You are on page 1of 22

Aralin 2:

Mga kasanayan sa Mapanuring


Pagbasa
Ano ang pagbasa?
Ang pagbasa ay pagkilala ng mga simbulo o sagisag
ng nakalimbag at pagpapakahulugan o interpretasyon
sa mga ideya o kaisipan na gusto ng manunulat na ilipat
sa kaisipan ng mambabasa.
Ibat iba ang kasanayan na dapat paunlarin sa bawat
bahagi ng proseso ng pagbasa. Sa kabuuan, mahahati
ang mga kasanayan sa tatlong bahagi.
 Bago Magbasa
Habang Nagbabasa
Pagkatapos magbasa
1. Bago Magbasa
Sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasat ng tekstong
babasahin. Ang pagsusuri ng panlabas na katangian ng
teksto ay mahalaga upang malaman ang tamang
estratehiya sa pagbasa batay sa uri at genre ng teksto o
kung kinakailangan ba ito ayon sa tinakdang layunin ng
pagbasa. Kinapapalooban ito ng previewing o surveying
ng isang teksto na sa pamamagitan ng mabilisang
pagtingin sa mga larawan, pamagat at pangalawang
pamagat sa loob ng aklat
2. Habang Nagbabasa
Sa bahaging ito, sabay-sabay na pinapagana ng isang
mambabasa ang ibat ibang kasanayan upang lubusang
maunawan ang teksto. Ang kaniyang mga naunang
tanong at prediksyon bago magbasa ay
pinanghahawakan niya upang panatilihin ang pukos sa
aktibong pag-unawa sa binabasa. Sa bahaging ito
lumalawak at umuunlad ang bukabolaryo ng
mambabasa.
Mga pamamaraan upang maging epektibo ang pagbasa

 Pagtantiya sa bilis ng pagbasa - Binabago-bago ng mambabasa ang


bilis o bagal ng pagbasa sa hirap ng teksto at personal na kakayahan
sa pagbasa.
Biswalisasyon ng binasa – Gamit ang mga impormasyon mula sa
teksto at imbak na kaalaman, bumubuo ang mambabasa ng imahen
sa kaniyang isip habang nagbabasa.
Pagbuo ng koneksiyon - Pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng
teksto at imbak na kaalaman upang matiyak ang komprehensiyon.
Paghihinuha – Pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak
na kaalaman upang bumuo ng mga pahiwatig at kongklusyon sa
kalalabasan ng teksto.
Pagsubaybay sa komprehensiyon – Pagtukoy sa mga posibleng
kahirapan sa pagbasa ng teksto at paggawa ng mga hakbang upang
masolusyonan ito.
Muling pagbasa – Muling pagbasa ng isang bahagi o kabuuan ng
teksto kung kinakailangan kapag hindi ito nauunawan.
Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto – paggamit ng iba’t ibang
estratehiya upang alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita
batay sa iba pang impormasyon sa teksto.
Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa ang paglilipat
ng impormasyon sa matagalang memorya sa pamamagitan
ng elaborayon, organisasyon, at pagbuo ng mga biswal na
imahen.
Elaborasyon – ay ang pagpapalawak at pagragdag ng
bagong ideya sa impornasyong natutuhan mula sa teksto.
Organisasyon – ay pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng
iba’t ibang bahagi ng impormasyon na nakuha sa teksto.
Pagbuo ng biswal na imahen – ay paglikha ng mga imahen
at larawan sa isipan ng mambabasa habang nagbabasa.
3. Pagkatapos Magbasa
Upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa at
pag- alala sa teksto kahit natapos na ang proseso ng
pagbasa, mahalagang isagawa ng isang mambabasa
ang sumusunod.

