You are on page 1of 12

BATAYANG KAALAMAN SA

MAPANURING PAGBASA

Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa


ANO ANG
PAGBASA?
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN
NG PAGBASA

 Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na


Becoming a Nation of Readers, ang
PAGBASA ay isang proseso ng pagbuo ng
kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.
Ito ay isang kompleks na kasanayan na
nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t
iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng
impormasyon.
INTENSIBO AT EKSTENSIBONG
PAGBASA
 Intensibo

Kinapapalooban ng malalimang pagsusuri


sa pagkakaugnay-ugnay, estruktura, at uri ng
diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy sa
mahahalagang bokabularyong ginamit ng
manunulat, at paulit-ulit at maingat na
paghahanap ng kahulugan.
Ekstensibo

Ayon kina Long at Richards (1987),


nagaganap ang ekstensibong pagbabasa
kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa
ng maramihang babasahin na ayon sa
kaniyang interes, mga babasahing
kadalasang hindi kahingian sa loob ng
klase o itinatakda sa anomang
asignatura.
SCANNING AT SKIMMING SA PAGBASA
 Scanning
Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay
hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinatakda bago
bumasa. Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa
paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na
kinakailangang impormasyon.
Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa,
simbolo, larawan, o tiyak na sipi na makatutulong sa iyo,
scanning ang angkop na paraan ng pagbasa na dapat gamitin.
Ibig sabihin, may paunang pag-alam o pagkaunawa na sa
hinahanap na impormasyon at ang layunin ay matiyak ang
katumpakan nito na makikita sa mga libro o iba pang
sanggunian.
Skimming-Mabilisang pagbasa na ang layunin ay
alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung
paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang
diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at
layunin ng manunulat.
Mas kompleks ang skimming kaysa scanning dahil
nangangailangan ito ng mabilisang paraan ng
organisasyon at pag-alaala sa panig ng mambabasa
upang maunawaan ang kabuuang teksto at hindi lamang
upang matagpuan ang isang tiyak na impormasyon sa
loob nito.
PAGKILALA SA OPINYON AT KATOTOHANAN
 Katotohanan

Ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring mapatunayan o


mapasubalian sa pamamagitan ng empirikal na karanasan,
pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.

 Opinyon
Ang opinyon naman ay mga pahayag na nagpapakita ng
preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng
isang tao. Maaaring kakitaan ito ng mga panandang diskurso tulad
ng “sa opinyon ko,” “para sa akin,” “gusto ko,” o sa “tingin ko.”
PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW, AT
DAMDAMIN NG TEKSTO
1. Layunin
Ang layunin ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng
manunulat sa teksto. Mahihinuha ito sa pamamagitan ng uri ng
diskursong ginamit sa pagpapahayag.
Halimbawa, naglalarawan ba ito o kaya ay nagkukuwento
lang ng isang tiyak na karanasan o sitwasyon? Maaari ding
nangangatuwiran ito o kaya naman ay hinihikayat ang
mambabasa na pumanig sa opinyon o paninindigan niya.
Sa layunin, tinutukoy rin ang suliranin o pangunahing
tanong ng akda na nais solusyonan ng may-akda.
2. Pananaw
Ang pananaw naman ay ang pagtukoy kung ano ang
preperensiya ng manunulat sa teksto. Ibig sabihin,
natutukoy rito kung ano ang distansiya niya sa tiyak na
paksang tinatalakay. Nasa unang panauhan ba ito na
maaaring magpakita na personal ang perspektiba niya sa
paglalahad, o kaya naman ay nasa ikatlong panauhan na
nagbibigay ng obhetibong pananaw at paglalahad sa
paksa?
Mula sa mahusay na pagtukoy ng pananaw,
nahihinuha rin ng mambabasa kung ano ang kahihinatnan
ng isang teksto.
3. Damdamin
Ang damdamin naman ay ang ipinahihiwatig na
pakiramdam ng manunulat sa teksto. Maaaring
nagpapahayag ito ng kaligayahan, tuwa, galit, tampo, o
kaya naman ay matibay na paniniwala o paninindigan
tungkol sa isang pangyayari o paksa.
Dahil sa damdamin na ipinahahayag ng teksto, hindi
naiiwasan na ito rin ang nagiging pakiramdam ng
mambabasa sa pagbasa nito. Sa katapusan ng pagbasa,
maaari ding tasahin ng isang mambabasa kung
nagtagumpay ba ang manunulat na iparamdam ang
layunin ng teksto.
“Huwag kang magbasa, gaya ng
mga bata, upang libangin ang sarili,
o gaya ng mga matatayog ang
pangarap, upang matuto. Magbasa
ka upang mabuhay.”

-Gustave Flaubert

You might also like