3. Pagbasang Analitikal
4. Pagbasang Sintopikal
Pagbasang Elementari
Upang mamaster ang yugtong ito,
kailangang matutunan ang mga
pangangailangan ng sining ng pagbasa sa
pamamagitan ng salalayang pagsasanay at
pagkakamit ng inisyal na kasanayan sa
pagbasa. Karaniwang natututunan ito sa
paaralang primarya o preschool.
Pagbasang Inspeksyonal
Makikilala ang yugtong ito sa espesyal na
empasis sa oras. Sa yugtong ito, ang mag-
aaral ay binibigyan ng oras o panahon kung
kailan dapat matapos ang pagbasa. Ito,
kung gayon, ang sining ng iskiming ng
isang teksto sa paraang simetrikal. Dito,
tinatangka ang posibleng pinakamaayos at
pinakakumpletong pagbasa sa loob ng
limitadong oras o panahon.
Pagbasang Analitikal
Sa yugtong ito, ang pagbasa ay isang
komplikado at sistematikong gawain. Hindi
tulad ng pagbasang inspeksyonal,
tinatangka rito ang posibleng
pinakamaayos at pinakakumpletong
pagbasa sa loob ng oras o panahong
walang limitasyon. Ang mambabasa sa
yugtong ito ay maaaring magtanong kahit
pa ng maraming organisadong tanong.
Pagbasang Sintopikal
Tinawag itong Pagbasang Komparatibo ni Gestalt.
Ito ang pinakakomplikado at sistematikong yugto
ng pagbasa. Nangangailangan ito ng pinakamataas
na antas ng kasanayan. Ang mambabasa ay
kailangang makabasa ng maraming aklat at
maiugnay ang bawat isa sa isa’t isa sa isang
paksa. Hindi lamang niya kailangang
maipaghambing at maipagkontrast ang iba’t ibang
aklat. Kailangan niya rin maisintesays ang mga
akdang kanyang nabasa upang makahantong sa
mga obserbasyon at kongklusyong hindi
matatagpuan sa kanyang mga nabasa.
Piramide ng Yugto ng Pagbasa
Pagbasang
Sintopikal

Pagbasang
Antas ng Analitikal
Kasanayan

Pagbasang
Isnpeksyonal

Pagbasang Elementari
Uri at Paraan ng Pagbasa
1. Subvocalized Reading
2. Speed reading
3. Proofreading
4. Structure-Proposition Evaluation (SPE)
Method
5. Survey-Question-Read-Recite-Review
(SQ3R) Method
6. Multiple Intelligence-Based (MIB) Method
7. Rapid Serial Visual Presentation (RSVP)
Subvocalized Reading
Nagkokombayn ito ng sight reading at
internal sounding ng mga salita tulad ng
pagbibigkas sa mga ito.
Speed Reading
Koleksyon ito ng mga paraan ng
pagpapataas ng tulin sa pagbasa nang
hindi nababawasan ang komprehensyon at
retensyon. Mahigpit itong nauugnay sa
speed learning.
Proofreading
Uri ito ng pagbasa para sa layuning
matukoy at maiwasto ang mga
pagkakamaling tipograpikal.
Structure-Proposition Evaluation
(SPE) Method
Binabasa ang isang teksto sa metodong ito para sa:
1. Estruktura ng akda na kinakatawan ng
balangkas;
2. Lohikal na proposisyon na inorganisa sa sunod-
sunod na hinuha; at
3. Ebalwasyon ng merito ng mga argumento at
kongklusyon.

Nakapaloob dito ang suspendidong paghuhusga sa


akda hanggang ang akda o ang mga argumento nito
ay maunawaang ganap.
Survey-Question-Read-Recite-
Review (SQ3R) Method
Karaniwang ginagamit ito sa mga
pampublikong paaralan. Kinasasangkutan
ito ng pagbasa tungo sa abilidad na
maituro kung ano ang binasa.
Multiple Intelligence-Based (MIB)
Methods
Paggamit ito ng iba’t paraan ng pag-iisip at
pagkatuto ng mambabasa upang mapagbuti
ang kanyang pagpapahalaga sa teksto. Ang
pagbasa ay isang pundamental na linggwistik
aktibiti at maaaring maunawaan ng isang
mambabasa ang isang teksto nang hindi
gumagamit ng ibang katalinuhan, ngunit
karamihan ng mga mambabasa ay gumagamit
ng ibang katalinuhan haang nagbabasa upang
maging higit na vivid and memorable ang
kanilang karanasan.
Rapid Serial Visual Presentation
Nagsasangkot ito ng paglalahad ng mga
salita sa isang pangungusap nang paisa-isa
sa iisang lokasyon ng display screen sa
isang ispesipikong eccentricity. Ginagamit
ito upang makontrol ang pagkakaiba-iba ng
reader eye movement ng isang pangkat ng
mga mambabasa at sa pagsukat ng tulin sa
pagbabasa sa mga eksperimento.
Teorya sa Pagbasa
1. Tradisyunal na Pananaw
2. Kognitibong Pananaw
3. Matakognitibong Pananaw
Tradisyunal na Pananaw
Ayon kina Dole, et al. (1991), ang isang
baguhang mambabasa ay nakapagtatamo
ng isang set ng heirarchically ordered sub-
skills na sikwensyal na bumubuo sa
komprehensyong abilidad. Kapag namaster
ang mga kasanayang ito, ang mambabasa
ay itinuturing ng mga eksperto na
nakauunawa sa kanilang nabasa
Paniniwala ng mga Proponent ng
Tradisyunal na Pananaw
1. Ang mga mambabasa ay pasibong
tagatanggap ng impormasyon sa teksto.
Ang kahulugan ay nasa teksto at kailangan
lamang na ireprodus ng mambabasa ang
kahulugan.
2. Ang pagbasa ay pagdedekowd ng serye ng
mga nakasulat na simbolo sa mga awral na
katumbas tungo sa pagpapakahulugan ng
teksto. Ang prosesong ito ay tinawag ni
Nunan (1991) na pananaw na bottom-up sa
pagbasa. Tinawag naman ito ni McCarthy na
outside-in processing.
Kognitibong Pananaw
Ang modelong top-down ay direktang
oposisyon ng modelong bottom-up. Ayon
kay Nunan (1991) at kina Dubin at Bycina
(1991), ang modelong saykolingguwistik ng
pagbasa at ang modelong top-down ay
tumutugma sa isa’t isa.
Paniniwala ng mga Proponent ng
Kognitibong Pananaw
1. Ang pagbasa ay isang psycholinguistic
guessing game (Goodman, 1967, sa
Paran, 1996), isang proseso kung saan
ang mambabasa ay gumagawa ng mga
haypotesis, kalaunan ay nagpapasya
kung tatanggapin o hindi ang haypotesis
at gumagawa ng bagong haypotesis.
Ang mambabasa, hindi ang teksto, ang
nasa puno ng proseso ng pagbasa.
2. Ang teoryang iskima ay nakapaloob sa
kognitibong pananaw sa pagbasa.
Inilarawan ni Rumelhart (1977) ang
iskima bilang building blocks ng
kognisyon na ginagamit sa proseso ng
pag-iinterpret ng mga sensoring datos at
pagreretrib ng impormasyon sa
memorya.