• Pagtapos ng komprehensiyon – sagutin ang iba’t


ibang tanong tungkol sa binasa upang matasa ang
kabuuang komprehensiyon o pag-nawa sa binasa.
• Pagbubuod – Sa pamamagitan ng pagbubuod,
natututkoy ng manunulat ang pangunahing ideya at
detalye sa binasa.
• Pagbuo ng sintesis – Halos kagaya rin ito ng pagbubuod,
ngunit bukod sa pagpapaikli ng teksto, ang pagbuo ng
sintesis ay kinapapalooban ng pagbibigay ng perspektiba
at pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang pag-uanwa.
• Ebalwasyon – Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan
at kaangkupan ng mga impormasyong nabasa sa teksto.
Sa bahaging ito, tinutukoy niya rin kung ano ang halaga at
ugnayan ng teksto sa layunin ng pagbasa.
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na
kasanayan ay ginagawa bago,habang, o
pagkatapos magbasa. Piliin sa kahon ang wastong
sagot sa bawat aytem at isulat ito sa patlang.
1. Pagbuo ng mga biswal na imahen
2. Previewing ng teksto o mabilis na pagsusuri sa genre
at halaga nito sa layunin ng pagbasa.
3. Pagbuo ng organisasyon sa mga impormasyong
nakuha sa teksto.
4. Muling pagbasa sa mga hindi naunawaang bahagi
5. Ebalwasyon sa katumpakan at kaangkupan ng aklat
6. Pagsuri ng panlabas na katangian ng teksto
7. Pagtukoy sa kahulugan ng mga salitang hindi
maunawan sa pamamagitan ng pag-uugnay sa iba pang
impormasyong ibinibigay ng teksto
8. Pagbubuod o paggawa ng sintesis ng isang akda
9. Paghihinuha
10. Pagtantiya sa bilis ng pagbasa.
Pagkilala sa Opinyon o Katotohanan
Ang pagtukoy kung opinyon o katotohanan ang isang
pahayag ay mahalagang kasanayan ng isang
mambabasa, lalo na’t napakarami nang iba’t ibang
impormasyon ang maaaring makuha sa internet
Ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring
mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng
empirical na karanasan, pananaliksik o pangkalahatang
kaalaman o impormasyon.
Ang opinyon naman ay mga pahayag na nagpapakita ng
preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala
at iniisip ng isang tao.
Pagtukoy sa Layunin, Pananaw, at
Damdamin ng Teksto.
Ang layunin ay tumutukoy sa nais iparating at
motibo ng manunulat s teksto.
Hal: Naglalarawan ba ito o kaya ay nagkukuwento lang
ng isang tiyak na karanasan o sitwasyon?. Maaari ding
nangangatuwiran ito o kaya naman ay hinihikayat ang
mambabasa na pumanig sa opinyon o paniniwala niya.
Sa layunin, tunutukoy rin ang suliranin o pangunahing
tanong ng akda na nais solusyonan ng may-akda.
Ang pananaw naman ay ang pagtukoy kung ang
preperensiya ng manunulat sa teksto. Ibig sabihin,
natutukoy rito kung ano ang distansiya niya sa tiyak na
paksang tinatalakay. Nasa uang panauhan ba ito na
maaaring magpakita na personal perspektiba niya sa
paglalahad, o kaya naman ay nasa ikatlong panauhan
na nagbibigay ng obhetibong pananaw at paglalahad sa
paksa? Mula sa mahusay na pagtukoy ng pananaw,
nahihinuha rin ng mambabasa kung ano ang
kahihinantnan ng isang teksato.
Ang damdamanin naman ay ang ipinapahiwatig na
pakiramdam ng manunulat sa teksato. Maaaring
nagpapahayag ito ng kalihgayan, tuwa, galit,tampo, o
kaya naman ay matibay na paniniwala o paninindigan
tungkol sa isang pangyayari o paksa.
Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak, at
Rebyu
Ang paraphrase ay tumutukoy sa muling pagpapahayag
ng ideya ng may-akda sa ibang pamamaraan at
pananalita upang padaliin at palinawin ito para sa
mambabasa. Mahalaga ang paraphrase sa pananaliksik
upang tukuyin ang pinagmulan ng isang ideya o
kaisipan at ipahayag ito sa pamamaraan na
makatutulong sa pananaliksik.
Halimbawa:
Ayon kay Bienvenido Lumbera (2000 p. 130),
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, mahalaga
ang pagkakaroon ng isang wikang Pambansa na
magiging daluyan ng mga aspirasyon at pagpapahalaga
ng mga karaniwang mamamayan. Ito ay dahil sa mas
katanggap-tanggap ang paggamit ng wikang Inglesh sa
iba’t ibang sangay ng pamahalaan at paaralan, na
wikang hindi nauunawaan ng mamamayan.
Ang abstrak naman ay isang buod ng pananaliksik,
tesis, o kaya ay tala ng isang komperensiya o anomang
pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o larangan. Ang
abstrak ay nakatutulong upang mapabilis na makita ng
isang mambabasa ang kabuuang layag ng pananaliksik
kabilang ang mga layunin at kinalabasan nito. Sa ilang
publiksyon, tinatawag din itong precis o synopsis.
Ang rebyu naman ay isang uri ng pampanitikang
kritisismo ng ang layunin ay suriin ang isang aklat batay
sa nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat nito. Ang
mga nagsusulat ng rebuy sa pahayagan o online portal
ay gumagamit ng panunuri upang magpalaganap ng
sariling kaalaman sa sumusuporta o kaya ay
nagpapasubali sa nilalaman ng aklat. Maaring ang
rebuy ay naglalaman ng maikling buod ng aklat upang
magkaroon ng ideya ang mga mambabasa

You might also like