Ang kognitibong pananaw ay nagbibigay-


diin din sa interaktibong kalikasan ng
pagbasa at sa konstraktibong kalikasan ng
komprehensyon.
Metakognitibong Pananaw
Ayon kay Block (1992), wala na ngayong
debate kung ang pagbasa ba ay bottom-up,
language-based process/top-down, o
knowledge-based process/schema. Ang
mga pananaliksik ay nakatuon na sa
ginagawang kontrol ng mga mambabasa sa
kanilanh kakayahang maunawaan ang
isang teksto. Ang kontrol na ito ay tinawag
ni Block (1992) na metakognisyon.
Metakognisyon
Kinasasangkutan ito ng pag-iisip hinggil sa
ginagawa ng isang mambabasa habang
siya ay nagbabasa.
Gawain ng mga Mambabasa sa
Proseso ng Metakognisyon
1. Pagtukoy sa layunin ng pagbabasa bago magbasa
2. Pagtukoy sa anyo o tipo ng teksto bago magbasa
3. Pag-iisip hinggil sa pangkalahatang karakter at
katangian ng anyo at tipo ng teksto;
4. Pagtukoy sa layunin ng awtor sa pagsulat sa teksto.
Ginagawa niya ito habang binabasa ang teksto
5. Pagpili, iskaning o kaya’y pagbasa nang detalyado
6. Paggawa ng patukoy na prediksyon tungkol sa
susunod na mangyayari, batay sa impormasyong
unang nakuha, dating kaalaman at kongklusyong
nagawa sa mga naunang yugto
Higit sa lahat, ang mambabasa ay
maaaring gumawa ng buod ng binasa.
Upang magawa ito, kailangang maisagawa
ng mambabasa ang pagkaklasipay,
pagsusunod-sunod, pag-uugnay-ugnay,
paghahambing at pagkokontrast, pagtukoy
sa sanhi at bunga, paghuhula at
paghihinuha, at pagbuo ng kongklusyon.
Estratehiya sa Aktibong Pagbasa
1. Predicting
2. Visualizing
3. Connecting
4. Questioning
5. Clarifying
6. Evaluating
Predicting
Subukan mong hulaan o hinuhain kung ano
ang mangyayari at kung paano magtatapos
ang seleksyon. Matapos ay alamin kung
gaano kaakyureyt ang iyong mga hula at
hinuha.
Visualizing
Buhayin sa iyong imahinasyon ang mga
karakter, pangyayari, at tagpuan upang
maunawaan kung ano ang nangyayari.
Kung ang akda ay di-piksyon, pagtuunan
ang mga imahe na nabubuo sa iyong isipan
habang nagbabasa.
Connecting
Iugnay ang binabasa sa iyong sarili. Mag-
isip ng mga pagkakatulad ng mga
deskripsyon sa seleksyon sa iyong mga
sariling karanasan, maging sa iyong mga
narinig o nabasa.
Questioning
Magtanong habang nagbabasa. Ang
paghahanap ng mga dahilan habang
nagbabasa ay makatutulong upang lalong
mapalapit sa binabasa.
Clarifying
Huminto paminsan-minsan upang suriin
ang iyong pagkakaunawa at asahang ang
iyong pagkakaunawa ay maaaring
magbago o madebelop habang
pinagpapatuloy ang pagbabasa. Kung
kinakailangan, basahin muli ang mga
bahaging malabo o gumamit ng ibang
hanguan upang maklaripay ang iyong pag-
unawa. Pansinin din ang mga sagot sa mga
tanong na una mong binuo.
Evaluating
Bumuo ng mga opinyon tungkol sa iyong
binabasa/binasa. Gawin ito habang
nagbabasa at matapos magbasa.
Karagdagang Estratehiya ayon
kina Applebee, et al. (2000)
Ang Going Beyond the Text ay ang
inbolbment ng isang aktibong mambabasa
ay hindi natatapos sa huling linya ng isang
teksto. Iminumungkahi nito ang
pagpapasya kung ano pa ang nais malaman
ng mambabasa. Maaari ring
makipagtalakayan ng mga ideya sa iba,
magsaliksik o magsulat kaugnay ng binasa.
Batis
Pagbasa @ Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
ni Rolando Bernales, et al.

You might also like